Analyn
“Sorry Akhiko, ha? Napasubo ka tuloy dahil sa kalokohan ni Mutya,” hingi ko ng paumanhin sa kaibigan ko dahil sa nangyari kanina.
Naglalakad na kami pabalik ng bahay. Amoy hospital pa nga ako hindi pa nakabihis sa biglaan pagdating kanina ni Teng.
“Siya ba ang Tatay ni Alex?” tanong ni Aki tinitigan ako.
I sighed deeply.
“Yeah. Siya nga Aki, at nagtataka ako kung bakit bigla-bigla lang ako ginugulo,”
“Tingin ko interesado pa sa iyo ang ex-boyfriend mo. Lalaki rin ako, Analyn. I saw in your ex-boyfriend's eyes that he was jealous when I arrived,”
“Namalikmata ka lang Aki. Malabo iyang sinasabi mo. Maari pa kung galit mas maniniwala pa ako.”
“Believe me. Sigurado ako sa aking nakita. Pupusta ako ng isang milyon, kung hindi iyon interesado sa ‘yo. Kaya iyon pumunta rito sa lugar natin dahil gusto kang makita.”
“Tsk, may isang milyon ka ba?” kunwaring irap ko.
“Ouch naman my love, ang harsh mo sa akin,” sabi nito umarte akala mo talagang nasaktan.
“Hoy! Tigilan mo ako sa my love mo ha? Akhiko. Mamaya niyan mayroong makarinig at maniwalang may relasyon tayo, ha?”
“Edi, ang cute noon. Mas gusto ko nga….ito naman biro lang,” sabay tumigil si Aki, paano inambahan ko ng suntok.
“Isisingit mo pa talaga alam mo basted ka na,” ani ko.
“Syempre tanggap ko naman hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay sa akin,” sabi nito kakamot sa buhok niya.
“Maganda na nagkakaintindihan tayo Kapitan Aki. Ayaw ko kasi na paasahin ka,”
“I know. Nakikita ko naman. Hindi pa nga nagpakita ang ex mo wala na akong pag-asa. Ngayon pa kaya, na nagbalik na siya. Lentek na buhay ‘to oo, sino ba kasi ang nagpauso ng pinagtagpo lang tayo, ngunit hindi mo naman pala ako gusto,”
Bumungisngis ako. Siraulo talaga ‘tong barangay chairman namin minsan comedy.
“Siya sibat na Kapitan. Nasa tapat na tayo ng bahay namin,”
“Kitam mo nga pagkatapos mo akong gamitin palalayasin mo na,”
Natawa ako kasi umarte umiiyak. Tinulak ko si Aki sa noo.
“Umayos ka mamaya niyan hindi ka na iboto sa sunod na eleksyon kapag nakitang iyakin ang aming Kapitan.”
“Sus, edi nawalan sila ng gwapong Kapitan Aki, kapag nilaglag nila ako,”
“Oo na lang. Siya alis na papasok na ko sa loob wala pa akong bihis simula pa kagabi.”
“Kaya pala naamoy ko,” tukso pa ni Akin sa akin tinakpan ang ilong.
“Sobra ka Aki.”
“Joke lang masyadong seryoso. Eh, kumusta nga pala si Alex? Wala na bang sakit?” nagtanong pa bago tuluyang lumayas.
“Ayos na siya sa ngipin lang pala,”
“Mabuti naman babalik ako mamaya kapag natapos ko ang gawain ko—”
“Luh! Busy ka pala, sorry Kapitan Aki—”
“Wala iyon maliit na bagay basta para sa kaibigan ko. Ito totoo na ito ako'y lalakad na,” sabi nito umalis na nga.
Sinundan ko ito ng tingin habang papalayo. Kung kaya nga lang turuan ang puso ko good cath na si Aki, ngunit wala talaga eh.
---------
“Lyn!”
“Ay kabayong walang ligo-ligo!”
Nataranta akong tumayo sabay dinampot ng mga folder sa table ko pagkatapos humakbang na ako nang marinig ko ang tawa ni Ate Jo, natigilan ako sabay natampal ko ang noo ko sa pagmali-mali ko kilos.
“Pambihira ka Analyn, epekto ba iyan ng sobrang kape or puyat ka kaya lutang ka?” sabi pa nito tatawa-tawa.
“Ate Jo naman bakit ka po nanggugulat,” nakalabi ko reklamo sa kaniya.
“Bakit kasi kung saan-saan umaabot ang isip mo ha, Analyn? Parang tinawag ka lang naman,”
“Puyat lang po ako, Ate,” palusot ko sa kaniya.
“Bakit ka puyat? Wala naman tayong overtime kagabi ah,” may duda na tumingin si Ate Jo, sa akin.
“Ay si Ate Jo, ang marites. Siya nga pala bakit ka naparito? May sadya ka po ba, kay boss?” wika ko bumalik sa upuan ko kunwari inaayos ko ang mga folder na ibinalik ko sa table ko.
“Pakidala naman nitong payroll kay boss Manuel, kailangan niyang mapirmahan ngayon. Ayos lang ba sa 'yo?” aniya inangat ang dala niyang folder.
“Oo naman Ate, iyan lang ba?” tugon ko sa kaniya.
Pinagmasdan niya ako kaya nagtataka nagsalubong ang kilay ko. Kinunot ko pa ang aking noo upang makita ni Ate Jo, hindi ako komportable na matiim niyang tinitigan.
“Ate akina na po iyan. Ako na ang bahala. Dadalhin ko na lang po before lunch sa table mo,” nilibang ko dahil grabe kung pagmasdan niya ako.
Ang akala ko nga inalis na ang paninitig niya sa akin. Ngunit ayon pa rin matiim akong pinagmasdan.
“Ate bakit po ba?” naguguluhan na ako sa kilos niya.
“Parang may napansin ako sa ‘yo,” aniya ang seryoso pa naman ng pagkakasambit kaya nanlaki ang aking mata.
Kinapa ko ang aking mata baka iyon ang nakita. Kahit kasi ako kanina sa salamin napansin ko rin iyon. Nangalumata na ako. Iyon siguro ang napansin ni Ate Jo. Ilang araw na kasing mailap ang maayos na tulog ko.
Dati naman kapag tulog na si Alex. Agad din akong nakatutulog. With matching hilik pa nga. Pero nitong huling apat na araw, palagi akong nagigising sa madaling araw.
Wala naman akong ibang iniisip. Nakatitig lang ako basta sa kisame gano'n lang.
“Ahm… si Ate Jo, pinagloloko po ako. Ano naman po ang mag-iiba sa akin. Wala naman po akong pera pang-enhanced ng ganda. Kaya ako pa rin ‘to. In short original pa rin ang mukha ko,” sabi ko pa pagkatapos sa screen na lang ng desktop ako tumingin.
“Sira napansin ko ang kapal ng eyebags mo. Natutulog ka pa ba?” nakangiti na siya ngayon.
Mabuti naman iyon lang ang gusto n'yang sabihin. Slight akong kinabahan. Akala ko mayroon pang iba.
“Oo naman ate Jo,” sagot ko ngunit hindi ko siya tiningnan, maliban lang sa huli n'yang binanggit na ‘kasal’ natigilan ako ngunit kalaunan tumingin ako sa kaniya dahil agad akong nakabawi.
“Bukas na ang kasal nila Sandee. Pupunta ka ba? Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya kahit text,” aniya.
Kunwari nanlalaki ang aking mata.
“Hala! Meron po ba? Naku po nasira kasi ang phone ko simula pa kahapon. Kasi nakalimutan ko nasa bulsa ko pala at nadala ng ako’y mag-CR. Nalaglag po sa timba na puno ng tubig. Pinatutuyo ko pa. Ewan nga po kung aayos pa iyon,” pagsisinungaling ko sa Ate Jo.
“Ano pupunta ka ba?” pangungulit nito.
“Saan nga pala ang venue, ate?”
“Sa Ardin Palace. Sa Cainta rin daw iyon, gusto mo ba sabay-sabay na tayo magtungo roon? Sabi ni boss Manuel, maari daw tayo ngayon mag-undertime,” sabi pa nito.
Lihim akong napalunok. Hindi kasi talaga ako pupunta. Alam ko rin na panay text ni Sandee sa akin. Kung pupunta raw ba ako bukas sa kasal niya.
Lagi ko sinasagot kay Sandee. Titingnan ko lang ngunit hindi ako mangangako.
Kagabi tinadtad ako ng text at tawag din. Hindi ko lang sinagot. Umiiwas na nga ako kay Teng, pupunta pa ba ako. Parang martyr na ako niyan sasaktan ang sarili kung maga-attend ako sa kasal nila ni Teng.
“Alas-tres tayo mag-out Analyn. Kaya ngayon mo na ‘yan papirmahan kay, Sir Manuel, iyang payroll natin para maihabol mamaya ala-una,”
“Noted po ito ate Jo. Basta ihahatid ko kaagad Ate, kapag may pirma na ni Sir Manuel.” wika ko para sana umalis na ayaw ko na kasi pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal ni Sandee at Teng.
“Sige babalik na ako sa table ko. Kung sasabay ka bukas sa amin ni Cora. Text mo ako ha?” kabilin bilinan pa nito sa akin bago tuluyang umalis.
Pagkatapos ko maibigay kay Ate Jo ang payroll. Naging busy na ako. Si Sir Manuel din maraming pinag-aaralan na papers.
Hindi ko nga maalala out na sila ate Jo kung hindi pa ako dinaanan nito.
“Ano mamaya ka pa?” sabi nito.
“O-oo Ate Jo. Sorry hindi ako makasabay sa inyo rush daw ‘to sabi ni Sir Manuel. Sige na po Ate, mauna na kayo kasi tatapusin ko pa po itong in-encode ko. Asap kasi need ng Whopper Company.”
“Sige, kita-kits bukas kung pupunta ka,”
“Oo Ate Jo. Ingat ka po,” sagot ko.
Inabot pa ako ng alas-singko ngunit nasa office pa si Sir Manuel. Sumilip ako sa pinto upang magpaalam.
“Hindi ka pa po uuwi Sir?”
“Mamaya pa Ms. Joring,” aniya nasa laptop pa ang mata.
“Out na po ako Sir Manuel,” wika ko.
“Ok,” tipid na sagot.
Busy nga si Sir, pati sa pagsasalita tinatamad siya.
“Kuya Omeng nasa taas pa si Sir Manuel ha? Tsaka mayroon po nag-overtime sa second floor pinasasabi po nila.”
“Sige Analyn, ingat sa pag-uwi.”
Naglalakad ako upang tumawid sa stoplight patungo Parklea ng mayroon tumabi sa akin at inakbayan ako ng lalaking naka jacket. Mata lang ang nakalabas dahil sakop ng malapad niyang suot na facemask ang mukha nito. May suot din na sumbrero kaya hindi makikilala kung gagawan ako ng masama.
“Miss, tigil,” bulong nito ayaw makaagaw ng pansin ng mga taong kasabay kong tumawid.
Tinutukan ako ng kutsilyo. Kaya napamulagat ako pati ang palad ko ay nanlamig.
“H’wag kang gagawa ng eksena kun'di butas ang tagiliran mo.”
“Kuya, kung pera ang kailangan mo wala po ako noon. Bago lang po ako sa trabaho kaya wala kayo makukuha sa akin.”
“Lakad at ‘wag madaldal,” sa halip ay sagot nito kaya napalunok ako sa takot.
Sinabi niyang lakad kaya tutuloy ako ngunit hindi raw doon.
“Dito tayo. Basta sumunod ka lang sa utos ko,”
“K-kuya, maawa kayo sa akin. Kung kidnaping ‘to wala po akong pantubos. Lugi po kayo dahil wala na po akong kamaganak.”
Wala hindi ako pinansin. Naglakad kami pabalik at may kotseng nakaabang nang makarating kami sa kalsada na daanan ng sasakyan.
"Kuya parang awa mo na po. Hindi ako magsusuplong sa Pulis. Wala po kayo makuha sa akin—"
“Sakay!”
“Kuya ano ba! Hindi ako sasama, bitiwan n'yo ako ano ba—”
Dahil sisigaw na dapat ako ngunit tinakpan na nito ng kanyang palad ang bibig ko. Kakagatin ko na sana subalit marunong bumasa ang gagong lalaki sa naisip kong gawin. Hindi nangyari ang gusto ko sa halip nagtagumpay ang lalaki na maisakay ako sa kotse nito.