Chapter 9

2428 Words
PINILIT makawala ni Julie sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Wade. "Kailan mo pa ako niloloko?" nanggigil na tanong ni Julie habang hindi na naiwasan ang pagguhit ng mainit na likido sa kanyang mga pisngi. "I didn't mean not to tell you about having my sight back." Kailan pa kaya ito nakakita? At ang mas pinagtakhan niya ng husto, bakit hindi nito sinabi na nakakaintindi ito ng tagalog. "You understood me?" "Yes. I also grew up in the Philippines." "You mean, every word of mine?" "Yeah, maybe." "At hindi ka nagsabi sa akin? Hinayaan mo akong.. magmukhang tanga." Hindi na napigilan ni Julie ang luhang sunod-sunod na kumakawala sa kanyang mga mata at ang pumipiyok na tinig. "Kailan ka pa nakakita?" "The day that my parents visited me." Napahampas ng sariling noo si Julie. Disappointed and disgusted. "Well.. I don't have a reason to stay here." Pilit na kinalas ni Julie ang kamay nitong unti-unti ring lumuwang. Patakbo niyang nilisan ang lugar na iyon. Bakit ba siya umiiyak? Bakit ba siya nasasaktan? Dahil ba nagkabalikan na si Wade at ang fiancèe nito o dahil hindi ito nagsabi na nakakakita na ito at pinagmukha siyang tanga? Naalala niyang bigla ang ginawa niya. Wade seen almost everything about her. Si Wade din pala ang may pakana kung bakit hindi na niya mahagilap ang picture at sulat na iniwan sa kanya ni Karlo. Pinakialaman nito ang gamit niya. He was playing a dirty trick para lang makalimutan niya si Karlo. Umuwi siya ng bahay ni Wade at inumpisahang iempake ang mga gamit niya. Wala na ring dahilan para magtagal siya sa bahay nito, wala na siyang silbi sa mata ng ina ni Wade at wala na siyang pakialam pa ngayon sa binata. Magkakanya-kanya na sila ng buhay. Walang tao sa bahay ni Wade dahil abala ang lahat sa birthday nito. Mag-isa lang siya roon. Bumili siya ng regalo para dalhin sa binata at sorpresahin ito pero siya pa pala ang nasorpresa. "Masaya ako para sa 'yo, Wade," labas sa ilong na bulong niya habang bitbit ang bag at ang maleta. Dahil ang totoo ay may kirot at nasasaktan siya sa hindi niya alam na dahilan. "Damn you, tears.. Bakit ba kayo panay labas?" Hindi naman siya dapat umiyak. Dahil lang ba na pinagmukha siyang tanga ni Wade ay kailangan na niyang iyakan? What is the hell wrong with her? Or it might be... Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. Hindi siya naniniwala. Ngunit taliwas naman iyon sa dikta ng kanyang puso. Nagpara siya ng cab papunta sa kanyang tiyahin. Doon ay malaya siyang umiyak. Umiyak na hindi niya alam ang tunay na dahilan. Kinabukasan... Namamaga ang mga mata ni Julie nang datnan siya ng tiyahin. Umupo sa tabi niya ang tiyahin para pagaanin ang kalooban niya na nakatulong naman. "Kailangan mo munang timbangin ang damdamin mo, Julie." May ideya na siya na alam na ng tiyahin ang dahilan ng pag-iyak niya. "Alam kong kamamatay lang ng Fiancé mo but it doesn't mean na isasara mo na ang puso mo. There are so many good man in the world." Umayos ito ng upo habang kinakausap siya. "Nagkataon lang na hindi ko pa iyon natatagpuan dahil hindi pa ako handa. You know love is a risk and regret. It's either you'll risk or regret it." Ginagap nito ang kamay ni Julie. "Might choose the first than regretting everything without trying, right?" Dahan-dahan siyang tumango bilang pag-sang ayon. Walang mali sa sinabi nito. Puno ng pag-asa at katotohanan. "Hindi naman dahil magmamahal kang muli ay kinalimutan at hindi mo na minahal ang nakaraan. You know he's still always in your heart," dagdag pa nito. Inayos na ni Julie ang sarili nang sa kalaunan ay para siyang natauhan. Hindi na dapat siya makialam sa buhay ni Wade. Matanda na ito at may pribadong buhay. Nakaalis na ang tiyahin para sa pagpasok sa trabaho. Siya naman ay nagsimula ng mag-ayos. Babalikan niya si misis Parkson para sa huli niyang bayad sa kanyang pinagtrabahuan. She wear her hair in ponytail, not looking fresh but making sure she's not a mess than yesterday. She dialled mrs. Parkson's number for their meeting. "Nagpapasalamat ako sa naitulong mo para sa anak ko. He likes you a lot. There is so much things he mentions about you. Don't worry, I will gladly recommend you to my friends whom in need of carer." She forced a smile. "Thank you po." Kinamayan pa niya sa huli ang ginang matapos makuha ang huling bayad. Pauwi na siya sa bahay ng tiyahin habang mabigat parin ang kalooban. May parte sa kanyang sarili na gusto pang puntahan si Wade para makapagpaalam ng personal. Which is hindi na pala kailangan. Dahil ang taong iniisip niya kanina pa ay naroon at nakatayo na ngayon sa harapan ng pinto ng bahay na tinutuluyan niya. How long he was waiting there? We'll wala siyang ideya. "What the hell are you doing here?" He's wearing a casual white polo shirt and a faded jeans. Too much outfit for a visit. Maaliwalas ang mukha nito, liban sa mata nitong parang hindi nakatikim ng matinong tulog. He's in a messy hair na akala mo ay tinakbo nito ang highway para lang mapuntahan siya. "Can we talk inside, if you don't mind?" At the back of her mind, she minded. Ayaw niyang papasukin ito dahil baka hindi siya makatiis at madala siya nito sa nakakapanghalina nitong anyo. At ang nakakaakit nitong tinig na kulang na lang ay maniwala na siya sa kainosentehan nito kuno sa mga nagdaang araw. Tahimik na binuksan niya ang pinto ng unit na tinitirhan at hindi ito sinasagot. "Have a sit. What do you want? Coffee or juice?" Pasimple siya nitong pinasadahan saka sumagot, "You. I want you back." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig sa pitsel sa loob ng ref. Nakayuko ito nang bumalik siya. Inilapag niya ang tubig sa center table. "Since you don't ask anything, I hope water will do." "Are you still angry?" tanong nito pagkaupo niya sa bakanteng sofa sa tapat nito. "Half yes, half no." "I know, I'm such a jerk. I'm sorry if you think I did lewd behavior in purpose." Ramdam niya ang kasinserohan sa mga sinasabi nito. Naalala pa pala nito ang mga bagay na hindi dapat nito nakita dahil nagpanggap itong bulag. "Then, why did you do it? Bakit hindi mo sinabi sa akin ng maaga?" "I was. Believe me, I want to. But.." Napatingin din siya sa malamlam nitong mga mata at hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Nag-iingat din yata ito sa bawat salitang bibitawan, umiiwas na masaktan siya. "Because I don't know where my feelings for you started. All I know is it was more than like. And I'm afraid, you'll leave me. And what I started to do may come to worst." "Then, you should never come here." Gusto na niyang tampalin ang sarili dahil sa pagpapanggap at pagtatago niya ng kanyang tunay na damdamin. Sumikdo ang puso niya at biglang nanikip ang dibdib. "I an glad, you recovered. What I did doesn't mean anything. I'm just your carer nothing more than that, sir. Wade." Pinilit pa niyang pormalin ang boses para hindi mahalata ang tunay niyang nararamdaman. "I know. And I'm sorry about being me like this, hiding that to you. If it's hard for you what I said. Then forget it." Damn it, Julie! Nagpapakatanga na talaga siya. May kinuha ito sa tabi. Hindi yata niya napansing may bitbit ito kanina. "This is your deceased boyfriend's frame and letter. Sorry for acting weird and pitty." Tumayo ito at didiretso na sana sa pintuan palabas nang lingunin siya. "I know, I can't changed him in your heart but I wish like what you did to me, you'll also be healed. Thank you for everything you've done to me, miss Julie Mae Balmaceyda," puno ng kapormalang paalam nito sa kanya. "Congrats to you and your Fiancèe." Gusto niya itong hilahin pabalik at bawiin ang lahat ng sinabi niya. Kung bakit kasi dinaig pa niya ang torpeng lalaking nanliligaw? Nasobrahan pa yata ng atras ang dila niya at hinayaan si Wade na umalis. Or else nalunok niya ang ibang parte ng kanyang dila kaya iba ang lumabas. Hinihiling ng kabilang dulo ng naalog niyang utak na sana ay bumalik ito, mag-u turn patungo sa kanya. Ilang segundo.. Ilang minuto.. Hindi nito ginawa. Hindi nito narinig ang mumunting tinig ng pagsusumamo ng kanyang utak. "SIGURADO ka bang hindi ka mahihirapan?" tanong ng kanyang tiyahin bilang paniniguro sa bago niyang ike-carer. Isang buwan na rin siyang nagpahinga at nabakante. Isang Canadian nurse na kaibigan daw ng tita Sabel niya ang nagreto sa kanya para alagaan ang isang matanda. Inaasa na lamang ng pamilya ng matandang babae sa caregiver ang lahat ng pag-aasikaso at pag-aalaga para dito. She look sad though she can't tell what's inside her pero ramdam ni Julie na gusto pa nitong makasama ang sariling pamilya na tumalikod dito dahil kanya-kanya ng sariling dahilan para iwasan itong alagaan. Julie felt sadness and sympathy for the elder. Dinaig pa ng matanda ang naulila. This is the same feeling of being alone. Ganito na ang kalakaran sa Canada. Sa edad na disi-otso ay umaalis na sa poder ng kani-kanilang magulang ang mga bata at pinipilit ng buhayin ang sarili. Wala ng ibang inaasahang magulang kundi ang mura nilang isipan at katawan. Ganoon din ang mga matatanda, ang iba ay dinadala sa orphanage for elders, ang iba naman ay pinapakuhaan ng caregiver. May mangilan-ngilan na willing alagaan ang sariling mga magulang. May iba na ginagawa ang mga nauna. Kumpara sa Pilipinas na may tinatawag na 'close family ties', dito ay hindi uso. Iba't-ibang kultura at paniniwala. Julie gaze once again at the elder woman who looks sad. She aged a lot, from seventy five, tila nais na ng pamilya nito na mawala na siya para hindi na alagaan. Kitang-kita pa niya sa mata ng matanda na ayaw pa nitong mapalayo sa pamilya nito. Nilapitan ni Julie ang matanda. "Hello, Granny Cassandra or Cassy. Suits you better." Dinama niya ang kulubot na kamay ng matanda at pinisil-pisil. Naalalang bigla ni Julie ang kanyang yumaong lola sa katauhan ni lola Cassandra Humington. "Yes tita. I'm fine with it,"sagot niya sa tiyahin. Matapos makapagpaalam ng tiyahin na sinamahan pa siya, itinuro ng apo ni lola Cassy ang tutuluyan niyang kwarto. Walang iba kundi sa kwarto nito na may extra bed na malapit sa kama ng matanda. Malaki naman ang espasyo ng kwarto. Ipinaliwanag ng apo nito ang mga gagawin at kung paano aalagaan ang matanda. Wala namang sakit ang matanda, masyado lang umedad na kaya marami ng bagay ang hindi na nito kayang suportahan mag-isa. Hindi na nga rin ito nakakakilala ng mga kamag-anak. Umusbong na ang pagkaulyanin nito. Mula sa mga gamot, diaper, damit, pagkain at mga gamit ay siniguro ng apo nito na kumpleto ang lahat ng pangangailangan ng matanda. Conservative at mitikolosa ang apo nito, sa kabila niyon ay ramdam niya ang kabaitan nito. Ibinigay din nito ang rules and regulations ng bahay. Si Martina na apo nito ay hiwalay na sa asawa, ang dalawa na lang nitong anak na puro babae ang nasa malaking bahay na halos kanya-kanya din ng kwarto. Libre naman siya sa paglabas-labas basta ligtas ang matanda at hindi mapapabayaan. Bawal nga lang na umabot ng mahigit bente minutos lalo na kapag matanda ang usapan. Hindi naman siya mahihirapan dahil nakapag-alaga na siya. Bigla tuloy sumagi sa isipan niya si Wade. How is he doing now? Is he good? Baka nga ikakasal na ito. Sooner or later. Mukha ngang nakamove-on na rin ito sa kanya. Anyway, wala namang dapat na i-moved on dahil wala namang namagitan sa kanila. Carer and patient relationship, that's all. Weekly ang bigay sa kanya ng sweldo, hindi naman kataasan pero hindi rin naman mababa. Sapat lang para may maipadala si Julie para sa pag-aaral ng kanyang kapatid at tulong na rin sa mga magulang. Isang beses tuwing linggo ang rest day, Sunday. Unti-unti namang nakabisado ni Julie ang mga gagawin at ang mga bagay na kailangan ng matanda. Hindi naman siya maho-home sick, dahil para sa kanya, ituturing niyang kapamilya ang matandang inaalagaan. Tatlong buwan na rin ang matuling lumipas. Sa ganoong tagal ay nakakabisado na niya ang ugali ng matanda. Bago lumubog ang araw ay naipagpaalam na ni Julie ang matanda na ilalabas para makita nito ang ganda ng paligid. Aliw na aliw pa nga siya nang makita ang kislap sa mga mata ng matanda. She's in assurance, the elder like it a lot. "Let's go na, Granny. Night is coming," sabi niya sa matanda habang tulak-tulak ang wheelchair nito na kung minsan ay ayaw nitong maglakad. "No. I don't. Cas stay here," pagmamaktol pa nito na tinutukoy ang sarili. Napabuga na lang ng hangin si Julie. Kakailanganin na naman niyang utuin ito para mapapayag. Nagtagumpay naman siya nang makapasok na sila sa gate ng bahay. "Julie, dear. We'll going to attend a wedding party today. Cathriese who's a friend of mine will be having her wedding." Sumikdo ang puso niyang parang sinipa ng kabayo. That name rings a bell. It was really familiar. Tinanguan na lang ni Julie ang apo ni lola Cas na nagpaalam sa kanya at nagbilin na isara lahat ng pinto at huwag ng lalabas pa ng bahay. Nakatulog na ang matanda, si Julie ay puno pa rin ng agam-agam ang utak. Saan nga ba niya narinig ang pangalang Cathriese? If she's not mistaken, it was the same name with Wade's fiancèe. Oh yes, bakit nga naman hindi maaari? Ikakasal na sila. Ang bilis. Good for him. Mukhang tuluyan na nga itong liligaya. But at the back of Julie's mind still hoping na sana ay ibang Cathriese ang naipagkamali niya. Hindi naman sa ayaw niya itong lumigaya. Umaasa lang naman siya na balikan pa siya nito. Na imposible nang mangyari dahil hindi na nga siya nito tinawagan, kinontak o kinumusta man lang. Masaya na nga talaga ito sa pagpapatuloy ng buhay nito. Pinalis ni Julie ang luhang biglang bumasa sa kanyang pisngi. Mukhang naka-move on na siya kay Karlo ngunit iba ng lalaki ang laman ng isipan niya ngayon. Kagaya ni Karlo.. Alam niyang makaka-move on din siya sa naunsiyami niyang pag-ibig. That will be the end of her story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD