Chapter 21

2220 Words
Analyn “Ingat, Nanay Analyn! Sa office ang punta ha? Hindi sa biglang liko,” kantiyaw sa akin ni Mutya, nang patungo na ako sa kotse ni Teng. Na conscious tuloy ako kung tama pa ba ang bawat hakbang ng paa ko, para kasi akong nakalutang sa walang kurap-kurap na titig ni Teng sa akin. “Nanay Hiyas! Kami'y tutuloy na po,” malakas na sigaw ni Teng, pagkatapos nauna ng pumasok sa loob ng driver seat bago pa ako makarating sa tabi ng sasakyan ni Teng. Naka bukas pa ang pinto sa gilid ni Teng kumakaway kay Alex. Napalingon tuloy ako kung ano ba ang reaksyon ng anak ko sa Tatay niya. Nang makita kong malikot ang kamay at paa na para bang gusto nga sumama sa Tatay niya. Lihim akong ngumiti. Malalim akong humugot ng hangin. Nagpagpasyahan kong sasakay na lang. Nang bubuksan ko na sana ang passenger seat upang pumasok na sa loob, hindi ako natuloy kasi pinigilan ako ni Teng. “Dito ka sa tabi ko,” kaswal niyang sabi ‘tsaka narinig ko din pinaandar na niya ang kotse. Napalunok ako. Talaga nga mapagsosolo kami sa isang sasakyan. Ibang kotse itong gamit ni Teng. Hindi ito ang gamit niya noong sinundo niya si Sandee sa kumpanya ni Sir Manuel. Mga ilan na kaya ang naisakay niya sa loob bago ako ngayon. Sana pala giniit ko mag-commute na lang ako, kaysa mapasama sa listahan ng babaeng naisakay niya sa kotse na dala ngayon. “Wala pang babaeng umupo r’yan. Kung iyan ang inaalala mo,” aniya pagkatapos lumabas at umikot sa kabila pinto. Napamulagat ako at nagsisi nag-enarte pa sumakay ano naman kung Ilan ng babae ang umupo roon wala naman akong karapatan para mag-demand. “Sakay na aabutan tayo ng traffic,” Bumuntonghininga ako lumakad na lang at walang imik lumapit dito. Nilingon ko na muna si Alex, upang tuluyang magpaalam. Ngumiti ako sa anak ko dahil sa amin nakatingin ng Tatay niya. Kung normal lang kami may relasyon ng Tatay niya, baka naisakay na rin si Alex sa kotse ni Teng. Bumungisngis ako dahil kakawag-kawag ang paa ni Alex. Napaka likot na talaga nito. Nakatutuwa nga nag-aaral na umupo parang hindi ko man lang namalayan na dumapa ang anak ko. Ngayon nakita ko naman nag-aaral ng umupo at minsan nga kapag mayroon mahawakan sinusubukan din tumayo. “Bye, baby Alex,” wika ko sinamahan ko ng flying kiss. Napangiti ako ng tumili ito tila sinagot ako. “Let's go,” mahinang sabi ni Teng at muling kumaway kay Alex. Kaysa nasa likuran ko ang kumag. Sumakay na lamang ako. Naiilang kasi ako nasasagi ang dibdib nito ng aking likuran. Para akong tuod nakaupo sa tabi niya hindi malaman kung anong ikikilos ko buong byahe. Nabibingi ako sa buong byahe namin ni Teng, dahil walang gustong magsalita ni isa man sa aming dalawa. Nilibang ko na lamang ang aking sarili pahuni-huni ng kanta habang sa daan ang focus ng aking tingin. “Hindi ba sasakit ang leeg mo r’yan? Kanina ka pa sa labas nakatingin,” Naririnig ko rin ang malalim na buntonghininga ni Teng. Minsan nga napapalingon ako ngunit sandali ko lang iyon ginagawa. Hindi naman din kasi ako nito pinapansin. Tangi sa kalsada lang nakatingin si Teng. Naalala ko pabibinyagan ko pala si Alex. Kahit naman hindi pa kami ok ni Teng. Kailangan ko pa rin kunin ang permiso niya. Ayaw ko naman magmukhang kontrabida sa kanilang mag-ama. Kailangan ko rin iyon ipaalam sa kaniya baka pag-awayan pa namin kung tsaka malalaman ni Teng, kapag sa araw na ng binyag. “Teng/Analyn,” sabay naming sabi natawa kami pareho. Nagkatinginan kami habang pareho nakangiti sa isa't isa ngunit ng marealize ko masaya akong nakatawa bigla akong naging seryoso. Tumikhim din si Teng. Napansin ko ang sinusupil n'yang ngiti sa kaniyang labi. Kumibot-kibot ang labi ko biglang naging awkward sa pagitan namin naging tahimik ulit ako. Malapit na kami sa office nang si Teng, ang unang bumasag sa aming biglang pananahimik. “Susunduin kita mamaya,” sabi nito na kinagitla ko. Mabilis akong napatitig sa kaniya pagkatapos tinaasan ko siya ng kilay animo ang aking kilos ay nagtatanong ako, kung seryoso ba siya sa kaniyan pinagsasabi. “You heard me correctly. I'll pick you up later when you finish your work.” “Why? I mean, bakit kailangan mo pa ako sunduin? Uuwi akong mag-isa, Teng! Hindi mo ako kargo para abalahin ang iyong sarili sa pag hatid sundo sa akin.” Sinamaan niya ako ng tingin. Para bang mali ako at siya ang tama. Nanindigan ako sa gusto ko. Hindi ako pumayag. “Kasi tingnan mo Teng, ha? Tapatin mo nga ako? Para saan ba ang ginagawa mong ito ha, Teng? Linawin mo habang maaga pa. ‘wag mo naman akong paasahin, kung gusto mo lang akong muling paibigin para saktan upang makaganti sa akin. Mali iyon Teng. May dahilan ako kaya ko nagawa iyon hindi kita iniwan ng wala lang.” Napansin ko umigting ang kanyang panga. Alin ba ang kinagagagalit niya? Kung nasaktan siya mas doble sa akin kaya hindi tama na maging mabait siya ngayon. Dahil lang gusto lang niya akong pasakitan. “Kinukuha ko kayo ng anak natin pero ayaw mo. Kung pumayag ka sanang sumama sa akin. Edi may karapatan na akong maging kargo na kita. Pero nagmamatigas ka pa rin kahit ayaw mo akong sundin,” “Paano kami sasama kakikita lang natin. Gusto mo ng mabilisan?” “Bakit patatagalin pa? We have a child already. Dapat naman diba magsama tayo kasi may anak na tayo.” Pumaling ako ng tingin sa kaniya at binigyan ko siya ng titig na hindi makapaniwala sa kaniya sinabi ngayon. “And so is that enough reason for you, para magsama tayo, just because we have a child?” “Yeah! Wala akong nakikitang masama roon,” tamad nitong sabi kaya naiiling ako. “Hindi pa rin ako susunod sa gusto mo,” “I'm warning you, Analyn, don't leave hangga't hindi pa ako dumarating,” mariin niyang sabi. “Paano kung sumuway ako may magagawa ka ba?” “Marami and let's see,” wika nito tila may pagbabanta. Hindi na ako sumagot mabubuset lang ako. Paano naman ako sasama sa kaniya sa iisang bubong kung hindi niya ako mahal. Kaya ok na ang ganito hindi ako masyadong masasaktan. Nakarating kami sa office ko na hindi n ulit nagimikan. Pagdating ko sa lobby naabutan pa ako ni Ate Jo tinawag ako. “Analyn, sandali,” Lumingon ako inantay siya. Pagdating sa harapan ko pinagmasdan niya ako. Kinabahan ako dahil matiim ang titig ni Ate Jo sa akin. “Ate Jo, anong problema?” kabado kong tanong sa kaniya. Humalukipkip si Ate Jo. “Nagsuklay ka ba?” tanong nito kinalaki ngaya ko. Pambihira iyon lang pala ang sasabihin sa akin pinakaba pa ako. Kabado akong ngumiti. Kinapa ang buhok ko. “Sa hangin ito Ate, sa tricycle back ride kasi ako at hindi pa rin talaga ako nag suklay dahil late na ako.” “Kaya naman pala. Tara na,” sabi nito binuksan na ang elevator at sabay na kami pumasok sa loob. Dahil third floor lang naman ang office namin ni Ate Jo. Mabilis lang kami nakarating. Wala pa si Sir Manue, pagdating ko sa table ko. Kaya nagka time pa ako maglinis ng table ko at office nito. Nang matapos binalikan ko ang naiwan kong gawain iyon ang naabutan ni Sir Manuel pagdating nito sa office. “Good morning, Sir Manuel,” “Maganda ka pa sa morning Ms. Joring,” masaya nitong sagot sa akin. Nakangiti na lang ako at sinundan ko si Sir sa office niya, upang ipagtimpla ng black coffee nito sa umaga. “Ms. Joring, naalala mo ba iyong bagong contract sa L.A company?" “Yes, Sir Manuel. Iyon po ba sa L.A. food corporation?” Binuksan nito ang drawer at inilabas ang folder. Ito Ang ni rush ni Sir Manuel noong biyernes. "Dadalhin mo sa kumpanya nila at papirmahan sa CEO," "Wala pa po pala pirma?' “Pasensya ka na ha, hija. Mags-start na ang mga tao sa sunod na araw, wala pa rin pirma ng CEO nila,” aniya iniabot sa akin ang folder. “Hindi po ba pinirmahan ang pinadala n'yong email na documents? Diba ginawan mo po iyon ng docusign? Wala pa po bumabalik.” “Iyon nga hija baka kako nakakalimutan lang. Hindi bale ito ba lang papers,” sabi pa ni Sir Manuel. “Is it really okay with you, Ms. Joring, to go to the company of L.A.? Food Corporation,” “Yes, Sir Manuel, no worries po,” “Salamat, hija. Hulog ka talaga ng langit. Magpahatid ka na lang sa company driver. Itatawag ko rin ngayon, para alam din niya.” “Ngayon na po ba?” “Yeah, kasi busy kapag hapon ang CEO ng L.A. food corporation.” “Sige po, Sir Manuel, noted po,” sagot ko sa kaniya at nagpaalam ng lalabas ng office niya. Under sa MS Manpower Solution Agency ang nakuhang mga hire na tauhan ng L.A. food corporation. Hiring a production worker. Mabuti nga nakuha ni Sir Manuel ang project. Malaki kasi company ang L.A. food corporation. Nagsuklay lang ako at naglagay ulit ng lipstick sa labi ko. Hindi rin naman halata ang lipstick ko kasi nude color lang hindi pansinin. Kumatok muna ako sa Sir Manuel, upang magpaalam lalakad na ako. Iniangat ko pa ang folder na hawak senyales na bitbit ko na. Dumaan pa ako kay Ate Jo para alam niya na wala ako. “Dito ka ba kakain ng lunch?” tanong pa ni ate Jo. “Kung mabilis po ako makararating. Tumingin ako sa suot na relo. Alas-nueve ng umaga. Siguro naman nandito na ako ng lunch.” Nakaabang na ang company driver pagdating ko sa lobby. Biniro pa ako ni Kuya Omeng, gagala. Wish ko lang na gala nga ang lakad ko ngunit hindi eh. Hunting CEO ang peg ko ngayon. Makati City, lang pala ang L.A. food corporation kaya mabilis kami nakarating. Aantayin din ako ng driver kasi sabi ko hindi ako marunong mag-commute. Pagdating ko entrance hinigian pa muna ako ng ID at itinawag sa sekretarya ng CEO. “Ma'am, pasensya ka na kapag daw walang appointment hindi p'wede harapin ng CEO,” “Ganoon po ba? Sayang naman po ang lakad Kuya. Baka pwede ipila kahit anong oras po aantayin ko.” “Naku, ma'am. Gutom po ang aabutin n'yo kasi busy si boss, maghapon.” “Kahit ako po ang kumausap sa CEO n'yo,” giit ko pa. Natawa ito sa akin sinabi para bang nakakatawa iyon maganda naman ang pagkakasabi ko. “Joker ka naman ma'am. Hindi maari ang hiling mo dahil dadaan muna sa sekretarya bago ka kausapin ni Sir Afable.” Natigilan ako sa apelyido nitong nabanggit. Pero malay ba kung ka pareho lang ng surname. Ako lang ang nag-iisip na si Teng. “Analyn?” Natigilan ako dahil kilala ako ng bagong dating. Napalingon ako upang tanungin kung bakit niya ako kilala. “Kuya Ding?” sabi ko rito kaya lang sinamaan ako nito ng tingin. “Sa akin 'Kuya' pero kay Teng, iyon lang ang tawag mo. Sandali anong ginagawa mo rito sa L.A food corporation? Akala ko kanina, hindi ikaw kasi naka sideview ka nagbakasali lang ako tinawag kita. Ikaw nga talaga.” “Dito ka ba nagtra-trabaho, Kuya Ding?” tanong ko. Baka dito pumapasok makikiusap ako tulungan sa aking pakay. “Ano ang kailangan mo sa L.A food corporation?” “May sadya po ako sa, CEO,” “Ouch! Kanina ‘Kuya’ ngayon naman ay ‘po’. Grabe ka na ha? Kaedaran ko lang si Teng,” sabi nito. “Ding, baka naman pwede mo akong matulungan makausap ang boss dito.” “Gusto mo makausap? Bakit?” “May sadya lang ako,” “Wait may tatawagan lang ako,” aniya pagkatapos nag-dial na sa phone niya at dinala sa tainga. “Dude! May bisita ka rito sa baba hindi mo alam?” Nagsalubong ang kilay ko. Sino naman ang kausap ni Ding. Tss, hindi rin pala ako matutulungan nito kukulitin ko na lang ang guwardiya hanggang sa payagan ako. “Tang-na ka, lagot ka. Umuusok na ang I'll ni, Analyn, hindi pinapayagan bigyan ng appointment sa iyo,” Napalingon ako. May naglalaro na sagot sa isip ko. H'wag nitong sasabihin na kumpanya ng pamilya ni Teng ang L.A food corporation. “Cayabyab, papasukin n'yo na si Mrs. Afable,” utos ni Ding, sa guwardiya pagkatapos kausapin ang tinawagan nito. “Mrs. Afable, Sir?” duda pa na sabi ng Cayabyab. “Kasasabi ko lang diba?” sabi ni Ding sa maawtoridad na tuno. Kakamot-kamot ito sa buhok. “Kasi Sir Ding, sa pinakita niyang ID. Joring naman—” “Sige na, Cayabyab. ‘wag mo ng antayin na bumaba ang masungit n'yong boss, kun'di lagot kayo roon pinahihirapan n'yo rito sa labas." “Ding, si Teng ba ang kausap mo kanina? Kanila ba ang kumpanyang 'to?” “Yeah, sister company ng, Afable group of companies,” sabi nito kinagulat ko kahit kanina ay kinutuban na ako. Napaawang ang labi ko sa tinuran ni Ding. Si Teng nga talaga ang CEO ng L.A food corporation.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD