3

2203 Words
Chapter 3 Walang bumulabog na tawag kay Lhauren sa loob ng dalawang araw. At ang isang misteryosong tawag na yun ay nakadagdag sa insomnia niya. Hindi siya makatulog ng walang kasama sa loob ng kwarto at ang nagbabantay sa kanya ay ang kuya Anton niya, dahil wala ang ate niya. May pinuntahan si Leica na fashion show out of the town. Iyon ang paglalabas ng mga makabahong urban designs ng kanyang ate, pero wala iyong tigil sa pagbilin na huwag siyang iiwan at huwag siyang pababayaan. And luckily ay nakausap na nun ang Daddy nila at maging siya mismo ay nakausap na ang ama-amahan, na napapadalas na nga ang tawag at isinisingit siya sa lahat ng busy hours of the day. Pero, nasasayang na ang dalawa niyang araw sa hindi paghahanap sa totoo niyang pamilya. Gusto na rin niyang matapos na para makauwi na siya sa Daddy niya. She feels safe when she's with her but she can't let a detective or an investigator to find her real parents. She feels that she's about to lose half of her life if she would just keep on waiting. Siya ay ang klase ng tao na hindi natatahimik hagga't hindi niya nakukuha ang kanyang gusto. And when Lhauren aims for something, she will not let other’s touch it and claim it for her. Iyon ang isa sa mga katangian niya. Ayaw niya ng pinakikialaman siya kahit sa mga simpleng pagluluto niya. Kapag may ibang kamay ang hahawak sa kanyang ginagawa, ang isip niya ay masisira iyon at hindi na niya gusto. Gusto kasi niyang malaman kung bakit siya iniiwan sa simbahan. Alam niya kasi na may dahilan ang lahat kaya hindi siya basta dapat na magalit sa mga magulang niya. Masama ang loob niya, oo pero hindi naman siya galit. When she can no longer wait, she grabbed her phone and called her Dad. Palakad-lakad siya sa may pinto ng terasa niya habang naghihintay na sagutin ng ama ang aparato nun, until Charles finally did. "Yes, darling? How are you honey?" tanong kaagad ng ama niya sa napakalambing na boses nito. Rinig niya ang ingay sa kinaroroonan nun. Malamang nasa gitna ito ng meeting pero inistorbo niya. Ganoon kasi siya, hindi iyon makatanggi sa kanya kahit na ano pa ang hingin niya. Simula ng magkaisip siya ay iyon na ang nakamulatan niya, ang pagiging spoiled lalo na sa oras na kailangan niya mula sa ama. And she never fails to give him her sweetness and love. "Daddy, where's my extra bodyguard?" aniya kaagad sa ama. "I already told him. Isn't he there yet? He's an extra handsome bodyguard, honey." aniyon pa na tumatawa. Ang Daddy talaga niya, maloko kahit kailan. Wala naman talaga siyang bodyguard na pangit, sa totoo lang. Si Anton ay pogi rin, kahit na ang bagong resign. Napangiti siya. Baka naman pangit ang ipinadala ng Daddy niya sa kanya at niloloko na naman siya. Alam niyang pinagagaan lang nito ang sitwasyon niya para hindi na siya matakot pa. And it’s quite effective somehow. "I'm not expecting, Dad,” she rolled her eyes, "But what I'm sure, I know you sent one of the bests. I thank you for that, Daddy." aniya rito. "Yes, sweetheart. I will always send the best for you. Daddy loves you and I expect you to come home soon Lhauren. Hindi ko mapapayagan na may mangyari sa iyo. I already pictured this out weeks ago," aniyon pa kaya napatanga siya. “What do you mean by that, Daddy? Were you expecting this thing to happen?” “Ako ang unang nakakatanggap ng mga threats na para sa iyo. Tinatakot ako na may gagawin sa iyong masama.” Agad siyang napalunok. Hindi talaga biro ang lahat, kung ganun. Sino ang taong may lakas ng loob na bigyan ng threat ang isang Presidente ng maraming bansa? It seems like her father is the father of all nations, yun ang konklusyon sa posisyon ng kanyang ama, tapos tinatakot-takot lang. “Had your men traced it?” “Not yet, sweetie. Mahirap iyon at aabutin ng ilang buwan perokampante na ako sa pagdating ng bago mong bodyguard. You’ll be safe, I know.” Sa tono ni Charles ay napakagaling ng nakuha nitong bodyguard para sa kanya kaya ang takot niya ay nawawala. May tiwala siya sa ama niya higit kanino man kaya alam niyang hindi siya nito bibigyan ng tagapagligtas. Ngumiti naman siya kapagkuwan at ngumiti rin si Charles sa kanya. Marami pa sana siyang sasabihin pero narinig niya ang boses ng kuya Anton niya sa labas. "Ma'am, nandito na ang extra bodyguard niyo!" sigaw nun kaya napatalon siya. Yiii! "Daddy, Daddy. Bye. He's here. Nandito na ang pinadala mo. I love you. Take care!" nagmamadali na sabi niya para mahusgahan nga kung pogi iyon. Baka ang pogi para sa Daddy niya ay mukhang pwet ng kalabaw. “Wait, tell me his name and send me a photo to make sure that it’s him.” “Okay, Dad! I’ll do that. Babye!” Hindi na niya ito pinasagot pa. She hung up and ran toward the door. Ang laki ng ngiti niyang tinakbo ang barandilya ng indoor balcony at bumungad sa mga mata niya ang isang malaking bulto ng lalaki, na nakatalikod habang kausap ang Yaya Betchay niya. He's wearing black semi fitted denim pants and muscle fit white shirt. She blinked twice and hung her mouth agape. Hulmang hulma ang katawan ng lalaki sa suot nito, at kahit nakatalikod ito ay parang totoo ang sinasabi ng Daddy niya na pogi ang kanyang extra bodyguard. Sa tabi nito ay isang maleta. Na-intimidate siya nang bigla itong humalakhak at nameywang. Familiar ang gestures na yun sa kanya at pati na boses, though she doesn't want to think that he was the same person she met that night, ay di niya maiwasan na manalangin na sana ay iyon nga ang lalaking tinitingnan niya ngayon, si Habagat. Ang pangit naman ng Habagat parang napakahangin. "Lhauren," sa wakas ay puna sa kanya ng yaya niya kaya biglang lumingon pautaas ang lalaki. At sa pagkagulat niya ay totoong ang nasa club nga ang kanyang bagong bodyguard. He was the same guy she's been thinking lately. Oh my gosh! She swallowed hardly as her heart thumped so loud. The man smiled at her widely, at ibinaba pa nito sa ilong ang suot na mala- rainbow and sunglass na suot para lang kindatan siya. Her lips parted involuntarily. "Hi, Ma'am na batang maganda. Namiss mo ba ang Habagat mo?" tanong nito sa kanya. Anong na-miss? Talagang wala pa rin itong ipinagbabago. Ganoon na ganoon pa rin ito, maharot at mahangin. "Akyat na ako Yayang sexy ha," paalam pa nito sa yaya niya na parang kilig na kilig kaya kamuntik pa siyang matawa. Mabilis itong pumihit at hinila ang maleta. Walang hiya talaga. Aakyat ito kahit hindi naman pinaaakyat. Sa may hagdan ay nagsalubungan ang kuya Anton niya at ang lalaki. Tinapik kaagad nito and naiwan niyang bodyguard. Malamang ay nagkakilala na ang dalawa nang dumating si Habagat. Walang kahirap-hirap na naipanhik nito ang malaking bagahe at tuluy-tuloy na lumapit sa kanya. She was about to take a step backward. Ninenerbyos siya rito kahit wala namang dapat ikatakot. "Oops! Mahuhulog ka!" Anito sabay hatak nito sa braso niya kaya napabangga siya sa katawan nito. Tinanggal nito ang sunglass at isinabit sa damit. "May threat daw ang future bebe ko? Totoo?" anito sa may tuktok ng ulo niya na parang ang tagal na nilang magkakilala, at parang kung makaasta ay kahapon lang ang huli nilang pag-uusap at pagkikita. She looked up at him and met his eyes. Nakayuko kasi ito at nakangiti sa kanya. Parang inuuto siya nito ng sobra pero napatango siya na parang isang bata. "I'm here. I'll kill them one by one." tinaasan baba pa siya nito ng kilay. At hindi naman ito masyadong hambog sa pandinig niya. Tumikal siya ng kaunti kaya napilitan itong bitawan ang ulo niya. "Why you?" takang tanong niya habang hindi maialis ang pagkakaitingin dito. Nangunot ang noo nito at nameywang na naman. He's so really handsome, lalo na ngayon na maayos ang porma nito at may saluwal, take note. Pwede nga itong ihilera sa mga hot male models ng ate niya, o lamang pa nga ito nang sobra sa standards ng mga iyon. Ibang-iba ang dating nito kumpara sa ibang kalalakihan. Ito ang tipo na sobrang titilian at hahabulin ng babae. "Anong why me, baby ko? May iba ka pa bang ini-expect na poging bodyguard? " lumawak ang ngisi nito sa kanya kaya nairolyo nya ang mga mata, pero pinagtawanan siya nito. "I'm the most handsome, wag ka ng maghanap ng iba ha. Simpatiko ako, gwapo, mabait at mabango." anito pa sa kanya. Mahangin ngang talaga. Ang lakas ng bilib nito sa sarili pero bakit hindi ito nakakainis? "Did Daddy send you here? Interpol ka? Am I right?" tanong niya rito. Tumango ito at itinago ang labi matapos na luminga sa palogid, "Yes I am and I volunteered to be your extra handsome bodyguard. But… it’sour little secret. Ikaw lang ang makakaalam, ako at si Daddy," tumaas-taas pa ang kilay nito. Daddy? Napatanga siya. Tapos ay luminga ito ulit sa paligid, "Akala ko baby ko may ate ka ritong maganda? Pwede ko bang makilala?" sabay kagat nito sa labi habang iniisa-isang pasadahan ng tingin ang mga kwarto roon. Naimbyerna siya sa sinasabi nito kaya may katarayan niyang ipinagsiklop ang mga braso sa dibdib, "What are you here for, Mister? To meet beautiful girls and flirt around or to protect me who needs a great protector?" may katarayang tanong niya rito. Bumalik sa kanya ang mga mata nito pero ngumiti pa itong lalo,” Don't be jealous. You're still on top of my list. Pinalalaki pa kita, kaya flirt na muna." sabay tawa pa nito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Bwisit! Crush pa naman niya ito kaya lang kung ganito naman ito kawalang katinuang kausap, ano naman ang mapapala niya sa lalaking ito na parang kung magsalita ay matagal na siyang kilala kahit dalawang beses pa lang naman silang nagkikita? "Baby kong maganda. Don't leave me. I'm Jace the pogi and macho," habol nito sa kanya kaya di mapigil na mapangiti siya kahit na parang kinabahan pa rin siya dahil sa presence nito. At in fairness dito, natural na yata sa katawan nito ang amoy na mabango. And by a single glance, mukhang hindi basta basta ang dating nito sa buhay. Kahit na may pagka-sira ulong magsalita ay kita sa hitsura at kutis ang yaman. Tuluy-tuloy lang siya pero nang papasok na siya sa kanyang kwarto ay biglang tumunog ang phone niya. Lhauren stopped and looked at her phone. Awtomatiko siyang napapihit nang makita ang isang unregistered na number na naman na naka-flash sa screen ng phone niya. Alam niyang nakaguhit ngayon sa mukha niya ang matinding takot. Jace's face became vividly serious. Nawala ang ngiti nito sa labi at tiningnan ang phone niyang tumutunog. He handed it without a warning and answered the call. Hindi siya nakaimik nang idinikit nito iyon sa may tainga niya. He mouthed her say hello. "H-Hello? W-Who's this?" nasapo niya ang dibdib dahil parang kinakapos na naman siya ng hininga pero ang mga mata niya ay nakatingin saa mga mata ng bodyguard. "Same guy, Lhauren Dhenisse. Ready ka na bang mamatay? How about, ibikti kita?" sabay halakhak na naman nu sa kabilang linya. At dahil naka loud speaker ay rinig na rinig yun sa paligid. Kaagad na nanubig ang mga mata niya at napailing siya nang marahas. She muffled her sobs until she felt Jace cupped her head ang pulled her on his chest. Wala siyang nakapa na pagtutol. Today is just like that night she felt safe when she was with him. Kahit paano ngayon ay ramdam niya na malakas ang depensa niya sa kung sinong may gustong maglaho na siya sa mundo. Buhay pa ito matapos na makipagbakbakan sa club na iyon. Wala na siyang balita sa mga nangyari pa roon. Ang inalam lang niya ay kung maayos ang kanyang mga kaibigan, at napanatag siya na wala roon ni isa mang nagalusan. Ramdam niya ang paghugot ni Jace ng malalim na hinga. "Ready na siya. Ikaw na putang ina ka, ready ka na?! I'll make sure na sasayaw ka muna sa bala ng baril ko bago mo mapatay ang batang ito. Labas na kung matapang ka. Meet me and shoot me, if you can. Gago!" anito sa nasa kabilang linya. Buong-buo ang boses nito at walang pag-aalinlangan sa mga salitang binibitiwan. Walang sagot mula sa caller at maya maya ay kinansela na ang tawag. "’Wag ng umiyak baby ko. I'm your hero. Dapat bilib ka sa mapapangasawa mo," anito sa kanya at ninakawan pa siya ng halik sa tuktok ng ulo niya. But for now, she doesn't have any single second to protest. Natatakot siya at kung ito ang ikakakalma niya ay sige na. Swerte na siya na nandito na ito sa unang araw ng trabaho at naipagtanggol na kaagad siya kahit na may dala itong hangin sa buong kabahayan. And he has the guts to do that. Tulad ng isang hangin ay may tatag ito sa lakas ng salita at ramdam iyon ni Lhauren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD