7 - The Mark

3298 Words
"WHAT?!" hindi maipinta ang mukhang tanong ni Beatrice sa ama nang malaman niya ang kondisyong sinasabi nito kapalit ng pagdoble nito sa isang milyon na hinihingi niya. "You heard me. And I'll repeat it to make it clear to you. You'll have an intermission number." "No way! You made me quit four years ago and now suddenly, you want me to perform in front of your visitors?" nanggagalaiti at naniningkit ang mga matang tanong niya. "Ilang taon akong hindi sumayaw. Do you think that's easy for me? What are you planning to do huh? Ipahiya ako sa mga bisita mo?" "No, I just missed my daughter," malungkot at mahinang sagot nito. "I'm just hoping na kahit ngayon lang, makita ko ulit siyang maging masaya. Alam ko naman kung gaano ka kasaya kapag sumasayaw ka noon." She smirked. "Stop that drama! Huwag ka nang mangarap at umasang babalik pa ako sa dating ako dahil kahit kailan ay hinding-hindi na mangyayari iyon. You made me become like this. Heto na ako ngayon at iyon ang tanggapin mo." Hindi ito nakaimik. Ilang sandali pa'y naluluhang napabuntong hininga ito at malungkot na napatingin sa kanya. "If I could only turn back the time." "No matter what you do, you can never turn back the time. Get used to it." Walang paalam na tinalikuran niya ito. "So, you don't want the money anymore?" habol na tanong nito na nagpahinto sa kanya. Damn! Oo nga pala! Nakalimutan niyang may kailangan pala siya rito. Gusto niyang magsisisigaw sa matinding inis nang mga oras na iyon. Ayaw man niyang tanggapin iyon ngunit sa tingin niya'y talo siya sa ama sa pagkakataong ito. Napabuntong hininga siya at pikit matang hinarap ito. Kung hindi lang para sa mga batang nasa bahay ampunan ay hindi niya isusuko ang pride niya. "Bahala na. Just for tonight, pagbibigyan ko siya," bulong niya sa sarili. "Fine, pumapayag na ako sa gusto mo. Doon lang ako sa restaurant sa baba. Just call me when it's time for me to perform." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad niya itong tinalikuran at nagtungo sa restaurant at umupo sa isang sulok na mesa kung saan ay tanaw niya ang labas ng building. "Miss Beatrice do you want to eat or drink anything?" tanong sa kanya ng manager nila na lumapit sa kanya. "Pineapple juice and chocolate cake. Thanks," stiff na sagot niya at ni hindi man lang ito nilingon. Nang makaalis ito ay kinuha niya ang cellphone sa purse niya at isinuot niya sa tainga ang earphone na dala niya. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na waiter at inilapag nito ang mga dala sa table na nasa harap niya. Kumunot ang noo niya nang mapansing may sandwich itong dala at inilapag iyon sa table niya. "What's that?" taas ang kilay na tanong niya at tinanggal ang suot na earphone sa tainga. "May sinabi ba akong sandwich?" "Ah eh ma'am Beatrice, may nagpapabigay po sa inyo." nahihintakutang sagot nito. "Sino?" "Babae ma'am. Pero umalis na siya. Hindi ko na natanong kung ano ang pangalan niya." Naghihinalang napasulyap siya sa sandwich. "Anong laman niyan?" usisa niya rito. "Mayonnaise, lettuce, chicken, egg and shrimp po maam." Naningkit ang mga mata niya sa huling sinabi nitong sangkap niyon. "Put it away from me!" naiinis na utos niya. "Just so you know, may allergy ako sa shrimp. May balak ba kayong patayin ako?" Sa talim ng titig niya nang mga oras na iyon ay takot na takot na inilayo nito ang plato sa kanya. "P-pasensiya na ma’am Beatrice, hindi ko po kasi alam. Pasensiya na po talaga." Naiinis at nakairap na sinenyasan niya itong umalis na. Hindi man niya nalaman kung sino ang babaeng nagbigay niyon ngunit hula niya ay kilala siya nito at may galit ito sa kanya. Iisang tao lang ang alam niyang kayang gawin iyon sa kanya, ang ex-bestfriend niya. She gritted her teeth. Kung nandoon lang ito ngayon malamang ay baka pinaglalamayan na ito. "May araw ka rin sakin," bulong niya at tahimik na kumain. Makalipas ang ilang oras ay may lumapit sa kanyang waiter. Salubong ang kilay na nilingon niya ito at tinanggal ang suot na earphone. “What do you need?” "M-ma'am Beatrice pinapatawag na po kayo ng Dad niyo." Napabuga siya sa narinig. Mukhang oras na para sa impromptu performance niya. Bantulot na tumayo siya at naglakad patungo sa reception hall. Kung hindi lang dahil kina sister Gemma ay hinding-hindi niya ito gagawin. Nang makarating siya roon ay nakita niyang ayos na ang stage. Tanging naiwan lang doon ay ang piano. May lalaking nakaupo sa harap niyon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakayuko ito nang mga oras na iyon. Nang tawagin ni Ate Ariana ang pangalan niya ay mabibigat ang mga paa at napipilitang naglakad siya paakyat ng stage. Nang makalapit siya sa tabi ng kapatid ay ipinakilala siya nito sa mga panauhin. Sinabi rin nito kung ano ang gagawin niya. Na magpeperform daw siya para sa mga magulang. Nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. She wanted to but in, but in the end, she decided not to. "Ladies and gentlemen! A round of applause to Beatrice Sheehan Fuentes!" matapos sabihin iyon ng ate niya nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiting bumaling sa kanya ang kapatid. "Kaya mo yan li'l sis. By the way, yung favorite mong song ang sasayawin mo," bulong nito at tinapik muna siya sa balikat bago siya tuluyang iniwan sa maliit na entablado. Napabuntong hininga siya at napatingin sa mga magulang na noo'y bakas ang matinding tuwa sa mukha. She gave them a ‘this-isn't-for you-look.’ Nawala ang ngiti at saya ng mga ito sa tinging ibinigay niya. 'Panuorin niyo kung ano ang ipinagkait niyo sakin.' Pumwesto na siya at inihanda ang sarili sa pagsayaw. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang tugtog sa piano. Bawat saliw ng tugtog na likha niyon ay sinasabayan niya ng ekspertong pagsayaw niya. It's been four years since she stopped dancing, but her moves didn't even changed at all. They're still so perfect. Halos lahat ng mga manunuod na bisita ng parents niya ay maang at tila nababatubalaning nakasunod lang ang tingin sa kanya. Ito ang mundo niya dati. Ang mundong puno ng saya, walang lungkot at galit. Ang mundo kung saan ay buong-buo pa ang pagkatao niya. Ang mundong pilit niyang niyakap sa loob ng ilang taon. At ang mundong sinira at ipinagkait sa kanya. Nang mga oras na iyon pakiramdam niya'y gusto niyang umiyak ngunit pinigilan niya. She will never cry in front of these people. Not in front of her parents. Pilit niyang pinamanhid ang sarili sa halo-halong emosyong nararamdaman nang mga sandaling iyon. But she can't deny the fact that she missed dancing a lot. And the person behind that beautiful melody made her miss that world even more. Tila pilit nitong binubuwag ang pader at depensang itinayo niya sa sarili. He made her feel complete and happy. And that made her glad at some point. Kahit ngayon lang. She wanted to see who it was. She wanted to see the person behind that beautiful melody. Kinakabahan at dahan-dahang umikot siya paharap sa kinaroroonan ng piano at halos ay natigilan siya nang magtama ang tingin nila ng lalaki. 'Tom?' hindi makapaniwalang bulalas ng isip niya. Si Tom nga ba ang lalaking tumutugtog ng kantang sinasayaw niya? Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Nang mapagtanto niyang totoo ang nakikita niya'y biglang nabuhay ang galit na nararamdaman niya para sa lalaki. ‘Why of all people bakit siya pa?’ Nang mga oras na iyon, gusto niyang umalis at iwan ito sa stage dahil sa nararamdaman niyang inis dito ngunit ayaw sumunod ng mga paa niya maging ng katawan niyang patuloy pa ring sumasabay sa tugtog nito. Ilang sandali pa'y kinabahan siya nang makitang ngumisi ito. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya'y may binabalak na naman itong kalokohan. Hindi nga siya nagkamali ng hinuha dahil ilang sandali pa'y binilisan nito ang pagtugtog na labis niyang ikinagulat. Dahil sa kagustuhan niyang huwag mapahiya ay itinuloy niya ang pagsasayaw at pilit na hinabol ang tugtog na ginagawa nito. Sa bilis ng mga pangyayari, nang umikot siya'y nawalan siya ng balanse at napasubsob sa sahig. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang marinig ang sigaw at pagsinghap ng lahat. Mabilis na lumapit sa kanya ang ate, kuya at parents niya. "Beatrice are you okay?" nag-aalalang dinaluhan siya ng mga ito. Sa matinding inis ay nanggigigil na hinampas niya ang sahig at matatalim ang mga matang tiningnan niya si Tom. Lalo siyang nanggigil nang makitang nakalarawan sa gwapong mukha nito ang gulat. Crap! Pinlano nito iyon tapos ay may gana pa itong magulat? ‘Damn you! Liar!' ngali-ngali na niya itong bulyawan ngunit tila naumid bigla ang dila niya. She saw him smirked at her then he bowed at the audience. Sa ngiting ibinigay nito'y tila sinasabi nitong deserve niya ang nangyari sa kanya. Pakiramdam niya'y tila lumala ang galit at inis na nararamdaman niya rito. Galit na ikinuyom niya ang mga kamao at sinundan niya ng tingin ang binatang palayo. Nang mahimasmasan siya ay naiinis na tinabig niya ang pamilya niya upang sundan ang hayop na lalaki. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas sa building ay nakita niyang pinaharurot na nito ang motorsiklo nito palayo. Naiinis na tinungo na lang niya ang kotse niya. Mas gugustuhin na lang niyang umalis doon kaysa bumalik sa loob. Wala na siyang mukhang maihaharap sa bisita ng parents niya dahil sa kapalpakan ng performance niya. At kasalanan lahat ng Tom na iyon. Nanggigigil na hinampas niya ang manibela ng kotse niya at napasigaw. "Ahh! How dare you to do that to me! I hate you Tom! I really hate you! I swear, I’ll make you pay for this!" MATAPOS niyang ihimpil ang motor niya sa parking lot sa basement ng apartment nilang magkakaibigian ay bumaba na siya at pumasok sa loob ng building. Pinagbuksan siya ng sliding door ng security guard nang mamukhaan siya nito. "Good evening Sir Tom," pademure at pacute na bati sa kanya ng receptionist. Nang tingnan niya ang babaeng sa hula niya'y mas matanda sa kanya ng limang taon ay awtomatikong tumaas ang sulok ng labi niya nang makitang todo bigay ito sa ngiti nito. Halos ay mapunit na ang labi nito sa lawak ng pagkakangiti nito sa kanya. "Good evening Dianne," ganting bati niya. "Kung kasing ganda mo nga naman ang babati sakin, talagang good ang evening ko." Binigyan niya ito ng isang pagkatamis-tamis na ngiti at pagkuwa'y kinindatan pa ito. Kulang na lang ay atakihin na ito ng epilepsy sa matinding kilig na nararamdaman. Kung bakit ba naman kasi pati sa mga may edad na babae ay nahohook sa karisma at kagwapuhan niya. Lihim na lang siyang natawa at iiling-iling na tinungo ang elevator. Pinindot niya ang button ng pinakalast floor ng building. Nang nasa third floor na siya ay biglang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok doon ang isang seksing babaeng abala sa pag-aayos ng nagusot nitong palda. Napangisi siya nang mamukhaang ito ang malanding babae sa 31st floor. For sure ay galing ito sa room ng boyfriend nitong isang sikat na model ng bench. Hindi na lang niya ito pinansin at naiiling na isinandal ang likod sa gilid ng elevator. Sa pagkakapikit ng mga mata niya ay pilit na sumingit sa balintataw at alaala niya ang maamo at magandang mukha ni Beatrice. ‘Damn it! Why am I even remembering her face?’ Mabilis niyang ipinilig ang ulo upang iwaglit ang babae sa isip. Nang maalala niya ang ginawa niyang pagsabotahe sa performance nito ay nakaramdam siya ng saya. At last, naipaghiganti na niya si Francez. What he did to that girl, she deserved it. "Hi Tom!" Bumalik siya sa realidad nang marinig ang malandi at tila nang-aakit na boses ng babaeng kasama niya sa loob ng elevator. "Hi Amanda," ganting bati niya sa babae at hindi man lang ito pinagkaabalahang sulyapan man lang. Hindi man niya ito nakikita nang mga oras na iyon ay alam niyang malawak ang pagkakangiti nito sa kanya. His senses told him that she's just an inch away from him. He's so sure and certain of that because he can smell her expensive and branded perfume. At sa totoo lang ay napakatapang ng pabango nito. Masyadong masakit sa ilong. And he hates her scent. Pinigilan na lang niya ang sariling huminga. Alam niya kasi, ano mang oras ay babahing na siya. At ayaw din naman niyang mapoison nang wala sa oras ang mga organs niya dahil sa amoy ng pabango nito. "It's late, where have you been?" usisa nito. Base pa lang sa boses nito ay sigurado siyang nasa tapat lang niya ito. He just knew, she's standing right in front of him. "Party," tipid na sagot niya. "Oh I see. By the way, may band ka right?" tanong nito. Tumango siya. "I visited your f******k profile. Palagi tayong nagkikita at nagkakasalubong dito sa building. I didn't know you're too popular pala. Ngayon ko lang nalaman iyon." Napangisi siya sa sinabi nito. "I'm popular, yes. But not that much," sagot niya. Alam niya sa sarili niyang kasinungalingan iyon but there's a reason behind why he said that lie. Base kasi sa nasagap niyang balita tungkol sa babae, she's too much addicted and obsessed with fame. Kaya hindi na siya nagtataka kung puro sikat na personality ang nakakarelasyon nito. Like models, singers, actors, celebrities, sportsmen, young business tycoons and young politicians. She used her boyfriends to gain the fame and popularity she wanted. For short, she's a user. Hindi kasi ito nagiging successful sa pinapasok nitong career like modeling, beauty contest, acting and so on. Kaya marahil ay naisip nitong makipagrelasyon sa mga sikat na tao upang makilala ito. Sabagay, sikat na ito, hindi dahil sa talentong taglay nito kundi dahil sa pagiging manggagamit at pagiging malandi nito. May aka na nga ito sa ibang tao eh, girlfriend ng bayan. But she doesn't care about the issues. Mukhang balewala lang iyon dito. At sa hinuha niya ay mukhang may balak yata itong isali siya sa listahan ng mga lalaking ginamit nito para makuha ang gusto nito. And he's not that naive to let himself fall into her trap. "You know what Tom, you're really handsome and I admit I like you," walang pagdadalawang-isip na sabi nito. Awtomatikong iminulat niya ang mga mata at agad na bumungad sa paningin niya ang nang-aakit nitong mga ngiti. Dahil sa mas matangkad siya rito ay nakatingala ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin niyang nakatutok ang tingin nito sa labi niya. Lalaki siya at hindi siya tanga para hindi makuha ang ibig nitong ipahiwatig sa kanya. Kinilabutan siya sa binabalak nito. Akmang lalapit na ang mukha nito sa mukha niya ngunit mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang balikat at bahagya itong inilayo sa kanya. Oo babaero siya at karamihan sa mga nagkakagusto sa kanya ay pinapatos niya. But Amanda Yvonne Cervantes? No way! She's a big no! Over his dead sexy and hot body! Ano ito sinuswerte? Hindi naman siguro bawal ang maging choosy paminsan-minsan hindi ba? "Why?" nakasimangot at tila dismayadong tanong nito. "Kailangan pa bang tanungin ang obvious?" taas ang kilay na tanong niya. "But since you asked for it then I'll answer you. It's because you're not my type," diretsang sabi niya na nagpaawang sa mga labi nito. Halos ay mamula na ang buong mukha nito sa matinding inis at pagkapahiyang nararamdaman. "You've reach your destination dear. Bye!" nakakaloko ang ngiting untag niya rito nang makitang bumukas ang pinto ng floor na pupuntahan nito. Tila noon lang ito natauhan. "Damn you! I hate you!” naiinis na sabi nito. "So? Achoo!" hindi na niya napigilan ang sarili. Bumahing siya sa mismong harapan nito. Nakangiwing tinutop niya ang ilong habang ito naman ay nanlalaki ang mga mata, awang ang mga labi nito at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. "Oops sorry, my bad. Masyado kasing matapang ang pabango mo eh. Hindi na kinaya ng ilong ko." "Bastos!" sigaw nito nang makahuma at bigla na lang siyang sinampal sa kaliwang pisngi. Isang nakamamatay na irap muna ang ibinigay nito sa kanya bago ito nagdadabog na nagmartsa palabas ng elevator. Nakangiwing sinapo niya at hinimas ang nasaktang pisngi. "Bratt. Kasalanan ko ba kung hindi ko napigilang bumahing? Bastos daw ako? Tsss! Mga babae talaga oo. Ang lalim humugot ng sama ng loob. Hindi lang napagbigyan. Tsk!" naiiling at nakasimangot na bulong niya. "Panira rin ng gabi ang isang iyon. Tsk! Buset! Ang sakit nun ah.” Ilang sandali pa'y nakarating na siya sa last floor. Nakangiwing naglakad siya palabas ng elevator at tinungo ang pinto. Gamit ang passcode ay nakapasok siya sa apartment nilang magkakaibigan nang walang kahirap-hirap. "Hey, where have you been?" bungad na tanong sa kanya ng apat na kaibigan nang makita siya ng mga ito. Pagharap niya'y nakita niyang kanya-kanyang gawain ang mga ito. Si Froilan nanunuod ng cosplay event show. Si Pao nagbabasa ng food magazine. Si Prince nagsa-soundtrip. At si Drew may kausap sa cellphone nito habang kumakain ng mansanas. Akala ba niya tulog na ang mga ito kanina? Napabuga siya. Mukhang lumala na naman ang pagka-dracula ng mga ito. Heto at gising na gising pa ang mga loko. "May pinuntahan lang na party. Kinulit kasi ako ni Sussie," sagot niya at sumalampak ng upo sa sofa. Tumaas ang kilay ng mga ito sa narinig. "Date?" Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Date? With who? Sussie? I'll never date Sushie girl! Masyadong matapang iyon! Puro sabunot at sapak nga ang natanggap ko sa kanya kanina," kwento niya. "Kawawa nga ‘yung buhok at anit ko eh, muntik na akong makalbo. Sayang naman ang pag-aalaga ko sa buhok ko kung sisirain at bubunutin lang niya. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka nakabungkal na siya sa lupa ngayon," nakangusong dagdag niya at inayos ang spiky hair niya. "Sayang naman kagwapuhan ko kung nagkataon. Buti na lang talaga. Tsk! Marami pa akong mabibighani sa mukha kong ito." Salubong at taas ang kilay na napatigil ang apat sa ginagawa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Oh huwag niyo kong tingnan ng ganyan. Baka mainlove kayo sakin. Hindi tayo talo mga bro," tumatawang sabi niya. "Asa ka pa. Saang banda ka naging gwapo?" tanong ni Drew. "Lahat! Mula paa hanggang ulo, gwapo ako. Hindi mo lang kasi matanggap Drew na nauungusan na kita eh kaya ganyan ka," tumatawang pagmamayabang niya. "Stop being bitter and jelly dude. Alam mo kung sinong lamang satin." "Sino nga ba?" tanong ni Pao. "Tinatanong pa ba yan? Siyempre ako! Hahaha!" proud na proud na turo niya sa sarili. "Tsk!" naiiling na napabuga si Froilan. “Nagbuhat ka na naman ng sarili mong bangko.” "Dreamer!" Drew mouthed. "Ano na naman bang ipinagmamalaki mo?" taas ang kilay na tanong nito. "Simple lang," sagot niya at nakangising nagdekwatro. "Ang dami kong napakilig ngayon." "Ah kaya pala," tumatangong sabat ni Prince. "Kaya pala may bakat ng kamay iyang pisngi mo. Kitang-kita nga ang pruweba," nakangising dugtong nito. Napalis ang ngiti niya sa sinabi nito. ‘Crap! Bumakat ba yung sinampal ni Amanda?’ He checked his left cheek in the mirror. Halos ay napamura siya nang makitang may marka nga ng kamay doon. Sa sobrang pagkahalata, pwede nang itrace iyon. "Siguro, nang-molestiya ka ‘no?" tanong sa kanya ni Drew. Tapos na pala itong makipag-usap sa phone nito. Sa sobrang inis niya ay binato niya ito ng throw pillow. "I was the one who got molested! You brute!" gigil na sigaw niya rito. Tinawanan siya ng mga ito. "I'll sue her! I'll sue her for this!" Lalo siyang tinawanan ng mga ito sa mga sinabi niya. "No one will believe you. Next time galingan mo na ang pagkukwento ha?" "Shut up! Ayaw niyong maniwala eh di wag! Bahala kayo sa buhay niyo! Mga bitter!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD