Sinubukang ignorahin ni Julie ang mga nakita ngunit tila nasundan pa iyon nang magsinungaling ito kung nasaan ito. Kitang-kita ng dalawa niyang mata na naroon ito sa Shopping Mall habang bitbit ang bag ng babae at magka-holding hands. Wala ito sa bahay nito. Dumiretso siya sa bahay ni Karlo at doon hinintay ang binata.
"J-Julie?"
Puno ng hickey ang leeg nito habang may bahid ng lipstick ang polo at nakasabit ang kamay ng babae sa leeg niya.
"Oh, naabala ko ba kayo? Don't worry mabilis lang naman ito."
Kaagad pinaalis ni Karlo ang kasamang babae.
Prente pa ring nakaupo si Julie sa sofa habang kinakalma ang sarili. Pinipigilin niyang pumatak ang sariling luha at pinipigilang bulyawan si Karlo.
"Alam ko ng nakita mo na," mahinahon na sabi nito.
Lumunok muna ai Julie habang pilit tinatago ang paghikbi. "Kung ayaw mo na sa akin, maiintindihan ko naman. Alam ko ng gusto mo na ng kaniig. Alam ko namang hindi ko iyon maibigay sa iyo."
"I-I'm sorry," nakayukong sabi nito.
"You should not if you're not guilty." Tumayo si Julie. "Sorry din, ang tagal kong hindi nabanggit sa iyo. I'm leaving. Nakaayos na ang passport ko patungong Canada. I will work there as a caregiver. We're even now, Karlo."
Naglakad na palabas ng pintuan si Julie nang pigilan ni Karlo ang braso niya. "Let's break up."
Ang kaninang luhang pinigilan ni Julie ay tuluyan ng umalpas.
"Bakit?"
"Hindi na kita mahal, Julie. I thought ikaw na. Pero hindi pala. I have already someone. Kaya niyang ibigay ang—"
"Stop it. Saka na tayo mag-usap. Aalis na ako," paalam niya at agad lumabas ng bahay.
Halos patakbo niyang tinungo ang kalsada para tuluyan ng makapara ng Taxi o kahit anumang puwede niyang masakyan.
Lagom ng luha, pinilit pa rin ni Julie na isiping isang masamang panaginip lang ang lahat at bukas ay magigising din siya na sana.. Sana hindi totoo ang lahat.
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?" tanong ng kanyang Ina nang makitang iniaayos niya at nililimas lahat ng mga bagay na ibinigay sa kanya ng nobyo. Halos isang buwan na rin ang nakararaan simula ng maghiwalay sila.
Nakahanda na rin ang ticket niya patungong Canada na minadali niya para maiwasan niya ang sakit.
"Wala na ring saysay na magkaayos pa kami ni Karlo. Siya na mismo ang umayaw."
Dinampot niya ang picture frame, kuha mula sa amusement park noong first year anniversary nila. Inilagay niya iyon sa kahon kasama ang teddy bears, bulaklak na papel na hilig nitong gawin ang origami at ibinibigay sa kanya, mga regalo nito tuwing okasyon, gaya ng birthday, valentines, christmas at anniversary.
"Hindi mo ba muna siya tatanungin kung bakit niya nagawa iyon?"
"Blinock na po niya ako sa lahat ng social media accounts niya, nagpalit na rin siya ng number at lumipat na rin ng apartment. Iniiwasan na niya ako dahil nag-resign na siya sa trabaho."
Muling dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Ilang araw na siyang walang matinong tulog at kain. Palaging naiisip ni Julie kung ano ba ang nagawa niyang masama para gawin iyon ni Karlo. Siguro nga, hindi na ito masaya sa kanya kaya nagawa nitong ipagpalit siya sa iba. Kaya naman niyang ibigay 'iyon'. Ginawa na niya iyon noon, ngunit bakit ito tumanggi. Siguradong may iba pang dahilan at ayaw na niyang malaman pa ang ibang dahilan na iyon.
Kinumos niya ang mga letter na ginawa nito noong nagsusulat ito ng tula. He was indeed talented. His thousand feature, Karlo was now gone in her life.
Matapos iayos at ilagay ang lahat ng mga alaala ni Karlo na tila yumao na ito para sa kanya, isinilid lang niy iyon sa ilalim ng kama. Wala siyang balak sunugin, hindi dahil may gusto pa siyang alaalang babalikan, kundi dahil hindi worth it ng apoy ang lahat ng alaalang iyon. Maging abo man ay mananatili pa rin iyon sa puso niya.
Nagtungo si Julie sa trabaho and treat herself shopping. Kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang maging masaya wala man ito sa buhay niya. Masakit pero kailangan niyang umahon at maging matatag. Hindi lang si Karlo ang lalaki sa mundo. There are thousands, nope, they're billions out there.
Kinabukasan ay maagang iniayos ni Julie at hinanda lahat ng bagahe at papeles. Ihahatid siya ng pamilya niya sa NAIA patungong Vancouver, Canada.
"Mag-iingat ka roon, Anak," sabi ng kanyang Ama na nauna pang umiyak.
"Pa, hindi naman po ako pababayaan ni Tita Sabel."
Kapatid iyon ng kanyang Ina nat Nurse sa Canada. Matandang dalaga at kailangan na rin ng makakasama.
"Huwag kang mag-alala, Christian, mabait si Ate Sabel. Sayang nga lang at tumanda ng dalaga."
"Ate, huwag mong kalimutan iyong pinabibili ko sa 'yo," habilin ni Thresstan.
"Opo! Ayos ka rin ah, wala man lang bang mag-ingat ka 'ron, ate?"
Yumakap sa kanya ang kapatid. "Alam mo na 'yon, 'Te."
Yumakap na rin sa kanya ang Ama at huli na ang kanyang Ina. "Hindi ka ba muna magpapaalam sa kanya?"
Alam na ni Julie ang tinutukoy ng Ina. May dahilan pa ba para magpaalam siya? Pormal break-up o hindi, parehas lang naman na hiwalay na sila at ayaw na sa kanya ni Karlo.
Bahagyang umiling lang siya sa tanong ng ina. Muli na namang nagtubig ang kanto ng kanyang mga mata.
Sa Canada na lamang niya ilalaan ang pag-aalaga sa iba. Hindi siya kayang alagaan ni Karlo pati ang relasyong matanggal nilang iningatan. Baka sa Canada, mabago pa ang buhay niya at makapag-move on na siya nang mas mabilis.
Humigpit ang hawak ni Julie sa nakasukbit na shoulder bag.
"Sige po, Ma, Pa, Thresstan, papasok na ako."
Nag-ring ang phone niya, numero ng kanyang Tita Sabel --international call.
"Yes, Tita. Opo, patungo na ako ng boarding area. Okay po, hintayin ko na lang kayo sa Airport if hindi pa kayo dumating."
Then she ended the call.
Naglakad na siya papasok sa boarding area nang muli siyang lumingon, umaasang pigilan siya ni Karlo. Umaasang nagpunta ito at yakapin siya ng mahigpit na imposibleng mangyari.
Papatayin na sana niya ang aparatu nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Isang deleted number na tiyak niyang kahit pa burado na ay kabisadong-kabisado pa rin niya.
"K-Karlo?"
Agad niyang pinindot ang received button ngunit hindi boses ni Karlo ang narinig niya sa kabilang linya kundi boses ng isang babae.
"Ako ito, Julie, si Tita Karmina, mother ni Karlo."
"Ah okay. Akala ko po si Karlo, number kasi niya ito. Nasa Pinas na po pala kayo."
"I heard what happened. Sorry sa katangahan ng anak ko. Alam kong maling-mali ang ginawa niya. Intindihin mo sana siya."
Gusto niyang pandilatan ang Ina ni Karlo. Paano niya iintindihin ang taong nanakit sa damdamin niya.
"I'm so sorry hija. Alam kong late na pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka ng anak ko hanggang sa huling sandali ng buhay niya, ikaw ang lagi niyang tinatawag at hinahanap. Sinabi niya lahat ng nangyari."
"A-ano pong ibig nyong sabihin?"
Parang kahapon lang ay okay okay ito. Is it one of his prank?
"He was diagnosed from a brain tumor. Hindi na kinaya ng katawan niya ang operation."
Napaupo si Julie sa narinig at nang sabihin nitong patay na si Karlo ay tuluyan na niyang nabitiwan ang phone.
Mabilis siyang bumalik at naglakad palabas ng Airport. Agad pumara ng Taxi patungo sa Hospital kung saan naroon si Karlo.
Inabutan niya roon ang umiiyak na Ina ni Karlo. Ang nagtutubig niyang mga mata ay napalitan ng paghagulgol nang makita ang nakaratay na si Karlo. Namayat ito sa nakaraang ilang linggo. Halatang bumagsak ang katawan nito.
"Maiwan muna kita, hija," paalam nito at lumabas muna.
Nilapitan niya ito at mabilis na niyakap. "Nakakainis ka naman. Bakit hindi ka nagsabi? Hindi naman ako magagalit, iintindihin pa nga kita. Paano pang nag-aral ako ng care giving kung ikaw mismo ay hindi ko maalagaan. Sana hindi ka na lang gumawa ng mga planong failed din naman sa huli.
Sabi ko 'di ba kaya kitang tanggapin hanggang dulo. Bakit maman hindi mo ako pinaniwalaan? You know what, matatanggap ko pa na ipinagpalit mo ako sa iba. Pero 'yong may sakit iyon ang hindi ko kakayanin. Paano na ako, Karlo? Paano na ang mga pangarap natin?"
Niyakap na ni Julie ang katawan ni Karlo at patuloy na tumatangis. Patuloy lang sa pag-iyak na tila inilalabas na niya lahat ng kanyang hinananakit sa binata.
Hindi niya napansing naroon na ang Ina ni Karlo.
"Alam ko ang lahat ng kalokohan ni Karlo. Sinabi niyang alam niyang masasaktan ka na nagpanggap siyang may iba para lang pasakitan ka. Gusto niyang sa pamamagitan niyon ay hindi mo siya hahabulin o hindi ka masasaktang lalo kapag nawala siya. Hindi niya sinabing may sakit siya dahil mas natatakot siya sa posibilidad na mawala siya sa iyo. Ayaw niyang sa ganoong paraan ka masaktan.
Mahal na mahal ka ni Karlo kaya lumban pa siya hanggang huli ngunit ng oras na ng operasyon, hindi na kinakaya ng katawan niya. Palagi ka niyang hinahanap at tinatawag. Ikaw lang ng mahal niya. I'm so sorry, hija. Sorry for what Karlo did."
She should have tell how much she love him, how much she cares about him. Sana hinabol muna niya ito at pinakinggan. Sana nakiusap siyang balikan ito. Wala na. Huli na ang lahat. He's not worth what she thought.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang yakap ang walang buhay na katawan ni Karlo. Kung maibabalik lang ang lahat.. Kung hindi lang sana ginawa iyon ni Karlo baka sakali pang naagapan pa.
BITBIT ni Julie ang sulat na iniabot sa kanya ng Ina ni Karlo galing iyon kay Karlo. Kanina pa niya ilang ulit na binabasa ngunit tila hindi pa rin naa-absorb ng utak niya ang lahat na wala na ito. Parang kailan lang. Noong una ng sweet nito, a perfect boyfriend, ngayon wala na ito. Kinuha na agad siya ng langit.
Naganap din ang tatlong araw na lamay, naroon ang pamilya niya na sinamahan siya hanggang sa huling sandaling nakita niya ang katawan nito.
"Hija, you should let him go. Para matahimik ang kaluluwa niya," sabi ng ina ni Karlo.
Pinilit ni Julie na patatagin ang tinig, wala na siyang lakas. Wala na rin yatang tigil ang pagpatak ng luha niya.
"Be strong. It's not too late. Siguro hindi lang si Karlo ang para sa iyo. Darating din ang taong para sa iyo."
"Hindi na ho, Tita. Hindi na ako magmamahal kung hindi rin lang si Karlo. Wala na akong mahahanap na katulad niya. Walang katulad si Karlo."
Niyakap siya ng Ina ni Karlo at hinagkan sa kanyang bumbunan at nagpaalam na rin.
Sumunod na rin si Julie makalipas ang halos kalahating oras.
Sinamahan niya naman kahit paano si Tita Karmina hanggang sa forty nine days ng pagkamatay ni Karlo. Nagpaalam siya sa kanyang Tita Sabel na mananatili siya hanggang matapos lang ang forty nine days. Tutungo siya sa Canada kapag okay na ang lahat, kapag kaya na niyang mag-move on at bitiwan ang lahat ng alaalang mayroon sila ni Karlo. Naintindihan naman iyon ng kanyang Tita Sabel.
Makalipas ang halos anim na buwan..
Ipinasya na ni Julie na ayusin ang sarili. Lahat ng mga gamit na ibinigay ni Karlo sa kanya at alaalang mayroon sila ay nakaayos at nakatabi sa kwarto niya. Tiniyak niyang malinis at maayos pa rin iyon hanggang sa huling araw ng pananatili niya sa Pinas.
Baon ni Julie ang huling sulat na iniwan sa kanya ni Karlo at ang masasaya nilang larawan na paulit-ulit niyang sinisilip sa f*******: habang tahimik na umiiyak.
Dumating na rin sa wakas ang tuluyang pag-alis ni Julie at tutungo sa Canada.
"Naayos ko na lahat ng gamit mo, anak," sabi ng kanyang Ina. Ito na lang ang nakasama niya. Nagpaiwan na ang kanyang Ama at si Threestan.
Baka raw hindi na matuloy at pigilan siya.
"Palagi kang tatawag 'pag may time ka. Tumawag ka kaagad pagdating mo roon. Huwag kang papalipas ng gutom, laging kumain sa tamang oras. Alagaan mo rin ang sarili mo, hindi lang ibang tao."
Humalik siya sa pisngi ng Ina bago hinila ang dalawang luggage bag. "Alam ko na 'yang lahat, Ma. Nakasulat na dito sa binigay n'yo ni Papa. Okay lang po ako roon."
"I'm sure, babantayan ka ni Karlo roon."
Nang tawagin na ang mga pasahero ay pumasok na rin siya sa boarding area.
Kung naroon lang sana si Karlo, piligilan siya nito. Ngunit kahit anong hintay niya ay wala ng Karlo na darating pa. He's gone forever.
Dinaan na lang ni Julie sa music ang lahat ng alaala matapos maipasok ang headset sa tainga at makaupo na sa seat number niya.
Inabot ng halos labing anim na oras ang biyahe mula Ninoy Aquino International Airport hanggang Boundary Bay Airport, Vancouver, Canada.
She'll make sure that her Tita Sabel was keep updated from her departure to her arrival. Ito rin kasi ang magsusundo sa kanya at titira siya sa bahay nito.
Agad ring nakita ni Julie ang kanyang Tita Julie paglabas ng Airport. Mabilis na niyakap siya ng Ginang.
"Oh my God! Ang laki-laki mo na! Ngayon na lang ulit kita nakita, Julie," excited na sabi nito sa kanya.
"I'm so happy to see you, Tita," nakangiting sabi rin niya.
"So do I."
Sumakay sila ng cab patungo sa bahay na tinutuluyan ng Tita niya.
Hindi kalakihan ang unit na nabili na ng Tita niya galing sa dugo't pawis nito.
Inilapag nito ang mga bagahe malapit sa Sofa.
"Feel comfortable. Pasensiya na at hindi kalakihan ang bahay ko. Ako lang naman kasi mag-isa kaya pinili ko na rin ang maliit."
Hinatid na siya nito sa kwartong tutuluyan niya.
"Magpahinga ka muna. Maghahanda lang ako ng makakain mo."
Pasado alasdose na ng gabi, gusto sana niyang pigilan pa ang Tita Sabel para matulog na lang sana muna sila. Ngunit ramdam na rin niya ang gutom.
Kwentuhan habang kumakain ang naging salo-salo nilang dalawang mag-tiyahin.
Isang registered nurse ang kanyang Tita Sabel. Twenty-five nang una itong makatuntong sa Canada. Nagkaroon ito ng nobyo ngunit hindi rin naging maganda ang relasyon. Kaya sa huli ay nanatili na itong mag-isa. Hanggang tumagal ito sa Canada at hindi na halos bumalik ng Pilipinas. Minsan na rin ito tumulong sa kanilang pangangailangan. Kaya malaki na rin ang utang na loob nila sa Tita Sabel.
Sa edad nitong kwarenta y singko, hindi naman ito mapaghahalataang maedad na. Maputi at makinis pa rin ang kutis nito. Kung tutuusin ay papasa pa rin ito para mag-asawa ngunit mas pinili na lamang nitong mamuhay mag-isa.
Tinanghali na siya ng bangon, wala na rin ang kanyang Tita Sabel. Nag-grocery daw ito at saka pumasok sa trabaho, nag-iwan na lang ng note sa fridge.
Inabot ng isang linggo ang tila bakasyon ni Julie, ikinuwento rin niya sa Tiyahin ang mga nangyari na ikinalungkot naman nito. Ipinasyal siya nito sa iba't-ibang parte ng Vancouver. Namili na rin siya ng mga personal niyang kakailanganin. Natuto rin siyang magluto na sa kalaunan ay nagustuhan na rin niya.
Hindi na rin niya problema ang trabaho dahil may kakilala itong nagpapahanap ng caregiver.
Iniayos muna ni Julie ang kama bago tumungo sa hapag. Kinakabahan siyang talaga dahil ngayon ang unang araw na makikilala niya ang pagtatrabahuan niya.
"Don't worry, Julie. She is a Filipino that married a Canadian guy. Hindi ko lang sure kung marunong managalog ang anak niya. Anak kasi niya ang aalagaan mo."
"Okay lang po iyon, Tita. Medyo kabado pero mas okay na ito. Gusto kong magpaka-workaholic, mas madaling paraan para makapag-move on."
"I guess you're right."
Isang beses pang humarap si Julie sa salamin bago tuluyang tumungo sa taxi na maghahatid sa kanya sa bahay na pagtatrabahuan niya.
Hindi na niya inabala pa ang Tiyahin na sumama. Kakayanin naman niyang mag-isa ito.
Tiningala ni Julie ang kabuuhan ng malaking bahay. Mayaman nga siguro ang Pinay. Napakaswerte sa napangasawa.
Nag-door bell muna siya at nang makita ang mukha niya na rumehistro sa camera, kusang bumukas ang malaking gate. Kung nakakamangha sa labas, mas lalong nakakamangha sa loob at nakakalula ang ganda ng bahay at tanawin na naaabot ng kanyang mga mata.
It feels like Paradise. That best describes it.
"Hello. I am Julie Mae Balmaceda."
"Please wait here," sabi ng babae. May katarayan ang mukha at mukhang hindi naman Canadian.
Mula sa hagdan ay bumaba ang isang babae na maipagkakamali niyang kasing edad niya.
"Please sit down, hija."
"Hello."
"Isabella already talk about you. Call me Miss Amy."
The maid serve the juice. Mabilis niyang kinuha iyon at ininom.
"Kaya mo bang mag-umpisa ngayon?"
Bigla yata siyang nabulunan at mabilis na hinagod ang sariling dibdib at pilit na ngumiti. "O-Of course."
Dinala siya ni Miss Amy sa isang kwarto. "Katabi nito ang kwarto ng anak ko, in case he needs anything. Pihikan ang anak ko, so you should be aware of that. He throw tantrums almost. And I don't want to explain further it makes my saliva wasted." Iniabot nito ang isang folded paper. "Just read that, understand and memorize. Walang tumatagal na nurse sa anak ko and I'm not also hoping that you are. Anyway, you just have to guide him, feed him and make him drink his regular medicine. "
"O-Okay."
"At ang pinakamahalaga sa lahat, ayaw kong magkaroon ng additional sakit sa ulo. You know what I mean, Julie."
"Yes, Ms. Amy."
Mabilis na binuksan ni Julie ang papel at inumpisahang basahin. Sana lang makabisado niya iyon ng isang araw.