Chapter 1
This is an original work of fiction and results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate to the Author for the copy of the story.
Stealing is a crime, please avoid Plagiarism.Thanks.
Please follow, comment and add this to your library. ❤ to ❤
*****************
NAIINIS na napatingin si Julie sa ka-officemate na si Karlo. Break time at natutulog ito habang nakahawak ang kamay sa braso niya. Paano naman siya makakakilos at makakakain nito? Pumayag na nga siya na samahan ito ngunit hindi naman naniniwala ang sira ulo sa tabi niya at kailangan pa talagang hawakan siya.
Napapapadyak na siya sa inis. Ang mga kasamahan ay nagsipag-lunch out na, samantalang siya nagbabantay ng tulog o nagtutulog-tulugan.
Wala siyang choice, mukhang puyat na puyat din naman ito kagabi mula sa pinagawa ng Vice President nila sa Human Resource. Nasa iisang Department lang sila at sawang-sawa na talaga siya sa pagmumukha nito. Mula sa school ay magkaklase na sila hanggang sa trabaho ay sila pa rin ang magkasama. Mag-iisang taon na rin si Julie sa pinapasukang trabaho bilang Human Resource Assistant. Taga sort ng mga aplikante, tagahanap at taga-posting ng job vacancy ang trabaho niya. Si Karlo naman ang interviewer ng mga pumapasa sa exam na aplikante sa kanilang kompanya.
Gutom na nga talaga siya nang biglang mag-react ang sariling tiyan at narinig iyon ng binata. Napabangon ito at kunwari pa ay may sunog.
"Sunog! Saan ang sunog?!"
Sa inis ay binatukan niya si Karlo sa kalokohan. "Gago! Tiyan ko 'yon. Gutom na kaya ako. Kapal nga ng mukha mo, sarap ng tulog tas ako gutom na gutom."
Tumawa lang ito at tumayo saka hinila ang kamay niya.
"Tara, lunch date tayo," aya nito sa kanya na inismiran niya.
Hinaklit niya ang sariling braso. "Lunch lang, walang date at mas lalong walang tayo." Saka niya ito nilayasan.
Hindi naman niya masasabing pangit talaga ang binata dahil kung tutuusin gwapo si Karlo. Every woman will drool over him. He has a black thick eyebrows that makes his masculinity evident, a reddish chiselled lips, an angular jaw and a flawless cheeks and face ever. His skin is white as a Korean people that makes him odd to other person. Pinanganak nga siguro itong maputi, samantalang siya pinanganak lang at hindi maputi kundi kayumanggi.
Hindi namalayan ni Julie na dumating na ang iba pang kasamahan. Nakita pa nga yata ng mga ito ang pagmamaktol niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang hitsura ng mga ito at expression nang makita sila ni Karlo. Mukhang ang mga it ang kinikilig sa nagaganap na eksena.
"Sagutin mo na kasi, Miss Balmaceda. Matagal ng nanliligaw iyan oh."
Napatingin siya kay Mr. Panganiban. "Naku! Friends lang ho kami sir, hindi ho 'yan nanliligaw. Nang-aasar lang, pwede pa," mabilis na tanggi at paliwanag niya.
"Hindi kaya masyado na kayong matanda para mag-asaran Mr. Villaroel?"
"Kung naging Legaspi ka lang sana, hindi lang kayo bagay. Bagay na bagay pa," tudyo naman ni Samantha, ang Payroll nila.
Napaisip siya sa sinabi nito. Anong connect sa Legaspi at Villaroel?
"Hindi mo na-gets 'no?" mabilis na pang-aalaska ni Karlo sa kanya na napansing nag-iisip nga siya sa pambubuska ng mga kasamahan.
Napatingin siya kay Karlo na nasa tabi na pala niya at sinisiko na siya.
"Pakialam mo. Tabi nga at gutom na ako," pagtataray niya sa binata.
Nagpatiuna na siyang lumabas ng office. Sayang ang kalahating oras na natitira para sa break time. Pumasok siya sa fast food restaurant at nakipila na rin. Mabuti na nga lang at maiksi ang pila kaya mabilis din siyang naka-order.
Masarap na sana ang subo ni Julie kung wala lang asungot na umupo sa tapat niya.
"Mind if I join you?" paalam nito na nauna ng maupo.
"Wow! Nagpaalam ka pa? Naupo ka na nga 'di ba? Nipis rin ng mukha 'noh."
Ngumisi lang ito ng nakakaloko sa kanya. Sa sobrang asar naiisip na niya itong tusukin ng tinidor at hindi ang fried chicken na inorder niya.
"I'm sure, you still didn't figure out the 'Legaspi and Villaroel thing'."
Napatitig siya rito. "Kapal mo talaga. Alangang problemahin ko pa 'yon. Bwisit 'to."
"Legaspi, Zoren and Villaroel Carmina. Baka lang hindi ka makatulog." Sinabayan pa nito ng bungisngis. Sa sobrang inis gusto na niya itong ilampaso sa sahig.
Hindi na lang niya ito pinansin at kunwari ay wala ito sa tapat na hindi naman niya talaga madedma lalo na kung hindi na niya alam kung nagpapapansin ba ito o nang-aasar talaga.
Hindi naman ito ganito noong Highschool at College sila, ngayon lang. Sa school naman kasi ay hindi sila madalas magpansinan. Magkababata sila at noong high school ay magkaiba sila ng section, naging magkaklase na lang sila noong last year of high school. Sa iisang University rin nakapasok sina Julie at Karlo. Iisang course at magkaklase. Binansagan pang Romeo at Juliet ng course nila nang malapit ng maka-graduate sa kolehiyo. Nang makatapos nga ay lumipat na yata ito ng apartment.
Alam ni Julie na may nobya si Karlo noon kaya malayo ang naiisip niyang magkagusto si Karlo sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung may sapak lang ito ngayon.
Hindi na pinansin ni Julie si Karlo nang mauna na siyang matapos kumain. Kaagad siyang dumiretsong pasok sa office.
"Julie!"
Napatingin siya sa nagsalita at pagtingala niya nakatayo na sa tabi niya si Karlo. He's 5 and 10 inches while she is 5 and 7 inches tall. Para na rin siyang bansot sa paningin nito.
"Ano naman ang kailangan mo? Puwede bang patahimikin mo ako kahit ngayon lang?"
"Init naman talaga ng ulo. Manghihingi lang ako ng Kdrama o kung may japanese movie ka, pahingi na rin. Baka may p*rn ka rin puwede--aray! Masakit 'yon ah." Napahawak si Karlo sa kinurutan niyang braso nito. "Kapag ako talaga gumanti sa 'yo, siguradong hindi mo magugustuhan."
"Bwisit! Amin na usb mo. Daming dada," iritableng sabi niya. Tama bang hingan siya ng X-r*ated movies. Kahit kailan sira talaga ang ulo nito. Kaya nga wala na itong nobya sa ngayon dahil mukhang wala ng magkagusto.
Ibinigay rin naman nito ang hiningi niya.
"Bukas mo na lang ibalik at buksan 'yong usb. Oo nga pala may nakalagay na censored video diyan, baka buksan mo at magulantang ka sa makita mo." Saka pa ito tumawa ng nakakaloko. "Bawal buksan" At kinindatan pa siya bago tuluyang umupo sa kabilang sariling cubicle nito.
Nagkibit-balikat na lang siya at hindi na ito pinansin. Nagpatuloy na lang sa paghahanap ng mga aplikante sa jobsite.
Umabot na nang oras ng uwian. Wala ng balak mag-overtime si Julie kaya nag-out na rin siya nang maaga. Commute lang ang inaasahan niya sa pag-uwi. Dahil rush hour hindi niya inaasahan ang unahan sa pagsakay at haba ng pila sa UV express.
Ang kamalas-malasan pa ay biglang buhos ng ulan. Wala pa siyang dalang payong.
"Lagi na lang.. Tuwing uulan, naiiwan ko ang payong pero kapag maaraw naman saka ko dala," reklamo niya. Kay bilis naman talaga umasinta ng malas at ngayon pa talaga.
Maghahanap sana siya ng masisilungan nang may biglang humila sa kanya at inakbayan siya saka pinayungan. What a D*mn unlucky day!
"Hold-up 'to. Huwag kang sisigaw."
"Parang awa mo na.. Huwag mo akong sasaktan," pagmamakaawa niya habang halos manginig ang mga kamay. Napakalakas na rin ng t***k ng puso niya habang nakapikit dahil sa takot na makita ang magnanakaw. Kung nasa pwesto lang siya ng liwanag ay baka nakaiwas agad siya.
Hindi naman siya bagong sweldo ngayon pero tinaon pa talaga ng walang hiyang ito na nakawan siya ngayon. Mahalaga pa naman sa kanya ang cellphone niya.
"M-maawa na ho kayo," halos mangiyak-ngiyak na pagpapatuloy niya habang nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata.
"Akin na.." sabi nito sa seryosong tinig kaya mas lalo siyang natakot. "ang puso mo."
Nawala ang putlang naramdaman niya nang mapagsino ang nananakot sa kanya. Binago nito ang tinig ngunit sa huling salita ay napapatda siya.
Sa inis ni Julie, hinampas niya ito ng bag at napaupo sa sahig habang hindi na napigilan ang pag-iyak.
"Hala! Oy, teka lang. Huwag kang umiyak. Nagjo-joke lang naman ako. Oy! Sorry na," alo nito sa kanya.
Hindi nito alam kung gaanong labis siyang natakot kanina. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng t***k niyon. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya naho-hold-up dahil hindi siya careless at ngayon pa lang. Kagagawan iyon ng damuhong ito.
Itinayo siya ni Karlo at inalalayan patungo sa motor nito.
"Ihahatid na kita. Sorry na. Hindi ko naman sinasadya. Wala lang yata ako sa timing. Kumapit kang maigi. Kasi kapag nahulog ka, handang-handa kitang saluhin," pasaring na naman nito na hindi naman tinatablan ng kilig ang puso niya.
O hindi nga ba, Julie?
Slight lang.. Sobrang slight lang dahil may atraso ito sa kanya. Muntik na siyang atakihin sa puso kanina.
Naramdaman pa ni Julie na hinigpitan ni Karlo ang mga kamay niya sa baywang nito.
Tahimik sila sa buong biyahe. Nang makarating sa subdivision ay wala na rin ang ulan.
Pinagtakhan pa niya kung bakit ibang way ang pinagdalhan sa kanya ni Karlo.
"T-teka lang. Bakit hindi tayo sa bahay--Ay buwaya!" Biglang pinaandar ni Karlo ang motor.
HININTO nito ang sasakyan sa isang mataas na gusali.
"Magpalit ka ng damit. Hindi ka puwedeng umuwi sa inyo na basang-basa," alok nito nang makapasok na sila sa loob ng Apartment nito.
Kahit pala pinagtitripan siya ni Karlo, inaaway at binubully. May mabuti pa rin itong puso at ayaw siyang magkasakit.
"Nasa kabilang pinto ang banyo." Ibinigay nito ang isang T-Shirt at short. "I'm not sure kung puwedeng mag-fit sa'yo 'yong short tutal naliitan ko na 'yan. And about the undergarments, okay lang ba sa 'yo ang brief ko. Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nasusuot 'yan. Bagong padala ni Mommy galing Singapore."
Dumiretsong pasok na siya sa tinuro nitong banyo. Naligo na siya. Mabuti nga at hindi gaanong nabasa ang mga undergarments niya kaya hindi na niya ginamit ang brief. Malaki rin naman ang puting shirt. Halos malapit na sa tuhod niya kaya hindi na niya sinuot ang short, maiilang lang siya, mukha na kasing tokong iyon nang isukat niya.
Nakabalot sa ulo niya ang tuwalya nang lumabas siya ng banyo.
"Maganda rin pala itong apartment mo. Maliit pero mukhang malinis." Napatingin siya kay Karlo. Nagtitimpla ito ng dalawang gatas.
"Magpainit ka muna." Iniabot nito ang isang basong gatas sa kanya.
"Bakit hindi ka pa magpalit?"
Napansin niyang bigla itong nataranta nang dumako ang tingin nito sa kabuuhan niya. Mabilis itong dumiretso sa banyo.
"Iniwan ko na nga pala 'yong short at brief mo diyan. Hindi ko na ginamit."
Tinuyo na ni Julie ang buhok at sinuklay ng kamay. Hindi pa rin pala umuuwi ang Mommy ni Karlo, sa pagkakaalala niya, may pamilya na ito sa Singapore. Patay na kasi ang Daddy nito na narinig lang niya sa kwento ng mga ka-opisina. Dahil nag-iisang anak, walang pamilya rito si Karlo pero tuloy-tuloy naman daw ang suporta ng ina para rito. Maganda naman ang kinuha nitong apartment. Hindi kalakihan, masasabi niyang maliit kumpara sa bahay nila pero mag-isa lang naman itong nakatira. Maayos ang mga gamit. Naka-display ang family picture sa maliit na cabinet sa Sala. Pinaghalong gray at navy blue ang color ng paligid. Dalawa ang pinto, isa sa kwarto nito at sa banyo. Magkarugtong ang kusina at maliit na sala. Puwede na rin siguro siyang magtiyaga sa sala kung dito siya matutulog.
Napahinto siya sa iniisip. 'Anong matutulog na nalalaman, Julie? Mamaya ano pa ang gawin sa iyo ng lalaking iyan ha noh.' Pinilig ni Julie ang ulo at inalis ang kung anumang iniisip.
Nakabihis na si Karlo nang lumabas ito.
Sa sofa siya pumuwesto. Mahina lang ang bukas ng aircon pero nilalamig pa rin siya. Nagtext na siya sa mga magulang na nakituloy muna siya sa isang ka-opisina dahil mahirap makasakay pauwi.
"Patayin ko na lang ang Aircon."
Napansin yata nito ang pamamaluktot niya kaya nagkusa na itong patayin ang aircon.
"May macaroni spaghetti, baka nagugutom ka, ima-microwave ko lang."
Nang marinig ang tunog ng microwave matapos initin, lumapit na rin siya. Nakakaramdam na rin kasi siya ng gutom.
"Julie.."
"Hmm.."
"W-wala."
Napakunot noo siya sa iniasta ng binata. Tila may gusto itong sabihin na hindi masabi-sabi.
Hinati nito ang spaghetti at binigyan siya sa plato. Tahimik lang silang kumain at wala ni isang gustong magsalita.
Matapos kumain, kinuha niya ang plato at plato nito. "Ako na ang maghuhugas," prisinta niya. Hindi naman ito tumutol.
"Maputi ka pala."
Napaangat siya ng ulo mula sa narinig. Doon lang niya napagtanto na pinagmamasdan siya nito.
"Malaki ang balakang at mahubog ang puwitan. Hindi nga lang madibdib pero puwede ng pumasa."
Namula at nag-init siya sa kinatatayuan. Gusto niyang mabastos sa mga lumalabas sa bibig nito pero hindi naman mahalay ang paraan ng pagkakasabi nito.
Nagpunas na siya ng kamay at lumapit sa sofa matapos itong lampasan na nakasandal pa sa pader.
"Uuwi na siguro ako ng ten," tukoy niya sa oras kahit naiilang.
"Sorry about that. Umm.. Na-turn off ba kita? Hindi naman 'yon ang gusto kong iparating. Curious lang naman ako dahil wala ka pang boyfriend. Turning twenty three ka na sa June 'di ba?"
Pinaningkitan niya ito ng mata. Paano nito nalaman? Kunsabagay, madalas nga pala nito nakikita ang mga 201 files ng bawat empleyado.
"Mataray at masungit, iyon siguro ang dahilan kung bakit walang nanliligaw sa iyo. Lapitan ka pa lang kasi, sinusungitan mo na. Paano ka pa popormahan?" Hindi niya malaman kung complimeng ba iyon o panlalait.
"Hindi ko naman sila kailangan. Mas masarap maging single."
"Well, true dahil single din ako."
Lumapit si Karlo at umupo rin sa sofa na inuupuan niya, binigyan lang siya ng kaunting distansiya.
"Pero.. Kung may lalaking mangahas na pormahan o ligawan ka, bibigyan mo ba ng chance?" seryosong sabi nito na nakatitig na pala sa mga mata niya.
"Depende siguro sa ugali," pakli niya sabay lihis ng tingin.
Biglang napasong iniangat ni Julie ang kamay nang mahawakan iyon ni Karlo. Hindi tuloy niya alam kung sinadya ba nito o hindi ang ginawa.
"Sorry. May isa pa akong tanong. Ever since collage, hindi ka pa nagkaka-boyfriend?"
"Hindi kasi iyon ang priority ko. Gusto kong tulungan sila Mama at Papa sa pagpapaaral kay Threestan."
"I see. So, hindi ka pa nakakatikim ng kiss kahit sa flirt lang?"
Maang na napatingin siya kay Karlo. "Kung kamanyakan iyang iniisip mo. Please lang itigil mo na."
"I'm serious."
"What if I'm not? May magagawa ka ba?"
"Mayroon. Tuturuan kita."
Tumawa siya kunwari at nagpatay-malisya. "Ewan ko sa'yo, Villaroel. Anyway, dito na lang ako matutulog sa sofa mo. Kasya naman ako. Pahiram na lang siguro ng kumot at unan."
"Julie, ano ba ang tingin mo sa'kin bilang lalaki?"
Umayos siya ng upo at bahagyang lumayo sa binata. "B-bakit mo naman naitanong 'yan? Wala ka bang nakukursunadahan sa office natin?"
"Mayroon. Pero mailap kahit na anong gawin kong pang-aasar, pagpapapansin kahit pa nga yata palitan ko ang imahe bilang santo, hindi pa rin niya ako mapapansin. Pangit ba ako? Hindi naman ako f*ckboy. Loyal ako, one-woman man, lalo na kapag tinamaan at sa tingin ko may tama ako sa kanya."
Tumayo na siya at kinuha ang bag. "M-magto-tooth brush muna ko," paalam niya na tinatakasan ang nais tumbukin ni Karlo.
Nailang siya sa mga pinagsasasabi nito kaya siya na ang pumutol sa conversation na iyon.
Tumayo rin ito at dumiretso sa kwarto. "Kunin mo na lang dito sa kwarto ang kumot at unan."
Ibinalik niya ang bag sa center table matapos makapag-tooth brush, wala naman sigurong mawawala kung iwan niya iyon doon. Saka siya pumasok sa nakapinid na pinto ng kwarto.
Nakatayo ito at nakatanaw sa bintana. Maganda rin pala pati ang kwarto nito na nagmumura sa pagka-navy blue. Masculine na masculine ang loob ng kwarto.
"Puwede ka namang dito matulog. Ako na lang sa sofa kung naiilang ka. Besides, wala na tayong pasok bukas. Sabado naman, unless balak mong mag-overtime kahit na may bagyo."
June na nga pala kaya mabagyo na.
"H-hindi na. Okay na ako sa sofa."
Dinampot niya ang unan at kumot nang hawakan nito ang kamay niya.
"K-Karlo, anong ginagawa mo?" Natatarantang tanong niya rito.
Naramdaman ni Julie ang mainit na hininga ni Karlo sa batok niya nang pumuwesto ito sa likuran niya at umikot ang mga braso nito sa baywang niya.
"Tuturuan kita, Julie. Tuturuan kitang mahalin ako."
Binawi niya ang kamay ngunit mabilis na nahawakan iyon ni Karlo at napaupo siya sa kama. Tinulak siya nito at napadagan ito sa kanya.
"Karlo, ayaw ko."
"Kapag hindi mo nagustuhan, hihinto na ako."
Pinilit niyang bumangon at kumawala sa pagkakadagan nito pero mas malakas ito, natabunan ng bigat nito ang paghiga niya.
Hindi na siya nanlaban, napatitig na lang siya sa kabuuhan ng mukha nito. Sa mga matang puno ng pang-aakit. He was staring at her like she was the girl of his dreams.
"Pumikit ka, Julie."
"K-Karlo.."
"Huwag kang matakot, hindi kita sasaktan."
Parang tuod na ginawa nga niya ang sinabi nito. Hanggang dahan-dahan niyang naramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang labi.
"I will guide you, then you can follow what I'm doing."
Napadilat siya nang tuluyan nang maapuhap ang malambot na labi ni Karlo sa sariling labi. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat. Sa una ay parang pinatatakam lang siya sa putahe at ang hindi niya maintindihan ay humahabol na ang labi niya tuwing humihiwalay ang labi nito. Nang muling magdikit ang mga labi nila, namasa ang labi nito hanggang hinayaan na niyang pumasok ng marahan ang dila nito sa loob ng bibig niya. Gumagalugad at parang may hinahanap. Hindi alam ni Julie kung paano siya natuto dahil natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipag-iskrimihan na rin sa dila ng binata.
She was insane. Nakababaliw ang mga halik nito. Ganito pala ang feeling ng hinahalikan. Totoo nga palang nakaliliyo ang halik at nakakawalan ng pag-iisip. Pareho silang kinapos ng hininga kaya nagkusa na itong humiwalay sa labi niya.
"Do you want me to continue?" tanong ni Karlo na hinihingal din. Pero hindi na siya nito pinasagot. Umahon ito at umupo sa tabi niya. "No. Let's stop right now. Dahil kapag nadala ako, baka hindi ko mapigilang angkinin ka, Julie. Pero, gusto kong panagutan ang nangyaring ito. I want to be responsible for you."
Napakunot-noo siya sa sa sinabi nito.
"What? Wala namang nangyari sa atin more than that. "
"Believe me, hindi matatapos ang gabing ito na hindi kita nakukuha pero ayaw kong mangyari iyon. Kaya ngayon pa lang, gawin mo na akong boyfriend."
Napatayo siya sa gulat. "Baliw ka ba? Paano naman kita magiging boyfriend, eh hindi ka naman nanliligaw?"
"Then, manliligaw ako. Pero gusto kong ako lang ang magtuturo sa'yo ng mga ito. I can teach you more than this, Julie. Basta ipangako mo lang na walang iba kundi ako lang..." his words are tyrannically serious that she can't escape to say no.
Dinampot na ni Julie ang kumot at unan. Pero bago pa man siya makalabas ay hinarang na nito ang kamay sa pintuan.
"Mangako ka muna."
"Matutulog na ako."
"Fine. Huwag tayong magmadali." Isinandal siya ni Karlo sa pader. And he claim his will to kiss her na parang ito lamang ang dapat magmay-ari sa mga labi niya.
"Good night," sabi nito nang pakawalan ang labi niya.
"Alam mo, gusto na kitang tuhurin ngayon pa lang. Ang m*ny"k mo."
"Sabi ko na nga ba at iyan ang iisipin mo. Kaya nga ayaw kong gawin, kilala na kita, Julie Mae Balmaceda. Gamay ko na ang ugali mo."
"Tabi na nga!" asik niya saka dumiretso na sa labas.
Napakapit si Julie sa dibdib na sobrang niragasa ng kaba. It felt like he snatch her innocence and her heart.