Analyn
Nang tuluyang maipasok ako sa loob ng kotse, mabilis ang pangyayari. Mayroong sumugod sa lalaking gustong dumukot sa akin. Sunod-sunod na inundayan ng malakas na suntok sa sikmura ang lalaking gusto dumukot sa akin.
Sakto lang kasi naisara nito ang pinto ng sasakyan kaya naabutan pa siya ng bagong dating na lalaki. Talong-talo siya kasi malaki ang katawan ng bagong dating na lalaki at para bang batak sa ehersisyo.
Nakakuha na sila ng atensyon sa mga dumadaan sa kalsada. May iilan na tumigil mga chismosa at chismoso nanood na para bang isang shooting sa pelikula.
Pinanonood ko rin kung paano napa igik sa sakit ang lalaking gustong dumukot sa akin, nang isa ulit na suntok ang ipinatama sa kaniya ng lalaking bagong dating, pumalakpak pa ako.
“Ganiyan nga, sige itodo mo pa gulpihin iyang hudas na iyan,” sabi ko pa. Tuwang-tuwa pa ako ng matanggal ang facemask nito. Kung anong masamang gawain gano'n din kasama ng mukha nito.
Sinapak ulit nito ng lalaki napa suntok pa ako sa hanging. Buti nga sa 'yo iyan ang napala mong pangit ka. Bubulong-bulong pa ako’t tuwang-tuwa pinanonood kung paano siya gulpihin ng bagong dating na lalaki. Lentek siya kamuntikan na iyon ha. Mabuti na lang mayroon nagmalasakit tumulong sa akin.
Ay anak ng patola bakit ba nandito pa ako sa loob ng sasakyan. Putrages! Sitting pretty pa ako na parang hindi ako dumaan sa panganib.
Shitty! Bakit hindi pa ako kumikilos kamote ko talaga dapat lumabas na ako. Natampal ko ang noo ko. Inayos ko ang aking sarili at binitbit ko ang aking shoulder bag upang lumabas ng sasakyan.
Dali-dali kong binuksan ang pinto. Timing sumadsad ang lalaking gustong dumukot sa akin. Tumama pa iyon sa likuran niya kaya napa daing ito sa sakit. Doble-doble na ang natamo n'yang pinsala na dapat lang ‘no! Muntik n’ya akong madukot gago siya.
Buti nga sa kaniya animal siya magkandaihi ako sa takot kanina, sa isipin na magtagumpay na matangay niya ako. Iyan ang ganti ko sa kaniya.
“Tama na po boss, holdup lang po iyon,” pakiusap nito sa lalaki tumulong sa akin. Hawak na nito ang nasaktan tiyan nakauklo dahil ilang suntok ba naman ang natamo nito.
Sa buset ko sa kanya. Hinampas ko ng shoulder bag ko nagtaas ‘to ng kamay. Holdup? Eh may kotse. Nag-upgrade na pala ang holdaper ngayon hindi ako na inform.
Kahit naman hindi bago ang kotse nito at least may kotse pa rin. Or baka naman galing sa nakaw kaya may kotse na ito. Hanep kawawa ang nakuhaan nito hindi magbanat ng buto gusto easy money kalalaking tao.
“Holdaper huh! Sa sunod pili ka ng mga mayaman hindi iyong kagaya ko na simple minimum wage lang ang sahod. Gago ka!” sabi ko pa sa lalaki nakahawak sa tiyan nito
Humakbang ako upang umalis na. Subalit hindi pa ako nakalalayo tinawag ako ng lalaking tumulong sa akin.
“Miss sandali!” saad nito.
Ayaw ko sanang tumigil ngunit naisip ko rin, wala akong galang hindi ko pa siya napasasalamatan lalayas na ako. Dapat magpasalamat ako kasi kung hindi dahil sa kaniya baka nasa malayong lugar na ako.
Pulis kaya ito? Kasi malakas ang loob makialam sa gagong lalaking gustong tumangay sa akin.
Humarap ako sa kaniya. Hindi ito nakangiti, hindi rin nakasimangot. Medyo may hitsura at malaking lalaki rin ngunit ayaw kong basta-basta magtiwala rito.
“Kung gusto mong magreklamo nandyan lang ang outpost sasamahan kita,” aniya itinuro ang police station sa kabilang kalsada.
“Hindi na po kuya ano kasi kailangan ko ng umuwi,” sagot ko sa kanya.
Kumunot pa ang noo nito tila ba hindi nagustuhan ang aking sagot. Eh sa ayaw ko abala pa sa oras. Wala naman nangyari. Isa pa, baka abutin ako ng traffic hindi ko maabutan na gising ang anak ko.
“Salamat po kuya. Pakitadyakan na lang po iyan sa kalsada at ng masagasaan ng mga sasakyan,” sabi ko kinalaglag ng kaniyang panga.
Hindi yata nito nasakyan ang aking biro. Pambihira obvious naman na masama iyong inuutos ko nagulat pa siya.
“Si Kuya sobrang seryoso. Joke ko lang po iyon ‘wag mo po seryosohin,” saad ko pa sa kaniya.
Napakamot sa buhok nito naiiling pa. Tumikhim para bang may gusto siyang sabihin, ngunit ewan ko bakit hindi na niya itinuloy. Bahala siya mukha naman na old na ito kung maging mahiyain pa.
“Bye kuya. Salamat po sa tulong mo,” wika ko at naglakad na ako palayo.
“Miss…” muli akong tinawag. Lumingon ako sa kaniya nag-antay kung anong sasabihin niya. Nang wala naman siya sasabihin, nagpasya na akong talikuran siya. Ngunit kung kelan namam ako naka tatlo ng hakbang, saka may pahabol siyang salita.
Tumigil ako muli humarap sa kaniya.
“Sa sunod mapagmatyag ka sa iyong paligid at palaging magi-ingat,” wika nito sa akin.
Tumango ako kahit may pagtataka sa isip ko bakit siya may malasakit sa akin. “Salamat po,” pagkatapos itinuro ko na lalakad na ako.
Nasa jeep na ako nakasakay nang may mag-text na unknown number. Ganito kasi ako kapag maayos ng nakaupo inaabala ko ang sarili mag-scroll ng mga picture ni Alex. Minsan online sandali tse-check kung sinong nag-chat.
In-open ko ang inbox upang maayos na mabasa.
Unknown number: nasaan ka?
Ha? Ano ‘to scam text? Or wrong send kaya hinayaan ko lang.
Kaya nga lang wala pang dalawang minuto may text ulit na same number pa rin.
Unknown number: gusto kitang makausap.
Mukhang magka LQ pa yata ang ka text nito. Naisip ko na lang i-blocked upang hindi ko na ma receive ang text nito.
Napuno ang jeep. Nag-umpisa ng tumakbo. Ibinalik ko na rin ang phone ko sa aking bag. Hindi ako umiidlip kahit antok na antok ako sa byahe. Takot kasi akong lumampas sayang ang pamasahe.
“Kuya para po sa tabi,” nang makarating ako ng Rosario.
Sakto naman puno na ang tricycle nang dumating ako sa terminal kaya agad ako nakarating sa bahay.
Pagbaba ko ng tricycle. Nasa loob kasi ako ng tricycle napatda ako ng makita ko ang kotse ni Teng.
What the…
Nasa loob ba ito? Wait lang anong ginagawa ng tukmol sa lugar namin.
Mabilis akong lumakad patungo sa pinto ng bahay namin. Walang tao sa tindahan ni Mutya. Nakabukas ang screen ng pinto sa bahay. Tinulak ko naka lock iyon.
Kakatok na sana ako ng bumukas at si Mutya ang nagbukas.
“May pogi kang bisita,” ngisi ng kaibigan ko.
“Huh? Nandito ba si Aki?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi si Kapitan Aki ‘wag kang swapang,” bungisngis nito.
“E, wala naman akong naisip na p'wede bisita,” laban ko sa kaniya.
“Nandito si magsi-silver,” sabay hagikhik ni Mutya ngunit ako napatitig sa kaniya natulala.
“Anong nangyari sa ‘yo Analyn, sinabi ko lang si magsi-silver na engkanto ka na,”
“Si Teng…” I whispered.
“Mismo! Akala ko nakalimutan mo na,” sabi pa ni Mutya hindi lang nito nahalata ang problemado kong hitsura.
“Si Alex pala?” napamulagat ako nang maalala ako ang anak ko.
“Nandoon nagpasikat sa bisita mo. Panay pa-pa-pa, ma-ma-ma. Puntahan mo na at kausapin mo. Mukha naman mabait. Nandoon sa sala at kanina pa ni Nanay, inulan ng katanungan. Pero s'yempre iba pa rin kung kayong dalawa ang mag-uusap.”
“Mutya ikakasal na iyan bukas bakit pa siya nagpakita.”
Napawaang ang labi ng kaibigan ko. Tila hindi ito makapaniwala.
“Talaga? E, gago pala iyon bakit nagpunta rito ikakasal na pala. Ano, gagawin kang kabit?"
“Hindi ko alam Mutya, hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng ama ni Alex. Ayaw kong masaktan ang fiancee niya dahil hindi noon deserve na masaktan. Kung makikita mo lang si Sandee, tutubuan ka ng konsensya.”
“Kilala mo?”
“Sorry…hindi ko sinabi sa inyo na fiancee ni Teng ang pinalitan ko sa trabaho in-apply-an ko.”
Napasinghap si Mutya, humawak pa sa dibdib.
“Komplikado masyado girl,” anang Mutya.
Dahan-dahan akong tumango. “Kaya iniiwasan ko siya Mutya, ayaw kong makasakit ng tao. Okay na naman kami ni Alex. Pero ngayon, mukhang magiging magulo ang dating tahimik naming buhay ng anak ko.”
Tinapik ako sa balikat ni Mutya na tila ba nauunawaan niya ang aking ibig sabihin.
“Kausapin mo lang para kay Alex. Sige na pagod ka pa sa biyahe. Kanina pa niya tenext, blocked mo raw siya,” wika ni Mutya.
“Ah, siya pala iyon?” mahina kong sabi.
May bumili iniwan na ako ni Mutya. Malakas ang t***k ng dibdib ko habang palapit ako sa sala.
Una akong nakita ni Nanay Hiyas. Tinawag ako kaya lumingon si Teng nakataas kilay.
“Alex, nandyan na si Nanay mo,” magiliw na sabi ni Nanay Hiyas. Naglilikot na si Alex, lalo ng makita na ako. Gustong pumunta sa akin ng anak ko kaya napangiti ako. Mamaya ko siya kukunin hindi pa ako nakapagbihis.
Nag-umpisang dumaldal si Alex, para bang marami siyang experience maghapon at kinukwento ang mga iyon sa akin. Kaya napunta sa anak ko ang atensyon ko aliw na aliw ako kasi kinakausap niya ako.
Hinalikan ko si Alex sa magkabilang pisngi. Sinabunutan pa ako kaya ako'y napabungisngis.
"Mamaya po kakargahin ni Nanay ang baby Alex ko, kasi magbibihis muna po, ha?" malambing kong kausap sa anak ko.
“Bakit hindi mo ako nireplyan?”
Natigilan ako sa boses ni Teng na parang nababanas.
Galit na naman? Hindi ako sumagot sa kaniya. Hindi ko trabaho reply-an siya anong pinagsasabi nito.
Nagulat ako tumayo si Teng hindi ko na paghandaan ang kilos nito inaangat ang braso ko para bang may hinahanap.
“Are you ok? Nasaktan ka ba? May galos ka ba?” sunod-sunod na tanong nito.
“Ha?” iyon lang ang nasabi ko sa kaniya na ako tumingin.
Nagtagis ang bagang nito tila galit. Pero kanino naman? Hindi pa naman kami nag-aaway. Mamaya pa kapag wala sa harapan namin si Alex aawayin ko ito paasa.
“Bakit hindi mo pinadala sa presento iyong tao—”
“Alam mo?” sa halip ay sagot ko sa kaniya.
“Of course alam ko kaya nga nagtatanong ako sa ‘yo,”
“Ibig sabihin tauhan mo iyon kanina?” mangha kong tanong sa kaniya.
“Bodyguard ko. Pinasusundo dapat kita, kaya nga lang nakaalis ka na raw sa office mo,” kaswal niya lang na tugon sa akin.
Sana all afford ng kumuha ng bodyguard.
“Teka lang ha masyado ka yatang paladisisyon—”
“Binigyan ko lang ng karapatan ang sarili ko na magdesisyon, ok na?" sabi niya hindi man lamang ako pinatapos magsalita. "Besides, we already have a child. So I have the right to know the condition of Alex's mom.”
“A-alam mo…” tanong ko tapos tumingin kay Alex, na tumili walang muwang sa pagtatalo namin ng Tatay niya.
“Hinding hindi mo mailalayo ang anak natin Analyn, hindi ako papayag.”