Chapter 3

3119 Words
SA LOOB ng halos mahigit tatlong taon nilang pagsasama ay wala siyang nakitang mali o pinagdudahan man lang ang pagmamahal ng binata sa kanya. In fact, pinayagan siya ni Karlo na kumuha ng care giving course for six months. Ito pa nga ang tagasundo sa kanya kapag tapos na ang klase. Kahit nawawalan sila ng mas mahabang oras sa isat-isa ay hindi ito naging dahilan para pag-awayan nila. Next, next week is our third year anniversary. Saan mo gustong pumunta?! sigaw nito habang minamaniobra ang motor. Siya naman ay nakakapit ng mahigpit sa katipan. Sa totoo lang ay wala siyang gaanong ideya. Noong unang taon ay nagtungo sila sa Enchanted Kingdom at hindi siya masyadong nag-enjoy dahil mahiluhin siya. Kamuntik pa ngang sumuka siya sa nasakyan nila. Ang ikalawang taon naman ay nagtungo sila sa Taguig, kung nasaan ang grand canal. Sa Bangka sila nag-celebrate ng second anniversary, naglatag ng maliit na cake, champagne at ilang lobo para sa kanilang selebrasyon at lahat ng iyon ay ideya ni Karlo. Ngayon ay ideya naman niya ang hinihingi nito. Inihinto nito ang sasakyan saka bahagya siyang tinapik. Nakarating na tayo sa inyo, my love. Bumaba na rin siya. Bumaba din ito ng sasakyan at iniayos ang jacket niya. Ilang buwan na lang ay pasko na. Kaya malamig na masyado. Palagi kang magsuot ng mainit sa katawan na damit at huwag kang magpahamog, bilin sa kanya ng binata. Karlo.. Ayaw ko lang na magkasakit ka. Mahal magkasakit at masyado ka ng mabigat kapag binuhat kita, saka ito tumawa ng mapang-asar. Okay na sana kung hindi lang nakakaasar ang dinudugtong nito. About sa tanong mo, lets go to Tagaytay, Babe. Thats a good idea Babe. Kaya lang baka mapulmunya ka. Sige. Magdala ka ng makakapal na damit, pupunta tayo ng Tagaytay. Sanay na siyang si Karlo ang palaging gumagawa ng mga surprise events para sa kanya. At aaminin niyang mas masaya ang surprise kaysa alam mo na ang mangyayari. Walang thrill. Mas pinili nilang Babe na lang ang tawagan para simple lang at walang komplikasyon. Pero mas madalas siyang tawagin nitong My love. Dahil daw mas komportable ito. At kapag palagi nga silang magkasama ay hindi niya maramdaman man lang na tumitingin ito sa iba. Dahil tanging siya lang ang tinitingnan nito. Ilang araw ang nakararaan nang dumating na man ang magandang balita na hindi talaga inaasahan ni Julie. Matagal ng naisipan nila ni Karlo ang magtayo o mag-franchise ng cart ngunit hindi ka kayanin sap era lalo pa at isang taon na lang ay ga-graduate na sa kolehiyo si Threestan. Kinukuha siya ng kanyang Tita Sabel, ang nag-iisang kapatid ng kanyang ina para magtrabaho sa Canada. Sulit ang anim na buwan niyang training at pag-aaral ng care giving. Sa wakas ay makakapag-abroad na siya. Matutugunan na lahat ng pangangailangan nila at makakapag-ipon na rin siya ng pera para sa business na naiisip nilang magkasintahan. For the benefit of their future, hindi na sila mahihirapan sa pera. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Julie?" "Oo naman, Ma. Bakit parang kayo ang hindi sigurado?" balik tanong ni Julie sa ina. Hindi man sabihin ng kanyang ina ang totoo, ramdam niyang malungkot at nag-aalala ito. "Paano kayo ni Karlo?" "Ma, tanggap 'yon ni Karlo. Supportive kaya 'yon. Hatid sundo nga niya ako noon sa School n'ong nag-aaral pa ako." Pero ang totoo ay hindi nga niya alam kung paano sasabihin ang balitang ito. "Alam na ba ni Karlo?" Tinulungan na ni Julie ang ina na maghimay ng sitaw para sa Pakbet na lulutuin nito sa kanilang panghalian. Day off niya nang sandaling iyon at bukas ay tutungo na sila sa Tagaytay ni Karlo. "Hindi pa po. Sasabihin ko rin, hindi muna ngayon." Pinatay na ni Julie ang kalan nang maamoy na luto na ang sinaing at iniayos ang lamesa. "Magandang tanghali po, Tito." Narinig ni Julie na bati ni Karlo sa kanyang ama. "Nandito na ang Son-in-law!" sigaw ng kanyang Ama na nasa salas. Ugali na ng kanyang nobyo na bumisita at makikain tuwing tanghalian saka sila lalabas para sa date. Pero dahil aalis sila bukas ay kailangan nitong magpaalam sa mga magulang niya. Nagningningan ang mata ng nobyo nang makita ang inihain nilang mag-ina. Nauna pa itong umupo kasunod ang kanyang ama. "Ang sarap naman ng adobong baboy at pakbet. Tiyak si Tita ang nagluto. Asa pa ako kay Julie, sunny side up nga yata hindi niya mape-perfect-- Aray! Ba't mo naman ako pinalo ng kutsara?" reklamo nitong nang masapol niya ito sa ulo. "Lasunin kaya kita nang manahimik ka. Tulungan mo kaya si Mama." "Grabe ka sa'kin. Pasalamat ka, mahal kita. Ako na nga ang tagahugas tuwing tanghalian. Hinay-hinay lang ang pagbatok anak, sige ka, baka maalog ang utak niyan at mahimasmasan at makalimutan ka, pagtatanggol ng kanyang ama sa binata. Pinandilatan niya ng mata ang binata nang kumampi ang ama rito at hindi sa kanya. Pa naman! Kita nyo nga at nagrereklamo pa." "Joke lang naman. Ito na nga tatayo na." Nasa dining table na ang kanyang mga magulang. Sila na ni Karlo ang magkasama sa kusina para kunin ang mga baso at juice. "Na-miss kita," hayag nito. Napakurap na lang siya nang mabilis siyang nakawan nito ng halik sa pisngi. "Huwag ka ngang maharot! Nandito ka kaya sa bahay namin. Mamaya magalit pa sina Mama at Papa kapag nakita ka. Huwag na lang kaya natin ituloy ang Tagaytay anniversary. Kinakabahan ako sa iyo eh. Huwag ganon, Babe. Almost three years na tayo, wala ka pa ring tiwala sa akin. Im just mocking around, you know. Basta pabawiin mo ako mamaya ha." Sabay kindat at nagpatiuna na sa dining table. Sabay-sabay na silang kumaing magpamilya at kasama ang kanyang nobyo. Naging masaya at magana ang tanghalian, bida na naman kasi ang alaskador at magaling sa kalokohan niyang nobyo. Laking makulit, pilyo at pasaway, iyon din ang madalas ikwento nito sa hapag na pinagsisimulan ng tawanan. Nga po pala Tito, next week na kasi ang anniversary namin ni Julie my love. Balak ko po sanang dalhin siya sa Tagaytay para doon mag-celebrate. Mabilis na iling ang ginawa ng kanyang ama. Oo naman! Basta seryoso ka sa anak ko at maayos kang nagpaalam. Wala akong tutol. Maliban sa palagi kong bilin sa inyo. Hindi pa oras para gawin ang gawaing mag-asawa. Kiss at hug lang muna. Kapag nakasal na kayo, hinding-hindi ko na kayo paaalalahanan o pipigilan. Pa! Wala naman po kaming ginagawa ni Karlo. Never been touch pa rin po ang anak nyo. Ngumiti ang kanyang ama. Nakikita ko naman na iginagalang ka talaga nitong si Karlo. Dahil kapag nalaman ko lang talaga, naku! Mata mo lang Karlo ang walang latay, pananakot ng kanyang ama. Tumawa na lang si Karlo na halata namang takot sa ama niyang malaki ang katawan kahit may edad na. Lalabas po kami ni Julie. Ibabalik ko rin po siya kaagad bago magdilim. Labis na natutuwa siya sa katipan na wala siyang maipintas dito. Kahit kailan ay hindi ito nagbalak ng masama sa kanya dahil daw hihintayin nito ang araw ng kasal nila. At iilang lalaki na lang ang katulad ni Karlo. Natapos na ang tanghalian. Bumalik naman ang kanyang ama sa barangay na ilang minuto lang ang layo sa bahay nila. Habang abala sa paghuhugas ng mga plato ang binata, siya naman ang pag-aayos niya sa sarili para sa date nilang dalawa. Kinatok ni Karlo ang pinto ng kwarto ni Julie. Tapos na siyang magbihis nang pagbuksan ang nobyo. "Ang ganda-ganda naman ng future Misis ko," puri nito na hindi inilalayo ang tingin sa kanyang mukha. "Ba't ka ba nandito? Labas ka na nga! Makita ka pa nila Mama," natatarantang sabi niya habang panay ang tingin sa likuran nito para tiyaking walang ibang taong naroon. Itinulak nito pasara ang pinto, nilapitan siya at dinama ang kanyang pisngi. "Mawawala 'yang lipstick mo. Mag-lipstick ka na lang ulit," panunuya nito na may binabalak na naman. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito hanggang siilin siya nito ng halik. Their tongue unites as if they were separated for a long time. "K-Karlo.." pigil niya sa pagitan ng halikan nila. "Huwag na kaya tayong umalis. Wala rin naman tayong privacy. I just want to taste that lips of yours." Pinalo niya ito sa balikat habang nakayakap sa baywang niya ang kamay nito. "Baliw ka talaga." "Pa-last then lalabas na ako." "Nasa lips mo na ang lahat ng lipstick ko." "Kiss me, para mabawi mo." With the blink of an eye, Karlo claims again her lips in a fiery sensation. Nangingiti na lang si Julie nang tuluyan ng lumabas ng kwarto si Karlo. Siguro kung simula pa lamang na alam niyang si Karlo lang pala ang magpapakilig sa kanya ng husto at magpapatalon sa puso niyang natutulog, hindi na sana siya nag-alinlangan. Sakay ng motor nito, dinala siya ni Karlo sa isang cinema sa Ortigas, para mas malapit lang daw at makauwi sila ng maaga. Mas maganda ang ambiance, medyo matao pero alam niyang safe. Safe dahil hindi sila makapagsosolo ni Karlo. May tiwala siya kay Karlo ngunit minsan ay alam niyang nagpipigil lang din ito tuwing nakikita at nakakasama siya. Hindi dahil ayaw niyang magtiwala kay Karlo, mayroon lang talagang instances na parang hindi pa niya lubusang kilala si Karlo kahit pa umabot na sila sa tatlong taong relasyon. Sigurado na siya kay Karlo at ramdam niyang sigurado na rin ito sa kanya. Ngunit hindi pa rin niya magawang ibigay ang sarili sa nobyo, hindi dahil wala siyang tiwala rito. Kundi dahil pinanghahawakan pa rin niya ang kapirasong papel na kasal sila nang bukal sa loob niya iyong ipagkaloob. Alam ni Karlo kung gaano siya ka-conservative maging ang pamilya niya at alam niyang ginagalang iyon ng binata. Sa tagal naman nila ay hindi pa rin naman nito binabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, ni hindi rin nito kailaman hiniling kahit na alam niyang may pangangailangan din ito bilang lalaki. Sapat na rito ang halik at yakap. "Dito na lang tayo manood ng sine. Maraming horror movies ngayon sa cinema. I know you love horror that much. Maganda raw 'yong 'Coming soon', Thailand horror, gusto mo ba iyon?" Is it okay for Karlo to stay that way for a long time? What if, time will come and he has something to meet and willing to give those he needs? What if he'll break her because of that? What if.. Napuno na ang isipan niya ng 'What if'. "Julie!" Kung hindi nito tinawag ng malakas ang pangalan niya, hindi na yata siya makababalik sa realidad. Realidad na hindi pa nangyayari ang mga bagay-bagay na iniisip niya ngunit posibleng mangyari. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik. Ang layo ng iniisip mo," puna nito sa kanya saka siya ininspeksyon. "O-Okay lang ako." "Alam kong hindi ka okay. Com'on. Anong bumabagabag sa iyo?" Iniyuko muna niya ang ulo saka sinalubong na ang tingin nito. "Saka na lang natin pag-usapan. Manood na lang muna tayo ng sine." Sa buong oras nila ng panunuod sa sinehan, tahimik lang si Julie. Doon pa rin ang isipan. Nagtitilian na ang mga tao sa paligid, siya naman ay tahimik pa rin at puno ng agam-agam ang isipan. Gusto na niya itong tanungin tungkol sa bagay na iyon ngunit inuurungan yata siya ng dila niya ngayon. Hindi nga niya namalayan na natapos na ang palabas at silang dalawa na lang pala ni Karlo sa loob ng sinehan. "Julie, let's go." Bumiyahe na sila pabalik sa bahay nila bago pa man magdilim ng pahintuin ni Julie ang motor nito sa tapat ng Mini-Hotel. Bumaba siya ng motor at dumiretsong pasok sa loob. Nag-inquire at dumiretso sa room na binagay ng receptionists sa lobby. Sinundan lang siya ni Karlo at nang makapasok na siya sa loob, ito na ang nagsara ng pinto ng kwarto. "Julie.. Ano ba ang ginagawa mo?" Tumayo si Julie sa tapat ni Karlo at inunti-unting inaalis ang botones sa suot na blouse. "Ibinibigay ko na ngayon, Karlo." "What?" Agad pinigil ni Karlo ang mga kamay niya. "Are you out of your mind! Ba't mo ba ito ginagawa?" "Ayoko lang mawala ka sa 'kin, Karlo. Paano kung iwanan mo 'ko at ipagpalit sa iba?" Niyakap na siya ni Karlo ng mahigpit, siya naman ay napaiyak. "Hinding-hindi kita iiwan o ipagpapalit sa iba dahil ikaw lang ang pinapangarap ko, Julie. Igagalang kita hanggang makasal tayo. Lalaki lang ako, oo natutukso pero para sa 'yo handa akong magtiis at maghintay." Lalo siyang napahagulgol sa mga hindi inaasahang maririnig niya kay Karlo. "Karlo.." WALANG binanggit si Karlo na kahit ano sa mga ginawa niya o napag-usapan nila. Karlo was the right guy she'd cherished the most. Ang alok na lang siguro nitong kasal ang hihintayin niya. Lumipas ang ilang araw at malapit na ang third year anniversary nila, isang araw na lang. Sinamantala na ni Julie na magtungo sa Mall para bumili ng regalo para sa nobyo, nag-off siya ngayon. Ngunit nagpaalam siya sa nobyo na huwag siyang sunduin o ihatid ngayon dahil may mahalaga siyang gagawin para ma-surprise sa bibilhing niyang regalo. Navy blue is his favorite color, sigurado siyang magugustuhan nito ang bibilhin niyang relo na may navy blue strap para sa nobyo. Matapos mabili sa Mall at maipabalot dumiretso na siya sa Agency para kunin ang noo'y nilakad niyang visa. Isasabay niya sa anniversary nila ni Karlo ang pagbanggit niya tungkol sa pag-aabroad. Araw na ng anniversary nila. Sigurado si Julie na may paandar na naman ang nobyo. Nang makarating sa Tagaytay ay dumiretso sila sa Hotel Gardens kung saan gaganapin ang kanilang anniversay. Late pa nga siya ng kinse minutos sa napag-usapan nilang oras ng biyahe nila, ang sabi kasi nito ay magbaon siya ng evening long gown para mas romantic, kamuntik pa nga niyang maiwan ang regalo niya sa nobyo. Matapos iwan siya ni Karlo sa isang de luxe room ng Hotel Gardens upang makapagbihis at makapagpalit ng damit ay lumabas na rin siya. "Ms. Balmaceda?" Tumungo siya sa babaeng tumawag sa kanya na nakauniporme ng staff ng Hotel Gardens. Hindi niya inakalang tutup arin ng nobyo ang inasam niyang romantic experience sa Hotel Gardens, Tagaytay. Isa ito sa five star hotel na dinarayo dahil abot tanaw ang Taal at ibang magandang tanawin sa mga bintana ng bawat room. Ipinangalan iyon mula sa Garden na kinuha ng tema mula sa mga garden ng palasyo na parang paraiso. "This way, Ma'am," sabi ng staff. Suot niya ang three-fourth sleeve gown na kulay Maroon at may slit sa tagiliran, samantalang ang itaas na bahagi ay medyo covered at v-neck ang style. Nagliliwanag ang paligid mula sa maliliit na ilaw na nakasabit sa mga bulaklak at damong korteng puso. Pinaghalong pula, asul at puti ang kislapan ng mga ilaw mga paborito nilang kulay. Kaagad niyang nakita ang round table na may dalawang upuan. Sa likuran niyon ay ang salitang 'Happy third year anniversary' na ginawa ng mga maliliit na ilaw. Dahan-dahan siyang nilapitan ni Karlo na naka-tuxedo pa. Muli na naman yata siyang na-in love sa hitsura nito. Inilapit nito ang kamay para anyayahan siya sa round table. Naupo si Julie katapat si Karlo. 'Time I've been passing time, watching sea birds fly. Reaching there would be.. Someone waiting home for me. Now it's telling it might be you. Yeah it's telling me it must be you. All of my life.' Habang tumutugtog ang theme song nilang It might be you, ay giniya naman siya ni Karlo para kumain. Nang buksan ni Julie ang nakatakip sa mesa, puminta sa mukha niya ang labis na pagkagulat. Hindi niya akalaing, may plano na nga ito. At ang sorpresang inaasam niya ay matutupad na. "Happy third year anniversary, Julie. Alam kong masyado pang mahaba ang lalakbayin natin. Masyado pang malayo ang patutunguhan ng relasyon nating ito but I want to settle down with you." Lumabas sa kinauupuan si Karlo at lumapit kay Julie. Mangha at nagniningning ang mga mata na nakatingin kay Karlo habang dahan-dahan itong lumuluhod. "Sa harapan ng pamilya mo at sa Mommy ko. Gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal at gaano ko katagal na maging kabiyak ka. I want to share all my heart and the rest of my life. Because it was you, it was you all along I cherished and loved the most. Please, Marry me." Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita ang sariling pamilya na naroon din at nanonood sa kanila kasama pati ang Mommy nito na mula Singapore ay nagkaroon ng video call. Hindi naman nabigo si Karlo nang pumayag si Julie. Their engagement happen in a blink of an eye. Masyado ng na-overwhelmed si Julie kaya hindi na rin niya naalala ang importanteng sasabihin tungkol sa pag-aabroad. Matapos ang proposal at engagement party, pinag-isipan ding mabuti ni Julie kung isasabay ba ang dapat ay masabi niyang pag-aabroad. Ngunit mukhang kailangan talaga niyang makahanap ng tamang timing. Para masabi ang bagay na iyon. Nagpasya na sina Karlo at Julie na palipasin pa ang ilang buwan bago sila makasal tutal naman ay sigurado na sila sa isa't-isa. Linggo na ang lumipas, nasa apartment siya ni Karlo at bitbit ang mga wedding magazine. "Babe, may dala akong magazine saka itong pizza. Alam kong favorite mo ang Hawaiian." Nakaupo ito sa Salas at parang tulala. Nilapitan niya ang nobyo. "Babe, may problema ba?" puminta ang labis na pag-aalala sa muka niya nang makitang maputla ito. "W-wala. Kailangan ko lang sigurong magpahinga." Iniayos ni Julie ang higaan nito at hinayaan na munang makapagpahinga. Sa salas na siya natulog para mabantayan ang nobyo. Kinabukasan ay siya na ang naghanda ng almusal, dumiretso na rin siya pauwi sa bahay, nag-iwan na lang siya ng sticky note sa mesa. Noon ay ito ang palaging may sticky note, ngayon ay siya naman ang bumabawi. Nang sumunod na araw ay sinorpresa ni Julie ang nobyo, nagpunta siya sa trabaho nito. At mukhang siya ang nasorpresa nang makita si Karlo na nakalabas na ng building at patungo sa SUV na may kasamang babae. Sigurado si Julie na walang kamag-anak si Karlo at walang kaibigang babae na ganoon kung makalingkis sa boyfriend niya. At bakit may ibang babaeng lilingkis sa boyfriend fiancé niya? Siya ang fiancé at siya lang ang may karapatan sa binata. Itinago niya ang sakit na naramdaman. Kung kailan malapit na silang ikasal ay saka pa siya nito pagtataksilan. Bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang nito ginawa bago mag-propose sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD