8 - HIS RAGE

1578 Words
"HOY!" Matatalim ang mga matang napalingon si Tom kay Drew nang maramdaman ang pagbato nito sa mukha niya ng chips. "Bakit ba?" naiinis na anggil niya sa kaibigan. "Kanina ka pa nakangiti r’yan. Para kang baliw," naiiling na sabi ni Prince. "That smile. For sure may ginawa na namang kalokohan iyan," naghihinalang sagot ni Pao. Natawa na lang siya sa mga ito. Kilalang-kilala talaga siya ng mga kaibigan. Kung bakit nga ba siya nakangiti? Naalala lang kasi ang ginawa niya kay Beatrice sa party ng mga magulang nito. For sure ay labis-labis na kahihiyan ang natanggap nito dahil sa failed performance nito. Kung makikita lang niya ito ngayon ay sigurado siyang tatawanan niya ito ng bonggang-bongga. "Kumain ka na nga lang diyan Tom. Mukha ka talagang tanga eh!" utos sa kanya ng tahimik na si Froilan. "Sure!" nakangising sagot niya at tinusok ang hotdog sa plato nito. "Hey! That's mine!" tinabig nito ang kamay niya. "Bakit ka ba nang-aagaw ng pagkain?" singhal nito at sinamaan siya nito ng tingin. "Naubusan ako ng food eh!" inginuso niya ang platong wala nang laman. Sabay-sabay na inilayo ng apat ang mga sariling plato palayo sa kanya. "Pahingi," nakangusong ungot niya. "Bumili ka r’on!" He rolled his eyes. Ano pa nga ba? As if naman may pagpipilian siya. "Ang damot niyo talaga!" Nakangusong iniwan niya ang mga ito at nagtungo sa counter ng canteen. Kung hindi lang talaga siya nagugutom hindi siya mag-oorder ulit. Mabilis siyang pumulot ng pagkaing gusto niya. "Ano ba? Bakit ka ba nakikisiksik ha?" "Bakit? May angal ka?" "W-wala, s-sige mauna na kayo sa pila." Napasulyap siya sa pinanggalingan ng ingay at nakita niya ang ilang grupo ng babae na pinaalis sa pila ang ilang babae. "Rulers," naiiling na sabi niya at itinuloy ang pagkuha ng pagkain. Nang matapos ay nagtungo na siya sa pila. "Aiysh! Ang bagal naman umusad ng pila na ‘to!" nababagot na bulong niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang babaeng lumampas sa kanya at sumiksik sa bandang harapan. "Hey you! Sino ang nagsabing pwede kang sumiksik?!" naiinis na tanong niya ngunit tila wala itong narinig. Inilapag niya ang tray. "Pakibantay naman," sabi niya sa babaeng nasa likuran niya. "S-sure Tom." Hindi na niya pinag-aksayahan ng tingin ang babaeng may balak pa yatang magpacute sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa grupo ng mga babaeng sumingit sa pila. "Excuse me girls. Please be fair. Yung mga nahuling dumating at sumiksik diyan pwedeng umalis at pumunta sa likod ng pila?" hindi maipinta ang mukhang sabi niya. Parang zombieng sabay-sabay na lumingon sa kanya ang grupo. Akmang tatarayan sana siya ng mga ito ngunit nang makilala siya ng mga ito ay natahimik ang mga ito at natulala. Isa lang ang hindi nagbago ng ekspresyon sa grupo. Ang huling babaeng sumingit. Napatingin siya rito at nakita niya ang mga mata nitong naniningkit at nagbabaga sa matinding galit. He smiled evilly when he recognized who it was. "Hey! We meet again. So, how are you, Miss Fuentes?" tumatawang tanong niya. Gusto niyang bwisitin ito. "You!" naniningkit ang mga mata nito sa matinding inis, gigil at galit. "Ipinahiya mo ako sa bisita ng parents ko!" "Huh? Bakit? May ginawa ba ako?" patay malisyang tanong niya na lalong ikinainis nito. "Wow! Nagmamaang-maangan ka pang walang alam? I know what you did! So stop acting like an effin innocent!" "Wala akong alam sa sinasabi mo." Ikinibit pa niya ang balikat. "Ikaw yung pianista kagabi. I'm sure of that." "Oo, ako nga," pag-aamin niya. "So, what are you trying to say?" "Sinadya mong bilisan ang pagtugtog sa piano para mawala ako at habulin ang pagtugtog mo. Alam kong ginawa mo iyon para mabuwal ako.” "Eh ano naman ngayon kung nabuwal ka? Katawan ko ba iyang katawan mo?" taas ang kilay na tanong niya then he smirked at her. "And one more thing. Failed performance suits on you, failure queen." She glared at him. "Ang kapal ng mukha mo!" nanggigigil na sabi nito. “Talaga?” Kinapa niya ang mukha. "Parang hindi naman ah! Makapal ba ang mukha ko?" tanong niya sa mga nakapaligid sa kanila. "Hindi ah!" "Hindi makapal ang mukha mo Tom!" "See?" nakakaloko ang ngiting sabi niya at binalingan si Beatrice. Binigyan siya nito ng nakamamatay na tingin. "Alam mo, sayang ka." "Bakit naman?" tanong niya at humalukipkip. He’s starting to get fond of her. "Idol pa naman kita." He smirked. "Hindi ko kawalan ang isang fan na tulad mo," habang sinasabi iyon ay pinasadahan niya ito ng tingin. Ngayon lang niya napansin, napaka-fashionista ng babaeng ito. Kikay na kikay ito sa suot nito. Mukha itong barbie doll not to mention her face full of makeup. Mas nagandahan siya sa itsura nito kagabi na simple lang ang makeup sa mukha. Mukha kasi itong panda at clown ngayon. "By the way, huwag ka ngang mag-makeup. Hindi mo bagay. Mas lalo ka kasing pumapangit!" Matapos sabihin iyon ay iniwan na niya ito at naglakad na siya pabalik sa mga kaibigan. Nawalan na siya ng ganang kumain. Padabog na umupo siya sa upuan. "O nasaan yung binili mo?" "I changed my mind. I'm not hungry anymore," sagot niya. Tahimik na itinuloy ng mga ito ang pagkain. Nang makaramdam siya ng uhaw ay inabot niya ang iced tea at uminom. Ilang sandali pa'y napaigtad siya nang maramdaman ang pagtulo ng malamig na tubig sa ulo niya. "Sh*t! What the!" Napatayo siya sa matinding gulat. Pati ang mga kaibigan niya ay nagulat sa nangyari. "Oh my gosh! What did she do?!" "Bakit niya iyon ginawa kay Tom?!" Narinig niya ang bulung-bulungan ng mga estudyanteng nakakita sa nangyari. Lahat ay nagulat at hindi makapaniwala. Ngayon lang may bumuhos sa kanya ng malamig na tubig. Ngayon lang may nangahas na ipahiya at bastusin siya sa harap ng maraming tao. Darn! Kung sino man ang may gawa niyon sa kanya ay humanda ito. He's going to make sure, that person will pay for it. Nagtatagis ang mga bagang at kuyom ang kamaong nilingon niya kung sino ang may gawa niyon. Halos ay magdilim na ang paningin niya nang makita si Beatrice. "Patas na tayo," ngumiti ito ng nakakaloko. He gritted his teeth. Mukhang naghahanap talaga ng away ang babaeng ito. Humanda ito sa kanya. Kung iniisip nitong hahayaan niya ang ginawa nito ay nagkakamali ito. Sisiguraduhin niyang pagsisisihan nito ang ginawa nito. "How dare you. Ikaw lang ang nakagawa nito sakin. And because of what you’ve done, I am going to make sure pagsisisihan mong ako pa ang kinalaban mo," galit na sabi niya at mahigpit na hinawakan ito sa braso. "Kilala niyo ba kung sino ang babaeng ito?" malakas ang boses na tanong niya sa lahat. "The Witch-Bully Queen of Masscom department." Napaismid siya sa narinig. Kilala pala ito ng marami. For sure ay matagal na nitong binubully si Francez. Lalong nagtagis ang mga bagang niya sa naisip. "Sikat ka pala? Bully Queen?" Tumawa siya ng nakakaloko. Hinarap niya ito. "Well, makinig ka sa sasabihin ko. Nagkamali ka talaga ng taong kinalaban. Ihanda mo na lang ang sarili mo sa susunod na mangyayari. Ipapatikim at ipaparamdam ko sa’yo ang mga ginagawa mo sa iba." Humarap siya sa lahat. "Remember her face. Nakita niyo naman kung ano ang ginawa niya sakin. 'Yung pagkakaguidance namin noon, kasalanan din niya iyon. Sa lahat ng mga taong ginawan niya ng masama, it's your time to take revenge. Now, I'm giving you the right to do everything you want with this girl! Enjoy bullying her!" Patulak niya itong binitawan. "Let's go!" tawag niya sa mga kaibigan. Agad namang tumalima ang mga ito sa kabila ng matinding gulat. Lumabas na sila ng canteen at hindi pinansin ang ingay na naririnig. Ang tili at bulyawan. He smirked. As if he care. Wala na siyang pakialam sa mga gulong iyon. Wala na rin siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa babaeng iyon. She deserves it anyway. "Hey Tom, are you okay?" nag-aalalang umagapay sa paglalakad sa kanya si Pao. "Mukha ba akong okay?" naiinis na binalingan niya ang kaibigan. "Oppss sorry, mainit pala ang mundo." Itinaas nito ang mga kamay na tila ba natatakot sa galit na itsura niya. "Pangit mo! Para kang bagong pisang sisiw!" tumatawang pang-aalaska ni Drew. Akmang aambahan niya ito ng suntok ngunit mabilis itong nakalayo sa kanya. "Bakit basang-basa si Tom?" Narinig niya ang bulung-bulungan ng mga nakakasalubong nilang babae. "Oh my gosh! He looks hotter! Kyaahh!" Sabay-sabay na nilingon siya ng apat na kaibigan at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at muling ibinalik sa mukha niya. "May narinig kayo?" tanong ni Froilan sa tatlo. "Wala." Tumawa siya ng nakakaloko. "Tsk! Tanggapin niyo na. Wala kayong panama sakin! Mga kulelat! Hahahaha!" tumatawang pang-aasar niya sa apat. They rolled their eyes. "Ikaw Drew nasaan ang ipinagmamayabang mong agaw atensiyon na kagwapuhan?" "Tsk! Conceited jerk!" "May hot na palang shokoy ngayon?" si Froilan. Nagtawanan ang apat. Umasim ang mukha niya. Nakakainis talaga ang mga ito kahit kailan. Kung hindi lang niya kaibigan ang mga ito baka matagal na niyang pinagbuhul-buhol ang mga ito. "Shokoy? Sa gwapo kong ito? Mga inggitero. Tsk!" "Jefferson Thomashokoy Bilarde," sabi ni Prince. Humagalpak ang mga ito ng tawa sa narinig. Lakas talaga magtrip ng kaibigan nilang ito. And worst, ang pinaka-hate pa niyang pag-usapan ang pinili nitong pagtripan. "Fine! Eh di kayo na ang may magandang pangalan!" Naiinis na binilisan niya ang paglakad at iniwan ang mga ito. "Hoy! Thomashokoy! Hintayin mo kami!" "Damn you! Get lost! Humanda kayo sakin mamaya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD