6 - The Pseudo Angel's Puppet

2835 Words
"WHAT?! Are you kidding me?!" Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang bulalas ni Tom nang marinig ang sinabi ni Sussie sa kanya. "Langya naman Sussie e! You disturbed my sleep and commanded me to come over here this late? Para ano? Para tumugtog lang ng piano?" maktol niya. Parang batang nagpapapadyak siya sa kinatatayuan. Oo tulog na tulog na siya, pero binulabog siya nito at sinabihan siyang pumunta sa hotel na kinaroroonan nito. Halos ay paliparin na niya ang motor niya makarating lang siya agad doon dahil binigyan lang siya nito ng limang minuto. Akala pa naman niya ay kung napaano na ito, iyon pala ay papatugtugin lang pala siya nito ng piano sa nasabing hotel. "Hanep ka talag-arayyy.." Napangiwi at napadaing siya nang bigla siya nitong piningot sa tainga at kinaladkad habang hawak-hawak iyon. “S-sandali! Aray!” Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito dahil pakiramdam niya ay matatanggal na ang tainga niya kapag hindi siya sumunod dito. "Aba! Nagrereklamo ka na ngayon?" nanggigigil na tanong nito habang patuloy sa paghatak sa tainga niya. "Hindi na. S-sussie, bitawan mo na tainga ko please. Matatanggal na oh. Tama na. Parang awa mo na. Mababawasan ang kagwapuhan ko sa ginagawa mo," nagmamakaawang pakiusap niya. "Alam mo, kailangang-kailangan kasi nila ng pianist ngayon dito kasi may importanteng occassion. Naaksidente kasi 'yung pianist nila kaya isinugod nila sa hospital. Para naman hindi masira ang party, nagsuggest ako na tatawag ako ng magaling na pianista. Kaya ikaw na muna ang pansamantalang papalit sa kanya," mahabang paliwanag nito. "Do you understand? Pumapayag ka ba? O may angal ka pa?" "Oo na nga. Oo na. Pumapayag na ako. Bitawan mo lang ang tainga ko. Matatanggal na talaga eh," nakangiwi at hindi maipinta ang mukhang pakiusap niya. Nakahinga siya nang maluwag nang bitawan nito iyon. "Ouch.." daing niya habang sapo ang masakit na tainga. "Hey Sussie!" Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pakiramdam niya’y napawi ang sakit na nararamdaman niya nang makita ang isang sexy at magandang babae na papalapit sa kanila. Napangiti siya ng ubod tamis sa babae at inihanda ang sarili upang magpacute dito. "Aray!" Nasapo niya ang likod ng ulo nang maramdamang may bumatok sa kanya. Hindi man niya tingnan ay alam na niyang si Sussie ang may gawa niyon sa kanya. "Magbehave ka nga!" matatalim ang mga matang banta nito. "Iyang ngiti mong iyan, kabisado ko iyan. Pakiusap Tom, huwag kang maghasik ng lagim dito!" "Bakit ba? Inaano ba kita?" patay malisyang tanong niya. Muli siya nitong binatukan. "Aray! Nakakarami ka na! Kapag namatay ang mga braincells ko, humanda ka! You're dead meat Sushie girl!" banta niya. "Stop calling me Sushie girl!" Muli na naman sana siya nitong babatukan ngunit inunahan na niya ito. Binigyan niya ito ng mahinang kutos. Aba, nakarami na ito ano at lintik lang ang walang ganti. "Walangya ka!" nagmamarakulyo at nanggigigil na sigaw nito. Bago pa man siya makalayo rito ay nahagip nito ang buhok niya at sinabunutan siya. "Kinukutusan mo na ako ngayon? Ang sama talaga ng ugali mong hinayupak ka! Kung gaano kainosente at kaamo ang mukha mo, ay kasingpangit at kasingsama naman ng ugali mo! Mukhang anghel daw! Bulag na talaga ang mga fans mo!" ‘Fine! Masama ang ugali ko and I’m aware of that. But hello? Sino ba ang nauna? Tsk!’ "A-arayyy… Sussie masakit! Hindi iyan palay! Parang awa mo na! Wag mong bunutin!" Halos ay naiiyak na siya sa sakit na nararamdaman nang mga oras na iyon. Kung bakit pa kasi pinatulan niya ito eh alam na nga niyang palaban ito. Pasalamat ito dahil kaibigan niya ang amasonang ito, dahil kung hindi, malamang ay matagal na itong lumpo. "Sussie! Stop na! Kung pumunta lang ako rito para sabunutan mo, uuwi na lang ako," pagdadrama niya. Noon ito tumigil sa ginagawa nito sa kanya. Binitiwan na nito ang buhok niya. Lukot ang mukhang minasahe niya ang masakit at mahapding anit. "I'm sorry Tom. That's not the proper way to treat a girl kasi eh," nakangusong pagdadahilan nito. "You're not a girl," sagot niya. Isang nagbabantang tingin ang ibinigay nito sa kanya. "Ehehehe... Joke lang, ikaw naman, hindi na mabiro." Ayaw naman niyang matriple ang iniinda niyang sakit sa katawan. Mas mabuti nang nakakasiguro. "Hey Sussie." Noon nila namalayan na nakalapit na pala ang babae sa kinaroroonan nila. "Hello Miss Ariana Fuentes!" nakangiting bati ni Sussie sa magandang babae. "By the way, this is Tom. He is the pianist I'm talking about earlier." "Hi!" nakangiting binalingan siya ng magandang babae. "So, ikaw pala ang tinutukoy nitong si Sussie na magaling na pianistang kilala niya." 'Ang cute naman ng babaeng ito. But I think, she's older than me, kaya hindi pwede.' Lihim niyang pinag-aralan ang babaeng kaharap. She looks gorgeous in her peach long gown. Ang kulot na buhok naman nitong hanggang balikat ay bumagay sa maliit nitong mukha. Mayroon itong mga magaganda at nangungusap na mata na nadedesinyuhan ng mahahabang pilik mata at perpektong kurba ng kilay. Mayroon itong matangos na ilong, namumula, manipis at maliit na mga labi. Kung hindi siya nagkakamali ang edad nito ay nasa mid-20's. Kaya hindi talaga sila perfect match. “Wait, she looks like..” Saglit siyang natigilan nang may pumasok sa isip niya. Her face reminds him of someone. Hindi niya lang maalala kung sino ang kahawig nitong iyon. "Nice meeting you." Ang sinabi nitong iyon ang pumukaw at nagpabalik sa kanya sa tamang katinuan. "Same here," sagot niya at inabot ang pakikipagkamay nito. "Tara na sa loob," yaya nito sa kanila maya-maya. Tahimik na sumunod siya sa dalawang babae. Ilang sandali pa'y kausap at kaharap na niya ang orchestra band na tumutugtog sa party. Sinabi ng mga ito kung ano ang tutugtugin nila. Mabuti na lang at alam niya ang mga iyon kaya hindi na siya mahihirapan. Nagpalit na rin siya ng americana na ibinigay sa kanya ni Sussie. Nakakahiya din naman kasi kung tutugtog siyang naka-tshirt. Well, according to Sussie, Wedding Anniversary daw iyon ng parents ni Miss Fuentes. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit mukhang mayayaman at kilalang mga tao ang bisita dahil hindi naman pipitsugin ang parents nito. If he’s not mistaken, pag-aari ng mga Fuentes ang 5 star hotel na iyon. Maliban doon ay pag-mamay-ari rin ng mga ito ang isang sikat na telecommunication company sa bansa. Ilang sandali pa'y nagsimula na sila sa pagtugtog. Sa totoo lang ay naboboring siya sa party na iyon. Idagdag pa ang mga tinutugtog niyang nakakasawa na rin o mas tamang sabihing panahon pa yata ng lolo niya sa tuhod. Parang mas gugustuhin pa niyang matulog na lang kaysa tugtugin ang mga piyesang iyon. 'Ugh! Oldies! What a boring show! What a boring party! What a boring music!' He rolled his eyes and sighed. Nababagot na pumindot-pindot siya sa piano habang sinasabayan ang tugtog ng banda. 'It's so boring. Wala man lang ka-thrill thrill tumugtog ang mga ito. Hay! I wanna sleep. I miss my bed,’ anang isip niya at napahikab pa. Nang dumako ang tingin niya kay Sussie ay hindi na siya nagtaka nang makita ang matatalim nitong tingin sa kanya. Kulang na lang ay parang gusto na siya nitong sakmalin. Kung may laser nga lang ang mga mata nito ay baka kanina pa siya nito pinugutan ng ulo. Marahil ay kitang-kita nito ang paghikab niya at halata nitong naboboring siya kaya naiinis na naman ito. He just rolled his eyes. Hindi na lang niya ito pinansin. As if naman malalapitan siya nito eh nasa stage siya. He will just face her fury later. Ilang oras na rin ang lumipas. Ganon na lang ang pasasalamat niya nang matapos na rin ang pagtugtog nila. That means, pwede na siyang umuwi. ‘Sa wakas! Makakasama ko na rin ang pinakamamahal kong kama!’ Pababa na siya ng stage kasama ang miyembro ng banda nang biglang may humarang sa kanya. Salubong ang kilay na tiningnan niya kung sino iyon. Umaliwalas bigla ang mukha niya nang makitang si Ariana Fuentes iyon. He smiled at her sweetly. "Can I ask a favor from you please?" pakiusap nito at nginitian siya. How can he say no to her if she always smile like that? That kind of smile is a smile he can never resist. "Yeah, sure. What is it?" tanong niya at nginitian ito ng ubod tamis. "Can you play another song? Please?" nagmamakaawang pakiusap nito. "Nagrequest kasi si Dad at Mom na pasayawin 'yung bunso namin. They haven't seen her dance for four long years now." Nang mga oras na iyon ay naging malungkot ang boses nito. Nakaramdam siya ng awa rito dahil sa nakalarawang lungkot sa mga mata at boses nito. Ayaw na sana niyang tumugtog ngunit ang maawain niyang puso ang nasunod. "Sige, anong kanta ba ang tutugtugin ko?" tanong niya. Namilog sa matinding tuwa ang mga mata ng kaharap dahil sa pagpayag niya. "Thank you Tom. The song is Only hope," sagot nito. Lihim siyang nagpasalamat dahil alam niyang tugtugin iyon kaya tinanguan niya ito. May inutusan itong mga naka-unipormeng lalaki na alisin ang mga instrumentong nasa stage. Ilang sandali pa'y ang piano na lang ang tanging natira roon. Sabay silang umakyat ni Ariana sa stage. Umupo na siya sa harap ng piano habang ito naman ay nagtungo sa gitna ng stage at nagsalita. Hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan ang sinasabi nito dahil abala siya sa pag-alala sa mga key notes ng kantang Only Hope. Natigil lang siya sa pagmumuni-muni nang marinig niya ang masigabong palakpakan ng mga bisita. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya ang isang babaeng katabi ni Ariana. Dahil tatlo silang nakaharap sa mga bisita ay hindi niya makita ang mukha ng babae lalo na at nasa bandang likod siya. Pinag-aralan niya ang babae. Sa tingin niya ay magkapareho ng height ang dalawa. Nagmukha lang mas matangkad si Ariana kaysa sa bunsong kapatid dahil nakahigh heeled shoes ito. At kung katawan lang naman ang pinag-uusapan. The younger girl is more sexier and voluptuous. Kahit likod palang nito ay halatang-halata na ang maganda at perpektong katawan nito. Idagdag pa ang mermaid curly hair style nito na hanggang likod nito ang haba. At ang suot nitong halter dress na hanggang tuhod. Bumagay ang kulay niyon sa maputing kutis nito. Natigilan siya at kumunot ang noo niya nang mapansin ang kulay ng suot nito. "Wait, magba-ballet siya in a black dress? Is she a rebel?" nagtatakang tanong niya sa sarili. "Weird girl," naiiling na bulong niya. Nang makitang bumaba na si Ariana sa stage ay muling nagpalakpakan ang mga bisita. Nang pumwesto na ang nakaitim na babae ay inihanda na niya ang mga kamay sa piano. Ilang sandali pa'y sinimulan na niya ang pagtugtog para sa intro ng kanta. Nakita niyang nagsimula nang gumalaw at sumayaw ang babae. Sinabayan nito ang saliw ng musikang ginagawa niya. And darn! Her moves are perfect! Ang lambot ng katawan nito sa bawat paggalaw na ginagawa nito. Somehow, he felt enchanted and mesmerized by her movement. He felt his heart skipped a beat and his world stopped turning. Pakiramdam niya ay tanging sila na lang ang tao sa mundo. It's weird pero ngayon lang niya naramdaman iyon sa isang babae. Habang tumutugtog at kumakanta siya ng pabulong ay nakatutok lang ang tingin niya sa babaeng iyon. It felt like his eyes were glued on her. And it's hard to take his eyes off her. Paano nga ba naman niya tatanggalin ang mga tingin dito? She is a great dancer. Her movements are really great. Pati ang mga manunuod ay nakatutok na ang tingin dito. Bawat galaw nito ay sinusundan ng tingin ng lahat. Nabasa niya ang buong paghanga sa mukha ng mga ito sa babae. Napangiti siya, hindi lang pala siya ang humanga dito. Now, he's wondering why a great dancer like her stopped dancing. 'I'll make you miss the world of dancing through my music Miss Fuentes.' anang isip niya at napangiti. Pinaghusayan niya ang pagtugtog ng piano. Sa lahat ng tinugtog niya ngayong gabi, ang tinutugtog niyang iyon ang pinakagusto niya sa lahat. Pakiramdam niya ay sobra-sobra siyang nagi-enjoy sa ginagawa niya. Yeah, he's enjoying the show. He's enjoying the music. And he's enjoying watching her dance. At habang tumatagal silang dalawa sa performance nila sa entabladong iyon ay lalo lang siyang nahuhumaling dito. Isa lang ang hinihiling niya nang mga oras na iyon. Ang masilayan ang buong mukha nito. He wants to see the girl who made his world stopped turning. He wanted to see her. He was dying inside to lay his eyes on her face. 'Please turn around. Turn around. Let me glance and take a look at your face before I leave this stage. Please turn around and look at me.' Tila narinig nito ang hiling niya dahil ilang sandali pa'y nakita niyang dahan-dahan itong pumihit paharap sa kanya. Halos ay tumigil na sa pagtibok ang puso niya at pigil na pigil na niya ang paghinga habang hinihintay na tuluyang makita ang mukha nito. Ilang sandali pa'y tuluyan nang tumambad ang mukha nito sa paningin niya. At hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. ‘She's really beautiful.’ May pagkakahawig nga ito kay Ariana. Ang pinagkaibahan lang ng dalawa ay ang mga mata ng mga ito. Ariana's eyes were full of innocence, kindness, happiness and affection. While this girl, they're full of coldness, pain, hatred, sadness and sorrow. All the emotions inside her eyes has an effect on him. It felt like something crippled his heart. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. ‘Wait, have we met? She looks very familiar.’ Napaisip siya. Saan na nga ba niya nakita ang babaeng ito? Pilit niyang inalala kung sino ang babaeng ito. And when he already remembered her, he felt betrayed. Dumilim ang anyo at nagtagis ang mga bagang niya nang mapagsino ito. Paano nga ba naman niya makakalimutan ang babaeng palaging nananakit kay Francez? Pakiramdam niya ay nanginig ang mga kalamnan niya dahil sa matinding panggigigil at galit sa babae. He wants to storm out and leave the stage and that restaurant. Performing with her on the same stage felt like he was totally in hell. And he just wanted to leave for all he care. He was about to stop playing the piano but suddenly an idea entered his mind. He smirked at her evilly. Inihanda na niya ang sarili sa binabalak niyang pagpapahiya dito sa mga panauhin ng parents nito. Walang babalang binilisan niya ang pagtugtog sa piano nang hindi napapansin ng mga bisita. Of course walang makakapansin niyon maliban na lang dito dahil sinasabayan nito iyon ng mga galaw nito. Isang nagbubunying ngiti ang gumuhit sa labi niya habang pinapanuod ito sa pilit nitong paghabol sa tugtog niya. Para itong isang puppet na sumusunod sa bawat galaw ng daliri niya. Now, he's playing on her and her performance. Performance that will soon turn a failure and embarrassment seconds from now. Dahil sa ginawa niyang pagtugtog nang mabilis ay nawala ito at nang umikot ito ay nawalan ito ng balanse at nabuwal sa sahig. Itinigil na niya ang pagtugtog nang makita ang nangyari at kunwari ay nagulat din siya sa nangyari rito. Napasinghap at nagulat ang lahat dahil sa nangyari dito. Mabilis itong dinaluhan ng kapatid nito at ng parents ng mga ito. "Beatrice are you okay?" nag-aalalang tanong ng mga ito. Nakita niyang nanggigigil na pinalo nito ang sahig at tumingin sa kanya ng masama. Of course she knew what he did. He answered her a smirk. ‘That serves you right, witch!’ Yumukod siya sa mga panauhin at walang lingon-likod na bumaba ng stage. Tinungo niya ang pinto at lumabas doon. "Tom! I know what you did! Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa iyon?" sermon sa kanya ni Sussie na sumunod pala sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay hinubad niya ang suot na americana at iniabot iyon dito nang hindi umiimik. Nagpatuloy na siya sa paglakad palabas ng hotel at tinungo ang parking lot kung nasaan ang motor niya. "Tom! What's the matter with you?!" naiinis na tanong sa kanya ni Sussie ngunit hindi niya ito pinansin. Sumakay na siya sa motor niya. Akmang isusuot niya ang helmet ngunit mabilis siyang pinigilan ni Sussie. "Tom! I'm asking you!" "Because I hate her!" sagot niya at itinuloy ang pagsuot ng helmet niya. Hindi niya pinansin ang pagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. "So, do you know her?" "How could I not know the girl who always hurt Francez?" balik tanong niya. Ngumiti siya ng nakakaloko nang maalala niya ang ginawa niya sa babae. "That suits her right! Sa dami ng ginawa niya, kulang pa nga iyon kung tutuusin eh. Anyway, I need to go. I can’t stay here in this effin place any longer!" pinaandar na niya ang motorsiklo niya. Kung alam lang niyang naroon ito at anak ito ng business tycoon na si Arnold Fuentes ay hindi na sana siya nagpunta roon. Pinaandar na niya ang motor niya. "Oh and by the way," aniya at nakangising tiningnan ang kaibigan. "Congratulate failure queen for me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD