ANG UNANG pinuntahan nina Beatrice ay sa National Museum. At habang nandoon sila ay palaging nakabuntot sa kanya si Tom. Kung saan man siya magpunta ay nandoon din ito. Damn! Kung alam lang sana nito kung gaano siya naiinis sa presensiya nito. She really doesn't want to see him. Naaalala niya kasi ang mga kagaguhang ginawa nito sa kanya. And she really doesn't want to remember all of that because she still felt tortured and traumatized. Kung hindi lang nila kasama sina sister at ang mga bata ay kanina pa niya ito inaway, pinagmumura at pinagsabihan ng mga mabibigat na salita. Kaya minabuti na lang niyang manahimik at magbulag-bulagan. Inisip na lang niyang wala ito sa paligid niya. That he never exist at all. Sunod naman nilang pinuntahan ay ang isang Zoo. At katulad kanina ay nakabuntot