3 - Witch's Past

1927 Words
"BEATRICE! Please let's talk about this! Ayusin natin ito! Parang awa mo na! Please let me explain!" nagmamakaawang pakiusap sa kanya ni Will at pilit siyang hinabol. Parang walang narinig na nagpatuloy siya sa pagtakbo palayo. Nang maabutan siya nito ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. "Bitiwan mo ko! Manloloko ka!" umiiyak at nagwawalang sigaw niya at pilit na kumawala rito. Wala na siyang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa daan. Kahit magmukha na siyang ewan at kaawa-awa, wala na siyang pakialam. Huwag lang niyang makausap ang walanghiyang nobyo niya. "No! Please listen to me first! I love you Beatrice! I really do!" Isang sampal ang ipinatikim niya rito nang humarap siya rito. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano siyang nasaktan sa ginawa nito. Pero kung tutuusin ay kulang pa ang sampal na iyon bilang kabayaran sa kagaguhan nito. Walang-wala iyon kung ikukumpara sa sakit na nararamdaman niya. Napangiti siya ng mapait at nang-uuyam itong tiningnan. "You love me? Damn you Will Nataniel! That's bullshit! You want me to believe that lie? After what I saw? After I saw you making out with my bestfriend? May gana ka pang sabihin iyan at habulin ako? To plead? For what? For forgiveness? For a chance? Damn you! That will never happen! Hinding-hindi mo na ako maloloko! Hinding-hindi mo na mapapaikot ang ulo ko!" umiiyak na sabi niya. She was too weak and fragile. At hinayaan niyang makita nito ang pag-iyak niya upang iparating dito kung gaano siyang nasaktan sa mga nakita niya, sa panggagago nito at sa panloloko nito kasama ang bestfriend niya. "What have I done wrong? Why of all people? Bakit bestfriend ko pa? Why did you betray me? Gaano katagal niyo na akong niloloko?" Oo, kitang-kita mismo ng dalawang mata niya ang ginagawa ng mga ito sa condo nito. Ang tanga niya! Bakit hindi niya napansin na mayroon na palang namamagitan sa dalawang taong pinagkatiwalaan niya? "It was a mistake Beatrice. Your parents told her to seduce me!" "Damn you!" galit na bulyaw niya rito. "How dare you! Huwag mong idamay ang parents ko sa kagaguhan mo! They can never do that to me!" "Ask them if you want!" umiiyak na sabi nito. "Please believe me, mahal kita Beatrice." "Yeah, I will ask them! But one thing is for sure! I will never ever forgive you! Sa’yo lang ang pagmamahal mo! I don't need to be loved by a cheater like you! Get lost! It's over now! So, get out of my life now!" Mabilis niya itong tinalikuran at tumawid sa kalsada. Narinig niya ang pagtawag nito ngunit nagmistula siyang bingi sa mga pakiusap at pagmamakaawa nito. Nagsisimula na siyang maging manhid sa lahat ng pakiramdam niya at nararamdaman ng iba. Nasa kalagitnaan na siya nang marinig ang isang nakabibinging busina ng sasakyan, kasunod niyon ay ang pagsagitsit ng gulong. "Yung lalaki nabundol!" Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang sigawan ng mga tao. Kinakabahang lumingon siya at halos ay napigil niya ang paghinga at nanghina siya nang makita ang duguang katawan ni Will na nakahandusay sa semento. Hindi makapaniwalang tinutop niya ang bibig. "W-will!" Habol ang hiningang napabalikwas siya ng bangon. "Ugh! Dream!" bulong niya at napabuntong-hininga. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inihilamos ang mga palad sa mukha. Noon niya narealize na basa ang pisngi niya kaya mabilis niyang pinunasan iyon. Damn those tears! Bakit kailangan niyang iyakan ang nakaraang iyon? Hindi dapat niya iyakan ang walang kwentang nakaraan na iyon. Sayang lang ang luha niya. Luhang itinuturing niya ngayong diyamante, her most precious jewel. Four years na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay pilit pa rin siyang binabalikan ng mapait na ala-alang iyon. She smiled bitterly. Yeah, four years had passed pero hindi pa rin siya nakakamove on. The events of the past keeps on coming back to torture her. Life is really unfair! Bakit kailangang siya ang mahirapan at magdusa samantalang siya itong naloko at ginago? Niloko siya ni Will. Niloko siya ng bestfriend niya. Niloko siya ng parents niya. Niloko siya ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. And that is the reason why she’s now a heartless, bully and a bad girl. No one is worth to be trusted and no one is worth to be loved. Pare-pareho ang tingin niya sa mga taong nakapaligid sa kanya - mga manloloko at manggagamit. It’s better that way because she can protect herself from anyone who dares to hurt her. Will died from the accident. She forgave him but she never forgot what he has done. Naging aral sa kanya ang ginawa nito. Kung dati ay isa siyang sweet at loving girlfriend, ngayon ay hindi na. Now, she's nothing but a cold and heartless girl. Iisa na lang kasi ang tingin niya sa mga lalaki - mga manloloko. That's why she's doing the same thing. Kung dati, isa siyang mabait at mapagbigay na kaibigan, now she's the other way around. What her bestfriend did made her a clever, b***h, bully and monstrous friend. Bakit pa niya kailangang maging mabait na kaibigan kung lolokohin lang din siya ng kaibigan niya sa huli? No one's worth to be called bestfriend aside from her self now. And her parents, pagkatapos siyang ipatanggal sa squad at dance organization, and after they messed up with her relationship, naging kontrabida na ang tingin niya sa mga ito. Kung dati ay isa siyang mabait at masunuring anak, ngayon ay isa na siyang blacksheep at rebeldeng anak. Hindi niya sinusunod ang utos ng mga ito, even the curfews. Halos ay araw-araw siyang ginagabi ng uwi dahil palagi siyang nagbubulakbol. She would go drink at a bar, out of town and go to a party. No one cares and the hell she cares! "Beatrice!" She rolled her eyes when she heard her Dad's voice outside. "Beatrice! Open this door!" Halos ay kalampagin na nito ang pinto. Parang walang narinig na dinampot niya ang remote sa ibabaw ng sidetable at pinindot iyon. Ilang sandali pa'y nakabibinging tugtog ng bandang My Chemical Romance ang umalingawngaw sa buong silid niya. She closed her eyes. Pilit na ninanamnam sa pandinig ang naririnig. Noise was her sanctuary. Marahas na iminulat niya ang mga mata nang biglang mawala ang naririnig na tugtog. Napatingin siya sa kinaroroonan ng stereo. Kitang-kita niya ang galit na nakarehistro sa mukha ng ama habang palapit sa kanya. Marahil ay pinakuha na naman nito ang sparekey ng silid niya upang mabuksan ang pinto. "Anong kalokohan na naman ba ang ginawa mo sa university?!" sermon nito nang makalapit. "Palagi ka na lang ganyan! Puro suspension ang natatanggap mo sa school niyo dahil sa mga pambubully mo! Puro na lang kahihiyan ang idinudulot mo sa pamilyang ito! Hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? Kailan ka ba magtitino ha? Nakakapagod ka na!" She looked at his father with those eyes full of coldness and emptiness. "Anak parang awa mo na. Magbago ka na please," naluluhang pakiusap nito. Kitang-kita niya ang paghihirap na nakarehistro sa mukha nito but nothing has changed. It didn't move her emotion and conscience. Well, she forgot, wala pala siya niyon kaya malabong makukuha siya nito sa mga pag-dadrama nito. Kahit pa siguro umiyak ito sa harap niya ay hinding-hindi siya maaawa rito. "If you're tired then let me do everything I want. And please stop that drama! You will never get an award for that." Padabog na umalis siya sa kinahihigaan. Walang paalam na tinalikuran niya ito at nagtungo sa banyo upang maligo. She looked at her reflection in the mirror. That face was hers, Beatrice Sheehan Fuentes. But all the emotions and everything inside that beautiful face is not her. Ang nakikita niya ay walang iba kundi ang Beatrice na kinakatakutan ng lahat. The shattered and broken Beatrice with a lost soul. Shattered and broken because she was hurt and will always be. But honestly, hindi siya dating ganito. She used to be a good daughter, a nice friend and a sweet and loving girlfriend. She was once a loving, sweet, jolly, naive and fragile girl. But that was before. And she hates to remember all of that. She hates everyone around her. She hates her parents. Kung anuman siya ngayon, iyon ay dahil na rin sa mismong kagagawan ng mga ito. So, they need to face and reap the fruit of their own labor. Kung ano man ang dahilan ng pagbabago niya, maraming dahilan. Masakit balikan ang lahat ng iyon. She just hates the old her kaya ayaw na niyang balikan at alalahanin pa ang lahat ng iyon. And one more thing, matagal na niyang pinatay ang dating Beatrice. Kaya heto siya ngayon, insensitive, matapang, manhid, palaban, tuso, kinakatakutan at nananakit ng ibang tao. And she has to admit, she just loved what she was doing! She loves to be called a heartless bully witch queen. And no one can ever change that. Nang matapos ay nagpalit na siya ng damit at nagtungo sa kitchen. Pasalamat na lang siya dahil wala na ang Dad niya nang lumabas siya ng silid niya. Nang makarating sa kitchen ay naabutan niya roon ang mama, kuya Ariel at ate Ariana niya na nag-aalmusal. Walang imik na umupo siya sa upuan niya at nagsimulang kumain. "Going out?" tanong ni Ate Ariana. Tumango siya. "Saan ka pupunta? Di ba suspended ka?" Hindi na siya nagulat sa tanong nito. Hindi na iyon bago sa kanya. Hindi na rin siya nag-abalang sagutin pa ito. Oo, 3 days suspended siya dahil sa kaguluhang nangyari kahapon sa university. Lagi namang nangyayari iyon sa kanya kaya sanay na siya. Pero ang nangyari kahapon ang sobrang hindi niya ini-expect. Hindi niya inaasahang darating ang member ng Blue Angels upang iligtas si Francez. So, her plan was ruined. Nadamay ang boyfriend niya na ngayon ay ex-boyfriend na niya. Yeah, wala na sila. After what happened, she dumped him. He’s useless now. At sa lahat ng nangyari, hindi niya matanggap ang ginawa sa kanya ng Tom na iyon. Wala pang nakagawa niyon sa kanya. At ipinapangako niya, she will have her revenge. "Beatrice, please magbago ka na. Alam naming kasalanan namin kung bakit ka nagkaganyan ngayon. But please, magbago ka na anak. Gawin mo iyan para sa sarili mo." Nawawalan ng gana at padabog na ibinaba niya ang hawak na tinidor at mabilis na ininom ang milk niya nang marinig niya ang boses ng mama niya. "I better go ahead. Bye kuya and ate," paalam niya sa dalawa at walang lingon likod na umalis. "Beatrice! Come back here! Mom's talking to you!" tawag ng kuya Ariel niya ngunit hindi niya iyon pinakinggan. Nagpatuloy siya sa paglakad palabas ng bahay at lumulan sa kanyang kotse. Fine! Bastos siya at walang modo. Pero wala na siyang pakialam sa iisipin ng mga ito. She's a bad girl and she admit it. And the hell she cares. It's not her fault anyway. Habang nagdadrive ay tinawagan niya ang mga alipores niya gamit ang group call. "Hey Beatrice!" "Meet me at West Lourd Bar!" she commanded them. "Sorry may class kami," sagot ng mga ito. "Then ditch your class, b***h!" "But-" "Whether you like it or not, you'll go there. Get it? See you there in 10 mins. Don't make me wait! Or else you’re all dead meat," katakot-takot at nagbabanta ang boses niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at mabilis na pinatay ang tawag. She smirked and turned on the radio to kill her boredom. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan niya. "It’s time to paint the town red."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD