2 - Pseudo Angel Meets the Witch

2037 Words
"I'M SO BORED." Nababagot na pumindot-pindot si Tom sa piano. Kasalukuyan siyang nasa old gymnasium kung saan sila madalas na nagpa-practice ng mga kaibigan niya. "Nasaan na ba ang babaeng iyon?" naiinip na tanong niya at napatingin sa apat na kaibigang prenteng nakaupo sa sofa. "I dunno." Sabay-sabay na nagkibit-balikat ang mga ito. Ang bagong member nilang si Francez ang tinutukoy niya. May practice kasi sila ngayong hapon sa old gymnasium at mukhang nakalimutan nito iyon. Pasado ala-una na ng hapon pero wala pa rin ito. Napabuga siya at lumapit sa mga ito sa sofa. "Sinabi niyo ba sa kanyang may practice tayo ngayon?" tanong ni Froilan. Nagkatinginan silang lahat sabay sabing, "Hindi!" Natiplak nila ang mga sariling noo. "Hell! We're just waiting for nothing," Froilan said and rolled his eyes. "I'll call her," sabi ni Prince at agad na dinampot ang cellphone sa mesa upang tawagan ang dalaga. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay kumunot ang noo nito. "She's not answering my call." "Vacant niya ngayon, how come na hindi niya sinasagot. Baka naman nakasilent mode 'yung cellphone niya?" panghuhula ni Pao. "That's impossible. Remember nung nasa library tayo? Ang lakas kaya ng ringing tone niya," tumatawang paalala ni Drew. 'Yeah, that's right. Bakit nga kaya hindi ito sumasagot?' Napahawak siya sa baba. "Baka ayaw na naman niyang magpractice," sagot niya. May posibilidad ang naisip niya dahil ayaw naman talaga nitong sumali sa banda nila. "Aishh! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng iyon," naiinis at nakasimangot na sabi ni Prince. Ilang sandali pa'y tumayo na ito. "Tara, sunduin natin siya para hindi siya maka-angal," yaya nito. "Mabuti pa nga," sang-ayon nilang apat dito. Sabay-sabay na silang naglakad patungo sa building ng Mass Com. Silang dalawa ni Prince ang nasa unahan habang sina Pao at Drew ay hinaharot ang tahimik na si Froilan. Habang naglalakad sila ay napapalingon ang lahat ng mga babae sa kanila. Tila kinikilig ang mga ito sa presensiya nilang lima. "Iihh! Nandito ang Blue Angels!" "Whaahh! Ang gwapo talaga ni Prince! I'm falling in love again!" "Kyaahh! Ang killer smile ni Drew! Tagos na tagos sa puso ko!" "Ang hot talaga ni Pao! Kyaahh! My heart is beating so fast now!" "Froilan is so cute! And his chinky eyes! So cool, Oppa!" "Oppa.. Oppakan ko kayo eh," si Froilan. "Pfft." Pinigilan niya ang sariling mapabunghalit ng tawa nang marinig ang sinabing iyon ni Froilan. "Iihh! Si Tom! Ang gwapo niya talaga! Ang amo pa ng mukha! I think I'm in heaven!" Napangisi siya sa narinig. “How to achieve that angel-like face?” ‘Nasa genes lang ‘yan.’ He gave them a smile. Lalo namang nagtilian ang mga ito sa kilig. Pati si Drew at Pao ay ngumiti rin sa mga ito, lalo namang naghiyawan ang mga ito. Ang iba naman ay umakting na tila mahihimatay sa sobrang kilig dahil sa ngiti nilang iyon. Habang silang tatlo ay panay ang ngiti sa mga babae, ang dalawa naman ay tahimik lang at hindi pinansin ang mga ito. He knew, bwisit na bwisit na naman si Prince. Nang tingnan niya ito ay muntik na siyang matawa nang makitang hindi siya nagkamali ng hinuha. As usual hindi na naman maipinta ang mukha nito. Naiiling na lang siya. Hindi na talaga ito magbabago ng pakikitungo sa fans ng mga ito. He really hates their clown and panda wannabe fans. Nang sulyapan naman niya si Froilan ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Tila wala itong nakikita at naririnig. He's really a certified snobbish iceberg. Ilang sandali pa'y pumasok na sila sa building ng Mass Com. At habang naglalakad sila ay nagtitilian pa rin ang ilan sa mga mass com students na nakakakita sa kanila sa hallway. Everyone is asking and wondering why they were there. "Alam mo ang room nila?" nagtatakang tanong niya kay Prince dahil dire-diretso lang ito sa pag-akyat sa hagdan na tila ba sigurado ito sa tinatahak at pupuntahan. "Yeah," sagot nito. "Actually, I came here already." Kumunot ang noo niya sa narinig. "When?" usisa niya. Parang wala itong naikwento sa kanya na nagtungo na ito roon. Hindi ito umimik. "Hey! I'm waiting for your answer," untag niya rito nang hindi siya makatiis. "Noong.." tila nag-isip pa ito na ipinagtaka niya. "Noong isinauli ko 'yung notebook niya at noong kausapin ko siya about sa plan kong isali siya sa banda," sagot nito. "Ah, I see." Napatango-tango na lang siya sa sagot nito. Ilang sandali pa'y nakarating na rin sila sa 4th floor. Nagtaka siya nang makita ang halos isang section na nagkukumpulan sa labas ng classroom at hallway na tila ba may pinapanuod at pinagkakaguluhan ang mga ito. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya sa mga kaibigan. Nagkibit-balikat ang tatlo. Kumunot ang noo niya nang makitang bumilis ang mga hakbang ni Prince hanggang sa nagulat na lang siya nang mabilis itong tumakbo palapit doon. 'What the hell is going on? Bakit kailangang tumakbo?' Dahil sa ginawa nito ay napatakbo na rin silang apat at mabilis na sumunod dito. "Parang awa mo na! Walang kasalanan si Francez! Maawa ka! Please stop it!" Kinabahan siya nang marinig ang umiiyak at nagmamakaawang boses ng isang babae. Dahil sa narinig ay lalong binilisan ni Prince ang pagtakbo. Binilisan din niya ang pagtakbo dahil sa kaalamang nasa panganib ang kaibigan niya. Damn! Humanda na lang ang taong nananakit kay Francez! Nakita niyang inihawi ni Prince ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan nila. Dahil sa ginawa ni Prince ay nakita nila ang apat na taong nakaupo sa sahig. Ang isa ay pinipigilan ang babaeng umiiyak at sumisigaw sa pangalan ng kaibigan niya. At sa isang banda naman, may nakaupong lalaki habang kinukwelyuhan ang isang babaeng nakahiga sa sahig. Itinaas nito ang mga kamao na tila balak suntukin ang babae. Halos ay nagimbal siya at napigil niya ang paghinga nang mapagsino kung sino ang babaeng balak suntukin ng lalaki. Iyon ay walang iba kundi ang kaibigan nilang si Francez. "Prince! Si Francez! Save her from that bastard!" sigaw at utos niya kay Prince dahil ito ang nasa unahan at mas malapit ito sa kinaroroonan ni Francez. Habang patakbong palapit sila roon ay mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay. Nangati bigla ang mga iyon na suntukin ang lalaking iyon. Saktan at kantihin na nito lahat ng tao sa mundo huwag na huwag lang ang kaibigan niya. Mabilis na kumilos si Prince. Bago pa man dumapo ang kamay ng lalaki kay Francez ay mabilis nitong hinablot ang kwelyo ng lalaki at agad sinuntok dahilan upang matumba ito sa sahig. "How dare you! Ang kapal ng mukha mong manakit ng babae!" Bago pa man makatayo ang lalaki ay pinagtulungan na nila ito. Walang awang pinagsusuntok at pinagtatadyakan nilang apat ang lalaki. Pinagmumura pa nila iyon. "Damn you! Gago ka! Pagbabayaran mo itong ginawa mo!" "Tarantado ka! Sino ang nagbigay sayo ng karapatang saktan siya huh?" "Hayop ka! I'll kill you bastard!" Habang abala sila sa ginagawa sa lalaki ay agad namang dinaluhan ni Prince si Francez. Pilit nitong kinausap ang dalaga. He can hear clearly everything he say. At nahalata niya ang pag-aalala sa boses ni Prince. Natitigilang napasulyap siya sa dalawang kaibigan lalung-lalo na kay Prince. Kailan pa ito nag-alala sa isang babae? Sa pagkakaalala niya ay hindi pa. Ngayon lang. Ipinilig niya ang ulo. Bakit pa niya tinatanong iyon? At bakit pa siya magtataka? Siyempre, kaibigan nila ang dalaga kaya natural lang na mag-alala ito. Katulad niya at pati ng tatlo pa nilang kaibigan ay nag-aalala sa kalagayan nito. Nagkibit-balikat siya at hindi na lang iyon pinansin. Nagpatuloy siya sa pambubugbog sa lalaki na ngayon ay hindi na makagalaw sa dami ng bugbog na natamo mula sa kanila. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay maaawa siya rito. Pero sa ginawa nito kay Francez? As if he care! He deserved that! "Stop it! Tama na! Parang awa niyo na! Maawa kayo!" narinig niya ang nagmamakaawang iyak ng isang babae. Nang tingnan niya kung sino iyon ay kitang-kita niya ang babaeng nagmamakaawa at umiiyak ng pilit. Ito 'yung babaeng nakahawak kanina sa kulot na babae na nagmamakaawa para kay Francez. Ang ibig sabihin niyon ay kasabwat nito ang lalaking binubugbog nila. 'Best actress! Hindi niya bagay! Halatang pilit lang siyang umiyak! Tsk! If she think na maaawa kami sa lalaking ito. Na maniniwala ako sa pag-arte niya, well, in her dreams!' Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sila sa pagbugbog sa lalaki. "s**t!" nanginginig na mura ni Prince. "T-tom! Her head is bleeding!" "What?" Sabay-sabay silang natigilang apat sa narinig na sinabi ni Prince. Pakiramdam niya’y pinanlamigan siya ng katawan sa nalaman. Ilang sandali pa’y dumilim ang mukha niya sa matinding galit na nararamdaman. Dumudugo ang ulo ni Francez? Damn! Parang gusto niyang baliin ang leeg ng lalaking nasa harapan dahil sa matinding galit. "Francez? Francez? Wake up!" marahang niyugyog ni Prince ang dalaga ngunit hindi man lang ito gumalaw. Nawalan na yata ito ng ulirat. Lalong tumindi ang galit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon dahil sa nakita. Nagtatagis ang mga bagang at nanlilisik ang mga matang napatitig siya sa putok at basag na mukha ng lalaki. "Let's go, leave that bastard there! May araw rin iyan!" mabilis na pinangko ni Prince si Francez. Tumalima ang tatlo at binigyan muna ang lalaki ng tigi-isang tadyak. "Ito pa ang sayo oh! Hindi pa tayo tapos!" Naglakad na palayo ang mga kaibigan niya ngunit naiwan pa rin siyang nakatayo roon at kuyom ang mga kamao. "Tom! Ano pang itinatayo-tayo mo riyan! Halika na!" Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Pao ngunit hindi niya iyon pinansin. Nanggigigil at nagpupuyos sa galit na kinuwelyuhan niya ang lalaki. "Humanda ka! Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, magtago-tago ka na. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong p*******t sa kanya. Kahit buhay mo pa ang kapalit, sisingilin kita! We're not done! Not just yet. And keep that in mind you asshole!" Nanggigigil na itinaas niya ang kamao at akmang susuntukin ito ngunit may kamay na pumigil sa braso niya. Salubong ang kilay na sinulyapan niya kung sino iyon. Tumaas ang kilay niya nang makita ang babaeng kanina ay umiiyak para sa lalaki. "Don't you even dare!" naniningkit ang mga matang banta nito. 'Did she just threaten me?' Tumaas ang sulok ng labi niya at binitiwan ang lalaki upang harapin ito. Base sa pagkakatingin sa kanya ng babae ay mukhang ni hindi man lang ito natinag at natakot sa kanya. Ang kapal nitong bantaan siya! Saan nito nakuha ang lakas ng loob nitong kalabanin siya? Dito nabaling ang galit niya sa lalaki. For sure ay may kasalanan at kinalaman din ito sa nangyari kay Francez. He will make sure that no one can ever escape his wrath and revenge! "You!" simula niya at dahan-dahan itong nilapitan. Akala niya ay tatakbo ito sa takot ngunit nagulat siya nang makitang ni hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Nagtagisan lang sila ng masamang tingin. Lalo siyang nainis dahil mukhang hindi man lang ito kinabakasan ng takot. She was still standing firm right in front of him with that brave and deadly gaze. "I know you have something to do with this!" nanggigigil na sabi niya. Napatingin siya sa name plate nito. "Beatrice Sheehan Fuentes," basa niya sa pangalan nito. "I'm going to make sure you'll pay for this!" pagkasabi niya niyon ay inagaw niya ang iniinom na milktea ng isang estudyante at walang sabi-sabing ibinuhos iyon sa ulo nito. Napasinghap ang lahat at natutop ang kanya-kanyang bibig dahil sa matinding gulat. Nakita niya ang pag-awang ng bibig ng babae at ang pagtakas ng kulay sa mukha nito. Nginitian niya ito ng nakakaloko at pinanuod ang pagtulo ng natitirang inumin sa ulo nito pababa sa mukha at sa kulay yellow na uniform nito. Natawa siya nang makita ang itsura nito. "You looked like a s**t and that serves you right, witch!" Nagbubunyi ang ngiting iniwan niya ang tila naestatwang babae upang sundan ang mga kaibigan. "Jackass!" Napahinto siya sa paghakbang dahil sa isinigaw ng babae at nakangising nilingon ito. For sure, she's referring to him. "Call me whatever you want, the hell I care. But keep this in mind." He gave her his deadly glare. "We're not done yet. One day, you will pay for this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD