2

2226 Words
2 PAMASID-MASID ang dalaga sa mga ginawa ng nasa loob ng van. Busy ang mga iyon sa pagraradyo sa mga kasamahan sa loob ng bar. Nag-i-instruct ang mga yun kaya nakatanga siya sa isang sulok. She’s praying that her friends are okay until she decided to kneel and peeked through the glass window. Nakita niyang may mga lumabas na mga tao. Parang tapos ang putukan. Medyo malayo sila pero pilit niyang inaaninag ang kanyang mga kaibigan. Sana naman ay ligtas ang mga iyon. Kanina pa siya mangiyak-ngiyak sa pag-aalala tapos ay bigla na lang na umandar ang sinasakyan niya. No. Napalinga siya. Aalis na sila at paano na ang mga tao na naiwan? What will happen now? “We can’t leave my friends!” aniya sa nasa loob ng truck. “Si Habagat na ang bahala sa kanila, Miss. Maupo ka na riyan at dadalhin ka namin sa presinto. Presinto? Ano namang gagawin niya sa presinto? … Lhauren couldn't sleep. Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng kwarto niya. It's already eleven thirty but still, she can't fall asleep. It had been weeks since that incident happened. That night when she saw that half-naked man who danced in front of her and told her how beautiful she was and would make her his wife when the right time comes. Oo. Linggo na nga ang lumipas pero hanggang ngayon ay naaalala nya pa rin ang lalaki na yun na ubod ng hangin at bilib sa sarili. Habagat. Ibang klase ang hatak ng personalidad ng lalake na yun sa kanya. Or was it maybe because of her very young age. Hindi siya madaling humanga. Bihira ang mga lalaking naka-crush-an ni Lhauren. She's just eighteen to fall in love but she's old enough to feel this kind of strong admiration to a certain guy. Hindi naman yata mali. Matino naman ang lalake at hindi totoong macho dancer. Isa iyong agent pero hindi niya iyon pwedeng ipagkalat sa iba. She bit her lip as she smiled. Pero ang mali ay ang ilang gabi na niyang kawalan ng tulog dahil sa halik na yun sa pisngi nya ng lalake, na hindi man lang niya nalaman ang pangalan. Hindi na kasi iyon bumalik sa loob ng close van truck hanggang sa dalahin na siya sa presinto. She never saw him again. May kung ano sa loob niya na gusto niyang magtanong pero di niya magawa. She tried to find his charming face on the board where there were the lists of the top officers under tactical police, but none. Wala ang mukha ng lalaki roon kaya hindi niya nakita. He could be a member of higher police officers. Nasisira tuloy ngayon ang konsentrasyon niya sa paghahanap sa mga totoo niyang mga magulang dahil sa lalaki na yun. Bukod doon ay nawalan pa siya ng isang bodyguard kasi kaya di muna siya lumalabas ng bahay. Nag-resign na ang isa sa mga tagabantay niya sa di niya malaman na dahilan. Ang Daddy niya lang ang nagsabi ma wala na ang isa sa mga yun. Inisip pa niya na baka iyon ay dahil sa kanya pero hindi naman daw. Up until now, her father didn’t know that she had been to that place of male strippers. She wants to see that stranger who has the mine of sense of humor in the entire planet. Hinahanap-hanap niya ang presensiya nun at ang gwapo nun na mukha lalo kapag ngumingiti. Kahit na ba parang mapang-uto ang lalake, iba pa rin ang dating. Iyon ay ang tipo na kahit anong lumabas sa bibig ay paniniwalaan ng kahit na sino, kahit kalokohan pa. Kasi yun ang nararamdaman niya kahit para na siyang tanga ngayon. Naupo siya sa gilid ng kama nang makaramdam siya ng pagod, hanggang sa bulabugin siya ng tunog ng kanyang phone. Nangunot ang noo niya dahil sa unregistered na number na nakarehistro roon. Awtomatikong nalukot ang noo ng dalaga pero sinagot pa rin niya iyon. "Yes, Hello—?" malambing na tanong niya sa nasa kabilang linya. Wala kaagad na sumagot. Nakarinig siya ng ilang kaluskos bago may umere na boses ng lalaki sa linya. "Hel-low… Lhauren Dhenisse," anang boses na nakakatakot at nakagigimbal sa kanyang pandinig. Mababa iyon at parang iniiba. Para iyong nasa horror movie sa telebisyon o cinema. My God! Tumaas ang mga balahibo niya sa paraan ng pananalita ng lalaki sa kabilang linya. Balot ng kaba na nasapo niya ang sarili niyang dibdib. She can't be anxious. Baka himatayin siya. She felt her breathing became too heavy. Ganoon siya kapag natatakot. Kinakapos siya ng hininga at madalas niya yun maramdaman ay kapag nag-iisa siya. It was because of axiety. Pero kapag may kasama siya ay hindi niya yun halos maramdaman, unless malala ang sitwasyon. Nauuwi kasi ang takot niya sa pagkahimatay. It never happen inside the club because where were strong arms that held her and brought her out. "W-Who are y-you?" gimbal na tanong niya sa kausap. Nag-umpisa nang manginig ang mga kamay niya. Ngumisi iyon ng may tunog na lalo niyang ikinatakot. Her mind was telling her to drop the phone but she never had the urge to do so. "Your killer,” sabay tawa pa nito ng may kalakasan kaya naiitsa niya ang smartphone. "Yayaaaaaaa! Yayaaa!" sigaw niya saka tinakbo ang pintuan para lumabas. Ni hindi siya makaiyak dahil sa takot. That person who called her was her killer. How come? Who would dare kill her? Wala siyang kaaway! Ang sumalubong sa kanya ay ang nag-iisa na lang niyang bodyguard, si Anthony. "Ma'am!" bulalas nito saka siya nahawakan sa braso kaya napatigil siya sa pagtakbo. "A stranger!!!" sigaw niya sabay takbo pero lumabas sa kwarto ang ate Leica niya at sinalubong siya. "Lhauren?"takang tanong niyon kasabay ng pag-iikot ng paningin niya. "Ate," nausal pa nya bago siya panawan ng ulirat, namumutla. ------ "What happened?" agarang tanong ng ate Leica ni Lhauren nang magkaroon ng malay ang dalaga. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng kapatid na panganay. There's no blood relation between the two of them. Unang ampon ito, tulad niya. Ang ina nito ay Filipino at ang ama at isang American. Sampung taon ang tanda nito sa kanya at tapos na ng pag-aaral at isang fashion designing. Leics is her idol in every way. Mula sa ganda at sa mga kilos ay idolo niya ito. Mabait ito sa kanya at lagi siyang kinukunsinti sa mga gawa niyang kung minsan ay may mga kakulitan at kalokohan. Nang makapagtapos ito ay umuwi na sa Pilipinas at nagtayo ng negosyong related sa fashion designing. Kaya dito siya ngayon tumutuloy sa mansyon ng ate niya nang payagan siya ng adopted father nila, na hanapin niya ang biological parents niya. Their Daddy wanted to hire a detective to find her parents but she refused to it. Kasi ay mas gusto niya na siya mismo ang maghanap sa mga iyon somewhere along Sto. Niño Parish Church, in Tondo. Naniniwala siya na taga roon ang mga magulang niya kasi doon siya iniwan sa simbahan na iyon. At ang tanging meron siya ay ang isang pranela na may burda na baby Lhauren C. Hindi niya alam kung ano ang C, o baka iba rin ang nagmamay-ari ng lampin na gamit niya. Uso naman kasi sa mga mahihirap ang pamimigay ng mga pinaglumaan na gamit. Malay ba niya kung ang mga katsa na ginamit sa kanya ay galing din sa ibang tao. But her adopted father still gave her the name Lhauren, at ang Dhenisse ay sa namatay nun na asawa, na si Dhenisse Madison. Luminga siya sa paligid at nakahiga na siya sa kama niya. Katabi ng ate niya ang bodyguard niyang si Anthony, her lone bodyguard since her kuya Chris resigned. Ngayon ay naghahanap pa ang Daddy niya ng magiging ka-body ni Anthony. At malamang na dapat bilisan na dahil sa prank call ng isang estranghero. Prank call nga ba iyon? Mukhang hindi. Ngayon lang siya nakatanggap ng ganun. Her circle of friends never pranked her like that because she easily faints when anxiety hits her. Hindi iyon prank, ramdam niya. "Ate, somebody called m-me,” aniya sa kapatid na nakaupo sa gilid ng kama niya. Maluha-luha siya. Sinulyapan niya ang smartphone niyang hawak ni Anthony. Swerteng hindi iyon nabasag nang isalya niya. "It was r-recorded…the voice…the voice…” kandalito niyang sabi. “Calm down,” sabi ng ate niya saka siya payapang hinaplos sa may noo at saka siya nginitian. “Nandito ako. Tell me what happened. Clear enough, Lhauren so I can understand. Paano ko mapapaliwanag sa Daddy kung hindi malinaw ang pagkakasabi mo?” She gulped and nodded. Inilagay ni Leica ang baso na may tubig sa kamay niya at pinainom siya. Kumalma siya kahit paano. “Somebody wants to kill me. Naka-record ang call. You can definitely replay it to listen to it," nagsimula na namang manginig ang boses niya dahil sa sobrang takot. Anthony operated the smartphone and listened to something. Maya-maya ay tumango iyon. Pinakinggan din ng ate niya ang recored call kapagkuwa "Baka naman may nagti-trip lang sa'yo Lhauren. Where would that stranger get your number anyway?" anang ate niya. Umiling siya nang sunud-sunod, "It wasn't a prank call. H-He knows me ate. He knows me and I don't know where he did get my number. My friends wouldn't do this. They know that I'm sick and they will never put me in danger." her voice was louder. "Okay,” tango ni Leica sa kanya, “okay. Stop worrying. I'd better tell this to Dad. I’m going to call him. I'll tell him that he should hire a new bodyguard right away, or I’ll do it myself," anito saka tumayo na mula sa gilid ng kama niya. "Bantayan mo muna siya, Anton. She needs company. Baka mag-hysterical yan eh mahimatay na naman,"anito pa sa bodyguard niya. "Ate, what if Dad wants me to go home na? What will you say?" parang mas nag-alala pa siya sa kaisipan na baka pauwiin na siya ng ama niya. Paano na ang personal niyang paghahanap sa mga magulang niya? Nagkibit-balikat ang kapatid niya, "Then so be it," simpleng sagot nito at lumabi pa ng kaunti. "Oh please please do something, ate. I don't want go home please. I want meet my biological parents. Just please tell him to find an extra bodyguard for me of nobody wants to be permanently hired. Please, Ate Leica." pakiusap niya sa kapatid. Parang miiyak na siya kahit hindi pa man lang nito natatawagan ang ama nila. Tiningnan na muna siyang mabuti ni Leica bago ito sumagot, “Fine. I'll convince him. Huwag mo ng masyadong intindihin at baka mapaano ka pa. Hindi pa rayo halos nakaka-move on sa nangyari. Hindi pa yun alam ni Daddy na gumala ka," sabay talikod nito kaya kahit na paano ay napangiti siya. Mahal talaga siya ng ate niya kahit hindi sila nag-uusap madalas. Iba kasi ito sa kanya. Siya ay palakwento at madaldal, masayahin at spoiled. Ito naman ay matured, seryoso sa buhay at tahimik. Mapagmasid ito mga tao at hindi kaagad nagtitiwala sa kung sino. Busy ito sa trabaho at parang araw at gabi, ang kaharap nito ay ang mga ginagawa nitong disenyo. Pero kahit na malaki ang differences nila, alam niyang mahal siya nito bilang totoong kapatid. Mula sa pagkabata ay lagi silang magkasangga. Nang maupo si Anthony sa silya ay natingnan niya ang lalake habang hawak pa rin nun ang aparato nya. "You think it's a prank call, kuya Anton?" naisip niyang itanong sa bodyguard. Syempre bilang tagapagligtas niya ay alam nito ang mga tao na nagbibiro o hindi. Naghintay siya ng sagot nito. Maya-maya ay umiling ito matapos na tingnan ang smartphone niya. Lalo na siyang natakot. Ang mga luha niya ay namuo na sa mga mata nya. Sino ang tao na gugustuhing pumatay sa kanya? She's so young, at wala naman siyang kaaway. Posible ba na isa sa mga galit sa Daddy niya iyon? "Hindi siya nagbibiro, Ma’am. Sa opinyon ko yun. Matanda na ang boses niya at hindi siya teenager na pwedeng gumawa ng isang prank call. Kung ako sa iyo Ma’am Lhauren, hilingin niyo sa Daddy niyo na paimbestigahan ito. He can hire special agents who can fix this in no time. Mahirap na kapag buhay mo ang nanganganib. Ang bata niyo pa para pagdiskitahan ng mga masasamang loob. O baka kidnapper ito." paliwanag nito sa kanya na naabsorb naman ng utak niya. May tama naman ito. Presidente ng UN ang ama niya at nagpi-finance ng mga magagaling na inter police. Madali lang para roon ang maihanap siya ng isang tao na pwedeng humanap sa taong nagbabanta sa kanyang buhay. "Later, kuya Anton. I'm sure Daddy will call. I'll ask him to do things like that. Thanks for that," ngitian niya ng kaunti ang lalaki na tumango lang naman bago inilapag ang phone nya sa mesa. Hindi pwedeng tumigil ang mundo nya dahil sa isang misteryosong tawag na iyon. Hindi pa niya nakikilala ang mga magulang niya kaya hindi pa siya pwedeng mamatay. Kung yun man ang gusto ng killer na yun, sana naman hayaan na muna siyang makilala niya ang totoo niyang pamilya at masagot ang lahat ng tanong sa isip niya mula noon pa. Hindi naman kasi lihim sa kanya ang pagiging ampon. Laking pasasalamat nga niya at pinulot siya at pinagyaman kaya ngayon ay nararanasan niya ang buhay na marangya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD