4 - The Witch's Other Side

2468 Words
"BAR hopping tayo," yaya ni Beatrice sa mga kasamahan niya nang matapos ang klase nila nang araw na iyon. "My treat," dagdag niya na nagpangiti sa mga ito. "Sure! Bawal ang umayaw sa grasya!" tumatawang sagot ng mga ito. Napapailing na lang siya sa tinuran ng mga ito at nauna na siyang lumabas ng classroom nila. Excited at tuwang-tuwang sumunod ang mga ito sa kanya. "Wait, hindi ba’t wedding anniversary ng parents mo ngayon?" tanong sa kanya ni Lhiezel. "Oo nga," segunda ni Erin. "Don't tell me, hindi ka na naman aattend sa mismong party ng parents mo? You'll ditch your parent’s party again? You're so mean talaga," natatawang wika nito. Napangiti siya ng mapakla sa sinabi nito. Apat na taon na mula nang ilayo niya ang sarili sa mga magulang dahil sa matinding galit niya sa mga ito. Mula noong masaktan siya sa ginawa ng mga itong panloloko at pakikialam sa buhay niya ay hindi na siya dumadalo sa birthday, wedding anniversary at kung anu-ano pang parties ng mga ito. And she always has her own party as an excuse. "Bakit pa ako aattend? Hindi nila ako kailangan doon. And one more thing, mabobore lang ako roon kapag pumunta ako," sagot niya. "Baka magkagulo lang kapag pumunta pa ako," dugtong niya at napangisi. Naiiling na lang ang mga ito sa tinuran niya. Kilala na rin kasi siya ng mga kasamahan niya. Alam ng mga itong mahilig siya sa gulo lalo na kung tungkol sa parents niya. Na gustung-gusto niyang inisin at bwisitin ang mga ito sa mga kalokohang pinaggagagawa niya sa buhay niya. Ewan niya, sa ganoong paraan na lang siya nagiging masaya. She's happy to see how her parents suffer because of her. "Beatrice, we don’t know your story especially your past. Hindi namin alam ang dahilan at puno't dulo ng pagrerebelde mo. Alam kong may pinaghuhugutan ka. But as a concerned friend, why don't you try to forget everything and forgive them," mahabang litanya ni Pam. Tumigil siya sa paglalakad at taas ang kilay na hinarap ito. Napalunok ito sa matinding takot nang makita ang galit niyang anyo. "Hindi ko alam may balak ka palang maging counselor?" naniningkit ang mga matang sabi niya. "Puwes, kung gusto mong palitan si Mrs. De Guzman sa pagiging Guidance Counselor niya, then go ahead! No one will stop you!" "B-Beatrice s-sorry," naluluhang paumanhin nito. "I d-didn't mean what I said." "No! You listen to me first!" sagot niya at hindi pinakinggan ang mga sinasabi nito. "You can do everything you want. Pakialaman mo ang buhay ng ibang tao kung iyan ang gusto mo at makapagpapasaya sa’yo. You can mess with everyone but not my life! Sino ka para pangunahan at utusan ako? Mind your own life! Get it? Wala kang alam sa pinagdaanan ko so don't you even dare tell me what to do!" "I'm really sorry Beatrice," kagat ang labing napayuko ito. "Sorry? I'm sick and tired of hearing that pitiful word over and over again! And I hate it!" Gigil na tinalikuran na niya ang mga ito. Nagpupuyos ang galit na naglakad na siya palayo. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay gusto niyang magwala at magtrip. She wanted to seek attention and tell the world how much she hated everyone around her especially her parents. Gusto niyang ilabas ang galit na nararamdaman niya. Parang mga asong nakasunod at nakabuntot lang sa kanya ang mga ito. Nang may makita siyang nerd na paharang-harang sa dinaraanan niya ay inagaw niya ang kinakain na ice cream ng isang estudyante sa tabi. Akmang sisigaw at aangal sana ito ngunit nang makita siya ay itinikom lang nito ang bibig at mabilis na umalis. Nang tuluyang nasa harapan na niya ang nerd na babae ay isinubsob niya ang chocolate ice cream sa puting damit nito. Napasinghap ang babae sa matinding gulat. Maang, nanlalaki ang mga mata at naiiyak na napatingin sa kanya ang babae. 'Tsss! Another weak girl!' anang isip niya. She hates to see someone like her. "Next time, huwag kang paharang-harang sa dinaraanan ko, lalo na kapag badtrip ako," gigil na sabi niya sa babae. Binunggo muna niya ito sa balikat bago ito tuluyang nilagpasan. Muli siyang nagpatuloy sa paglakad at tinahak ang daan papuntang parking lot. She knew she was too cruel and unfair. Idinadamay kasi niya ang mga kaawa-awa at inosenteng tao sa galit na nararamdaman niya dahil sa nakaraan niya. Pero wala na siyang pakialam. "Next time na lang tayo magbar-hopping," sabi niya sa mga kasamahan nang makarating sa kinaroroonan ng kotse niya. "I'm not in the mood to be with anyone right now. I just want to be alone." Pumasok na siya sa kotse niya at walang sabi-sabi ay pinaharurot iyon. Gusto niyang magliwaliw ng mag-isa. Ganon siya ka-unpredictable mag-isip. Kung dati, pinagpaplanuhan niya ng mabuti ang lahat ng gagawin niya, ngayon, kung anong pumasok sa isip niya ay iyon ang gagawin niya. At nakadepende lahat sa nararamdaman at sa emosyon niya. Kaya heto ang buhay niya ngayon, masyadong magulo at walang patutunguhan. There's no need for planning. What for? Masisira lang naman ang magandang plano sa huli. Just like what happened four years ago. "Ahh! Damn! Ayoko nang maalala ang lahat ng iyon," naiinis na sabi niya sa sarili at napabuntong-hininga. Pilit niyang iwinaglit iyon sa isip at nagconcentrate sa pagdadrive. Nagpatuloy siya sa pagdadrive nang walang patutunguhan. Ilang sandali pa'y natagpuan niya ang sariling inihinto ang sasakyan sa harap ng isang de-rehas na gate. Ikinalat niya ang tingin at nakita niya ang mga batang naglalaro sa playground. Nang marealize niya kung nasaan siya ay tila may kung anong matalim na bagay ang bumaon sa puso niya. Nandoon na naman siya sa lugar na iyon. Iisa lang ang ibig sabihin niyon, nagiging mahina na naman siya. Bumabalik na naman ang dating siya, ang mahinang Beatrice. At heto siya ngayon, nararamdaman ang masakit at paninikip ng kanyang dibdib. Napabuntong-hininga siya upang pigilan ang sariling umiyak. Pilit niyang kinalma ang sarili. Ilang sandali pa'y napagpasyahan na niyang bumaba ng sasakyan. "Magandang hapon Miss Beatrice," nakangiting bati sa kanya ni Mang Gerald at pinagbuksan siya ng gate. "Magandang hapon din kuya. Si Sister Gemma po?" tanong niya rito. "Nasa loob Miss Beatrice," sagot nito. Napatango siya. "Sige po, pasok na po ako sa loob," paalam niya. Tinanguan siya nito. Naglakad na siya papasok sa bakuran ng Orphanage. Napangiti siya nang makitang namulaklak na ang mga halamang itinanim nila noon sa gilid ng daan. Siya pa ang pumili at nag-landscape niyon. At hindi niya maikakailang napakaganda ng paligid dahil doon. "Ate Beatrice!" Napatigil siya sa pagtingin sa mga halaman nang marinig ang sigaw ng mga bata sa likod niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang tuwang-tuwang nagtakbuhan ang mga batang naglalaro kanina sa playground papunta sa kanya. Nakangiting hinintay niyang makalapit ang mga ito. Hinihingal na pinalibutan siya ng mga ito at niyakap siya. "Ate namiss ka namin. Bakit ngayon ka lang ulit dumalaw samin?" nakangusong tanong ng mga ito. "Naging busy kasi ako," pagdadahilan niya at ginulu-gulo ang buhok ng mga ito. "How are you kids?" "Ayos naman kami ate. Ikaw po, kamusta na?" Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ng mga ito. "Pasensiya na kayo kung ngayon lang ako nakadalaw ulit dito. Hayaan niyo babawi ako. At dahil mukhang nagtatampo kayo sakin, mago-order tayo sa Jollibee!" nakangiting sabi niya. Namilog ang mga mata ng mga ito sa matinding tuwa. "Jollibee? Yehey!" tuwang-tuwang pumalakpak pa ang mga ito. Natatawang tinawagan niya ang Jollibee at nag-order. "O hayan naka-order na ako. Hintayin na lang natin, okay?" sunud-sunod na tango ang isinagot ng mga ito. Halatang excited ang mga ito. "Beatrice!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at napangiti siya nang makita si Sister Gemma. Kasama nito ang isang lalaki na noon ay paalis na yata. Nang wala na ang lalaki ay nilapitan siya nito. Umalis naman ang mga bata at nagpatuloy sa paglalaro. "Good afternoon sister. Kamusta po?" bati niya dito. "Heto nalulungkot." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit po?" tanong niya. Napabuntong-hininga ito at pilit na ngumiti. "Wala, never mind," sagot nito. "Halika muna sa loob," yaya nito. Tahimik siyang sumabay sa paglakad nito. "Medyo matagal-tagal na rin nang huli kang dumalaw rito hija. May problema ka ba?" "Same story," tipid na sagot niya at napabuntong-hininga. Isang ngiti lang ang isinagot nito sa sinabi niya. Ang bahay ampunan na iyon ay nagsilbing tahanan niya sa loob ng apat na taon. Matapos kasi ng nangyari noon ay naglayas siya at napadpad doon. Tumira rin siya roon ng isang linggo. At sa loob ng isang linggong iyon ay doon siya nakaramdam ng saya at pagmamahal. Doon niya naramdaman kung papaanong pahalagahan ng ibang tao. Hindi pa sana siya aalis doon kung hindi lang siya sapilitang kinuha ng parents niya at sinabi pang kung hindi siya uuwi ay ipapasara ng mga ito ang bahay ampunan. Bagay na lalong nagpadagdag sa galit niya sa mga magulang. Dahil doon ay lalo lang lumayo ang loob niya sa mga ito. They always take her happiness away from her. Kung lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay hindi niya pinapakisamahan ng maayos at ang witch version niya ang ipinapakita niya, ibang-iba siya sa lugar na iyon. Ibang-iba siya makitungo sa mga taong naroroon. Doon naiwan at nakatago ang mahinang Beatrice na ayaw niyang ipakita sa mga taong ayaw niyang pahalagahan. Akala niya, tuluyan na niyang kinalimutan at tinalikuran ang Beatrice na iyon pero nagkamali siya. At ang akala niya, hindi na niya babalikan ang Beatrice na kinamumuhian niya ngunit nagkamali siya, dahil nandoon siya nang mga oras na iyon. Nang tingnan niya ang sariling repleksiyon sa salamin ng bintana ay wala siyang ibang nakita kundi ang Beatrice na mahina at nasasaktan. Ngayon lang ito. Dahil alam niya, kapag umalis na siya sa lugar na iyon ay babalik na ang witch side niya. Babalik na ang Beatrice na kinakatakutan ng ibang tao. "Beatrice, matagal na panahon na ang nakalipas. Palayain mo na ang galit mo at nang tuluyan ka na ring makalaya mula sa nakaraan. Kung gagawin mo iyon, maniwala ka sakin, doon ka lang magiging masaya," sabi ni Sister Gemma sa kanya. "Hindi po ganon kadali iyon sister. Hindi po ganon kadaling kalimutan ang lahat ng mga ginawa nilang panloloko sakin." "Hija, alam kong nasaktan ka noon. At alam kong patuloy ka pa ring masasaktan at mahihirapan. Hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang araw, buwan o taon. Paulit-ulit ka lang masasaktan hangga't hindi mo isinusuko ang galit na nararamdaman mo. Ang pagpapatawad hindi iyan para sa kanila, kundi para sayo, para maging malaya at masaya ka na nang tuluyan." Nanikip ang dibdib niya sa sinabi nito. Tila tinusok ang puso niya sa sinabi nito. Pilit niyang iwinaksi iyon ngunit pakiwari niya ay mas lumala lang iyon. Pilit din niyang pinigilan ang sariling umiyak kahit na alam niyang nagbabadya nang malaglag ang luha niya. Nang yakapin siya nito ay hindi na niya napigilan ang sarili. Umiiyak na yumakap siya rito. Sister Gemma really knew how to comfort her. Kilalang-kilala na siya nito. She knew it when she's in pain. Pati ang nakaraan niya ay alam nito. Kaya mula pa noon ay ito na ang naging karamay at iyakan niya. "It's too painful. Ang sakit maloko ng mga taong malapit sayo. Mga taong hindi mo inaakalang kaya kang saktan at lokohin. Ano bang naging kasalanan ko? Kasalanan ko ba kung naging mabuti ako? Kasalanan ba iyon? I don't deserve this pain. Never. Kahit kailan, hindi ko deserve masaktan," umiiyak na sabi niya. "Hindi kasalanan ang maging mabuti. Oo nasaktan ka, pero hindi ibig sabihin niyon ay magiging masama ka na at pipiliting maghiganti kahit hindi mo kaya. Anak, kaya ka nagkakaganyan dahil hanggang ngayon ay namumuhay ka pa rin sa nakaraan. Palayain mo na ang sarili mo. Iyon lang ang inihihiling kong gawin mo para hindi ka na masaktan." Isang iling lang ang isinagot niya sa sinabi nito. Napabuntong hininga ito at katulad ng dati ay wala itong nagawa. "Nakakalungkot lang hija. Aalis kami nang hindi kita natutulungan," malungkot na sabi nito. Natigilan siya sa narinig at nagtatanong ang mga matang napatitig dito. "Baon na sa utang ang bahay ampunan hija. Lumapit na ako sa maraming tao upang humingi ng tulong pero wala pa rin silang naibigay na tulong." "Papaano po ang mga bata? Kayo? Papaano na po kayo? Bakit hindi ninyo sinabi sakin?" "Ayaw kitang abalahin hija," sagot nito at ngumiti sa kanya. "No sister, hindi ko hahayaang umalis at iwan ako nang mag-isa. Gagawa ako ng paraan Sister Gemma. Ako ang aayos sa lahat. Hahanap at gagawa ako ng paraan." "O MABUTI naman at maaga kang umuwi ngayon," bungad kay Beatrice ng Dad niya nang maabutan niya ito sa sala na nagbabasa ng diyaryo. "Aattend ka ba wedding anniversary namin ng mommy mo?" "No, hindi ako aattend," sagot niya. "Can I talk to you?" tanong niya rito. "About what?" tanong nito. "Pwede mo ba akong pahiramin ng pera?" "May pera ka naman sa bank account mo hindi ba? Inilagay ko na roon ang allowance mo ngayong month," sagot nito. Oo pasaway nga siya, pero binibigyan pa rin siya ng allowance ng mga ito, marahil ay pambawi sa kasalanang ginawa ng mga ito sa kanya noon. "It's not enough," pakli niya. "Magkano ba ang kailangan mo?" tanong nito. "One million." Natigilan ito sa sinabi niya. Salubong ang kilay at kunot-noong nilingon siya nito. "Aanhin mo ang ganon kalaking pera?" tanong nito. "Ipambabayad ko sa utang ko," pagsisinungaling niya. Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya. "Bakit at papaano ka nagkaroon ng ganon kalaking utang?!" galit at hindi makapaniwalang tanong nito. "Hindi pa ba sapat sa’yo ang mga ibinibigay kong allowance mo?!" Ikinibit niya ang balikat. Mukhang wala yata siyang makukuha at mahihingi rito. "Kung wala kang maibibigay, sabihin mo lang. Hindi ko kailangang makarinig ng sermon mo," walang emosyong sagot niya at tinalikuran ito. Hihiram na lang muna siya ng pera sa mga kasamahan niya. O kaya ay ibibenta na lang niya ang mga mamahaling gamit niya. Iyon na lang ang tanging paraang naiisip niya. "Beatrice!" Hindi niya pinansin ang pagtawag nito at nagpatuloy lang sa pag-akyat sa hagdan habang iniisip ang mga ibibenta niyang gamit niya. "Okay, I'll give you the money you ask but on one condition." Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdan dahil sa sinabi nito. "What condition?" she asked without looking back. "Just attend the wedding anniversary." Sinasabi na nga ba niya. Ayaw niyang pumunta roon ngunit kailangan niya ng pera. Napabuntong hininga siya. It seems like she doesn’t have a choice after all. "Okay, deal. I'll attend your party," pagkasabi niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan at hindi pinansin ang iba pang mga sinasabi nito. She will do it for the sake of the kids in the orphanage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD