FINALE:
ISANG taon ang matuling lumipas..
Hindi na namalayan ni Julie na nawala at natapos na pala ang isang taon. Hindi na siya naho-home sick, at nasasanay na siya sa poder ni lola Cassandra. Tinanggap na rin niya ang anumang kapalaran niya. Hindi na kasi niya nagawang pigilan ang kasal ni Wade kay Cathriese. She just wish all the best for both of them.
Tulak-tulak ang wheelchair ni Lola Cassandra ay hinayaan niyang pagmasdan nito ang papalubog na araw. Pumasok na rin sila sa bahay, sa kalaunan.
Napamahal na sa kanya ang matanda na naging mabait din naman sa kanya. Hanggang sa hindi niya inaasahan ang nangyari nang magising siya sa sigaw mula sa kwarto nito.
Patay na ang matanda.. Namatay sa katandaan at hindi na lumaban pa. Agad rumagasa ang luha sa kanyang mga mata. Bukas na kasi ang kaarawan nito. Bumili pa naman siya ng scarf para rito. Lahat na lang yata ng inaalagaan niya ay nawawala sa kanya.
Dinala ang bangkay ng matanda para sa embalsamo.
Mula sa ospital kung saan malapit na pinagdalhan para sa embalsamo ay may hindi siya inaasahang makita. Of all places in Richmond, Canada. Oo nga pala, ang mundo ngang malaki ay nagkakatagpo pa, rito pa kaya sa Canada.
Wade is magnificently stood in the front of a patient door. Parang walang nagbago rito for the past few months. He still good looking. His alluring eyes and stares is inevitable. Mukhang marami ang nabago sa hitsura ng binata. Lalong kuminis ang mukha nitong naging mamula-mula. Nag-firm din ang panga nitong medyo natatabunan ng mangilan-ngilang bigote at balbas. Saka lang din niya napansin ang cleft chin nito. He was more wonderful than she've seen him and remembered before. Broader chest, firmer and stronger masculine fit.
Iiwas pa sana siya, too late, he saw her.
"Julie?"
"H-Hi. How are you?"
Nakangiting nilapitan siya nito. "It's been a long time. You're still pretty."
Maiksing ngumiti siya. "Thanks. You do the same. How's your wife? And why are you here?" Napasulyap siya sa pinagsandalan nito.
"I'm here with my Mom. She's in bed rest because of over work. Fatigue. And.. I'm still." Binitin pa nito ang karugtong sa ere. "Single."
Napapantastikuhang napatingin siya sa binata. Ang alam niya ay nagpakasal na ito.
"I thought you are married to Cathriese Paddleton."
"Yeah, she's married but not with me. Because.. I'm still waiting for the person who's ready for a chance."
Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng apo ni lola Cassandra na si Martina at pinapasunod na siya.
"I'll be going now, Wade. Please give my regards to your mom and nice seeing you again." Crap, Julie. You want to see him more again. Ngunit hindi naman iyon kumawala sa bibig niya.
Tumulong na si Julie sa paghahanda para sa burol ng matanda. Isinuot pa nga ni Julie sa leeg ng matanda ang scarf na binili at binati ito ng mahinang happy birthday at goodbye.
Hindi rin niya makakalimutan ang kabaitan ng pamilyang nagbayad sa kanya sa halos isang taon niyang pag-aalaga sa matanda. Sino ba ang mag-aakalang aabot pa pala ng isang taon ang matanda?
Nauna na si Julie na umalis sa burol. Nagtungo siya sa bahay ng mga Humington at kinuha na ang mga gamit niya matapos siyang mabayaran ng huling bayad.
Pabukas na sana siya ng main door ng unit ng tiyahin nang may humawak sa braso niya. Naamoy niya ang panlalaking pabango, his familiar scent was captured her nose that she couldn't stop inhaling it.
"Can we talk for a moment if you don't mind?"
Wade is there. Sinundan ba siya nito o hinintay siya sa lobby? Hindi yata niya napansin ang presensiya nito.
Nabuksan na niya ang pintuan at hinayaan itong makapasok.
"Julie.." She can't admit that she miss him calling her name.
"Do you want coffee, tea or juice?"
Nakatayo lang itong nakahagod ng tingin sa kabuuhan niya. Nagpakulay nga pala siya ng buhok at pinakulutan iyon. She found admiration in his eyes.
"Just water." Hinintay niyang sumagot ito ng 'you' na hindi na yata mangyayari.
Kumuha lang siya ng tubig sa fridge at nagsalin sa baso saka inilatag sa center table.
"Upo ka. Kumusta ka na pala?" She tried not to shake her voice. Kailangan niyang kumalma para hindi mapansin ang excitement sa boses niya na makita itong muli.
"I'm doing good. I expanded additional branch somewhere in Richmond. And I'm planning visiting Philippines. I just want a company, if you don't mind."
Pormal na ang pakikipag-usap nito na parang nakikipag-business deal sa kanya. Wala man lang bang 'I miss you?'
Asa ka pa, Julie. Ikaw ang nang-iwan 'di ba?' sita pa niya sa sarili.
"Julie.. Amm.. Did you finally move on. I mean, how are you this few months?"
Naupo na siya sa tapat nito. "I'm good. Yeah, a little. Nakakalimutan ko na siya. Taking care of others help me at eased. May napagkakaabalahan na kasi ako. Ikaw ba? Did you find another lover?"
Unti-unti ring naging kaswal ang pag-uusap nila.
"I haven't. Because there still a woman lingering on my mind. And now that I've seen her, I will not let her go."
"Oh you do. Ang swerte naman pala niya." Hindi niya maialis ang pait sa tinig.
"Yeah. I guess and I'm planning to marry her if she'll let me."
Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit nandito ka at ako ang inaaya mo sa Pinas? Hindi ba siya magseselos?"
"Will you get jealous to your self, Julie?"
Kuminis ang noo niya at napatda sa sinabi nito. Ibig bang sabihin ay siya ang tinutukoy nito? "What? Ano bang sinsabi mo riyan?"
"Are you still single? I guess yes, since Martina talk a lot about you."
Napasinghap siya sa narinig. Ibig palang sabihin ay kasabwat nito ang apo ng inaaalagaan niya o ito mismo ang nagbigay sa kanya ng trabaho?
"Wade.. Tell me the truth, I've got the job done because of your help?"
Tumango-tango ito. "Because I can't let out a sight of you, Julie. It really bothers me. Pinasakit mo ang ulo ko."
Bigla siyang natawa sa accent nito. Trying hard sa tagalog but cute.
"Gusto kita ligawan like what the Philippines did. Courting the girl they like."
Kailangan pa ba niyon? Magpapakipot pa ba siya? Aba, siyempre naman.. Isa pa rin siyang dalagang Pilipina.
"So.. Will you go with me, visiting Philippines?"
"How about your Mom?"
"My Dad is taking care of her. She's in safe hands."
Tama na ang pakipot, Julie. This is it na. Binalikan na siya ng naunsiyami niyang pag-ibig.
THE SUN'S RAYS in the Philippines brought Julie on her senses as she awake that morning. She was finally back. Nakarating siya kahapon ng hapon at sinorpresa ang pamilya sa pagbisita niya habang tulala ang mga ito nang makita ang kasama niya.
Hindi pa rin kasi makapaniwala ang mga ito at parang namamalik-mata. Animo ay nakakita ng multo nang mapansing kamukha ito ni Karlo. Oh, well, siya man ay hinimatay pa nang makita si Wade sa pag-aakalang buhay pa si Karlo at nasa anyo lang ni Wade. Ngunit napag-alaman niyang magkaiba pa rin ang dalawa. Alam na niya iyon nang makasama niya ito.
Sa kwarto ni Threestan nila pinatuloy at pinatulog si Wade. Sa Master's bedroom naman natulog si Threestan.
Nakaligo at naka-ayos na siya nang lumabas mula sa kwarto. Siya man ay hindi makapaniwala nang abutan ang mga ito sa malawak nilang lamesa. They were having a good conversation, while everyone can't help but laugh.
"Ikaw naman, anak. Hindi mo sinabing napagkamalan mo pala siyang bata," tatawa-tawa pang sabi ng ina ni Julie.
Nakalimutan nga pala niyang ikuwento sa mga ito ang engkwentro nila ni Wade. Kaya si Wade na mismo ang buong detalyeng nagkwento sa kanila. Nahihiya man ay pasimpleng ngiti na lang ang ibinigay niya sa masayang kwentuhan ng mga ito.
"Hindi mo sinabing may nobyo ka na pala," biglang sabi ng kanyang ama.
Napamulagat si Julie sa narinig.
"No, sir. I'm not yet her boyfriend not unless she'll answer me right away and I'll get approval from you and your family."
"Napakabait naman pala nitong si brother-in-law, ate," singit pa ni Threestan habang puno ang bibig.
Matapos ang masayang almusal ay nagpaalam na si Wade na maghahanap muna ng inn na puwedeng tuluyan para hindi na sila maabala.
Doon lang tila nakahinga ng maluwag si Julie. Hindi dahil nandoon ang presensiya nito, kundi dahil ayaw niyang palagi siyang napag-uusapan.
"Kumusta na ang puso mo, Anak?" mayamaya ay tanong ng kanyang ina.
"Hindi pa ho ako nagsasabi kay Karlo."
"Karlo wouldn't mind. Alam kong maiintindihan ka niya."
"How about her mom?"
"Magiging masaya iyon sa iyo. Hindi mo naman siya in-law para pakialaman ang buhay mo." Ginagap pa ng kanyang ina ang kanyang palad. "You are on your right age, Julie. Alam mo na kung ano ang nakabubuti sa iyo. Sa tingin naman namin ay okay si Wade. Halata nga lang na parang patay na patay siya sa iyo."
Biglang nag-init ang pisngi niya sa naririnig. Kinikilig ba siya?
"Tandaan mo, ikaw lang ang makakapagsabi kung handa na ang puso mo. Kahit pa hayaan o pigilan ka namin, nasa iyo parin ang desisyon. Magkagayon man, iga-guide ka lang namin ng papa mo."
Buong pusong niyakap niya ang Ina. Sa lahat ng nakakaunawa, pamilya niya ang higit na may alam sa nararanasan niya.
Nakabihis na si Julie para tumungo sa puntod ni Karlo. Maybe there is a second time for her love life experience. Hindi naman masasabi kung gaano ka katagal magluluksa o magmo-move on. Dahil ang mahalaga ay kung kaya mo ng bumitiw at pagbuksan ang iba para sa isang pagkakataon, pagkakataon na mahalin.
Bumaba si Julie lulan ng trycicle na ikalawang sinakyan niya mula sa bus na nauna.
Pinalitan niya ang lantang bulaklak na matagal ng nakalagay sa lapida ni Karlo. Buwan na yata ang binilang niyon para mapalitan. Nasa Singapore na kasi ang ina ni Karlo, living there for good. At nasa Canada naman siya na hindi na nagawa pang bisitahin ang puntod nito.
Nagtirik siya ng puting kandila at nag-alay ng dasal saka mahinang kinausap ito.
"Kumusta na Karlo? Masaya ka na ba diyan? You leave me alone, sad and full of grief. May pagkakataong nami-miss kita. May pagkakataong naaalala ko ang tawa mo, ang ngiti mo, ang kakulitan mo. Lahat naaalala ko. Because I miss you so much, Karlo.. Alam ko namang hindi mo gusto ang nangyari pero wala eh.." Hindi na niya napigilan ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. "You know how much I love you, Karlo. Minsan nga naiisip ko kung dapat na ba akong mag-let go. Dapat na ba kitang hayaang umalis sa buhay ko?
"I'm so sorry.. Hindi ko sinasadyang dumating ang lalaking kamukha mo. Or is it your way of telling me not to let go to love? A second chance to love again. Alam mong hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa 'yo. For all time's sake. I still misses you. Your face is still lingering on my mind. Pero hindi ko na nga lang alam kung mukha mo o mukha niya dahil magkamukha kayo. Now, I'm here.. Asking for your permission. Will you allow me to love again?"
Sa hindi niya malamang dahilan, umihip ang malamig na hangin mapalit sa kanyang noo na parang may humalik sa noo niya. Naramdaman niya ang mabilis na lamig na tila dumaan sa kanya. Is Karlo there?
Napatayo siya nang mawala na ang lamig. "I love you, Karlo and I always will. Please.. Guide me, kung dapat ko bang bigyan siya ng chance na mahalin ako at mahalin siya."
Palabas na siya mula sa pinasukang sementeryo nang makita ang pamilyar na mukha. Wade was standing there waiting for her.
"Wade? Ba't nandito ka?" takang tanong niya na kinakalkal kung sinundan ba siya nito.
Sa halip na sumagot ay dinampot nito ang kamay niya at hinatak siya pabalik sa tinungo niya.
"Hi, Karlo Villaroel. I am Wade Parkson and I want you to know that I want to court this beautiful lady standing in front of you. You know how mess her life is and so I am. So, I'm actually asking permission. I'm not scared if you want to show in front of me before my eyes but I'm here to cleared out my conscience. I like her a lot. Nope.. I don't just like her because I probably love her and I will love her with all my might. Don't ask me to take care of her because I will do it in advance. I don't do promises but I do what I want to promise."
Tulalang napatitig na lang siya sa lakas ng loob ni Wade na magpaalam kay Karlo. Kitang-kita niya ang sinseridad sa boses nito na tila sumugod ito sa giyera na walang baon kundi lakas ng loob. Mukhang naintindihan naman iyon ni Karlo nang muling umihip ang malamig na hangin.
Hinayaan na lang niya ang mahaba nitong monologue na parang nakikita nito si Karlo. Well, her heart skip a bit. Wade is persistent to win her heart.
Sa kabila niyon ay hindi pa rin nakaligtas sa initiation si Wade mula sa kanyang Ama. Hindi nga lang niya akalaing kayang-kaya nito doblehin ang push-up na noon ay pinagawa ng huli sa nasira niyang nobyo.
Wade's eagerness and persuasion didn't stop him from loving her. Mukhang lalo pa ngang nahulog na ng tuluyan ang loob niya kay Wade without saying a word. At mukhang ang pamilya na niya ang sasagot ng matamis na 'Yes' para kay Wade nang makita niya kung paano ligawan nito ang pamilya niya.
Nauwi sa isang buwang ligawan ang pagbabakasyon ni Wade sa Pilipinas. Hanggang ibinigay na rin niya ang sagot na matagal nitong inaasam.
They have visited places together.
Hindi siya nagkamaling sinagot na ng tuluyan si Wade. She misses this feeling. And she felt happiness in Wade's arms. She never been contented in her life now not until she accepted that Karlo is totally gone.
Nakangiting pinasadahan ni Juli ng tingin ang pawisang si Wade. He came from jogging outside the villa they occupied this morning. Hindi na raw siya nito ginising dahil alam nitong napuyat niya ito sa walang sawang kwentuhan. Hindi nga niya namalayan na may kakulitang tinatago rin pala ng nobyo.
"Huwag kang mag-alala. Pinakialaman ko na ang kusina kahit late na ako ng gising." Iniaayos niya ang pinggan sa hapag. "Let's eat breakfast."
Dinampot ni Julie ang towel at tinulungang magpatuyo ng pawis si Wade bago sila kumain.
After their lunch. Ipinasyal niya si Wade sa Tagaytay. Ito ang huling destinasyong napuntahan nila mula sa malalayong lugar, gaya ng Palawan, Bohol, Davao, Boracay at Baguio. At inabot na ito ng tatlong buwang pananatili sa Pinas na hindi naman nito pinagsisihan.
Habang magkayakap na naglalakad at ninanamnam ang kumakagat na lamig mula sa veranda sa tapat ng taal lake, hindi maiwasan ni Julie ang mapangiti. God was still love her. And she never blame anyone for being alone for the past months kahit pa umabot ng taon dahil sinulit naman ang ibinigay sa kanya. The everything for her, Wade Parkson.
Kitang-kita ni Julie ng malinaw ang papalubog na sinag ng araw. Lalong lumamig sa oras na iyon. Napayakap siya sa sarili nang sandali ay magpaalam si Wade na may kukunin lang.
Nang makabalik ito ay may bitbit na itong paper bag. Humahangos pa ito mula sa pinanggalingan. "I bought you something. Come on, open it."
Iniabot sa kanya ni Wade ang isang paper bag na kasing laki ng lagayan ng mga accessories. Malamang ay bumili ito ng accessory sa malapit na souvenir shop.
Natawa na lang si Julie nang makita ang excitement sa mukha ni Wade. Para itong nahihiya. Hula niya ay banggel iyon o kaya ay bracelet.
Isang velvet box ang bumungad sa kanya sa loob ng paper bag. Kasabay ng pagbukas niya sa maliit na kahon ay ang pagluhod ni Wade sa paanan niya.
"I can't wait to ask you this. Marry me, Julie."
Hindi tuloy niya alam kung tatanggihan pa ba ito dahil sa paraan ng sinabi nito ay hindi tanong kundi ang walang lusot niya para tumanggi.
"Yes, of course." Patatagalin pa ba niya ang kabang nararamdaman ni Wade. Patatagalin pa ba niya ang nakikita niyang reaksyon sa mukha nito kung maging siya ay hindi na makapaghintay para maging isang Parkson?
Mabilis na niyakap siya ni Wade. Naramdaman na lang niya ang pag-angat niya sa semento.
Napababa ang tingin nito na tinutumbok ang labi niya hanggang putulin nito ang pagitan nila. Their lips met. A passionate, sensual and burning kiss.
Napagplanuhan nilang maikasal sa Pinas at sa Canada at doon na lamang manirahan sa Canada for good.
Who would know that there is still someone waiting for a person whom her heart belongs to someone else? But love is no limitation. Either you risk or you'll regret it. Hindi naman iyon pinagsisihan ni Julie Mae Balmaceda, ang future Wade Parkson. Dahil ang pagmamahal ay marunong maghintay sa taong nakalaan sa kanya.
************* WAKAS**********