Chapter 7

2587 Words
"ONE.. Two.. Three.. Four.. s**t!" Napaupo si Wade nang piliting ibalanse ang katawan sa handle na bakal bilang kanyang training walk. Pinilit niyang muling tumayo at dahan-dahang iniangat ang sarili. Kahit papaano ay hindi na niya nararamdaman ang pamamanhid at minsang pagsakit ng kanyang paa. It was indeed a miracle nang malamang makalalakad pa siya at may pag-asa ring makakita. Sa panahon ngayon, imposible ng makahanap siya ng eye donor. Minsan, dumaraan sa isipan niya si Cathriese, the girl who made him unfortunate. A four year relationship doesn't end well. Cathriese might fall out of love. At kasalanan din niya iyon. Siguro naging parusa rin niya ang mga nangyayari sa kanya ngayon. He was a busy man noong sila pa ni Cathy. No time for her. Puro trabaho at kliyente ang naging priority niya. Sapat na ang isa o dalawang beses sa isang linggo sila kung magkita. Kinasanayan niya, at hindi niya akalaing dahan-dahan na palang nawawala ang pagmamahal na pinagtibay nila noon. Hindi siya naninigarilyo at nagkaroon na lang din ng dahilang uminom simula ng iwanan na siya ng tuluyan ni Cathy. Hindi rin kasi matanggap nito na buhat sa isang aksidente ay magiging bulag at baldado siya. Ayaw ng responsibilidad at kahihiyan na malamang ganoon ang kalagayan niya. But his caregiver came and gives him hope. Nagkaroon naman ng progress, mula sa ugali niya, mood at hanggang sa kalagayan. Ang dating mainitin ang ulo, suplado, nakasimangot, palasigaw at patapon na buhay ni Wade ay biglang naiba ang ikot. Dahil iyon kay Julie na ipinaramdam na hindi siya baldado, walang silbi kundi isang lalaking marami pang dahilan para magpatuloy sa buhay. Hindi tumigil sa pagpa-practice si Wade. Kailangan niyang makalakad. Gusto niyang ipakita kay Julie na binago na nito ang buhay niya simula nang dumating ito sa bahay. Habang dahan-dahang naglalakad ay napapangiti pa siya tuwing maaalala ang mga bagay na napagtatalunan nila ni Julie. Ito lang din ang bukod tanging hindi tumawag sa kanya ng 'Sir' kundi baby boy, sa pag-aakalang bata ang ike-caregive nito. Lahat ng mga naging caregiver niya ay pina-pamper siya at tinuring na arugain. Bukod tangi si Julie na hindi ganoon ang tingin sa kanya. He sometimes wonders why there is a paint of sadness in her voice. Sana, balang araw ay mapasok din niya ang laman ng isipan nito gaya ng pagpasok nito sa buhay niya. 'You know my love was meant to be.. From tonight until the end of time. Use to know.. Everywhere I go. Always on my mind. You're in my heart, in my soul.' Pumailanlang sa kabuuhan ng bahay ang musika ng Chicago. Malamang ay pinakialaman na naman ni Julie ang koleksyon niya ng mga plaka at Compact Disc. Unti-unti na rin siyang nasasanay sa pangingialam nito. Na noon ay hindi niya pinapayagan ang kahit sino, walang siyang choice kundi ang hayaan ito. Napapakanta na rin si Wade at dahan-dahang sinasabayan ang tugtugin. "Baby, you're the meaning in my life, you're the inspiration. You bring filing to my life. You're the inspiration.. —Darn!" Bigla siyang natumba nang bumati ng 'Good Morning' si Julie. "Are you okay?" pag-aalala nito saka siya dahan-dahang inilapit sa wheelchair at pinaupo. "I'm fine." "It's my mistake not to ask you about your CD's. I just want to play music. And I really love the songs of Chicago. We have the same taste," nakangiting sabi nito. "You're blabby," iyon na lang ang nasabi niya sa sunod-sunod na salita nito. "Oo nga pala. I forgot. I will cook our meal first. Wait me here," paalam nito na tinanguan lang niya. He almost choked on her scent when she lean to him. He smells her breath and her relaxing scent. Wade can actually memorize every scent of her and he loves the smell. Malapit na rin niyang magustuhan ang lahat ng naamoy at naririnig niya mula kay Julie. Itinulak ni Julie pabalik sa training walk ang wheelchair. Kailangan niyang muling makalakad at makakita. Gusto niyang makita ang bagong mundo, ang mundong ang dalaga na ang bumuo. It takes a time, bago pa siya muling masanay. Nagpapasalamat na nga si Wade at kaya na niyang makatayo ngayon at unti-unti ng nababalanse ang sarili. His persistence makes him stronger. Halos araw-araw at oras-oras kung praktisin ni Wade ang paglalakad hanggang dumating ang pinakaasam-asam niyang araw. Muling ibinalik sa ospital si Wade nang malamang may progress na sa practice walk niya. Patuloy lang din ang medication, diet food at exercise niya, sa tulong na rin ni Julie. Nakabalik na si Laura sa bahay, kaya pinauwi muna niya si Julie para makapagbakasyon man lamang ng dalawang araw. Na tila ang dalawang araw ay mahabang taon na hindi niya marinig ang tinig nito o masamyo ang halimuyak nito. Bigla ay na-miss niya si Julie. "It was good she's here," bigla ay sabi ni Laura. Napansin yata nito ang pinagbago niya. "Yeah. Indeed." "I think, you like her. Your smile shows it all," puna ng babae na nag-alaga sa kanya simula ng mag-binata siya. Ngumiti siya ng malaki. "Of course not," tanggi niya habang pilit binabawi ang pagngiti. "In some other way," bawi nito. Boom! Muntik na siya. "Yeah. I guess so." "She changed you. Ang bangayan n'yo yata ang nagbigay daan sa pagbabago mo." "Yeah. I guess you're right. She's bubbly, full of hope, mouthy. And I think, she's also beautiful from within." "She's much stronger than you." "Yeah." Paikot na siya ng kanyang wheelchair para bumalik ng kwarto gamit ang slide nang muling magtanong si Laura. "Would you tell her?" "I think about it." Sa bawat araw na wala si Julie ay hindi niya tinigilan ang mag-ensayo. Gusto niyang makabangon at bumawi man lamang bilang pagpapasalamat sa assistance ng carer niya. Nang sumunod na araw ay nagtungo na naman siya ng ospital kasama si Julie para sa eye check-up niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may nararamdaman siyang kakaiba, bagay na sana ay magtuloy-tuloy at maging kasiyahan niya. "He was finally recovered," narinig niyang sabi ni Laura habang kausap si Julie. "My big boy finally adapt his environment." "Ate Laura, can I ask you something?" Napalingon ng bahagya si Wade nang marinig ang boses ni Julie na tila nag-aalala. "Yes. Sure. Ano iyon?" "Hindi ba ikaw ang naging yaya at halos tumayong ina ni Wade? Umm.." Napatuon na ang pansin ni Wade kay Julie nang marinig niyang maigi ang dalaga. "Oo. Hanggang magkaisip siya." "Ano kasi.. Naiintindihan ba niya ako?" Pinalo ng may edad na babae sa braso si Julie. "Oo naman. Kaya nga pinipilit niyang bumangon at maging malakas. Kung sa iyo ay nawala ang pinakamamahal mo, siya naman ay parang buhay na ang nawala sa kanya." "Oo nga. Pinakamasakit na bagay sa lahat ay iyong iwan ka ng minamahal mo. Iyong hindi mo alam kung paano ka magpapatuloy dahil nasa kanya na ang buhay mo," pagsasang-ayon ni Julie. Dinampi ni Laura ang palad sa kamay ni Julie. "Kagaya niya, kailangan mo ring mabuhay at magpatuloy. You need to moved on. Everything has its reason." Dahan-dahang tumulo ang luha ni Julie. "Ate Laura.. Salamat po." "You're welcome. And I think you're always will. Sa ilang araw na pamamalagi mo rito, nakuha mo ang loob ng alaga ko at maging ang loob ko." "Anyway, iyong parents ba ni Wade, hindi niya laging nakakasama?" "Actually, bahay niya ito. At minsan lang pumupunta rito ang mga magulang niya kapag gusto nilang makita o makausap si Wade. He decided to put distance on his family not because he hates them, it's business related. Mas gusto pa ng batang iyon na magtrabaho hanggang napabayaan na niya ang sarili at ang nobya. Sa huli, siya ang natalo." "Mahirap alagaan ang taong ayaw magpaalaga. Pero sa ngayon, himalang hindi na siya nagrereklamo. Hindi na rin niya ako kinokontra. Komokontra lang siya kapag ayaw talaga niya." "He's a meticulous person. Ambigous than now. Kung iintindihin lang natin ang isang tao. Malalaman natin ang bagay na nais nitong ipahiwatig o sabihin kahit na hindi ito magsalita." Lumingon si Julie sa gawi ni Wade. Inatras naman ni Wade ang wheelchair at bumalik sa sariling kwarto baka mapansin pa nitong siya ang pinag-uusapan. NAPALITAN ng sigla ang nanlulumong buhay ni Wade nang makasilip siya ng liwanag. Nakatapis lang ng tuwalya nang lumabas si Julie mula sa banyo. Pinapayagan na ng binata si Julie sa mga nais nitong gawin. Dahan-dahang iniangat ni Wade ang pansin sa kabuuhan ng katawan ni Julie. She could actually entice a man from this sight. His grip tighten. Napapikit pa nga siya nang unti-unting nahulog ang tuwalya sa katawan ni Julie. Bigla yatang bumagal ang pag-ikot ng mundo. Parang gusto niyang tumayo at pulutin ang tuwalya at siya na mismo ang magtapis sa hubad na katawan nito. She's on just her lacy underwear other than anything. Pakanta-kanta pa ito na parang wala siya roon. Maaari na ngang ariin niya ang bahay at siya na mismo ang palayasin nito. "Julie.." "Hmm.." "What are you doing?" "Nagbibihis. I mean, wearing clothes." Napatango-tango na lang si Wade na diretso parin ang tingin habang malayo na ang tingin dito. Diretsong sinuot ni Julie ang nighties. "What are you wearing? Don't wear revealing clothes," paalala niya. Hindi lang alam nito kung ano ang epekto niyon sa kanya at parang nais na lang niyang pumikit. Nilapitan siya ni Julie. "Why not? Ate Laura is not here and.. no one will see me." Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. "What?" "Kidding. Ikaw naman masyado kang seryoso. Okay lang naman na maghubad ako, wala namang nakakakita, isa pa bulag ka naman." "Julie!" Bahagyang tumaas ang boses niya sa mga pinagsasabi nito. He never imagined how shr became liberated, isn't he? "Ito naman. Ang init na naman ng ulo mo. Fine. I'm just wearing comfortable clothes." Kumapa ang kamay ni Wade at tumama sa bare legs ni Julie. "Damn it! What are you wearing?" mabilis din naman niyang binawi ang kamay. "What's the problem ba ha?" "Get out." Inikot niya ang wheelchair para iwasan ito at ang nanunuot nitong amoy na hinahalina ang kanyang ilong. "Get out right now. I don't allow you to sleep here." Narinig niyang nagkamot ito ng ulo. "My gosh. Ano bang problema mo? You know what, you became unreasonable and strange this days pass than our first meeting." Sasagot pa sana siya nang muli itong umimik. "Fine. Don't even just tell me to find another job cause maybe I'll get tired." Padabog pa itong naglakad patungo sa pinto at padaskol na sinara iyon. He sighed in frustration. "It's for your safety, Julie." Kung alam lang nito kung ano ang epekto niyon sa kanya, baka ito na mismo ang lumayo sa kanya. Did he actually start to like this woman? Strange things came on his mind unexpectedly. Hindi na siya mapakali. Gusto niyang kausapin si Julie. He was stubborn. But then why a boss suddenly ask forgiveness from his subordinate? Napailing-iling siya sa naiisip. Napabalik na lang siya sa upuan. Gusto na niyang sabihin sa dalaga ang progress ng gamutan niya ngunit hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Nais din niyang subukin pa ito. Narinig niyang lumangitngit ang pinto, ilang minuto simula nang lumabas ito. "Who's there?" tanong niya nang hindi magsalita ang pumasok. "I change my clothes." Tinanguan niya ang sinabi nito. Bahagya pa siyang suminghot para sundan ang amoy nito. Nilapit niya ang wheelchair at kumapa para kunin ang kamay nito. "Take me for a walk." Nagpalit na nga ito ng damit. Hindi na revealing than before pero hindi parin niya maialis ang bahagyang sulyap sa bilugan nitong hita. She has nice body, a nice legs longing to die for. Sexy in one word. She was everything a man could ask for. Nakarating sila sa malawak na garden kung saan itinutulak nito ng bahagya ang wheelchair niya. "Julie, after I treated and cured, what life will you do?" diretsong tanong nito sa kanya. Gusto niyang malaman ngunit natatakot siyang marinig ang sagot nito. "I'm still hunting by my past. My fiancé died from cancer. I'm trying to forget about what we have. I'm trying to let go." Hininto nito ang pagtutulak ng wheelchair niya at naupo sa malapit na bench na nakabit sa malawak niyang garden. "That's the reason I work here, additionally when my Auntie retires maybe I will be her company since she doesn't want back in the Philippines." "Will you stay here longer?" "Maybe, since I am leaving with my Auntie." "No. In my house." Unti-unting lumalawak ang naaninag ni Wade lalo na nang marahan niyang nakita ang pagkabigla sa mukha nito. Ang dating kislap lang na liwanag ay unti-unti ng lalong nagliliwanag, kumukulay at nagkakaeimahe. Marahil ay dahil na rin sa attitude na ipinapakita niya kaya nagkakaroon na ng development. Yumuko ito. Gusto sana niyang silipin pa ang mukha nito ngunit pinigilin niya ang sarili. Kailangan pa niya ng panahon at magandang pagkakataon. "Honestly. I don't have a reason to stay here if you get cured. And I don't have reason to stay back in the Philippines either." "Okay. I just got curious. There is no work for you if you stay in my house," malungkot na pagsang-ayon niya kahit tutol na tutol ang puso niya at nais nang sabihing manatili na lang ito ng matagal kasama siya. "Yeah, I guess." Sa huli ay hindi na lang niya siguro sasabihin ang pagbabagong nangyayari sa kanya ngayon. He can't help to fall for the person who started given him hopes. Ang puso niyang nakakandado ay maaari pa palang mabuksan sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Inilapit ni Wade ang wheelchair sa puwesto ni Julie at hinawakan ang kamay nito. "Can I ask you for dance? Natawa si Julie. "How can you dance if you can't walk?" "Then guide me." Dahan-dahan siyang itinayo ni Julie. Kumuha siya ng balanse sa balikat at baywang nito para kapitan. Yumakap na siya ng tuluyan kay Julie. Bahagya siyang nag-hym hanggang kumanta na ng tuluyan. "I was almost.. About to lose my faith. I'm still dreamin, it was too late. But then you came along to my surprise. And stole my heart before my very eyes.." Dahan-dahang inilakad ni Wade ang mga paa. "You took me right, out of the blue. Simply by showing that you.." "Oh my gosh, Wade! You can really walk?" tuwang-tuwang tanong nito. Hanggang unti-unting nagtubig ang sulok ng mga mata niya. "Why are you crying? I'm so happy for you." Naiyak rin ito na sinabayan siya. Ang luhang iyon ay hindi kasiyahan na nakakalakad na siya kundi kabaliktaran. Bakit ganoon? Hindi siya masaya. Kapag gumaling siya ay wala na rin siyang rason para magpatuloy. Julie will leave him out. Babalik na ito sa dati nitong buhay —buhay na malayo sa kanya. And he can't afford to lose again for the second time. He had lose everything. Career, love, and his life. But then Julie came to show him what life really is. Kapag nawala ito ay tuluyan na siyang mamamatay. Niyakap siya ni Julie para aluin. "Oh thank God! We should celebrate and tell your parents, then let's go to your doctor early in the morning tomorrow. I hope you can continue walking now." Ngumiti na lang siya. Ngiting balot ng hapdi at kirot. Ito na lang muna ang ipaaalam niya. Ayaw pa niyang maiwan na naman nang nag-iisa at miserable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD