Special Agent Arguelles
Introduction
NAKATITIG si Brandon Jace sa isang napakagandang babae na naka-flash sa telebisyon. Kasalukuyan siyang nasa harap ng Presidente ng United Nations.
Hindi siya nagpakaabala na magpakapormal o tumayo na mala-robocop sa harap ng matandang lalaki. Hindi siya pa-epal sa madaling salita.
Natural na natural ang pagkakatindig niya, ang hulma ng likod at hulma ng mukha.
Hindi niya itinago ang paghanga nang makita niya ang magandang babae na ito.
Kumamot siya sa sulok ng labi at pumameywang.
"Lovely, isn't she?" The President asked him with a smile.
Tumango siya, "Very lovely."
"Her life is in danger," anito sa kanya sabay buntong hininga.
"A threat came and it was addressed to my daughter. I was alarmed and luckily, I was the one who received it. I don't want to lose my daughter, Agent Arguelles. You're the best special agent of Interpol. My daughter's safe with you."
Umangat ang mga kilay ng gwapong binata at napakibit-balikat, "'Wag niyo naman ako masyadong bolahin, Sir President. Baka maniwala ako," kindat niya na nagpahalakhak dito.
"Humorous. Alam mo bang kilala ang ama mo rito? He rejected an offer way back…"
"Magellan's time, I guess," sagot niya na nagpatawa ulit dito.
"Accept my request, Agent Arguelles. Wala akong ibang maisip na pwedeng mangalaga sa aking bunso. She's still very young to receive some kind of threats in her life. She never mentioned anything to me. She's a jolly girl. She just keeps on telling me stories about her classmates and friends. I don't see any reason for her to receive such stupid death note. I was so alarmed and frightened. Hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang buhay ni Lhauren. If this is a joke, then it's probably not a good joke."
"Probably no," iling din naman niya bilang pagsang-ayon, habang nakatingin sa mukha ng magandang dalagita.
Paano ang gagawin niya? Naka-leave siya para sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas. Gusto niyang makita ang pamilya na sa limang taon ay parang isa o dalawang beses lang niyang nadadalaw.
Now's his only chance to see his parents and his elder sister after so many years. Kapag pinalagpas niya ang pagkakataon na ito ngayon, baka ilang taon na naman ang lumipas bago siya magkaroon ng pagkakataon ulit.
May isa pa siyang pangakong misyon bago siya magbakasyon. Pero hindi pa man lang natatapos ang misyon na iyon, parang mapipingasan ng kaunti ang kanyang kagwapuhan dahil sa panibahong tawag ng tungkulin sa kanya. Not to mention that the President himself personally asked him to grant a special task designated only for him, he thinks.
"I need an immediate response, agent."
Okay. Mukhang hindi naman nagkakatae sa saluwal ang matandang ito. Ura-urada siyang pinagdedesisyon, pero nauunawaan niya. Ganun talaga ang linya ng trabaho ng mga poging katulad niya.
At pogi lang ang agad-agad na nakakapagsesisyon ng segundo lang ang bininigay na palugit.
It's like a time bomb, f**k it!
"What's her name?" Naniningkit ang mga magagandang mga mata ni Jace babang nakatitig sa monitor.
This old man knows how to capture the interest of a man like him. Tang-ina! Mahilig siya sa maganda at bata.
Hindi kaya nagkakamali ang matandang ito sa pagpili sa kanya para sa misyon? Baka anak nito ang misyunin niya at ilang buwan lang ay may apo na ito.
Wala yun sa linya niya. He was just kidding himself.
Siya ay nakatalaga sa trabaho, walang ibang gusto sa buhay kung hindi ang tumanda na nagsisilbi sa mga nangangailangan.
"Lhauren Dhenisse," sagot ni President Madison.
Ito ay isang Filipino-American at matagal na niya itong kakilala. Hindi man sila madalas na nag-uusap ay alam ni Jace na kilalang-kilala siya ng matanda.
Mas mabango pa kaysa sa Armani ang kanyang pangalan pagdating sa mga opisyal ng UN. Wala siyang palpak na misyon kahit kailan. Siya ang nagtuloy ng naunsyaming pangarap ng kanyang ama dahil mas nanaig ang pagmamahal sa ina niyang ubod naman talaga ng ganda, kaya walang duda na baliw-baliwan ang Daddy niya noon.
"Hanggang anong oras ang palugit ko, Sir President? Hindi naman siguro ako lalabas na parang target kapag hindi pa ako nakapagdesisyon."
Umarko ang kilay ng lalaki, "Is it you? May Agent Arguelles ba na nagsasayang ng segundo bago magdesisyon? It's not the usual you. Mukhang humihina ka na yata. Nakakabawas 'yan ng kagwapuhan."
"f**k!" He cursed and never cared if he was in front of the honorable President.
"Of course yes!" Napilitan na sagot niya na nagpangisi sa matanda.
Pag-usapan na lahat huwag lang ang angas at kagwapuhan dahil walang pwedeng makatalo sa kanya at mas lalong hindi dapat iyon mabawasan!