PINAPASOK siya ni Miss Amy Parkson, ang Ina ng aalagaan niya.
Natitiyak niyang madali lang alagaan ang bata lalo na kapag nakuha niya ang loob nito. Dahil bata naman, alam niyang kayang-kaya na niya itong paamuhin.
"This is my son's room. Just ask my secretary kung may kailangan ka pa. I'm going to work now."
Kaya pala walang mag-aalaga sa anak nito dahil pumapasok ito sa trabaho. Wala itong nababanggit tungkol sa buong pamilya nito. Gusto man niyang tanungin, asahan na niyang tatarayan siya nito.
Nangangamoy ang pagiging maleness ng kwarto. Gray was the color at lalaking-lalaki ang paligid.
"Wade.. Yuhoo! Come here. I have candies here."
Wala ito sa malaking kwarto. Tinungo niya ang isa pang pintuan, narinig niyang may lagaslas ng tubig.
"Baby boy, do you want toys?"
Kinatok niya ito ngunit walang sumasagot.
"Baby boy, I'll coming now."
Binuksan na niya ang pinto. Isang bulto ng lalaki, nakasuot ng roba at nakaupo sa wheel chair habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Oh my Gosh..."
Isang pagbagsak ang gumising sa kamalayan ng lalaki. Hinimatay si Julie nang makita ang lalaki.
Kung hindi lang sa babaeng nagpatuloy kanina sa kanya, mananatili na lang sana siyang tulog.
Who would say that this guy had the same look on the person she was trying to forget?
"Are you sure you can taking care our boy?"
Napaupo siya sa tumataginting nitong boses na akala mo ito ang amo.
"I-I think I'm not doing well today. May I come back tomorrow?"
Narinig niya ang gulong ng sinasakyan nito saka nagsalita. "Don't come back here anymore. I don't need you!"
Napatingin siya sa nagsalita. Kamukhang-kamukha at kung hindi lang ito matatas mag-english, iisipin niyang buhay ang lalaking minahal niya. He was the suplado version of Karlo. Maskulado at mas nakakatakot kumpara kay Karlo.
"Is he the one I need to take care of?" pagtatakang tanong niya sa Mayordoma.
"Yes, he is. So, If I were you, I should get back to work before Miss Amy know this situation."
"I-I thought he was a child.."
"Are you going to lay down or work?"
Napilitan na siyang tumayo at nilapitan ang lalaki. Para talaga siyang namamalik-mata. Pero hindi naman niya puwedeng pairalin ang emosyon. Nakakahiya sa Tiyahin niya at sa pamilyang nangako siyang susuportahan niya.
"H-Hi. I'm Julie. Your new caregiver."
"Laura! I don't need her. I can take care of my life. Let her out of house!" mataginting na boses nito ang nagpanginig sa kanya.
Napailing-iling siya. Hindi ito si Karlo, magkaibang-magkaiba. Kahit kailan ay hindi siya sisigawan ni Karlo at kahit kailan ay hindi siya gaganituhin ni Karlo na para siyang basahan kung ipagtabuyan.
"Julie, get him in his room before he'd do something else."
Napilitan siyang sundin ang mayordoma.
Sinamahan siya nito at inutusan siyang itali ang lalaki nilang amo.
Paglabas ay pinaliwanag nito ang lahat. Matagal na pala itong nangangamuhan sa pamilya Parkson. Nang bumisita sa Pinas ay nabigyan si Laura ng pagkakataong isama sa Canada nang mag-migrate na ang pamilya Parkson.
Wala pa raw isang buwan simula nang maging ganoon ang lalaki. Magpo-propose sana ito sa matagal ng kasintahan nang maaksidente ito. Simula nang ilabas sa Ospital ay hindi na ito nagsasalita, kung magsalita man ay pasigaw. Walang isa o dalawang araw na tumatagal ang mga nag-aalaga o nag-aasist sa binata dahil sa ugali nito. Ayaw nito sa babae kaya ganoon na nga lang siguro ang galit nito sa kanya. Madalas din daw itong magwala kaya ang pagtali sa binata ang nakita nilang solusyon kahit pa naka-wheel chair ito.
Malaki ang naging impact ng aksidente na ikinabaldado nito at wala pa ring katiyakan kung kailan ito muling makakalakad.
"It's alright. Kaya ko na po ito," sabi niya sa Mayordoma na nakakaintindi naman ng tagalog at kahit papaano ay nabawasan ang pagtataray sa kanya.
Maghahapunan na kaya inihanda na niya ang kakainin nito at ang gamot na kailangan nitong inumin.
"H-Hi. You're Wade?" Halos hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil nakikita na naman niya si Karlo.
Hindi ito sumagot.
"I prepared your favorite dish. Ate Laura told me, adobong manok is your favorite."
Hindi pa rin siya nito pinapansin.
"Come on. Eat some, so you can drink your medicine."
Sumandok siya ng isang kutsara at inilapit sa bibig ni Wade.
"Come on, say Ah. Then I will feed you."
"I'm not hungry."
"You should eat at least three spoon."
"Are you deaf? I said I don't."
Pinigil niya ang sariling manggigil.
"Just one spoon. Ah."
Mabilis na tinulak ng ulo nito ang braso niya kaya natapon ang pagkain habang nakatali ito.
"Oh s**t!"
"Get lost. I don't want you here."
"Damn! Ayaw ko rin naman dito at ayaw ko sa 'yo," mahinang bulong niya.
"What did you say?"
"Nothing."
Inayos niya ang binata. "How will you heal if you don't want to be feed?"
"Get your f*cking hands off me, b***h!"
"Aba, sumosobra ka na ah! Papatulan na talaga kita. Buong bahay ko wala pa akong pinagbigyan ng sarili, tas sasabihan mo akong b***h. Tang-s**t!"
Napaupo na lang siya sa isang couch na nasa gilid ng kama.
"What are you doing?" nagulat siya nang magtanong ito.
"Nakaupo, hindi mo ba nakikita?"
"What?"
"I mean I'm sitting if you didn't see me."
Hindi ito kumibo.
"Don't you really want to eat?"
"I hate repeating myself, lady. Get out of my room, right now!"
Hindi pala madali ito. Ang inakala niyang batang aalagaan ay mas malaki pa sa kalabaw at binata, hindi bata. Mas magaan pa nga yata ang trabaho niya kung bata na lang ang nakatoka sa kanya. Ito pa naman ang unang sabak niya sa pag-aalaga.
"Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka pang alagaan. Dahil tingin ko naman kayang-kaya mo ang sarili mo. Nakakapagsalita rin, nakakapanigaw ka nga eh. Or else, may sira ka sa ulo."
Bigla siyang nagitla nang mahablot nito ang frame at ibato sa direksyon niya. At ang tali ay tuluyan na nitong nakalas. Mas malakas pa yata ito sa kalabaw eh.
"Ay kalabaw!" Mabuti at nailagan niya ang unang binato nito. "Are you blind? You missed!"
Lahat na yata nang makapa nito ay handa nitong ibato. Dahan-dahan siyang umalis sa pwesto niya.
"Where are you? I told you to get out!"
Napatakip siya sa natuklasan. He was blind. Sa ganda ng mata nito, hindi niya akalaing bulag pala ito.
"Gusto mo palang makipaglaro ha. Fine."
"What are you saying? I can hear you."
Kinuha niya ang kumot at mabilis na itinali sa nagwawalang binata.
"Gwapo ka sana, pero sa sama ng ugali mo, wala talagang magtatiyaga sa iyo."
Bigla itong tumigil sa paggalaw na parang naintindihan ang sinabi niya.
"Did you understand me?" namamanghang tanong niya.
"Get off me, whore."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng lalaki. Naramdaman niyang tila bigla itong nanigas. "I don't know why are you like this but you should have appreciate what you have. Napakaswerte mo at buhay ka, may makapal na kilay, matangos na ilong at magandang mga labi. Maganda rin ang mukha mo, nice jaw line. Kung bibisita ka siguro sa Pinas, paniguradong pinagkaguluhan ka na. You are lucky because you're alive. You can do anything, you can do more than what you think of. You should see what you can do, not what you can't do."
Isang mahabang pananahimik nito saka siya umalis sa puwesto niya kanina.
"You know what, you are not the person who undergo this things like this."
"You don't understand! You are not on my foot. You don't even know what I've been through. How dare you saying that, lady?"
"Julie. My name is Julie Mae Balmaceda. But Julie is enough."
"I don't care. I don't want you here, I don't want any woman here in my room!" nakasigaw na naman na sabi nito.
"I understand your situation, Wade. But it's not too late. The girl you love left you because of your situation but it doesn't mean it's over, don't be so stubborn."
Hinawakan pa niya ang kamay nito para maintindihan ang sinasabi niya.
NANATILI si Julie sa loob ng kwarto nito para mabantayan niya ang binata, nang biglang tumunog ang tiyan niya. Ilang oras na ang lumipas simula ng hapunan at talagang gutom na siya at kailangan niyang magtiis para sa alaga.
"Silly! Why are you still here?"
Napalunok siya sa sinabi nito. Malinaw ang pandinig nito at narinig ang nambubulahaw niyang tiyan.
"I'm not going to eat because you won't." Kasunod ang ilang beses na pagtunog ng pasaway niyang tiyan.
"Eat."
"If you eat then I will."
Narinig niya ang buntong hininga nito.
"Fine. Give me the food."
Umaliwalas ang mukha niya at nakangiting humingi ng bagong pagkain kay Laura na makain nito habang mainit pa.
Kinalas na rin ni Julie ang pagkakatali ni Wade sa wheel chair saka naghila ng silya para masubuan ito.
"I can eat by myself," seryosong sabi nito.
"It's hot and it's my job, Wade. I will take care of you until I bring the joy in your life."
Nakita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito na wala ng nagawa dahil mas matigas pa ang ulo niya kesa rito.
At dahil sa katigasan ng ulo niya ay napainom din niya ito ng gamot sa wakas.
Dahil bulag naman ito, dahan-dahan siyang nag-ayos ng hihigaan nang sa baba ng kama siya matulog.
Iniayos niya ang hihigaan nito at inaya na itong matulog.
"Do you want to go sleep?"
"I will just lay on bed and waiting for my own brain to stop thinking."
"Okay. It's your choice. Good night. Have a good sleep and wake me if you need anything, Wade. Sweet dreams."
Dahan-dahan ng umayos sa makapal na comforter si Julie, takot yata niyang malaman nitong palihim siyang matutulog sa kwarto nito. Hindi naman siguro niya kailangang hintayin pa itong matulog. Hinihila na rin siya ng antok. Bahala na ito mamaya.
Malakas na boses ni Wade ang nagpagising sa kamalayan ni Julie.
"f**k, Julie!"
"Ay kabayong bulag!"
Napaupo talaga si Julie sa malakas na boses nito.
"Why the hell are you here in my room!"
"Gosh! Do you need to shout? Can I explain to you first?"
"I'm really asking you now."
Paano kaya nito nalamang naroon siya?
"Anyway, how did you find out?"
"I heard you snoring."
Tumayo siya at nilapitan ito. "Hoy, I don't snore. Do you really need to be mad? Don't worry, I'm not here watching you sleeping. I'm here just so you need something urgent."
Napapalo na lang ito sa sariling noo.
"Get out right now!"
"Fine. Kailangan ba laging nakasigaw. Nakalunok ka ba ng speaker, Kuya?" naiiritang tugon niya kay Wade.
Mukhang nahawaan siya ni Karlo ng katigasan ng ulo at nakuha na niya ang pagiging pasaway ng namatay na nobyo. Hindi pa rin umalis si Julie sa puwesto at nagpanggap lang na umalis. Sorry na lang ito at mas tuso siya. Hindi yata ito mamomoroblema dahil sa sitwasyon nito kundi dahil siya ang naging caregiver nito.
"Julie Balmaceyda!"
Nagkakamot ng ulong bumangon na naman si Julie. "Ang ingay-ingay mo naman. Hindi mo ba alam na hinintay pa kitang matulog tas gigisingin mo ako ng napaaga?"
"W-What?"
"Google mo. Bwisit!"
Napakamot ulo na lang si Julie at saka tumayo. Sinulyapan niya ang relong pambisig.
"Damn, it's only six AM in the morning. My goodness.."
"Just get me on my wheel chair now and I tell to my Mom to kick you out of the house and find another caregiver."
Biglang lumapit siya kay Wade. "Ito naman.. It's just a joke. I was just joking, you know."
Inalalayan niya itong sumakay sa wheelchair para dalhin sa hapag.
"I will eat at my room not outside."
"I am your caregiver not your maid and that's my rule."
Wala ring nagawa ang pobreng si Wade. Siya na naman ang nagwagi.
Habang kumakain sa dining area si Wade, sinamantala na ni Julie ang pag-aayos ng kwarto nito. Gusto niyang umaliwalas tingnan. Binuksan niya rin ang binatana nito. Hindi dahil bulag ito ay kailangang madilim na rin ang mundo ng iba para dito.
"I think Wade finally meet the right caregiver for him."
"Bakit mo naman nasabi iyan, Ate Laura?"
"It was my first time seeing him eating in dining after a month from his accident."
Napatingin siya kay Wade mula sa malayo. Kumakain na ito. Hindi man nito aminin, pansin niyang nakangiti ito.
"His parents has no time taking care of him. May kanya-kanyang business ang mga ito at inaasa na lang sa mag-aalaga sa kanya. Hindi ko man ipakita, I pitty him. It's just right that Ms. Amy found you. Nang malaman nga ng fiancèe niya ang kalagayan niya ngayon, hindi na niya ito tinanggap. Dahil doon ay sinumpa na ni Wade lahat ng babae."
"Wade still fortunate. Hindi lang niya alam kung ano ang bagay na magpapasaya sa kanya."
Ngayon ay tila isang mamahaling regalo na si Wade na unti-unting tinatanggalan ng balot. Ang kailangan na lang niya ay hanapan ito ng babagay na pambalot nang magkaroon ng bagong anyo.
Itinulak na niya ang wheelchair ng binata patungo sa sarili nitong kwarto. Kailangan na nitong maligo. Inihanda na nga ni Julie ang bath tub na pagliliguan nito.
"Where are you going?" tanong ni Wade nang maglakad na siya palabas ng banyo.
"Leaving you. Don't tell me, I will watch you bathing?"
"You'll help me of course."
Napabuntong hininga na lang si Julie at inalalayan itong maihiga sa bath tub nang wala na ang suot nitong roba. Nakapikit niyang inaalalayan ang binata sa takot na makita niya ang bagay na hindi pa niya nakikita.
"What are you doing?"
"I-I close my eyes because you are naked."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
"I'm not naked. I still have my boxer on."
"W-what if, you will remove your boxer?"
Napigil niya ang hininga nang hilahin siya ni Wade at magtama ang hininga nila.
"So, you haven't seen a naked man?"
Napadilat si Julie sa tanong nito.
"Then.. Then.. W-what's the matter?
She heard him chuckled again.
"I wish I can see your face by now," mahinang sambit nito na napakalinaw sa pandinig niya.
Excited ba itong makita kung gaano na kainit ang pisngi niya? Na paniguradong namumula na ngayon.
"Just assist me and you can leave."
Hinubad nito ang suot na boxer at napatili pa nga siya nang ihagis nito sapul sa pisngi niya.
Bigla ay gusto niyang manatili roon. Ang makita itong nakangiti ay nakakapanibago lalo pa kaya ang marinig itong tumatawa na dinaig pa niya ang nakakita ng multo.
Kung hindi lang ito bulag at baldado, maraming babae ang magkakagusto sa binata. Tanga lang ang babaeng tumanggi sa lalaking ito. Kung makikita lang niya ang babaeng iyon, ipamumukha niya ang mga bagay na hindi nakikita nito sa binata. Ang mga bagay na nakikita niya ngayon sa kanyang alaga.
"Julie."
Wow! For the first time, maayos yata nitong binanggit ang pangalan niya.
"Yeah?"
"Please don't arrange my things in this bathroom and my room as well."
Patay kang bata ka! Hindi pa nito sinasabi, ginawa na niya. Too late for you, Wade. This silly girl already did something on your room.
"Julie, did you hear me?"
"Yeah. Okay."
Sinara na niya ang pinto ng CR bitbit ang mga damit nito at diniretso sa hamper. Nang marinig na naman ang maganda niyang pangalan na pasigaw nitong tinawag. Sa sobrang ganda ng pangalan niya ay palagi na lang yata nitong bukam-bibig. Ang masaklap lang ay palaging may galit o inis sa dulo.