Analyn
“Mutya, pasensya ka na sa abala ha? Sana matanggap na ako ngayon pangsampu ko na yata itong in-apply-an kong trabaho. Susubok pa rin ako. Wala, hindi ako maka tsamba kahit na maganda naman ang school credentials ko," saad ko kay Mutya, habang karga ang six-month-old kong anak na si, Alex Daniel Joring.
Alex Daniel Joring, my six-month-old baby boy.
Lampas isang taon na rin ang lumipas parang kahapon lang nangyari.
Napalunok ako ng maalala ko si Teng. Kumusta na kaya siya ngayon? Saan kaya siya pumunta after ng aming hiwalayan.
Sana maayos ang buhay niya ngayon dahil iyon ang palagi ko noon ipinagdarasal nakalimutan niya ako at ipagpatuloy niya ang masayang buhay kahit hiwalay na kami.
Wala naman alam ang binata nagkaanak kami at hindi na rin niya kailangan malaman dahil nakaraan na iyon at sobra ko siyang sinaktan karapatan niyang magalit sa akin.
Isa pa baka may asawa na iyon. Twelve years ba naman ang tanda noon sa akin. Twenty four na ako ngayon. Maybe mayasawa na siguro iyon hindi na siya bumabata gurang na siya aba.
Potek, bakit ko biglang naisip ang Tatay ni Alex. Lampas isang taon na ang lumipas. Samantala noon, madalang ko siyang maisip. Ako na rin ang sumagot. Pinilit ko kasi mag-move-on. Nang sa gano'n ay makausad ako kahit ang totoo, sa loob-loob ko nangungulila sa kaniya ang puso ko.
Sobrang nahihirapan ako. Mabuti na lamang dumating si, Alex sa buhay ko ng hindi ko inaakala mabubuntis ako pagkatapos kong hiwalayan si Teng.
Simula ng malaman kong buntis ako. Pinili kong maging masaya ayaw ko kasi maapektuhan ang pagbubuntis ko kay Alex. Pero bakit ngayon bigla ko na lang siyang naalala. Bakit ba sumagi siya sa isip ko ni wala naman kaming komonikasyon after noong maghiwalay kami.
“Bakit namumula na naman ang mata mo ha, babahita? Tigilan mo na kaka imagine sa Tatay ni Alex. Sabi mo nga ikaw ang may kasalanan kaya dapat wala kang pinagsisihan sa iyong naging pasya.”
“Tss…parang naalala lang kung ano na ang sinasabi. S'yempre makakalimutan ko ba iyon, ex-boyfriend ko? Kung nakikita ko ang mukha noon sa anak ko!”
“Siya sige na galingan mo sa interview para naman may mapuntahan na ang pagod mo. Ako ang nahihirapan tumingin sa ‘yo kapag malungkot ka na tila pinagsakluban ng langit at lupa kapag uuwi na paiyak dahil hindi natanggap sa in-apply-an na trabaho.”
Dahilan ng in-apply-an ko ang hinahanap nila with at least one year of experience in office work.
Ngayon lang din kasi ako magkakaroon ng trabaho related sa office. Dati kasi working student ako sa mga canteen or grocery ako nagsa-sideline. Kung pinapalad sana akong matanggap. Kaya nga lang palaging bagsak sa interview or work experience related to office work. Minsan ang sarap sagutin kapag sasabihin na need nila ng applicant na may experience sa office work. E, kaya nga maga-apply upang magkaroon ng experience. Talaga naman na patakaran wala na katwiran. Palagay ko ayaw lang sa akin ng mga HR na nagi-interview sa akin kasi nakairap na papasok pa ako sa office nila.
“Kasi nahihiya na ko sa inyo ni Nanay Hiyas. Simula ng buntis pa ako, nakaasa na ako sa inyo ni Nanay Hiyas. Hanggang ngayon na six months na si Alex, wala pa rin akong trabaho.”
“Sira! Hindi naman kami naninigil ni Nanay sa ‘yo ah! Kusang loob ang pagtulong namin sa ‘yo. Tsaka hindi ka naging pabigat kahit sa amin ni Nanay, kahit buntis ka noon. Tumutulong ka rin kasi sa pagtitinda ng barbecue kahit anong saway ni Nanay sa iyo,”
“Gusto ko kasing makabawi—”
“Sus! H'wag mong ispin ‘yon. Kasi alangan magtrabaho ka ng bagong panganak? Edi nabinat ka niyan mamaya magkaroon ka pa ng teleleng, ayaw yata namin magkaroon ng kasama na may teleleng,”
Natawa ako. Grabe sa teleleng natatawa na lang ako rito sa kaibigan ko. Para ko ng Ate si Mutya, ayaw lang magpa Ate feeling bata. Two years ang tanda niya sa akin at ewan bakit hindi pa nag-asawa. Maganda naman si Mutya, morena. May mga nanliligaw na kapitbahay ngunit dedma lang dito.
“Alex…sa Tita Ninang ganda ka ulit hanggang hapon,” wika nito sinilip ang tulog kong anak.
Nasa taas ang silid namin. May tatlo silid kasi itong bahay ni Nanay Hiyas. Kahit yare sa plywood at medyo luma na maayos pa naman. Ang CR dito sa baba katabi ng kusina. Ang pinaka sala namin nandoon na lahat. Dining table at sofa. Kasi nahagip ang espasyo sa tindahan ni Mutya. Meron kasi sari-sari store si Mutya. Wala kasing tindahan sa mga kalapit namin kaya nagtayo si Mutya. Sakto lang maayos naman ang benta.
“Wait aayusin ko lang ang upuan na hihigan ni Alex,” parang nakalimutan nito kasi nalibang pagmasdan si Alex.
Nagmadaling umakyat sa taas. Pagbalik dala nito ang kumuot at tatlong unan na medyo manipis.
May mahabang green na plastic upuan sa tindahan ni Mutya. Inuupuan nito kapag nagre-repack ng asukal, asin at kung ano-ano pa niyang paninda na kailangan repack. Kapag siya ang maiiwan kay Alex, sinasapinan lang ng makapal na kumot.
“Salamat Mutya, ha?”
“Tsaka ka na magpasalamat kapag natanggap ka na riyan sa in-apply-an mong trabaho,” sabi nito itinuro ang upuan na maayos na ngayon.
Lumapit ako at dahan-dahan ko inilapag si Alex. Pinagmamasdan ko pa ito nakangiti ako.
“Ewan ko ba sa mga company ngayon hindi marunong kumilatis ng magaling na magiging employee. Aba maganda ka. Mabait, masipag at higit sa lahat mataas din naman ang grade mo,”
“Ano ka ba baka hindi ko lang swerte ang mga naunang in-apply-an ko. Baka dito na ako makatsamba.” ani ko pa sa kaniya.
“Mag-text ka kung nakarating ka na sa Ortigas.”
“Opo, Ate Mutya,” biro ko. Napanguso ito kaya bumungisngis ako ngunit mahina lang upang hindi magising si Alex.
Napangiti ako’t hinalikan ko sa pisngi si Alex. Ang sarap pa ng tulog hindi man lang nagising ng linisin ko kanina.
Maaga pa kasi ala-sais y medya pa. Pinaliliguan ko kasi kapag alas-otso na ng umaga kapag nandito lang ako. Mamaya sabi ni Nanay Hiyas, papaliguan na lamang niya.
Wala si Nanay Hiyas nasa palengke pa. Nag-iihaw kasi sila ng barbecue kapag hapon kaya alas-singko pa nasa merkado na iyon. Pero alam naman na aalis ako kasi hahanap ako ng trabaho.
“Wala ka pa balak lumakad? Aabutin ka niyan ng traffic. Maganda kapag nauna ka sa mga employee dagdag points iyon.”
“Sana nga,” sabi ko sa kaniya.
“Walang masamang umasa malay mo matanggap ka na ngayon. Tsaka ‘wag mo na intindihin ang pagbabantay rito sa inaanak ko. Ayos lang iyan. Sus wala naman akong ginagawa. Nag-aantay lang ng customer na bibili hindi mabigat. Lakad na para hindi ka nagmamadali. Good luck girl,” anang pa ni Mutya.
Napangiti ako tumango. Sa kabila ng kamalasan na nangyari sa buhay ko sa nakalipas na lampas isang taon. Ngayon lang ako nagkaroon ng totoong kaibigan at parang Nanay ko na rin sa katauhan ni Aling Hiyas at Ate sa katauhan ni Mutya.