Analyn
“Kuya, hindi pa po ba tayo aalis?” tanong ko sa tricycle driver na nakapila sa labas ng townhouse kung saan ang bahay ni Nanay Hiyas.
Pagdating ko kasi may tatlo ng nakasakay sa loob ng tricycle, doon din ako sa loob sumakay. May sumunod pa sa akin na dalawa akala ko aalis na kulang pa pala sa back ride wala pang nakaupo.
“Antay lang tayo ng kaunti mga ma'am, ha? May kulang pa po, e,” sagot nito sa akin, tumango ako. Inilabas ko pa muna ang cellphone ko upang mag-scroll ng mga photos ni Alex. Palipas oras din habang nag-aantay ng pasahero. Kaya nga lang parang matagal pa yata kami aaalis. Nabahala ako kasi bakit wala pang pasahero nadating.
Halos ten minutes na kami nag-aabang ng pasahero. Dalawa pa kasi ang kulang bago mapuno. Ewan nga bakit madalang ang pasahero samantalang miyerkules naman ngayon may mga pasok sa trabaho.
Paglipas pa ulit ng five minutes may dumating na isa. Naku po, kung another ten or five minutes na mag-aantay ulit, para mapuno. Panigurado makakaalis kami ay seven thirty na.
Biyahe pa patungo sa national road na daanan ng mga dyipni. Paano pa pagdating namin roon aabang ulit ako ng jeep patungo naman sa crossing. Hindi kaya malate ako nito sa job interview ko. Patay na mukhang mapupurnada pa yata.
Paktay kang bata ka Analyn. Late ka ngayon makakarating sa kumpanyang pinag-aaplayan mo. Manager pa naman ang mag-interview sa iyo lagot ka na. Lihim ko pang kausap sa aking sarili.
Isa na lang naman ang kulang ayaw pa ni Kuya magpalugi. Minsan naman may nag-aabang diyan sa labas kasi malayo rin ang lalakarin hanggang sa national road ng sakayan ng jeep.
“Kuya, p'wede naman po siguro tayo lumarga na anong oras na po eh. Baka ma-late po kami sa aming pupuntahan,” nakikiusap kong sabi sa kaniya.
“E, Ma'am, kailangan po talaga mapuno kasi lugi kami sa isang biyahe. Nagbabayad kami sa pila. Kung gusto mo po, kasi nagmamadali ka naman. Bayaran mo na lang po ang isang bakante?” wika pa ni Kuya tricycle driver sabay kakamot sa buhok niya.
May pera pa naman ako. Binigyan kasi ako ng Nanay Hiyas, ng one thousand para pamasahe at pagkain ko raw. Five hundred lang dapat ang kinukuha ko, hindi kinuha ni Nanay Hiyas ng ibabalik ko sa kaniya. Dalhin ko raw para sigurado.
Mahirap nga naman lumakad ng sakto lang ang dalang pera. Lalo kung ganito nasa labas ako. Kinuha ko na lang kahit hiyang-hiya na ako sa kanilang mag-ina. Sa gastos nila sa amin ni Alex.
Although I don't buy milk for Alex because he is breastfed by me. But for diapers, I still spend money for my child and for his vitamins.
Si Mutya ang tagabili. Kahit hindi ko sabihin magugulat na lamang ako may iaabot na isang balot ng diaper para kay Alex, at kapag ubos na naman ang vitamins itatanong din pagkatapos bibilhin nito.
Kapag natanggap ako sa trabaho babawi ako sa kanila. Sana matanggap na ako ngayon. Kasi gusto ko ng mabinyagan si Alex. Six months na hindi pa binyag ang baby ko. Gusto ng Nanay Hiyas, pabinyagan na namin. Ako lang ang tumutol. Sabi ko kasi isabay na lamang sa first birthday ni Alex, para Isang handaan lang kami. Ngunit sa totoo lang. Inaantay kong matanggap ako sa trabaho para sarili kong pera ang gagastusin sa birthday at binyag ng anak ko.
“Ano Ma'am, ok na ba babayaran mo na lang ang isang upuan?”
“Sige na para makaalis na tayo, Kuya,” sabi ko na lang sa kaniya.
Bale thirty pesos ibabayad ko sa kaniya. Kinse kasi isang tao. Kapag special, bayaran isang biyahe ng tricycle ay 120. Walo kasi ang laman ng tricycle. Apat kami sa loob. Meron sa likuran dalawang tao at dalawa sa back ride sa tabi ni Kuya driver
Bumuntonghininga ako.
Sana matanggap na ako ngayon.
Kapag hindi ako matanggap kukunin ko na lang maging titser sa nursery school malapit sa tirahan namin. Nag-apply kasi ako last year ngunit nataon na walang bakante. Kasi tatlong session lang naman sakto tatlo rin ang titser nila.
Last month. Sinabihan ako kung interesado pa raw ako kasi nakapasa sa LET examination ang Isa nilang teacher at nagkaroon agad ng slot sa public school so may bakante na.
Sakto pasukan next week. Magiging second choice ko if ever.
Nagtapos ako sa kursong BSEd. Ngunit kaya ko naman magturo ng mga bata. Hindi naman malaking school. Parang tutorial center nga lang kung titingnan ang nursery learning center.
Ngayon kasi may bakante raw iyon lang maliit ang sweldo. Ngunit pwede na pagtiyagaan at least malapit lang at hindi na ako gagastos ng pamasahe dahil walking distance lang.
Na stress ako pagdating sakayan ng jeep. Punuan bawat dinadaan. Sumasabit na nga lang ang mga lalaking nagmamadali. May dumaan na bakante ang center seat. Nagtiyaga ako umupo kaysa matagalan pa ako pag-aantay. Hindi ko maabutan ang oras ng interview ko.
Nagsalubong amg kilay ko ng sa Capitol ay ma-traffic. Shitty sana talaga umabot ako bago pa sumapit ang alas-otso sa kumpanya pagappalayan ko. Sayang kapag nahuli ako panibago apply na ayaw kong mangyari.
Sayang ang pagod at nauubos na oras kapag pinalagpas ko pa ito.
Iskedyul ko pa naman 8: 15 pa ng umaga. Inagapan ko lang pumunta. Ayaw ko naman maging haggard ang itsura ko na haharap sa manager ng kumpanya.
Bago nga lang ang kumpanya na ito nakita ko sa website nila five years pa sila. ‘MS Manpower Solution Agency’ secretary ang magiging trabaho ko sa kumpanya kung sakaling matatanggap ako ngayon.
Bagamat hindi ito katulad sa ibang company nakikita sa Ortigas nagtatayugan ng building at nagpapaligsahan sa rangya ng building masasabi kong successful ang kumpanya.
“P'wede ka Ma'am, mag-antay sa lobby. Maganda roon kasi malamig,” alok ng duty guard sa akin. Nakita ko rin may sofa sa loob at naroon ang bundle clock ng mga employee.
“Salamat po Kuya,” sagot ko hindi na ako tumanggi talaga naman mainit ang panahon ngayon.
Habang nag-aantay. Sinilip ko muna ang phone ko kung may text si Mutya. Naisip ko rin silipin ang sarili ko kung ano na itsura ko. Magulo ang buhok ko ngunit hindi naman masyado. Nagsuklay pa rin ako at naglagay ng baby powder at nagre-touch din ako ng lipstick ko. Iyan lang kasi ang nilagay kong kolorete sa mukha ko. Wala naman na ako ilalagay naisip ko na i-massage si Mutya.
May data ako ngayon kaya nag-selfie ako send ko kay Mutya upang ipaalam narito sa ako sa in-apalayan ko.
Nag-chat si Mutya. Tulog pa raw si Alex, kaya napangiti ako. Sabagay gabi na natulog kagabi namuyat sa akin.
Sumilip si Kuya guard sa pinto. Hawak ang radyo may kausap. Pinaakyat na ako. Ibig sabihin maagap sila pumasok. Hanggang 4th floor lang itong MS Manpower Solution hindi ako maliligaw.
“Kuya saan po floor ako pupunta?”
“Third floor po ma'am, makikita mo agad ang office ni boss. Kasi meron naman nakasulat na office of manager,” sagot nito sa akin.
“Salamat po Kuya guard,” anang ko bago tuluyang sumakay sa elevator.
Pagdating ko sa 3rd floor. May limang table sa labas at may nakaupo na. Of course mga employee nga siguro kasi nakaharap sa desktop computer nila sa kani-kanilang table.
“Ahm, ma'am. Saan po ang office ng Manager?” tanong ko.
“Ayan Miss. Sekretarya niya iyong nakaupo sa table sa labas.”
“Punta ka na. Ikaw ba ang interview-in ni boss?” palakaibigan sabi nito.
“Opo ma'am,” magalang kong sagot napangiwi.
“Masyado formal kung Ma'am. joycelyn na lang, kahit ate Jo,” sabi nito.
“Sige Ate Jo,”
Mabait din ang sekretarya ng Manager pagkasabi ko na ako ang naga-apply at interview-in ng boss niya nakangiti at pinapasok na ako sa loob.
“Binilin kasi ni Sir Manuel papasukin na agad kita kapag dumating ka,” aniya nakangiti.
“Salamat Miss,” sabi ko.
“Sandee na lang,” wika nito nakangiti.
Parang nag-aantay na sa akin ang Manager ng MS Manpower Solution Agency. Kasi nakangiti na pagpasok ko.
“Maupo ka Ms. Joring.”
Hawak na nito ang resume ko pinasadahan ng tingin.
“Actually hindi na kita interview-in kasi kailangan na ng kapalit ni Sandee. Two weeks na lang kasi ayan bilang sekretarya ko. Ikakasal na kasi. Need kasi turuan ka pa bago matapos ang one month niyang resignation letter. So kung kaya mo nag-start ka na agad bukas?”
Napamulagat ako. “Totoo po?”
He chuckled. “Do I look like I'm joking?”
Napawaang ang labi ko masayahin pala itong boss ko. Binata pa kaya ito? Mukhang nasa late 30’s lang ito.
“Welcome to MS Manpower Solution Agency, Miss Analyn Joring. Excited na akong maka trabaho ka," wika nito kinamayan pa ako.
“Salamat Sir,” masaya kong sabi. Natawa pa ito bago ako magalang na nagpapaalam baka raw hindi ako matulog sa sobrang excited ko. Totoo naman excited ako kasi una ko itong trabaho at pag bubutihan ko talaga upang hindi si Sir magsisisi sa pag-hire sa akin.
Walang pagsidlan ang kasiyahan sa aking labi at mata dahil natanggap ako ng walang kahirap hirap. Bukod doon malaki na para sa akin ang sweldo ko.
My salary is fixed at twenty thousand monthly even without work on Saturdays and Sundays. Nagustuhan ko rin dahil eight to five ng hapon lang ang trabaho ko ngunit kapag may rush, need mag overtime ngunit may additional fee naman sa fix kong sahod kaya ayos lang sa akin.
May time pa naman ako na kasama si Alex. Sabado at Linggo wala naman akong pasok. Sa hapon pag-uwi ko hindi naman ako aabutin ng alas-nueve ng gabi sa kalsada bago makauwi ng bahay dahil alas-singko naman ang labas ko.
Kahit paglabas ko ng MS Manpower Solution Agency. Nakangiti pa rin ako. Pagkatapos ko magpasalamat sa guard dali-dali kong kinuha ang phone ko upang tawagan sila Mutya.
Sobra akong excited na ibalita sa kanila kaya hindi ko napansin ang papalapit na kotse nakatungo ako nagtatype sa phone ko ng malakas itong nag busina. Aapat pa yata ako ng hakbang galing kay Kuya guard.
Nag-angat ako ng tingin namilog ang aking mata sa lalaking pababa ng magarang kotse.
“T-Teng?”
Tumingin din siya sa akin at natigilan.
Malakas ang tahip ng dibdib ko.
“Teng,” lalapitan ko na sana ngunit hindi na niya ako pinansin. Napalunok ako sumakit ang lalamunan ko.
Tumingin siya sa akin tatawagin ko sana siya ngunit dedma lang akong nilampasan ni Teng.
Napatda ako walang emosyon ang mata niya na nakita ko at parang hangin ako sa paningin nito. Ano ang aasahan mo Analyn sinaktan mo ang tao.
Mariin ako napapikit. Pero ano kaya ang ginagawa niya rito? Nasagot ang tanong ko ng batiin siya ni Kuya guard ngunit iba ang pangalan.
“Ikaw po pala Sir Noah. Ang sweet n'yo naman po kay Ma'am Sandee,” wika ni Manong guard.
Kumunot ang noo ko. Ano niya si Miss Sandee? Pero bakit, Noah ang name niya, hindi Teng? Naguguluhan kong tanong. Biglang sumakit ang ulo ko. Wala sa sarili mabilis akong lumakad hindi ko namalayan may luha na pala nalaglag sa pisngi ko at mahina akong napahikbi.