Analyn
Teng mahal na mahal pa rin pala kita. Halos bulong ko na lang at mabilis na pinunasan ang pisngi basang-basa na. Huminga ako ng malalim upang kumalma. Subalit napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses niya.
“Anong ginagawa mo rito?” walang kasing lamig ang boses niya.
Nahihirapan akong sumagot dahil ayon ulit ang nagbara ang lalamunan ko dahil narinig ko ang boses niya.
“Bingi,” bulong nito.
Pinilit kong tumikhim upang maayos na magsalita kahit na hindi sigurado kung pipiyok ba ako.
“Dito ako magtatrabaho,” sandali akong tumigil dahil nanginginig ang labi ko. “Bakit ka nagtatanong?” pinilit kong maging malamig ang aking sagot sa kaniya.
“I see, so ikaw pala ang papalit sa fiancee ko,”
Lihim akong napasinghap.
“Ang papalitan mong sekretarya si Sandee. Fiancee ko siya.”
Nakagat ko ang aking labi. Dammit! Masakit inulit ulit pa niyang bigkasin ang salitang ‘fiancee’ pisti siya.
“C-congratulations k-kung gano'n,” kahit na hindi ako sure kung maayos ko iyong nasabi sa kaniya.
Naglakad na ko hindi ko na inantay na magsalita pa ulit si Teng. Hindi ko na kaya ang susunod niyang sasabihin baka umiyak ako sa harapan niya. Pagtawanan pa ako ni Teng.
“Bakit gan'yan ang mukha mo ha? Analyn?” puno ng pagtataka na tanong ni Mutya pag-uwi ko ng Pasig. Sa bahay nila.
Napayuko ako kinukurot ko ang aking daliri doon lang ako nakatitig. Mabuti nga kinaya ko pa makauwi kahit natulala ako sa biyahe.
Lumampas pa nga ako dahil sa pagkalutang ko kanina imbis na Rosario ako baba. Napunta pa ako ng Riverside. Bumalik tuloy ako kaya natagalan akong nakarating.
Dapat nga nandito na ako wala pa tanghali. Ngunit inabot ako ng alas-dos dahil lumampas ako.
Mas nakakatulong nga din na lumampas ako. Dahil nagising na ako sa katotohanan na may kasalanan ako kaya anong aasahan ko na reaction ni Teng. Alangan yakapin at halikan pa ako e, sinaktan ko nga diba?
“Analyn!” sabi ulit ni Mutya aba'y nakapamewang pa sa harap ko.
“Tulog ba si Alex?” halos bulong ko na tanong.
Inirapan ako.
Tipid akong ngumiti.
“Si Nanay Hiyas?” muli kong tanong sa kaniya.
“Andoon sila ni Alex sa taas tulog. Bakit pala parang namamaga ang mata mo?”
Kinapa ko dahil sa pagsabi ni Mutya.
“Ha? Ito ba? Parang hindi naman ah! Ang dami mo naman napapansin,” nakalabi kong sagot sa kaniya.
“Ano ako bulag? Kitang-kita oi, Inday Analyn todo deny ka pa,”
“Sa alikabok at hangin sa jeep,”
“Utot! Baka kamo hindi ka natanggap kaya umiyak ka na naman ‘no?”
Napangiti ako sa ingay ni Mutya. Nagulat pa ng niyakap ko siya.
“Salamat Ate Mutya,” wika ko.
“Huh? Para saan?”
“For the love,” pa cute kong sabi.
“Sige na lang kahit inuuto mo lang ako. Pero kumian ka na ba?” sabay tingin sa watch niyang kapareho ng akin.
Nabili ni Mutya, binigay sa akin ang isa. Namg nagsimba kami noong nakaraan buwan sa Baclaran. Buy one and take one, for three hundred pesos. Kunwaring Seiko watch pero fake naman.
“Tapos na,”
Gutom na kasi ako pag lampas ng Rosario. Kaya ang ginawa ko dumaan na lang ako sa SM bago umuwi. Nag mix and match sa Jollibee. Tapos nagtungo ako sa baby's section. May nagustuhan akong mga ternong damit na sando at short ni Alex. Binilhan ko ng apat na terno. Mabuti lagi ko rin dala ang wallet ko. Kaya bukod sa bigay ni Nanay Hiyas kahapon. May kaunti akong pera naipon na galing din naman sa Nanay Hiyas, noong buntis pa ako, kasi binibigyan niya ako dahil sa pagtulong sa pagtitinda ng barbecue.
Malakas kasi ang barbecue nila Nanay Hiyas. Dahil din siguro iisa lang sila sa lugar namin kaya mabenta. Isa pa masarap daw ang sawsawan na gawa ng Nanay Hiyas kaya iyon ang binabalik balikan ng customer nila.
Kahit hindi ko tanggapin ang bigay niyang pera kasi libre naman ako. Wala akong pinagkakagastusan. Sa check-up ko naman ay sa health center ako. Tiyaga lang at least wala akong perang nilalabas maliban sa pamasahe sa tricycle, vitamins at gatas ko.
“Sige kung tapos ka na pala kumain, magbihis ka na woi, ilang oras ka na sa labas baka lalapit ka na agad kay Alex,” ani pa ni Mutya.
Napangiti ako.
“Yes po Ninang ganda,” biro ko sa kanya. Ang arte kasi nito pagdating kay Alex. Dinaig pa ako sa pagka selan. Kapag nga nasa labas kami ni Alex kung ala-sais na dahil nagtitinda pa sila ni Nanay Hiyas ng barbecue. Sasawayin akong pumasok dahil mahamog daw para sa baby.
“P'wede ka na talaga mag-asawa, Ate Mutya. Kung sinasagot mo na ang pag-ibig ni Kuya Joselito Magbanau, edi may baby ka na rin na kasing guwapo ng Alex ko,” biro ko sa kaniya na kinasimgot nito.
“Tss, nevermind na lang sa pulis matulis na iyon baka imbis na tahimik ang buhay ko maging magulo. Babaero naman iyang mina match sa akin, Analyn. Wala na bang iba?” aniya pa.
“Edi si Kuya Malakas, ang guwapo rin noon ah! Hindi ka lugi noon kasi araw-araw kang may free sisig plus masigasig pa sa buhay.”
Napangiti si Mutya. Tinusok ko sa tagiliran. Masyadong pihikan sa manliligaw pero ayaw lang daw n'yang mag boyfriend. Palagi iyan ang sagot sa akin.
“Dami mong nirereto. Akyat na roon,” aniya natatawa na lang.
“May trabaho na ako bukas,”
Tinitigan ako.
“Wow…talaga?”
“Yup! Alam mo ba? medyo malaki na ang sweldo ko,” masaya kong sabi hinawakan ko pa si Muty sa magkabila n'yang kamay sa labis na tuwa.
“Masaya ako para sa ‘yo girl. Kaya siguro namamaga ang iyong mata, kasi umiyak ka. Ito naman hindi agad sinabi sa akin,” wika pa nito nanlalaki ang butas ng ilong sa labis na reaksyon.
Nakangiti akong tumango kahit sa loob ko ay malungkot. Hindi na kailangan malaman ni Mutya, na nagkita ulit kami ng Tatay ni Alex. Baka hindi pa nila ako payagan ni Nanay Hiyas, na pumasok kapag ipaalam ko sa kanila.
Isipin pa nitong kaibigan ko na iniyakan ko si Teng, na totoo naman talagang iniyakan ko ang pagkabigo kanina, kaya namamaga ang aking mata. Dahil masakit pala pag balewala ka na sa lalaking mahal na mahal mo.
Akala ko lang pala nawala na siya sa puso ko, ngunit nagpahinga lang pala at nang muli siyang nakita. Umusbong muli ang damdamin kong kay tagal ko nang naitago.
“Aakyat na ako kasi mahahagilap pa ako ng pamasok sa trabaho. Mabuti na lang two days na lang kasi Huwebes na bukas,” wika ko pa kay Mutya.
“Kung gusto mo ukay-ukay tayo sa Sabado?” suggest pa nito.
“Sige sama ako,” ani ko kay Mutya.
Oo nga tama kasi para fit na ang pants ko sa akin. Ito nga suot ko ngayon ay hapit sa akin. High waist denim pants. Nagkalaman kasi ako simula ng magkaanak. Lalo na six months pa si Alex. Hindi pa masyadong bumabalik ang dati kong katawan noong dalaga ako. Pero sabi naman ni Mutya hindi raw ako payat. Sakto lang sexy pa nga raw ako para sa bagong panganak eh.
Nagmukha lang formal kasi nagblazer ako dahil sleeveless ang blouse ko. Sabi naman ay semi formal attire. Kaya rito ako komportable ito ang isinuot ko.
May dalawa pa akong pants at may isa pa akong blazer. Papatungan ko na lang ang pantaas ko malamig din sa office ng MS Manpower Solution Agency. Kanina ay nararamdaman ko.
Nang sabihin ko rin sa Nanay Hiyas na may trabaho ako na ako at mag-umpisa na agad bukas. Natuwa rin ito.
“Galing naman. Edi, dito sa baby Alex natin. Ako na ang bahala magbantay. Naku baka maging habol ito sa Lola,” aniya nakangiting kinakausap si Alex na pinaglalaruan ang pacifier niya.
Katatapos lang namin mag hapunan nasa baba pa kami nanood si Nanay Hiyas ng TV. Sakto ibinalita ko masaya rin ito sa resulta ng aking lakad kanina.
“Sa atin na si Alex sasama, bleh, Nanay Analyn,” nang-aasar pa si Mutya sa akin.
Natawa si Nanay Hiyas, pareho nila akong inaasar. Nakitawa na lang din ako. Kasi ganito naman kami para talaga nila akong totoong pamilya kaysa noon sa dati kong magulang.
“Baby, alam mo ba nagkita kami ng Tatay mo,” kinakausap ko si Alex noong kami nasa silid na, at matutulog na.
Para naman matanda ang anak ko lumundag paa at kamay sa kinahigaan naming kutson. Tapos madaldal para bang sinasagot bawat sabihin ko may sagot siya sa akin.
Bumungisngis ako.
“Pasensya na baby ko, kasi naging mahina si Nanay noon. Hindi ko ipinaglaban ang Tatay mo,” malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan si Alex na daldal nang daldal. Sana lang hindi magalit sa akin ang anak ko pagdating ng araw na may isip na siya at hanapin sa akin ang Tatay niya.
“Hayaan na nga matulog na tayo anak. May pasok pa si Nanay bukas,” wika ko pa. Subalit inabot pa ng alas-onse bago matulog si Alex. Daldal nang daldal lang habang dilat na dilat.
“Nay Hiyas, lalakad na po ako ha? Tulog pa po si Alex ‘nay, hindi ko na isinama pababa.”
“Sige hija, aakayatin ko rin agad kanina pa naman ako dumating. Si Mutya ba ay gising na?” wika nito.
“Tulog pa yata ‘nay,” ani ko.
“Siya sige. Baka mamaya pa iyan magbukas ng tindahan,” anang Nanay Hiyas. “Nandiyan na pala,” wika ni Nanay Hiyas kaya nilingon ko.
Naghihikab pa si Mutya na pababa ng hagdan.
“Paalis ka na?” aniya.
“Oo baka abutin ako ng traffic. Hindi baleng mag-antay ako sa office kaysa ako ang ma-late unang pasok ko sa trabaho.”
“Kung sabagay ala-sais y medya na rin. Matagal pa naman sa pila ng tricycle, kapag naka tsamba ka na madalang ng pasahero.”
“Sinabi mo pa, kahapon gano'n ang nangyari, Mutya,” sumbong ko pa sa kanya.
“See alam na alam ko iyan,”
Seven thirty pa ng umaga nakarating na ako sa MS Manpower Solution. Pinapasok na ako ni Kuya guard nakilala nila ako kahapon kaya wala ng tanong-tanong.
“Ano nga pala ang pangalan mo, Ma'am?” tanong ni Kuya guard sa akin.
“Analyn po, Kuya,” ani ko sa kaniya.
“Analyn Po?” sabi niya kinatampal ko ng aking noo. Lalo na ng bumunghalit ito ng tawa.
“Biro lang Ma'am Analyn,” wika nito.
“No worries po Kuya guard,” wika ko.
“Kuya Omeng na lang Ma'am Analyn,” wika nito.
“Edi, Analyn na lang din po Kuya Omeng, masyado po kasi formal kapag ‘ma’am’,” sagot ko pa sa kaniya.
Hindi nagtagal nagsidatingan na ang mga employee. Maaga nga ang iba nagi-in na sa bundle clock.
“Ikaw ang bagong sekretarya ni Sir Manuel?” tanong nito. Mukhang mabait naman kasi nakangiti kaya magalang akong sumagot.
“Opo Ma'am,” ani ko.
Natawa ito.
“Bakit Ma'am? Ikaw talaga. Ate Carolina na lang or Carol for short. Tingin ko kasi ang bata mo pa,” wika nito.
“Sige po Ate Carol,”sagot ko.
Dumating din si Ate Jo. Sabay-sabay kami umakyat. Wala nga pala sa 4th floor. Ibang office nangungupahan daw sabi ni Ate Jo. Nagkwentuhan kasi kami habang nasa loob ng elevator. Notary office raw ang nago-office roon.
Ang MS Manpower Solution Agency raw ay 3rd and second floor lang. Sa third floor kami ni Ate Jo at office ng Manager na si Sir Manuel. Kaya pala hindi ko nakita si Ate Carol, dahil sa second floor siya at meron pa raw siyang limang kasama. Sa baba talaga ay para sa tambayan lang ng mga applicant at may canteen daw kung wala akong baon.
Magkasunod lang kaming dumating ni Sandee sa office ni Sir Manuel. Ayaw ko naman ipakita na may panibugho ako na siya ang fiancee ni Teng. Anong karapatan ko magselos. Kaya nginitian ko dahil nakangiti ito sa akin.
“Ready ka na?” mabait niyang sabi.
Nakangiti akong tumango sa kaniya. Ang ganda nito at sexy pa. Parang hindi makabasag pinggan dahil ang pino nitong kumilos.
“Salamat,” ani ko pagkatapos niyang ituro ang gagawin pagdating pa lang nito.
Basta ‘wag ko raw kalimutan ang black coffee ni Sir Manuel sa umaga.
Dumating si Sir Manuel. Ayun ako na ang nag-dictation ng iskedyul niya sa buong hapon.
Kaya lang may nabasa ako ng pangatlo sa pinakahuli sa iskedyul ni Sir Manuel.
Noah Gregory Afable. Binasa ko.
Noah?
Narinig ko ito ang tawag ni Kuya guard kay Teng kahapon.
“Anong next, Ms. Joring?” wika ni Sir Manuel na ngayon ay naka nag-open na sa laptop niya at mayroon tinatype.
“Sir, kay Mr. Noah Gregory Afable po, approved na raw po ang proposal n'yo sa kaniya. Pahatid na lang daw po company nila if tapos na magawa ang contract para sa pirma niya.”
Tumawa si Sir Manuel.
“That asshole. As if ihahatid ng fiancee niya iyon sa office niya,” wika pa nito nailing.
Parang nag-iisip pa si Sir Manuel, ngunit ako. Sobrang kinakabahan ngayon. Hays ‘wag naman sana mangyari ang iniisip ko dahil hindi ko alam kung paano humarap sa kanya.
Ngunit kahit anong tawag ko sa lahat ng Santo. Mukhang hindi aayon sa gusto ko ngayon mangyari.
“P'wede naman akong makisuyo sa ‘yo diba, Ms. Analyn?” tanong pa ni Sir Manuel.
Ibig sabihin pala ng ‘MS’ stands for ‘Manuel Siago’ name of Sir Manuel.
“Opo naman Sir,” sagot ko ngunit sa isip ko gustong gusto kong tumanggi.
“Salamat, Ms. Analyn. Pakisabi kay Sandee, iyan ang I rush mo ngayon. Magpaturo ka rin sa kaniya kung paano gumawa ng contract sa isang client. Big client kasi ang ‘Afable group of companies’ kaya hindi natin ‘to pwedeng palampasin.”
“Noted po sir Manuel,” sagot ko na wala sa aking sarili.