CHAPTER 15

1162 Words
Analyn “Anak mo?! Nagpapatawa ka ba ha, Teng? Paano ka nakasisigurong anak mo si Alex, kung matagal na tayong hiwalay?” ngisi ko pa sa kanya upang galitin. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tiyaga nito sa pagsusungit ko sa kaniya. Nakaiirita kasi agad nito ipipilit na anak namin si Alex ng hindi pa niya hinihiwalayan si Sandee. Mahina ‘tong tumawa at pinagmasdan ako, kaya naman natigilan ako lalo na't umismid pa si Teng ng makita ang aking pagkabigla. “Gusto mo bang ipaalala ko sa ‘yo, kung bakit ko siya naging anak? Gusto mo bang i-detalye ko pa sa ‘yo, kung paano natin siya ginawa? Una tanda ko ay sa Laguna. Nasundan iyon sa Heritage hotel—” “Stop!” namumula ang mukha ko napatingin kay Nanay Hiyas. Pisti oi! Nakakahiya baka anong isipin nila Mutya. Buti na lamang wala akong nakitang pangungutya sa mata ng Nanay Hiyas. Pisti talaga ang gurang na ‘to inilalagay ako sa alanganin I'm sure rinig ni Mutya ang sinasabi ni Teng. Iyon pa namang kaibigan kong si Mutya. Sobrang bully kapag nasa mood akong tuksuhin noon hindi ako tatantan hangga't hindi ako napipikon. Hiya ko lang eh sigurado nakikinig ngayon iyon. “Bakit ayaw mong marinig?” “Isa Teng tumigil ka na kasi!” may pagbabanta sa aking boses. “Ayaw mo ba malaman na dati ay gustong-gusto mo ang mga yakap at halik ko. Ayaw mo ba maalala kung gaano ka kahigpit yumakap at tumugon sa mga halik ko? Baka naman takot ka lang aminin na hanggang ngayon ay hinahanap mo pa iyon kaya defense mechanism mo lang ang pagsusungit sa akin—” “Hoy! Ang kapal talaga ng face mo na gurang ka ha! Para sa kaalaman mo? Ibinaon ko na iyon sa tubig baha kaya limot ko na iyon ngayon. ‘wag masyadong bilib sa sarili mo, Sir Noah, baka tangayin ka ng kahanginan mo," “Really?” umitig ang kaniyang panga kinabig ako. Madali lamang niya iyon nagawa dahil kaharap ko siya ngayon at ang lapit, lapit lang talaga ng pagitan namin. “Teng!” binigyan ko ng lakas ang boses ko ngunit hindi talaga ako binitiwan. Lentek talaga nandito sa harapan namin si Nanay Hiyas. Nakakahiya itong ginagawa ni Teng Hindi bale ang anak ko dahil wala pa naman ‘to muwang. Malakas pa nga na tumili, para bang may kinakampihan si Alex ko, pero sana ako iyon ‘wag na sa hambog niyang ama. Sa buset ko sa kaniya, hinampas ko siya sa kaniyang balikat ngunit ako lang din ang nasaktan buset siya kasing tigas ng balat sa pagmumukha. Lalo akong nanggigil itinulak ko siya ng malakas. Nagtagumpay naman ako pinakawalan ako ni Teng, ngunit nasa magkalapit pa rin kami ayaw nito kumilos. Sinamaan ko siya ng tingin na kung nakakasunog lang natupok na siya sa aking umaapoy na mata. “P'wede bang lumayas ka na!? H'wag mo na gulihin ang buhay ko dahil tahimik na ako Teng. Tahimik na ako namuhay rito,” sabi ko naging garalgal na ang boses ko. Ewan ko bigla lang akong naging emosyonal. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, dahil uminit ang aking mata. No way! Hindi niya ko p'wede makitang umiiyak. Ayaw kong makita ni Teng na mahina ako. “Anak ko si Alex, diba? Kahit ayaw mong aminin. Dugo’t laman ko siya, Analyn. Galing siya sa akin?” may galit sa boses ni Teng ng ako'y tanungin. “Hindi!” Napahilot ‘to sa bridge ng kaniyang ilong tila nauubusan ng pasensya pinagmasdan nito ako. “P'wede ka ng umalis. Ikakasal ka na bukas, Teng. Please lang ‘wag mo ng gulihin ang buhay naming mag-ina, dahil wala kang anak. Hindi tayo nagkaanak,” “Ipipilit mo pa rin iyan itatanggi sa akin, ha? I have proof. Kung gusto mo makita ang picture ko noong baby pa ako xerox copy ko si Alex. Iisa kami ng mukha Analyn, kaya paanong hindi ko siya anak. Kung duda ka pa may DNA test baka nakakalimutan mo? Gusto mo ba umabot pa sa DNA test para lang umamin ka sa akin, ha?” “Paano ka nagkaroon ng picture?” pilit kong nilabanan ang aking kaba sa dibdib. Mapaklang tumawa si Teng tinitigan niya akong may mapait na ngiti sa kaniyang labi. “Yeah, oo nga paano nga ba ako nagkaroon noon ‘no?” mapang-asar nitong tawa. “Anong nakakatawa?” humalukipkip ako. Tumikhim ito balik sa madilim niyang mukha. “Dahil wala akong kinagisnan totoong magulang, kaya siguradong-sigurado ka na wala akong larawan noong baby pa ako? Diba iyan ang nasa isipan mo?” “Bakit meron ba? Diba nga anak-anakan ka lang naman ni mang Arnel?” “Yeah pero nagkita na kami ng Mama ko. May Lolo pa nga ako para sa kaalaman mo. Gusto mo ba makita ang picture ko noong baby pa ako? Para naman hindi mo na ipagpilitan na hindi ko anak si Alex!” lumakas ang salita ni Teng, ngunit dali rin naging mahinahon ng sumigaw si Alex, tila pinagalitan ang papa niya. Napahilot si Teng sa kaniyang batok at mabigat na huminga. Tumikhim si Nanay Hiyas kaya natigil kami ni Teng magtalo. “Aakyat lang kami ni Alex, Analyn. H'wag masyadong malakas ang boses n'yo ha? Magugulat ang anak n'yo. Tsaka na kayo magsigawan kapag hindi naririnig ng bata. Hindi maganda pakinggan mga anak, kung nag-aaway kayo na nasa harapan ng bata,” wika ni Nanay Hiyas pagkatapos hindi na nito inantay na ako'y makasagot umakyat na kasama ni Alex. “Narinig mo iyon? Anak natin sabi ni Nanay Hiyas,” binigyan diin ni Teng ang ‘anak natin’ pagkatapos dismayado akong pinagmasdan. “Hanggang kelan mo balak sabihin sa akin nagkaanak tayo ha, Analyn?” tanong ni Teng na walang kasing lamig ang boses nito. Napalunok ako dahil wala na ang dating lambing at suyo ng boses nito. Yeah, anong nakapagtataka na inalis na niya ang tawag niya dati sa akin na ‘mahal’ e, may Sandee na siya at bukas na ikakasal. Siguro nga kailangan ko na rin ipakilala si Alex sa kaniya. Ngunit hanggang doon na lang. Hindi ko ipagkakait ang anak ko na kilalanin siya at dalawin niya rito. Hindi ako lalayo dahil nakakapagod tumakas. Lalo kung katulad ni Teng, na mayaman na ngayon. Hindi ko na siya mapagtataguan ngayon kayang-kaya na niya akong hanapin saan man ako sulok ng Pinas magtago. “Wala ka talagang balak na sabihin sa akin kahit noon na buntis ka? Wala ba akong karapatan. Oo nga pala nakalimutan ko mahirap lang ako hindi ako gusto ng pamilya mo—” “Hindi ‘yan totoo!” Suminghap ako tinalikuran siya. “Kung ganoon anong totoo ha, Analyn?! Ipaliwanag mo at ng maintindihan ko. Magpaliwanag ka at ng alam ko ang dahilan mo bakit mo itinago si Alex sa akin. Tang-na! Palagi mo na lang akong niloloko. Noon at ngayon palagi mo na lang akong pinahihirapan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD