Chapter 6

2565 Words
NAKAYUKONG pumasok si Julie sa loob ng banyo, kahit na bulag ito ay hindi parin siya makatingin ng diretso sa alaga. "I think, I made my self clear that I don't want you touching my things?" "Ah. Yeah." "And what is this?" Napaangat ang balikat niya sa pagkabigla nang ibato nito ang shampoo muntik na sa direksyon niya, mabuti lang at magaling siyang umilag. "Why did you change my shampoo? And I think you also change the things here." Kumapa-kapa ito sa direksyon ng mga shower gel. "I also change that," she admitted. Ngunit wala itong natagpuan dahil binago rin niya ang puwesto. "What the hell, Julie! Why are you mess-up my things? I don't think I give you the permission to do so." "Ah.. Eh.. Yes, I understand. You didn't but it's so messy. And the bathroom need a little bit make-over. What do you think?" Sa huli, natalo na naman niya ito. Hindi na ito nakapalag. Isang buntong hininga na lang ang narinig niya mula rito. "Go out," ang huling sabi nito. Nawala na ang takot kay Julie nang lumabas siya ng banyo. Ano ngayon kung magalit ito? Ano ngayon kung sumigaw at magwala itong muli? Wala na siyang pakialam dahil lagpak na siya at baka huling araw na niya ngayon. 'Don't think about it, Julie. It's okay it doesn't matter at all now. At least, you give your best,' paalala niya sa sarili. Iniayos na niya ang dalang gamit at hinintay na lang ang pagtawag ng binata na ibalik siya sa wheel chair. Nang maibalik sa wheel chair at itutulak na niya ay sumenyas ito na kaya na nito. Itinulak nito ang sariling wheel chair at pinagulong. Ganoon na lang ang ngiwi ni Julie nang makitang nababangga na ito sa maliit na mesang iniayos niya kanina pa. Magsasalita na sana ito nang unahan niya. "Hep! I know what you're thinking. I will go to your Mom and quietly leave your home. I know I ruin your things and your place. But I think that is the right thing I did. This what I am and no one can even tells me what to do if that isn't good in my sight," tuloy-tuloy na sabi niya saka tinalikuran ang binata bago pa ito tuluyang magwala at maligo siya ng galit nito. "Take me first to my Doctor before leaving." Hinarap niya ang binata at nang sumenyas ito na tulungan siya sa pagbibihis ay pumayag din naman siya. Nagtagal pa sila sa Ospital nang sabihin ng Doktor na kailangan niyang mag-stay pa ng matagal nang ilabas ang resulta ng examination nito. Nakalagay roon na may pag-asa pa itong makalakad basta magpractice na sa pagte-train ng paa nito. "You heard what the Doctor told. I think you shouldn't leave me now." "Ano pa bang magagawa ko? Wala naman 'di ba, kasi amo pa rin kita. I mean, okay, no more argument." "It's long, doesn't look like it's the meaning." Nagkibit-balikat na lang ang pobreng binata. "Patawad sa'yo, hindi mo alam ang kahulugan," mahinang sabi niya saka makahulugang ngumisi. Gusto ng mainis ni Julie nang hindi siya pakawalan ni Wade at nagbantay parin siya rito. Ngunit nang mapansin niya ang kakaiba nitong kinikilos at pakikitungo sa kanya ay hinayaan na rin niya. Halos isang linggo na ang nakararaan simula nang mainis si Wade sa kanya dahil sa pakikialam niya sa mga gamit nito. "Do you know why I don't want you touching my things?" "I know." Hinila niya ang sariling bag. "Don't worry, this maybe your last warning. I will not keep coming back here anymore." "Who told you that? Did I fire you?" "Yes and no, you will not fire me but I resigned," matigas na sabi niya sa binata. "What if I told you that you're not allowed to resign?" "And why not?" taas-kilay na tanong niyang nakikipagsubukan din dito kahit hindi naman ito nakakakita. "Because I don't want to and you will surely regret that you leave me alone here." Nagulat siya sa sinabi nito. Totoo bang ayaw na siyang paalisin ng binata? Does it mean he enjoyed her company. "Why of a sudden?" "Because.. I might miss you.. The way you treat me like I'm not a disabled and blind person. The way you treated me that I'm not the most unfortunate person in the world." "Because you are. Wade." "You give me hope, Julie. You let my guards down and opening something from my dark past." Biglang nagtubig ang mga mata ni Julie. Naalala niyang bigla si Karlo. "Don't tell me.. naputulan ka na ng sungay?" "What?" "I mean you became kind now. Hindi ka naman naputulan ng paa eh, pero sungay ang gusto kong maputol sa 'yo. I mean I want you to become harmless and get a life like you did before." "Maybe next time, I might bring my Filipino-English dictionary. Your translation doesn't seem it was the meaning." "Opps, you become rude again." Bigla itong natawa. Nakitawa na rin siya. Nakatulong nga talaga ang pagsasalita niya ng tagalog para maibsan ang asar na nararamdaman niya sa binata tuwing sinusumpong ito ng tantrums. Kung tutuusin naiintindihan naman niya ang pinagdadaanan nito dahil minsan na'ng ginawa ni Karlo iyon sa kanya. Pinatagbuyan siya, iniwan pero hindi na binalikan. Iyon na ang pinakamasama at masakit na nangyari sa punto ng buhay niya because she loves him that much. Kung hindi lang ito naglihim, handa siyang alagaan ito ng buong puso kahit umabot man sa habang-buhay. Napapunas ng sariling luha si Julie nang magtubig ang mga mata. "Julie.." "Hmm.." "You should go home first. I'm okay here. You can now take your rest day." Tuluyan na siyang naiyak. Pakiramdam na pinagtatabuyan na siya ng binata at wala na siyang babalikan. "Damn it! Why are you crying?"tanong nito nang marinig ang mahinang paghikbi niya. Ang iyak ng dalaga ay napalitan ng hagulgol nang tila rumehistro sa utak niya ang kabanata sa kanila ng lalaking minahal niya. "Please, I don't want to leave you. You'll not might coming back." Unti-unting kumilos ang braso ng binata para abutin siya at yakapin. "Enough of crying. I will not go away. I told you lately that you will not leave me alone and I mean it." Mabilis na nagpahid ng luha si Julie nang tila natauhan siya sa nagawa niya at binawi ang sarili sa pagkakayakap nito. "I-I am sorry. I didn't mean it. It was just.. It happened.. for a personal reason." "I know, like me you had also your past and I can lend you my ear." "I'm sorry. I'll tell you some other time. I'll go ahead now." Mas pinili na lang muna ni Julie na manahimik. Siguro pagdating ng panahon kapag handa na siyang buksan ang isipan na wala na talaga si Karlo at hindi na niya puwede pang makita sa ibang tao ang mga bagay na natagpuan niya kay Karlo. Umuwi muna si Julie sa Tiyahin. Kinausap na rin kasi siya ng ina ni Wade na nais nito na manatili na lang siya sa bahay nila Wade habang matagal bago makabalik ang mga magulang nito mula sa business trip. Kaya kukunin na rin niya ang ibang mga gamit para maiayos na rin kapag bumalik siya sa bahay ng mga Parkson. Nakangiting sinalubong pa siya ng Tiyahin nang madatnang naroon ito. "Hmm.. Mayr'on kang hindi sinasabi sa'kin," puno ng pang-aasar na sabi nito. Kitang-kita ni Julie sa mata ng Tiyahin na may kapilyuhang naglalaro sa isipan nito. "Wala ah. Hindi ko nga po alam, bakit biglang nagbago ang isip ng mga Parkson. Samantalang, noong una pa lang ay gusto na nila akong palayasin." "Talaga ba?" nagdududa na namang tanong nito na tila may nais ipakahulugan. "Oo naman. Kung titingnan ko nga si Wade, parang hindi baldado kung umasta na kulang na lang ay ihampas sa akin ang kama at kung anu-anong makapa niya." "Mukha ngang hindi naman nainis sa iyo, tila nagustuhan ka pa. Kung ako ang tatanungin, bagay kayo." Umupo siya sa sofa, umikot rin si Sabel para maupo sa tabi niya. "Tita, sa totoo lang po, ayaw ko sa kanya noong una. Dahil kamukha niya ang namatay kong nobyo. Nang makita ko siya, hinimatay ako at parang inisip ko 'non Oh God, paano ko aalagaan ang taong kamukha ng lalaking gusto ko ng kalimutan? But then, tila bigla akong nahimasmasan nang magsalita siya. Sa kagaspangan ng ugali niya, na-realize kong malayo siya sa Karlo na kilala ko at nobyo ko." "Hindi kaya indikasyon iyan na mag-move on ka na?" PAULIT-ULIT na umukit sa utak ni Julie ang mga salitang move-on. Madaling sabihin ngunit napakahirap gawin. Nakapagpahinga naman si Julie habang nasa Tiyahin. Napaisip-isip si Julie, kung makikita nga siguro niyang nakangiti at palaging nakatawa ang binata ay tila aaliwalas ang madilim na paligid nito. Sa kaiisip hindi niya namalayang nagkukwento na pala ang Tiyahin matapos makauwi galing sa trabaho. "Julie, nakikinig ka ba?" "H-Ha? A-ano po iyon?" "Ang sabi ko, pareho kayo ng kalagayan ng alaga mo. Iniwan din kako iyan ng babae dahil nalamang bulag at baldado. Sa takot sa responsibilidad, iniwan ito. Engaged na raw iyon, ngunit nang maaksidente sa mismong araw ng engagement, iniwan siya ng babae. How unfortunate, isn't? Hindi kayo naglalayo ng kwento sa buhay." Napaisip si Julie kaya pala ganoon na lang ang galit nito tuwing nababanggit ang love life nito. "Isinumpa nito lahat ng babae sa mundo, kaya ayaw rin nito ng caregiver na babae. Pero ayaw naman ng Mommy niya na lalaki ang kunin, baka daw lumaki ang ulo at maging problema pa. Alam mo ba, nakailang caregiver na ang mga iyan. Walang dalawang araw na tumatagal ang mga kinukuha nila. At nagpapasalamat ako na tumagal ka na ng isang linggo." Bahagyang natawa si Julie. Kung alam lang nito ang nangyari sa pagitan nila ni Wade, nang umpisang engkwentro nila. "Ewan ko kung ang one week ay hahaba pa." "I think they like you." Nginitian na lang niya ang Tiyahin saka nagtungo na para umpisahan ng mag-empake ng damit at ibang gamit na dadalhin niya sa bahay ng mga Parksons. Nagdalawang isip pa si Julie nang makita ang nag-iisang picture frame ni Karlo, kung isasama niya o iiwan iyon. Nanaig pa rin ang una. She will really miss him a lot kung iiwanan niya iyon. Nakaayos na ang bag niya at papalabas na siya ng apartment nang magsalita ang Tiyahin niya, "Julie, are you sure you can go by yourself? Hindi na kita sasamahan?" "Yes, Tita. Kahit papaano ay alam ko na ang daan." Nagpapasalamat na lang si Julie na mabait sa kanya ang Tiyahin. Para na rin siyang nasa Pinas. Pabukas na ng main door si Julie nang muli siyang pigilan nito. "Julie, be careful with your language. I heard from his Mom, he grew up in the Philippines. He might understood you." Napatigil siya sa paglakad palabas sa narinig. s**t! Hindi niya alam na posible nga pala iyon dahil ang ina nito ay Pinoy. "Damn it, Julie. You're dead." Bumaba ng cab si Julie kasama ang isang luggage ng mga gamit niya. Nagdadalawang-isip pa siya kung papasok sa loob nang makarating sa bukana ng gate. Panay mahihinang mura ang binabanggit niya, napapakagat pa siya sa sariling daliri para pigilan ang hiyang biglang tumubo sa kanyang katawan. Malay ba niyang posibleng makaintindi ito ng tagalog. "Damn it! Bahala na nga. Hindi naman siguro lahat naiintindihan niya." "What are you doing?" "Ay kabayong bulag!" Napatili pa siya sa labis na pagkagulat nang sumulpot ito at diretsong nakatingin sa kanya na parang nakikita siya nito. "What is kabayong bulag? And what are you doing here?" Pumalakpak siya, nagpapatay kuno ng lamok at kunwari ay may hinahabol. "Killing mosquito. So much mosquito. Sarap patayin, ga'non." "You're suppose to go inside." "Y-Yeah, sabi ko nga eh. I'll go inside, than the mosquito could kill me." "Mosquito?" pagtatakang tanong nito. "Yeah, big mosquito. Naka-wheel chair pa nga eh," mahinang bulong niya sa huli at mabilis na hinila ang sariling luggage bago pa nito maintindihan ang ibig niyang sabihin. Diniretso niya sa katabing kwarto ni Wade ang mga gamit. Hindi niya namalayang nakasunod na pala si Wade sa kanya. "I think, it is comfortable if you are at my room. Don't you think?" Biglang nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. Kung siguro talagang hindi nakakaintindi ng tagalog ang binata ay baka pumayag pa siya. "Let me think about it," natatarantang sabi niya. "You just mess-up my room then you're staying good here, isn't fair enough?" "I thought you want me to leave you alone?" "Yeah. I told you that. But today isn't good. Laura is going back in the Philippines for vacation and there is no maid here other than you." Pinaningkitan niya ang bulag na binata. Ano ang ibig nitong sabihin extended as maid siya sa trabaho? "Excuse me, I am a caregiver not a maid." "I think so." "Mukha bang may nakasulat na maid sa noo ko? Aba, siniswerte ka yata ng madalas para dalasin mo rin akong pahirapa—" Napahinto siya nang marinig ang mahinang tawa nito na unti-unti ng lumakas. 's**t! Naintindihan na po yata niya ang sinasabi ko. Ang daldal mo kasi, Julie,' kastigo niya sa sarili. "Why are you laughing?" "Nothing. I just can't.. imagine.. you," sabi pa nito sa pagitan ng pagtawa. "I guess you're mad when you're talking in your language. Hoping you didn't curse me with your words." Susme, kung alam mo lang po. Tulalang iniwan siya ni Wade. Parang unti-unti na ngang napuputol ang sungay nito. Unti-unti na rin kasi itong bumabalik sa katinuan. "I think leaving you makes me crazy not mad." "I heard that!" Napa-krus na lang sa sarili si Julie. Baka sinapian na ng anghel ang alaga niya instead na naging devil. Problema na lang ni Julie ay kung ano ang lulutuin para sa hapunan nila. Hirap pa naman pakainin ang isang iyon lalo na at napakaarte. Wala rin siyang gaanong alam sa lutuin ng pang-ibang lahi. Ang sanay lang siyang lutuin ay ang pagkaing pinoy. Nagbukas siya ng ref, kumpleto sa pangsahog—karne, prutas at gulay. Sinadya yata ni Ate Laura na kumpletuhin sa stocks in case na mamato na naman si Wade na nagpapasalamat siya at hindi na nito ginagawa. Bahala na. Iyon na lang ang inisip ni Julie. Bahala ng mapagalitan na naman ni Wade. Malay ba niya sa klase ng pagkaing puwedeng lutuin. Sanay lang siya sa lutong pinoy at hindi iyong kakaiba. Inilatag na niya ang umuusok na nilagang baka sa mesa. Naglalatag na nga siya sa mesa nang lumapit ang naka-wheel chair na si Wade. "What did you cook?" "Boiled beef in vegetables. I don't know how to cook alien food, so I decided to cook for whatever your fridge has." She heard him chuckles. "You know what, I didn't know you have this talent on joking. You make me laugh all the time." "I didn't notice. Anyway, don't eat. Since you don't want to eat food, right," sarkastikong sabi niya. "Who says? I am still the house owner, and you had forgotten that you're the worker." Napabuga na lang ng hininga si Julie habang puno ng disgustong nilatagan na rin si Wade. "Kainis, makalunok ka sana ng malaking buto," inis na bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD