bc

The Pseudo Angel's Fall

book_age16+
654
FOLLOW
3.3K
READ
revenge
badgirl
brave
band
drama
comedy
bxg
campus
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Beatrice was a heartless b***h and she loves bullying the weak. She hates her family because of what they has done to her in the past and she doesn’t easily trust anyone. While on the other hand, Tom was a good, loving and protective friend. So when Beatrice bullied one of his friend, he decided to take revenge and make her life miserable as hell.

Everything falls perfectly as what he planned but something happened he didn't expect. Because one day, he just found himself being betrayed by his own heart.

chap-preview
Free preview
1 - He's a Pseudo Angel
“HELLO HONEY!” “Hi mom!” nakangiting sagot ni Tom sa tawag ng ina niyang si Jessa Bilarde matapos niyang ihinto ang Kawasaki Ninja H2R niya sa parking lot ng Saint Therese University kung saan siya nag-aaral. “How are you? Ang tagal mong hindi umuwi. Namimiss na kita,” paglalambing nito na nagpangiti sa kanya. “Ni hindi ka man lang nakaalalang tawagan ako. Nagtatampo na kami sa’yo.” Tinanggal niya ang suot na helmet at inayos ang pagkakakabit ng earpiece sa tainga niya. May suot man siyang earpiece ay hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya ang tilian ng mga babaeng nakakita sa kanya. “Omg! Si Tom!” “My gosh! Ang gwapo niya talaga!” “How I wish he’s my boyfriend.” At dahil kausap niya ang ina ay hindi na siya nag-abala pang pansinin ang mga ito. He can flirt anytime but not on his mom’s watch. For sure ay magpi-freak out lang ito kung malaman nito kung gaano siya kalandi. And he doesn’t like that. “I miss you too. And I’m fine mom, you don’t have anything to worry about. I’m so sorry for not calling you, I’ll go home kapag hindi na hectic ang schedule ko. May nadagdag na naman kasing responsibility ang gwapo mong anak.” For sure kapag narinig na naman siya ng mga kaibigan niya ay uulanin na naman siya ng mga ito ng tukso. ‘They’re just insecure, that’s why. Tanggapin na lang nilang mas gwapo naman talaga ako sa kanila.’ He just smirked at the thought. Nagsimula na siyang maglakad. “Honey, baka nai-stress ka na sa dami ng mga school requirements mo. You should take care of yourself. Magpahinga ka rin minsan.” Napangiti siya ng mahimigan ang pag-aalala sa boses nito. He’s really blessed to have a caring and loving mom like her. “Don’t worry mom, I can handle it. It’s just about musical role play stuff so it’s easy as pie.” “Musical role play? Kailan ka pa nagka-interes na sumali sa ganyan? May balak ka bang mag-broadway anak?” ‘Broadway? What the hell?’ Napangiwi siya. Ni kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang tungkol sa bagay na iyon. Having a band is enough for him. Ayaw na niyang pasukin ang ganoong klaseng mundo. “No! Of course not! It’s just part of our University’s incoming Foundation day. My friends and I are being chosen by our school boards to cast at that musical role play. Ayaw ko mang sumali but I don’t have a choice.” “Oh I see. So, you’re okay with that?” “Of course. Just like what I said, it’s easy as pie. Tutugtog lang naman ako ng piano so I’m okay with it. Easy.” “Oh, piano is your forte, no wonder it’s easy for you.” “Yep.” He’s the keyboardist of their band. And playing piano or keyboard is his expertise. “Thomas! I miss you!” Napangiwi siya nang mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pagsigaw ng Kuya Joshua niya. “What the hell Josh! I don’t miss you! Get lost!” anggil niya. “Watch your mouth Jefferson Thomas!” Lalo siyang napangiwi nang marinig ang pagsita sa kanya ng ina lalo na nang banggitin nito ang buo niyang pangalan. “Mom quit calling me that name, will you?” Honestly, he doesn’t like his full name. Marinig lang niya iyon ay sira na ang araw niya. Kaya naman ay hindi na maipinta ang mukha niya ngayon nang marinig ang kinaiinisan niyang pangalan. “I hate it you know. It’s too old and tunog pang-presidente.” “Anong magagawa ko anak? Iyon ang nakalagay sa birth certificate mo.” “Pwede bang magpalit ng pangalan?” he suggested naughtily. “No! How many times do I have to tell you to stop hating your name? Hindi mo ba alam na ako ang pumili ng napakagandang pangalan na iyan?” palatak nito. And just like what he expected, nagsimula na itong sermunan siya. Nakangiwing inilayo niya sa tainga ang earpiece na suot at napapabuga na lang nang wala sa oras. Nang masiguro niyang tapos na ito sa panenermon ay ibinalik na niya sa tainga ang earpiece. “You know what mom? Ang ganda-ganda mo,” nakangising puri niya rito. “Mas maganda ka pa sa pangalan ko.” “Huwag mo akong purihin kapag mainit ang ulo ko! Lalo lang akong naiinis sa mga sinasabi mo.” “Why so hot-headed?” He can’t help himself to tease his mom. Ang cute-cute kasi nito. And thinking how her face turned into crimson red made him amused and silently laughed at her. “At nagtanong ka pa?” “Lalong gaganda ka niyan. Naku, huwag kang magpapakita kay Dad, baliw pa naman iyon sa’yo. Lalo na at mas lalo kang gumaganda kapag natural ang blush-on mo.” “Tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mong bata ka! Napaka-alaskador mo talaga.” Napahalakhak siya nang marinig ang pikon na pikon nitong boses sa kabilang linya. “Just kidding mom, I love you!” “You really never failed to piss me off Tom. Kapag ako talaga nainis, ipapakasal kita sa anak ng amiga ko! Tingnan ko lang nang hindi ka magtanda.” “Mom, pang-oldies na nga ang pangalan ko, pati ba naman old traditions ipapasa mo sakin? Pwedeng si Joshua naman? Umay na umay na ako sa mga old thingy gaya niyan,” maktol niya. He never calls his big brother kuya. At mukhang sanay na ang mga ito doon. Napahinto siya sa paghakbang nang matanaw niya si Pao na nakaupo sa isang bench sa lilim ng isang puno. Isa ito sa kabanda at kaibigan niya. “Mom, I need to hang up. I’ll just call you later okay? Bye, I love you.” “Sige anak, I love you too.” Matapos niyang patayin ang tawag ay naglakad na siya patungo sa kinaroroonan nito. “Sino naman kaya ang hinihintay ng damuhong ‘to? Pao-” He was about to call his attention when he saw a group of male students approaching him. Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang masamang tingin ng mga ito sa kaibigan niya. At base na lang sa mukha ng mga ito ay mukhang nag-iiringan ang mga ito. “Uh-oh Pao, seems like you’re in trouble again.” Sa apat na kaibigan niya ay ito ang lapitin ng gulo. And as usual, magiging tagapagtanggol na naman siya nito. Hindi na siya nag-akasaya ng panahon. Mabilis siyang lumapit sa mga ito bago pa man tuluyang magbasagan ang mga ito ng mukha. “So, what’s the heated argument all about?” nakapamulsang tanong niya. Sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kanya. “At nagtawag ka pa talaga ng back-up mo Ballejo. Great, just great.” Tumaas ang kilay niya. “Nope, you must be mistaken. Napadaan lang ako,” sagot niya sa lalaki. If he’s not mistaken ay ito ang leader ng grupo. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng pitong lalaki. Wala siyang kilala ni isa sa mga ito. Binalingan niya ang kaibigan na prente pa ring nakaupo sa bench. Mukhang wala lang dito ang mga nangyayari. “Bago itong mga ‘to ah. What have you done this time?” “Well, inagaw la-” Mabilis niyang pinatigil sa pagsasalita ang leader ng mga lalaki gamit ang drawing tube na dala niya. Inilapat lang naman niya iyon sa sa bibig nito. Ni halos ay hindi ito nakahuma dahil sa matinding gulat sa ginawa niya. “I am not asking you, so don’t you dare open your mouth until I say so, is that understood?” Tinitigan niya ito ng matiim. Nakita niya ang pagtakas ng kulay sa mukha nito kaya napangisi siya. “Damn you! How dare you do that to him!” Akmang susuntukin siya ng isa ngunit mabilis niyang inihampas rito ang hawak na drawing tube. Natumba ito sa ginawa niya. Sumugod ang ilan pang kasama nito ngunit agad niyang napatumba ang mga ito gamit lang ang drawing tube niya. He’s an architectural engineering and now on his junior year. Kaya naman kahit masira na ang dala niyang drawing tube ay okay lang sa kanya. Marami naman siyang ganoon sa locker niya. “You are just wasting your time. Matatalo lang kayo sa kanya,” ani Pao at napabuga. “You don’t even know who you’re dealing with. Bago lang ba kayo rito sa university?” “Isusumbong namin kayo sa leader namin!” anang isa sa mga ito at agad na tumawag sa cellphone nito habang nakangiwing sapo ang ilang bahagi ng katawang tinamaan niya. Napapangiwing pilit na bumangon ang mga ito. “Oh sure, tumawag kayo ng back-up niyo. The hell I care.” Ikinibit niya ang balikat at sumalampak ng upo sa tabi ng kaibigan. “I’ll wait them here. Siguraduhin niyo lang na mapapatumba nila ako or else you’re all dead meat.” Pagdating sa mga kaibigan niya ay wala siyang sinasanto. Saktan lang ng mga ito ang kaibigan niya, sisiguraduhin niyang manghihiram ang mga ito ng mukha ng aso. Ilang sandali pa’y dumating na nga ang back-up na tinutukoy ng mga ito. Nang makita niya kung sino ang mga back-up na tinutukoy ng mga ito ay napabunghalit siya ng tawa. “Great, this is entertaining,” natatawang bulong niya. “What is this all about?” salubong ang kilay na pinaglipat-lipat ni Djan ang tingin sa kanila. “One, binugbog kami ng lalaking iyan,” sumbong rito ng mga lalaking tila babaeng mangiyak-ngiyak na. Tinaasan ito ng kilay ni Djan. “So anong gusto niyong gawin ko? Bugbugin ko siya?” tanong nito sa pitong lalaki. Nang tumango ang mga ito ay sabay-sabay silang napabunghalit ng tawa nina Djan. “Gusto niyo bang kayo ang bugbugin ko?” tanong nito nang matapos. “Tell me Djan, bagong recruit ba sila?” usisa niya at sinimulang ikabesa ang mukha ng pitong lalaki. “Sad to say, these stupid jerks are our new recruits.” Napabuga ito. “I already told them to research about the other members of our organization. But look at them, they're playing, fooling around and looking for troubles. At ikaw pa talaga ang pinili ng mga gago. I’m so pissed off right now.” Dumilim ang anyo nito. Nakangising napatitig siya sa pitong lalaki na halos ay hindi na humihinga at namumutla na sa matinding takot. Mukhang nagkaka-idea na ang mga ito sa usapan ni ni Djan. “Then I think I need to introduce myself to them.” Seryosong tinitigan niya ang mga ito. “I’m Jefferson Thomas Bilarde, a member of the Blue Angels band and, I am G Alpha Organization’s number Two, your Vice-President.” His identity as number Two is just a secret. And their organization was an elite brotherhood. His friends knew about it pero tikom lang ang bibig ng mga ito. Napangisi siya nang makita ang pamumutla at gulat sa mukha ng pitong lalaki. “And just because you tried to mess up with me and my friend, you will get a punishment from me.” _ _ _ _ _ "THREE Parallel lines," bulong ni Tom at gumuhit ng tatlong parallel lines gamit ang whiteboard marker. Nang mga oras na iyon ay nasa malawak na living room siya ng apartment nilang magbabarkada kung saan sila tumutuloy during school days. That building is owned by one of his friend's family, Froilan. At dahil bored na bored siya sa buhay niya ay napagtripan niyang magdrawing na lang. "Then another three parallel lines on the other side." Muli siyang gumuhit niyon sa kabila. "Then there are two curve lines upward." Gumuhit siya ng curve lines na magkadugtong. "Then, there are dots." Gumawa siya ng dots sa may taas ng curve lines. Habang ginagawa niya iyon ay pinagmamasdan niya ang ginawang artwork niya. Hindi niya maiwasang mapangisi nang makita ang kinalabasan niyon. "Perfect Tom! You're really such a great artist! You’re hands are really made for this," nakangiting puri niya sa sarili. Kulang na lang ay magpalakpakan ang mga tainga niya sa pagpuri niya sa sarili. Nang matapos ay tumayo siya at namaywang. Nagpipigil ang tawang pinagmasdan niya ang ginawa niya at pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa upang kuhanan ng picture ang artwork niya. Sinapo niya ang bibig upang pigilan ang pagtawa. Nasa ganoon siyang reaction nang biglang sumulpot si Prince. "Anong tinatawanan mo riyan?" Nagtataka at kunot-noong nilapitan siya ng kaibigan. "Bwahahahahahahaha-" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Prince. ‘Takte! Ang lakas makatawa ng lalaking ito.’ "Shut up dude!" sikmat niya rito upang patahimikin ito. Nagpipigil ang tawang tinabig nito ang kamay niya. "Loko! Do you know what you're doing?" nagpipigil ang tawang tanong nito. "Of course!" pagmamalaki niya. "Ayos ba ang artwork ko? Meow!" tatawa-tawang tanong niya. Muli itong napabunghalit ng tawa at sa oras na iyon ay wala na siyang nagawa para patahimikin pa ito. "Hey! Quiet!" he hissed at his friend. "Damn! Will you shut up Prince! Ang ingay mo!" narinig nila ang naiinis na bulyaw ni Froilan. Awtomatikong napalingon sila ni Prince sa tatlo. He swallowed hard when he saw the three are already awake. Gusto tuloy niyang batukan si Prince dahil napakaingay nito. Nagising tuloy ang mga ito nang wala sa oras. Pero iniimagine pa lang niya ang magiging reaction ng tatlo ay natatawa na siya. Pinagtripan lang naman niya ang mukha ng tatlo pa nilang kaibigan. Ginuhitan niya ng linya ang mukha ng mga ito. Kaya ang kinalabasan, nagmukhang pusa ang mukha nina Drew, Pao at Froilan. "Bwahahahahahaha!" halos ay mamatay-matay na sa paghagalpak ng tawa si Drew habang itinuturo ang mukha ni Froilan. "Mukha mo ampanget! Pesteng mukha 'yan!" "Di mas lalo sayo! Tanga! Hahahaha! Manalamin ka nga muna bago ka mamintas ng mukha ng iba! Mas pangit ka para sabihin ko sa’yo! Anong klaseng mukha 'yan?" tumatawang sagot ni Froilan dito. "Bwahahahahahaha!" tumatawang sabi ni Pao nang makita ang mukha ng dalawa. "Anyari sa mukha niyong dalawa? Mga mukha kayong pusa!" Nagturuan ng mukha ang tatlo habang tumatawa. Habang magkakaharap ang tatlo at nasa ganoong sitwasyon ay napahagalpak sila ng tawa ni Prince. "Oh hayan. Tingnan niyo ang mga mukha niyo sa salamin para makita niyong magkakamukha lang kayong tatlo," tumatawang sabi ni Prince at iniabot ang isang salamin. Inabot iyon ng tatlo at sinipat ang mga sariling mukha. Ilang sandali pa'y dumilim ang mukha ng tatlo sa nakita. Matatalim ang mga matang napasulyap ang tatlo sa kanilang dalawa ni Prince. "Who did this?!" galit at umuusok ang ilong na tanong ng tatlo. Halos ay magkakasabay pa ang mga ito. "It's him." Itinuro niya si Prince. "Damn you Tom! Idadawit mo pa ako sa kagaguhan mo!" Binatukan siya nito. "Ouch!" daing niya at sinapo ang hinampas nitong batok niya. Nang tingnan niya ang tatlo ay nakita niyang iisa lang ang direksiyon ng mata ng mga ito - sa kanang kamay niya na nakaturo pa rin kay Prince. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin sa kamay at halos ay tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makitang hawak pa rin niya ang marker. Mabilis niyang binitawan iyon. ‘Ang tanga ko talaga! Tsk!’ Ngali-ngali na niyang batukan ang sarili. Magtuturo na nga lang siya ng ibang tao, nasa kanya naman ang pruweba. Napalunok siya sa matinding kaba dahil sa tinging ipinupukol sa kanya ng tatlong kaibigan. 'Uh-oh, I'm dead, I need to run now!' anang isip niya. Kailangan na niyang makaalis sa harap ng mga ito kundi ay talagang katapusan na ng lahi niya. Akmang hahakbang na siya upang kumaripas ng takbo ngunit tila nahulaan ni Prince ang balak niya. Mabilis siya nitong pinigilan at hinawakan sa damit. "And where do you think you're going?" nakangising tanong nito. "Ahm," mabilis niyang pinagana ang utak. Napapalunok na nginitian niya ang kaibigan. "Natatae ako pre." "Talaga ba?" Lalo itong napangisi sa sinabi niya. And before he could react, walang babalang itinulak siya nito na dahilan ng pagkakatumba niya sa harapan ng tatlo. "H-hi there!" nakangiwing bati niya nang bumungad sa paningin niya ang tatlong nagmukha nang leon. "Yeah, hi there? You brute! You'll pay for this!" nanggigigil na sabi ni Froilan. Akmang tatayo siya upang tumakbo palayo sa mga ito ngunit mabilis siyang dinaganan nina Drew at Pao. "Whaaahh! Maawa kayo! Promise, hindi ko na uulitin. Please, have mercy on me!" nagpupumiglas na pakiusap niya. Ngunit anong laban niya eh tatlo ang kalaban niya. 'Ampupu! I need backup!' Pero sino nga ba ang makakatulong sa kanya ngayon kundi si Prince lang. Nagpapatulong at nagmamakaawang napatingin siya rito. Nakita niyang nakahalukipkip na umupo ito sa sofa at tila tuwang-tuwang pinapanuod sila. Nanlumo siya. Nakalimutan pala niya, kapag ganoong bagay ay hindi ito maaasahan dahil wala naman itong ibang ginagawa kundi ang maging audience nila. For sure ay tuwang-tuwa na naman ito dahil makakapanuod na naman ito ng live na reality gag show. "Yeah, we'll going to make sure you won't do this again!" sabi ni Pao at tinanggal ang takip ng marker gamit ang bibig. Nanlaki ang mga mata niya. "Lintik lang ang walang ganti!" nakakaloko ang ngiting sabi nito. Napangisi ang dalawa. "Pao no!" "Oh yes!" sabi nito at inilapit ang marker sa mukha niya. "Hey! Stop that! Don't you dare!" halos ay umalingawngaw na ang sigaw niya sa malawak na sala ng apartment nila. Pilit niyang inilalayo ang mukha sa marker ngunit hinawakan ng dalawa ang ulo niya. Mukhang wala talagang balak ang tatlo na bitiwan siya. Tinawanan siya ng apat. "Anong idi-design mo?" excited na usisa ni Drew. Napangisi si Pao sa tanong ni Drew. "Panda! Bwahahahahaha!" 'What? P-panda? Hell! No! I'm totally dead. I need a miracle! Somebody! Please help!' "Say hi guys!" Tuwang-tuwang iniangat ni Prince ang hawak nitong cellphone habang kumakaway-kaway ito. Mukhang nagvivideo ang gago. "Hi!" sagot ng tatlo habang abala sa pagdodoodle sa mukha niya. "We are on f******k live!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Damn you Prince! Huwag mong sirain ang dangal ko sa mga fans ko! Bitiwan niyo ako! Tigilan niyo na itong kalokohan niyo! Napakahayop niyo! Mga wala kayong puso!" Tinampal siya sa pisngi ni Pao. "What the hell? What was that for?!" anggil niya rito. "You are dreaming Tom. Because as far as I could still remember, ikaw ang pinakahayop sa ating lima. Your face may looks like an innocent angel, but your attitude is far worse than evil. So, wake up and stop being delusional."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.7K
bc

Love Donor

read
87.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

POSSESIVE MINE

read
973.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
70.4K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
573.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook