Analyn
Dammit! Ibig sabihin ba nito si Teng at Noah Gregory ay iisa nga talaga kahit impossible iyon. Tama bakit sa isip ko ay mahirap paniwalaan na siya na ngayon si Noah Gregory, hindi na si Teng Ignacio. Hindi na siya ang anak-anakan ni Mang Amel Ignacio, na tagaroon sa Barrio Santiago kung saan ko naranasan maging masaya at mabigo. Sa pamilya man at sa pag-ibig.
Ngunit paano sinabi na nga ni Sir Manuel na fiancee nito si Sandee? Kahit pilit kong pinapaniwala na hindi siya. Noah lang naman ang sabi ni Kuya Omeng, ngunit malinaw pa sa mineral water na Noah Gregory ay iisa at si Teng. Dahil na rin galing mismo sa bibig ni Teng na fiancee niya si Sandee.
‘Afable group of companies' dalawang beses kong binigkas. Hindi pa ako makakali sa aking inupuan dahil sa kakaisip sa lentek na iyan. Paano ito nangyari? Billionaire na siya ng ganoon kabilis.
One year mahigit lang ang nakalipas. Kahit pa magtambling siya ng isang milyong beses. Kahit pa gawin n'yang araw ang gabi para magtrabaho. Hindi niya kayang makapagpatayo ng isang malaking company. Unless dati pa n'yang itinago sa akin na secret billionaire siya.
Kung ganun pala niloko niya ako sa pagbabalatkayo niya ng magkasintahan pa kami. Pisti siya kung niloko niya ako wala siyang karapatan na magalit sa akin.
C’mon, kahit kumayod siya ng sampung taon. Hindi siya makapagpapatayo ng gano'n kalaking business.
Sobrang naka established na ang kumpanya kaya nga ‘group of companies' ibig sabihin ay hindi lang pipitsugin ang hawak nitong kumpanya.
Tapos pinagdiinan pa niya at pinamukha sa ‘kin na ikakasal at may fiancee na siya. Edi, siya nga si Teng Ignacio ang ex-boyfriend ko. Tsaka wala na akong pakialam kung mayaman na siya.
Ano iyon dati pa ay kunwari lang siyang bodyguard pero Secret Billionaire pala. Kung ganun anong motibo niya, bakit nagawa niyang maglihim sa totoo n'yang pagkatao?
Argh… bakit ko ba siya iisipin ngayon. Kahit na kailan hindi na madudugtungan ang aming nakaraan. Masaya na siya ngayon sa buhay na meron siya at gano'n din ako.
Masaya na ako kasama ang bagong pamilya matagpuan ko at anak ko na aking lakas sa lahat ng hamon ng pagsubok.
Tama hindi ko na kailangan saktan ang aking sarili dahil kagagawan ko rin ang lahat kaya nawala si Teng sa akin. Ako ang nagmamayari sa kaniya ngunit hinayaan ko siyang angkinin ng iba.
Napaisip ulit ako sa bago n'yang pangalan kahit. Masisi ba ako curious ako paano siya naging Noah. Ano inampon siya noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Aba'y pwede na pala ampunin ang over age na gurang ngayon. Magaling ay pumaning ang kapalaran sa kaniya.
Kung hindi pa sa tawag ng telepono sa table ko nasa kay Teng pa rin ang isip ko.
"Hello, good morning. This is MS Manpower Solution Agency.”
“Where is Sandee?”
“T-Teng ba-bakit?” nataranta ako dahil katatapos ko lang ito isipin ito naman tumawag kaya wala ako sa katinuan na sumagot.
Tumikhim sa kabilang linya pagkatapos ay maanghang na salita ang aking narinig galing dito.
“The one I am looking for is my fiancee; I did not give you permission to talk to me,”
Lihim akong napalunok. Ikinurap ko ang aking mata at biglang namula ayaw kong may makakita sa akin sa ganito kong hitsura.
“W-wala po siya rito Sir Noah. May ipagbibilin po ba kayo? Sasabihin ko na lang,”
“Nevermind risky magtiwala,” wika nito sabay narinig ko ang pagtoot-toot na sa kabilang linya tanda binabaan ako ng hudas.
Nakagat ko ang labi ko mabuti na lang wala nakapansin sa lihim kong pagpunas ng aking mata.
Pasalamat na lang ako nag-CR si Sandee. Baka mahalata pa nito ang pagiging balisa ko kanina pa lang paglabas pa lang sa office ni Sir Manuel, hanggang ngayon pagkatapos makausap si Teng.
Madali kong nakabisado ang mga gawain sa office kaya naman dalawang araw lang na in-orient ako ni Sandee. Kabisado ko na lahat ang gawain.
Ang dapat na dadalhin ko na contract kay Teng, para sa Afable group of companies, hindi pa napirmahan ni Sir Manuel, kaya labis kong ipinagpasalamat. Dahil naudlot ang aking pagtungo kung saan man iyong lupalop na lugar ang, Afable group of companies.
Ngayon ang last day ni Sandee. Malapit na itong ikasal. Sobrang lapit na kasi ten days na lang kaya need na ni Sandee, manatili sa condo.
“Hey! Bakit ang tahimik mo naman?” wika ni Sandee.
Nagpakain siya kasi last day na niya ngayon.
Bumabaha ng pagkain. May pizza galing sa mga sikat na fast food. Ilang bucket chicken din ang deliver kanina. Kahit lasagna meron din at dahil favorite ko ito napadami ang kain ko.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Sa second floor nga raw ganoon din eh. Ganito rin ang pagkain samantala iilan lang naman kami. Wala pang twenty employee ang MS Manpower Solution Agency.
Dito rin bale walo lang kami sa third floor ngunit sangkaterba ang food na pinadeliver ni Sandee.
“Cheers para sa malapit na kasal ni Sandee,” wika ni Ate Jo.
Pinilit kog nginitian sila kahit ang totoo nagdurugo ang kalooban ko. Kahit si Sir Samuel kanina, naki join din sa amin. Umalis lang ito ng maaga. Kami naman ay pinayagan mag under time. Hanggang alas-tres lang dahil nga nagpakain si Sandee.
Kami na lang daw ang bahala mag double check sa mga gamit sa office kapag uuwi na kami.
“Ikaw ba Analyn, wala ka bang boyfriend?” tanong ni Ate Jo sa akin na kinataranta ko.
Bumungisngis si Ate Jo.
“Magugulatin ka pala,” wika nito wala naman akong nasilip na ibig niyang sabihin.
Nasa phone ko kasi ang atensyon ko kasi nakatitig ako sa messenger ko dahil nagpadala si Nanay Hiyas, ng new picture ni Alex. Aba marunong ng dumapa ang anak ko. Tapos may video clip pa ng puro daldal hindi naman maunawaan basta nakangiti lang ako dahil sa hagikhik ni Alex.
Marinig ko lang ang tinig nito napapawi na agad ang agam-agam sa aking dibdib. Kaya nitong tunawin ang aking takot kapag may problema ako.
Mahirap lang kasi breastfed si Alex. Kanina nga bumigat ang boobs ko. Kaya lihim kong nag-pump sa powder room.
Sabi kasi ni Nanay Hiyas. One week pa raw bago mawala ang aking gatas. Kahit gustuhin ko man mix si Alex. Hindi ko na magagawa dahil nga kailangan ko ng trabaho. Mabuti nga talaga hindi nanibago si Alex sa bote. Akala ko nga hindi ito dede sa bote. So far wala naman side effect sa gatas niya ngayon.
“Analyn?”
“Ha? A-ano po iyon ate Jo?” saad ko.
“Sabi ko wala ka bang boyfriend?” wika nito. Nakatingin sila sa akin. Sana hindi mapansin ang picture ni Alex.
Umiling ako.
“Wala?” para bang hindi pa sila makapaniwala. Tumingin sa hawak kong phone kaya ewan ko bigla ko iyon itinago.
“Oo ate walang magkagusto,” wika ko pa.
Pinagmamasdan ako ni Sandee. Nakangiti. Ang sweet talaga nito kahit ngiti. Dito nga siguro na inlove sa kaniya si Teng sa nakakaakit nitong ngiti.
“Sa ganda mong ‘yan?” si Sandee ang nagtanong.
Tipid akong napangiti.
“Dati noong nag-aaral ako meron akong boyfriend. Pero matagal na kami wala mahigit one year na,” sabi ko at bakit pa ba ako nagpaliwanag sa kanila, e, pwede naman sabihin na wala. Ang dami ko pang sinabi.
“Ngayong wala ulit nanligaw?” anang ate Jo.
“Kahit meron po Ate Jo, hindi na siguro,” wala sa loob na sabi ko. Mabuti nga hindi ko na dugtungan na sa anak ko na lang iikot ang buhay ko. Mas less heartache.
“Ang bata mo pa. Hangga't may manliligaw sagot nang sagot. Paano malalaman kung sinong best diba?” wika pa nito.
“Tama rin naman po Ate, pero sa case ko po. Ayaw ko na talaga,” napangiti ako upang magmukhang okay.
“Ako nga single Mom. May anak ako dalawa kaya need magsikap. Mabuti na lang mabait ang Mama at Papa ko, sila ang nag-aalaga kapag pumapasok ako sa trabaho. Dalawang anak ko magkaiba ang ama. Hindi ako swerte sa lalaki pero hindi ko isinasarado ang puso ko sa possible may matitisod pa sa akin,” aniya.
Napahanga ako sa Ate Jo. Ang galing lang nito mag-handle ng sitwasyon niya.
“Change topic na nga tayo at bilisan ng kumain malapit na five o'clock,” sabi pa ulit ni Ate Jo.
“Analyn, commute ka lang ba?” tanong ni Sandee sa akin nang nasa elevator na kami upang umuwi. Kasama rin namin si Ate Carol at Ate Jo. Ako pala ang pinaka bunso sa kanila kaya lahat Ate ang tawag ko sa kanila maliban kay Sandee na tatlong taon lang ang tanda sa akin.
Iisang way pala si Ate Carol at Ate Jo kaya laging taxi ang dalawa. Hati sila sa pamasahe. Limang bahay lang daw kasi ang pagitan nila kaya walang problema sa taxi driver.
“Oo Sandee. Jeep lang ako isang ride lang naman, diba nga dati nabanggit ko sa inyo kung saan ako sumasakay? Tsaka mabilis lang din naman kasi Jeep at pagbaba ko. Isang tricycle na lang bahay na namin.
“Gusto mo idaan ka namin?”
Napatingin ako sa kaniya.
“Pumayag ka na Analyn. Yayamin ang mapapangasawa niyang si Sandee. Ang gara ng kotse,” buyo pa ni Ate Jo.
Lihim akong napangiwi. Kung alam lang nila kung kaano-ano ko si Teng, pero nakaraan na iyon hindi na ngayon.
“Ano gusto mo?” inulit ni Sandee.
“H-hindi na kasi dadaan pa ako sa grocery may bibilhin ako, pinabili ng Nanay ko,” kunwari kong sabi sa kaniya.
“Edi sa grocery na pupuntahan mo, roon ka namin ihahatid,” giit pa ni Sandee.
Mukhang makulit itong fiancee ni tander Teng, nauubusan ako ng alibi.
Naku po ayaw ko nga makadaupang palad si Teng, dahil nagliliyab ang mata nito kapag nakikita ako tapos gusto pa ni Sandee na isabay ako.
“H'wag na Sandee. Maaabala pa ang boyfriend mo,” tanggi ko sa kaniya.
“Ayos lang naman,” sabi pa nito. Sakto bumukas na ang elevator. Mabuti may kakilala si Sandee, binati siya kaya nawala sa akin ang atensyon ng dalaga. Kaya dahan-dahan akong lumayo.
Subalit napako ang paa ko sa paghakbang ng masilayan ko si Teng. Nagkatitigan pa kami. Ayun ulit ang galit sa mga mata nito, na para bang hindi niya ako minsan minahal noon. Nakaupo ito sa sofa nasa lobby. Inaantay yata si Sandee, sinusundo.
Kinilig pa sila Ate Jo at Ate Cora. Binibiro si Sandee sabi sana all. Samantala ako nakayuko lang hindi sa kanila sumasali.
“Ahm, mauna na ako sa inyo mga ate, ha? See you tomorrow,” mahina kong sabi sabay iniwan sila hindi ko na inantay na makapagsalita ni isa sa kanila.
Ngunit pakiramdam ko may matang nakasunod sa akin. Natatakot lang akong lumingon dahil kilala ko kung sino nagmamayari noon dahil sa init ng haplos ng titig niya. Si Teng lang ang may kakayahan noon. Siya lang wala ng iba.