Chapter 4
Luminga si Jace sa paligid habang hawak si Lhauren sa ulo. Di hamak na mas triple ang ganda ng batang ito kaysa sa litrato.
Nang gabing makita niya ito sa isang club ay siniguro niyang maliligtas ito, una sa lahat.
Sinira lang naman nito ang kanyang diskarte sa bakbakan. Mabuti na lang at mabilis siyang makagawa sa isip ng panibagong kakbang, kaya hindi siya nahirapan.
Hindi niya pwedeng pabayaan ang anak ni President Madison.
“Ito ba ang kwarto mo, baby ko?” tanong niya sa dalaga.
Lhauren slightly looked back and nodded.
“Who occupies this room?” aniya sa tapat na kwarto nito.
“Kuya Anton.”
“Okay. Dito ako. Sisipain ko si Antonio Banderas!” aniya sabay ngisi rito pero nangiti rin ito nang kaunti.
Ayaw niya itong mag-panic sa mga pagbabanta na natatanggap nito. Narito na si Jace the pogi and macho, wala ng dapat ipag-alala si Lhauren.
“Why there? We have spare rooms.”
“Dito ang gusto ko sa tapat ng kwarto mo, para tapat din ng puso mo. Bagay na tayo,” aniyang ngumisi at pinataas-baba ang mga kilay.
Humaba lang naman ang labi nito at kumurap.
Her eyes are so lovely. Wala itong kolorete sa mukha ay napakaganda ng mga nata nito. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng mas malaki ang mga mata sa normal pero napakaganda.
Buhay na buhay iyon kapag tumititig sa kanya. Nakaka-tang-ina dahil ang bata pa nito at mukhang mahihilera pa sa mga naging babae niya.
No. Hands off siya sa anak ni Charles Madison.
“Ang caller, kapag tumawag, kailangan na alam ko. Don’t answer it when I’m not around.”
She nodded like a little puppy. Napaka-cute ni Lhauren.
Binuksan na ni Jace ang pinto ng kwarto nito para makapasok ito roon.
“I’ll take a pic of you.”
Napaangat ang mga kilay ng binata, “Going to make me your wallpaper right away? Anong posing?” aniya at nag-umpisa siyang magpapogi at pumosing-posing pa.
Napahagikhik ang dalaga sa kanya.
“You’re so bilib in yoursekf. Daddy asked me to do so to make sure that it’s really you.”
“Ah, ganun pala. Si Daddy pala ang magwo-wallpaper sa akin. Give me that,” aniya saka kinuha ang smartphone nito, “Open mo, baby number ni Daddy.”
“What? Are you going to call him?” She asked, eyes widened.
“Oo,” agaran niyang sagot.
“He’s in the meeting right now.”
“Sus, walang meeting-meeting sa akin,” aniya saka pinindot ang call icon ni Charles.
Sumagot iyon makalipas ang ilang segundo.
“Daddy!” bulalas niya kaya napatakip si Lhauren ng bibig, habang ang matanda ay napalinga.
“Jace…”
“I'm finally here. You see, I’m with your beautiful princess. Itataya ko ang galing ko sa anak niyo, President,” nakabungisngis na sabi niya rito.
“I know. I know. I’m in a meeting. I’m glad you’re safe. Take care of here, Agent Habagat,” nagnamadali na sagot nito kaya sumaludo siya at saka pinatay ang tawag.
Nakangiti niyang ibinalik kay Lhauren ang aparato, “Paniwala na ang baby ko na ako talaga ang hulog ng langit?”
Hindi ito nakasagot dahil sa yabang niya tapos ay tumango.
“Pahinga ka na. I’ll just keep my things inside the room. Always inform me of what you’re up to, baby. Ayoko ng matigas ang ulo. Dapat ulo ko lang ang matigas.”
Agad itong napakunot noo. Malamang ay nagtataka ito sa mga dialogue niya. Bata pa nga pala ito at inosente. Mukhang wala itong alam sa mga kahalayan niya sa buhay, idinadamay pa niya.
Gago talaga siya at mana siya sa pinagmanahan niya, kanino pa ba kung hindi sa ama niya.
…
Lhauren was halted when she opened the door of her room. Nakatayo si Jace sa may bedside table niya habang hawak ang kanyang smartphone at may kinakalikot doon. Ang kwarto nito ay nasa tapat ng kwarto niya. Personal choice yun ng binata, kaya napilitan na lumipat ng kwarto ang kuya Anton niya sa tabing kwarto naman ni Jace. Wala naman iyong problema kay Anton.
Hindi niya alam ang dahilan pero ang sabi nito ay mas maganda raw na tapatan sila, ibig daw sabihin ay talagang sila ang para sa isa't-isa. Ano bang maisasagot niya? Of course she blushed and averted her gaze.
She stared at his back for a while and felt her heart beat in an unusual pace again. Parang may sariling adrenaline rush ang puso niya na hindi niya mapigil kahit na anong kontrol ang gawin niya.
Crush niya ang lalaki na ito at hindi niya pwedeng itanggi iyon. She felt safe and relax when he hugged her this morning, when he arrived. Pagkatapos nun ay pinahid pa nito ang mga luha niya at sinimulan na naman siyang biru-biruin, hanggang sa papasukin siya nito sa kwarto niya.
Maghapon niyang hindi nakita at nang silipin niya sa kwartong inuukupa ay natutulog pala. Parang butiking patay pala ito kung matulog, nakabuka ang mga braso nito may ulunan at ang mga hita ay ganoon din. Hubad at nakaboxers lang ito. Kaya tuloy hindi na naman inosente ang mga mata niya sa nakikita niyang pamumukol ng bagay na iyon sa harap nito, na parang nauntog ng malakas sa kung saan para lumaki ng ganoon.
Ngayon ay ano? Likod ang nakikita niya at pwet nito sa boxers. May t-shirt naman nga ito na suot pero medyo fitted din naman kaya bakat ang lahat ng pwedeng mabakat talaga.
Oh my gosh! Mahalay talaga ang lalaki na ito at walang pakialam sa buhay kahit pa ang bata-bata pa niya.
"Do you find me sexy my baby?" biglang tanong nito kaya napakurap siya.
Biglang pumihit ang ulo nito at ang laki-laki ng ngisi sa kanya.
"W-What are you doing here?" tanong na lang niya sabay iwas ng tingin. Naglakad siya papunta sa may couch at naupo roon.
She grabbed the remote control and hardly pressed the power button and spontaneously but the TV didn't switch on.
"Ah, why not try to turn on?" kausap niya sa TV niya para lang mawala ang tensyon na nararamdaman niya sa presence nito, sa loob ng kwarto niya.
Naglakad ito palapit sa telebisyon niya.
"It wasn't plugged in, baby girl." Anito sabay taas nito sa cord ng telebisyon at saka hinawakan ang plug.
Iisinaksak iyon ni Jace habang pangiti-ngiti. Napahiya pa tuloy siya dahil sa pagkatuliro niya, akala niya ay nakasaksak iyon sa outlet.
Maya-maya ay bigla na lang itong nangisay habang hawak ang plug at nakatirik ang mga mata.
Diyos ko! Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ni Lhauren dahil dun. Nakukuryente ito!
"Jace!" tili niya sabay tayo mula sa couch at natatarantang nagtatalon.
Nakukuryente si agent Habagat. Hindi niya malaman ang gagawin. She must hand something which is a nonconductor of electricity, a piece of wood maybe, but where? Saan naman siya kukuha ng ganun?
Her eyes widened!
"Jace! OMG! Jace!" tili pa niya at paroon at parito siya, hanggang sa bumulagta ang binata sa sahig, matapos na bitawan ang wire kaya mabilis niyang dinaluhan.
She knelt down. Mangiyak-ngiyak si Lhauren na inalog ang balikat nito pero hindi ito gumalaw.
Bakit namn unang araw ay napahamak na kaagad ito sa kwarto niya?
"Jace, don't die " usal niya sabay lapat niya ng pisngi sa dibdib nito para maramdaman kung may pintig pa ba ang puso niyo pero bigla siya nitong niyakap kaya napaigtad siya.
"Why? Love mo ako?" biglang tanong nito kaya ganun na lang any gulat niya.
She looked at his face and he has a very wide grin. Pati na mga mata at nangniningning sa pagkakangiti, at nakikingiti rin sa kalokohan na ginagawa.
Pero sa halip na mapangiti siya ay nainis siya sa ginawa nito.
"Liar!" gigil na sambit niya sa binata pero kinabig siya nito ulit kaya halos masubsob ang mukha niya sa dibdib nito.
"Jace, let me go!" asik niya sabay pilit niyang makaalis.
Grabe na talaga. Hindi pa man lang ito nag-iisang araw sa trabaho ay puro tyansing na ang inaabot niya rito.
"p*****t!" singhal niya sabay palo niya sa dibdib nito, pero tumawa lang ito ng malakas.
She stood up with her grumpy face. Naupo siya ulit sa couch at habol siya nito ng tingin. Saka lang ito tumayo at tumabi na naman sa kanya.
He put his arm on her shoulder and leaned on her shoulder as he turns on the tv.
"Jace!" saway niya rito, "Why are you so feeling close?" iwinaksi niya ang braso nito at ang ulo ay pilit niyang inilalayo pero makunat pa yata ito sa balat ng matandang baka na kahit na sampung oras na pakuluan ay hindi lalambot.
"Close naman talaga tayo. Ini-immune lang kita so kapag kasal na tayo ay sanay ka na,” anito na pati isang braso nito ay yumakap na sa baywang niya, saka hinalikan pa siya sa pisngi.
Her eyes widened and she looked at him unintentionally, pero nakangiti lang ito na sinalubong ang tingin niya. He even glanced at her lips.
"Who told you that I am going to marry you?" she asked sarcastically.
"Ako!" he proudly exclaimed with a grin plastered on his handsome face.
Lalong hindi siya nakapagsalita at napaawang lang ang bibig niya.
Jace bit his lower lip as he averted his gaze, "Inaakit mo naman ako baby kong maganda. Saka na lang. Bata ka pa, baka di ko mapigil eh magbuntis ka kaagad ng apat." ngingisi-ngisi pa ito.
"excuse me!" nagbungguan ang mga kilay niya sa inis.
Puro na lang kasi kalokohan ang lumalabas sa bibig ng isang ito. Ang daming ideas na ito lang naman ang may plano.
Umayos ito ng upo matapos siyang pakawalan, "Seryoso na. Sinong kaaway mo?" tanong nito at maging ang mukha ay sumeryoso rin.
"None,” mahinang usal niya sabay iling.
Tumingin ito sa kanya. This time ay kaseryosohan talaga ang nasa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"This is a serious threat. Hindi ito biro lang. Now, ayoko na magpapalit ka ng number. Let him call everyday and night and I'll catch him for you. Now, if this is a kidnap for ransom case ay pwede rin. Tinatakot ka muna niya tapos saka siya aatake. Ayoko na may pagsasabihan ka ng sinasabi ko sa'yo. Do you get me, young wife?" ngumisi na naman ito.
Tumango naman siya kahit na seryoso ang mukha niya at ito ay kalokohan na naman ang lumabas sa bibig.
"Naks! Payag ka na talaga na maging wife ko. Gusto ko yan baby ko." tumaas baba ang mga kilay ni Jace na ikinarolyo ng mga mata niya.
Hindi kaagad ito nagsalita. Pinakatitigan na muna siya nito, sa bumuka ulit ang bibig nito.
"Kelan ang uwi ng ate mo? Gusto ko siyang makilala. Sabi sa akin ng ‘Daddy mo, napakaganda rin niya." anito sa kanya kaya sinulyapan niya ito.
Interesado talaga ito sa kapatid niya. Pwedeng magkagustuhan ang mga ito dahil mas may edad sa kanya ang ate Leica niya.
"Tonight. She's beautiful and elegant and I think you're of the same age. You might like her." aniya rito.
She's trying to decipher his reaction and she's hoping he might say no.
Jace pouted his sexy lips and nodded, "Talaga? Sige nga para makaligtas ka. Pag mas maganda sa iyo eh di siya na lang ang aasawahin ko. Ligtas ka na ngayon,” anito pa sabay sulyap sa kanya.
Tumango naman siya pero bakit nabubwisit siya sa mga lumalabas na salita sa bibig nito? Hindi talaga ito seryoso sa mga sinasabi sa kanya tapos pang-yakap nang pangyakap at nanghahalik pa.
Dapat pala ay hindi na niya ito pababayaan na ganun. Hindi na niya ito hahayaan na akbay-akbayan siya at halik-halikan lalo pa nga at walang duda na pwede talaga nitong magustuhan ang ate Leica niya, dahil totoong maganda naman iyon at may edad na kesa sa kanya. While she, College student pa lang siya at wala pang sinasabi. Ang Ate Leica niya ay successful na at tumatayo na sa sariling mga paa.
Nang hindi niya matagalan ang ambience ay tumayo siya pero hinawakan kaagad ni Jace ang kamay niya.
"Where to, baby ganda?" tanong nito pero ang mga mata ay nakatutok sa TV.
"Bathroom lang po, Mister Bola-bola." iritableng sagot niya na ikinatawa nito ng malakas.
Napatulala pa siya sa itsura nito habang tumatawa. Talagang naniningkit ang mga mata nito kapag ngumingiti o tumatawa pala. Kaya tuloy parang totoong totoo at cool na cool ang dating ni Jace.
"Wag masiyadong hihiwalay sa mga mata ko ha. Baka mamiss kita ng sobra, mayayari ko ang mga kukuha sa'yo,” he said and winked at her as he glanced sideways.
She freed her hands from his grip. "What ever, Mr. Bola-bola." naglakad siya sa papunta sa banyo at pinatirik ang mga mata.
"Eh di Mrs. Basket-basket ka? Gusto mo ba yun para shoot na tayong dalawa?" he asked with a playful grin on his face.
Kitang-kita niya yun sa salamin nang timingin siya. Nakahabol ito ng tingin sa kanya pero dahil wala siyang maintindihan sa biro nito ay inirapan na lang niya ito sa repleksyon ng salamin.
He humorously laughed. Pagkatapos nun ay kinagat nito ang labi habang nakasunod ng tingin sa kanya. She saw something in his eyes yet she couldn’t actually name what it was. Pero kung ano man yun, seryoso ang bagay na yun na sumusungaw sa mga mata nito, sa kabila ng mga kalokohan na sinasabi ng bibig ni Jace sa kanya.