5 - Her Sacrifice

1600 Words
"MABUTI naman at aattend ka sa wedding anniversary nina Dad. So, ang ibig bang sabihin niyan napatawad mo na sina Dad at Mom?" sunud-sunod na tanong sa kanya ni Ate Ariana nang pumasok ito sa silid niya. Nang mga oras na iyon ay nakahiga siya sa kama niya. "Wait, bakit hindi ka pa nakapagpalit at nakapag-ayos?" Hindi man niya ito tingnan ay alam niyang salubong na naman ang kilay nito. "Later, masyado pang maaga para magpalit," nababagot na sagot niya. "And by the way, gusto kong sagutin lahat ng sinabi mo. Yes, aattend ako dahil may usapan kami ni Dad. And attending that effin party doesn't mean I forgive them. I'm still mad and nothing can change that. Keep that in mind." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa sinabi niya. Naramdaman niya ang pagsampa nito sa kama niya. Noon niya iminulat ang mga mata at nakita niyang nakapag-ayos na ito. Ngunit hindi iyon ang pinagtuunan niya ng pansin kundi ang lungkot na nakalarawan sa magandang mukha nito. "You're beautiful," wala sa sariling puri niya rito na nagpangiti rito. "Thanks," pasalamat nito. "Marami ang nakapagsabing magkamukha tayo so it means, you're beautiful too. But truth is, mas maganda ka naman talaga sakin. Kung tatanggalin mo lang sana iyang makapal na make up at eyeliner mo." “As if I’ll remove it,” bulong niya. "Anyway, nauna na sila sa party kaya sabay na lang tayong pupunta doon. So, what do you wanna wear? This one? Or this one?" Ipinakita nito sa kanya ang mga gown na dala-dala nito. Salubong ang kilay na napatitig siya sa mga iyon. Parehong tube ang mga iyon na kulay blue at white. They're adorned and designed with sequences and diamonds. Napakaganda ng mga iyon at alam niyang magiging agaw pansin ang mga iyon sa paningin ng mga makakakita. Kung ipapakita lang niya ang kaartehan niya sa party katulad ng ipinapakita niya sa university ay isa sa mga iyon ang pipiliin niya pero nakapili na siya ng susuutin niya. "Sorry, they're not my type." Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. "Actually, may isusuot na ako at nasa walk-in closet ko na." "I want to see it." "Go ahead," sabi niya at hindi niya ito pinigilan nang pumasok na ito sa walk in closet niya. "Ito ang susuutin mo?!" hindi makapaniwalang sigaw nito at humahangos na lumapit sa kanya dala-dala ang sinasabi niyang dress. "Yeah," kibit balikat na sagot niya. "You've got to be kidding me! You'll wear black in the party?" hindi makapaniwalang tanong nito. "So what?" pakli niya at hindi pinansin ang mga sinasabi nito. Kinuha niya rito ang halter dress na kulay black. May design ding mga diamonds iyon. "Ang cute nga eh." "You'll not gonna wear that." "No, I’m going to wear this. At walang makapipigil sakin na isuot ito sa party," pambabalewala niya sa sinabi nito. "You know Mom, she hates black dress." "So? Hindi naman siya ang magsusuot," pagdadahilan niya. "Pwede ba ate? Will you please stop minding Mom!" anggil niya rito at nag-martsa papasok sa banyo upang maligo. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Fine. Isuot mo na kung ano ang gusto mong isuot. Basta bilisan mo lang dahil kailangan pa kitang ayusan." "I can fix myself," sagot niya at sumigaw upang marinig siya nito. "No! Whether you like it or not, ako ang mag-aayos sayo! Keep that in mind! Make it fast! Don't make me wait! Bilisan mo lang dahil magsisimula na ang party." "BILISAN mo! Late na tayo!" halos ay kaladkarin na siya ng ate niya nang makababa sila ng kotse nito. Napabuga na lang siya at hinayaan na lang ito sa paghatak sa kanya papasok sa Galaxy Hotel. Sa hall pa lang ay kitang-kita na niya ang maraming bisita ng parents niya. Ilang sandali pa'y hinatak niya ang kamay palayo sa kapatid. Nagtatakang napatingin ito sa kanya. "Pupunta lang ako sa comfort room." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo rito. "Make sure susunod ka sakin," pahabol na sabi nito. Hindi niya iyon pinansin na tila ba walang narinig. Nagpatuloy siya sa paglakad patungong comfort room. Kabisado naman niya ang pasikot-sikot sa naturang hotel dahil pag-aari nila iyon. Umaabot iyon ng tatlumpong palapag. Ang unang dalawang palapag ay restaurant kung saan ay doon gaganapin ang party ng parents niya. Nang nasa loob na siya at naghuhugas ng kamay ay napatitig siya sa repleksiyon niya sa salamin. Nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang nakikita kundi ang dating siya. Ang mabait at inosenteng Beatrice. Ang mahaba niyang buhok ay inayusan ng ate niya gamit ang mermaid style na hairstyle. It was also adorned with headdress designed with shining jewel stones. Ang suot naman niyang itim na halter dress ay hanggang taas ng tuhod niya na tinernuhan niya ng silver flatshoes. Habang ang make up naman niya ay simple lang. Konting blush on, powder at lipstick kaya kitang-kita ang natural niyang ganda. Ang ayos niyang iyon ay ibang-iba sa ayos niya sa University na mukhang panda at clown. Mas simple siya ngayon pero mas maganda naman siya. Kung dala lang sana niya ang makeup kit niya ngayon ay iibahin niya iyon pero anong magagawa niya, hahayaan na lang niya ang kalokohan ng ate niya. But seeing the old her in that mirror made her mad at some point. Ikinuyom niya ang mga kamao. Bago pa man niya mabasag ang salamin na nasa harapan ay naglakad na siya palabas doon at tinungo ang reception ng party. Malapit na siya roon nang mabunggo siya ng isang lalaki. Taas ang kilay at nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ito. At para lang lalong mainis nang makitang nakamaang at tulalang nakatitig ito sa kanya. "What are you looking at?!" singhal niya rito. Tila noon lang ito natauhan. "Ah eh.. Kwan kasi.. S-sorry ha.." paumanhin nito at napakamot sa ulo. “Hindi ko sinasadya.” Tumaas ang kilay niya sa inasta nito. Nahihiya ba ito? Lalo siyang nakaramdam ng inis dito dahil doon. "Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinaraanan mo! Naiintindihan mo?" pagsusungit niya rito. Akmang lalampasan na sana niya ito ngunit mabilis itong humarang sa kanya. "Ahmm.. Ako nga pala si Ken," pagpapakilala nito sa sarili at iniumang ang palad sa kanya. Nakatikwas ang kilay na napatitig siya sa kamay nitong iyon at pagkatapos ay pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa tingin niya'y hindi naman ito anak ng isa sa mga bisita ng parents niya. Oo, aaminin niya, gwapo ito pero sa pananamit pa lang nito, he doesn't belong in their circles. "Do you think I will accept that?" taas ang kilay na tanong niya sa lalaki. Tila napahiya ito sa sinabi niya kaya agad nitong binawi ang kamay. "Back off and get out of my way!" pagkasabi niya niyon ay patulak na tinabig niya ito sa daraanan niya. Dahil sa ginawa niya ay napasubsob ito sa naglalakad na waiter na may dalang mga inumin. Narinig niya ang pagkabasag ng mga baso sa sahig kaya napatigil siya sa paglakad at nilingon ito. Pati ang ilang mga panauhin ay napatingin sa kanila. Natigilan siya nang makitang nakasalampak ito sa sahig habang sapo-sapo ang isang braso nito. "Aray.." namimilipit sa sakit na daing nito. "Ken okay ka lang?" nag-aaalalang tanong ng waiter dito at mabilis nitong dinaluhan ang lalaki. Pakiramdam niya'y nanlamig ang buo niyang katawan at napako siya sa kinatatayuan nang makita ang maraming dugo sa kamay nito. "Is there any problem here?" narinig niya ang boses ng Dad niya sa likuran niya. "Oh my god Ken hijo anong nangyari sa kamay mo?" nag-aaalalang dinaluhan ng mommy niya ang lalaki. "Tumawag kayo ng ambulance!" utos nito sa mga ilang tauhan nila. "Wala po ito. Okay lang po ako maam, sir," sagot nito at pilit na ngumiti. "Ano bang nangyari rito?" tanong ng Dad niya. "Wala po ito sir. Nadulas la-" Hindi nito natapos ang balak nitong pagtatakip sa kanya dahil sumingit ang waiter na nakaalalay rito. "Sir, itinulak po siya ni Maam," sumbong nito sabay turo sa kanya. Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang lahat. Halos ay kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ng Dad niya nang malaman nitong siya ang dahilan ng pagkakaaksidente ng lalaki. "Halika nga ritong bata ka!" galit na galit na hinatak siya nito papunta sa isang sulok na walang masyadong tao. "Ano na naman ba itong ginawa mo ha? Puro na lang ba gulo at sakit sa ulo ang ibibigay mo sa amin?" sermon nito. "I didn't mean to do that. Kasalanan din niya iyon. Kung hindi lang siya naging makulit hindi sana mangyayari iyon sa kanya," sagot niya. "Nagdadahilan ka pa! Baka nakakalimutan mong may usapan tayo?" Nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. "So, binabawi mo na ganon ba? Fine! Then I better leave this hell!" Tinalikuran na niya ito. Narinig niya ang marahas nitong pagbuntong-hininga. "No you stay. Hindi ko babawiin ang tungkol sa pinag-usapan natin." Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang mahinahong boses nito. "At aayusin ko rin ang gulong ginawa mo. I will double the price you're asking from me, but on one condition." It seems like she doesn’t have a choice again. For the sake of Sister Gemma and the children at the orphanage, she will do everything to save them. Napabuga siya at pagkuwa’y nilingon ito. "What condition?" "You'll know later." Napaisip siya. Malaking tulong sa orphanage ang perang ibibigay nito kung nagkataong susundin niya ang gusto nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Bahala na. Para sa mga bata at kina sister, lahat ay gagawin niya. Alang-alang sa kapakanan ng mga ito ay magsasakripisyo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD