ILANG beses pang pinagmasdan ni Julie ang binata. Malaki na ang ipinagbago nito kaysa noong una niya itong nakaengkwentro. He's smooth talking. Nabawasan na rin ang pagiging rude nito --in short bumabait na ito.
Kausap nito ang mga magulang na kanina lang ay grabeng magpasalamat sa kanya. Siya raw ang dahilan kung bakit ito gumaling. Well, sa tingin naman ni Julie ay wala siyang naitulong. Masarap lang talagang alagaan ang katulad ni Wade na sa kalaunan ay unti-unti na niyang natatanggap na kamukha lang talaga ito ng pamanaw niyang nobyo na si Karlo.
Naaaliw niyang tinitigan ang pagngiti ng binata. Hindi maikakailang minsan ay sumasagi sa isipan niya si Karlo. Sa katunayan ay tuwing naaalala niya ito, binabasa niya tuwing gabi ang sulat na iniwan nito then ended silently crying.
May kaunting salo-salo sa bahay nila Wade, kasama ang mga magulang nito. She was wondering why he didn't invited most of his friends and other relatives. Marahil ay mas gusto nitong manatiling lihim na lang ang nangyayaring milagro dito ngayon.
Nagpaalam na rin ang mag-asawa sa kanya na mukhang abala pa rin sa bawat business ng mga ito. Nasa terasa si Julie at pinupuno ng hangin ang baga. Nagtataasang mga puno at maiilaw na gusali ang matatanaw sa bandang kaliwa. Sa kanan naman ay ang mangilan-ngilang puno na nagbibigay ng kapreskuhan sa nalalapit na paglamig ng panahon sa Canada. Simula nang dumating siya ay hindi na niya na-enjoy ang paligid sa pamamagitan ng pamamasyal.
"Sana kasama pa rin kita ngayon, Karlo. You'll miss everything I am seeing now. Kumusta ka na ba riyan sa langit?" tiningala pa ni Julie ang dumidilim na kalangitan para silipin kung sakaling nakikinig si Karlo. "I still miss you. Hindi ko nga alam kung kailan kita dapat bitiwan. Kasi naaalala ko pa rin lahat."
The cold breeze sway on her hair and her teary eyes making it dried fast.
Napahinto sa pagmumuni si Julie nang may nabasag na kung ano sa likuran niya. Nang lingunin ay naroon na si Wade.
"Wade.. Geez! Are you alright?" Agad na ininspeksyon ni Julie kung may nasaktan ba sa binata.
"I'm fine. I didn't noticed the vase."
Inilalayan siya nitong tumayo at pinaupo sa malapit na couch.
"Did you cried?" Kinapa pa ni Wade ang mukha niya para malaman kung umiyak siya.
"I'm good. I just miss him," tukoy niya kay Karlo.
Sa mga salitang iyon ay tila biglang lumambot ang mga mata nito na parang ikinalungkot nito ang sinabi niya.
"I think.. You should try to letting go things that didn't work out."
"I know and that's my problem." Tumayo na si Julie. "I'll go downstairs and help ate Laura."
Biglang naging mabigat ang mga hakbang na ginawa niya lalo na nang marinig niya iyon kay Wade. Wala itong karapatan para sabihin sa kanya ang dapat niyang gawin. Dahil hindi nito alam kung ano ba ang pinagdaanan niya lalo pa at malaki ang pagkakahawig nito kay Karlo. She suffered a lot.
Pagkatapos mag-shower sa banyo sa kwarto ni Wade ay dahan-dahan siyang lumabas nang hindi magising ang binata. Impit siyang napatili nang matagpuan itong nakatayo.
"Ay bakla ka! My gosh! Ginulat mo ako. Why are you still awake? I thought you already sleep."
Iniayos niya ang pagkakabuhol ng tinapis na tuwalya sa taas ng kanyang dibdib.
"I can't sleep. It felt like I'm guilty for something. I can't believe, what I'm doing right now and actually talking for you and asking for what I did earlier."
Dahan-dahang napangiti si Julie. "I'm sorry," nakayukong sabi niya.
"That was my line. I'm sorry for intervening on what life you have."
"I know it's not your intention. Let's forget it. Anyway, maybe this is my last sleep into your room. I'm going back on my room since you can walk now. My presence doesn't need here."
Lumapit si Julie sa comforter, iniayos ang hinihigaan habang nakatalikod sa binata. Inalis niya ang tuwalya at ibinalot sa buhok. Dinampot ang roba at diretsong sinuot sa katawan. Bulag naman ang binata kaya wala itong makikita sa kanya.
"You should sleep and don't stress yourself."
Dahan-dahan na ring maingat na lumapit si Wade, alalay na hindi siya matapakan. "Are you still mad?"
"Go to sleep, sir Wade. Sleep well. Good night."
Naalimpungatan si Julie nang maramdamang may kamay ng nakadantay sa kanyang baywang at mainit na hininga sa kanyaang punong tainga sa likuran niya.
"Wade?"
Tulog na tulog pa yata ito at hindi sumasagot. Dahan-dahang maingat na inilalayo niya ang sarili sa nakahigang binata nang higpitan nito ang kabig sa baywang niya.
"Stay.." mahinang pakiusap nito.
Sa huli ay hinayaan niyang manalo ito. Ramdam niya ang biglang paglakas ng t***k ng puso niya na sinabayan din ng t***k ng puso nito. Magkaisa na ba ang t***k ng puso nilang dalawa?
Magsasalita pa lang sana siya nang tila nabasa nito ang dapat niyang sabihin.
"I know this is not right and I can't help myself getting close to you.. Just this time.. Let me.. "
She can't even find a word to refuse. May posibilidad kaya na may nararamdaman na rin siyang kakaiba sa binata?
Humigpit ang yakap nito sa baywang niya at mas lalo pang isiniksik nito ang ulo sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.
Bahagya niyang natigilan ang paghinga nang maramdamang sinisinghot yata nito ang amoy niya.
"Stop doing that, Wade. I don't mix business with pleasure," mahina pero buong tinig na sabi niya sa binata.
"I love your scent, Julie and I love everything about you."
Hindi niya alam kung hanggang kailan mananatiling ganoon ang puwesto nila.
Ilang minuto ang hinayaan niyang lumipas. Unti-unting lumuwang ang pagyakap nito.
"Julie.. Is there a chance that you might fall for another person and start forgetting your dead past?"
"I can't start forgetting him.. Because.. he's part of my life." Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang bumangon at lumabas na ng kwarto ni Wade. She's not safe enough with him. Pati ang pasaway niyang puso na nagsisimula ng lumukso ay hindi na rin safe. Taksil!
Nakaayos na ang pagkaing pinahanda niya at si Ate Laura na ang pinakisuyuan niyang magdala ng pagkain para kay Wade. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw pa niyang makita ang binata. Ayaw naman lumabas ng kwarto ni Wade, kaya binitbit na lang din ni Laura ang pagkain papasok sa loob ng kwarto ng binata.
Paglabas ay sinalubong siya ni ate Laura.
"Nag-away ba kayo ni Wade?"
Umiling siya. "Hindi naman po."
Nakuha na nga rin pala niya kahapon ang ilang linggong sweldo niya para sa usapang tuwing linggo siya susweldo. Maipadadala na niya sa mga magulang ang pera kaya sumingit na siya para makapagpaalam.
"Magpapadala po ako ng pera ngayon. Lalabas sana ako."
"Sure. You're not a prisoner here."
Tinanguan lang niya si Ate Laura at saka walang paalam na pumasok ng kwarto para iaayos ang mga dadalhin sa pagpapadala ng remittance.
Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Wade, na ito dapat ang una niyang sabihan. Hindi dahil masama ang loob niya simula kagabi kundi dahil sa emosyong hindi na niya maipaliwanag.
Umiiba na ang t***k ng puso niya tuwing nakikita niya si Wade. Masama na para sa kanyang kalusugan. At natatabunan na rin ng imahe ni Wade ang mga alaala ni Karlo na ibinaon niya sa kanyang isipan. Indikasyon na kaya ito na maaari na siyang magsimulang muli?
Ngunit wala pang isang taon simula nang namatay ang kanyang nobyo at hindi pa niya alam kung handa na rin ba ang puso niya.
Dumiretso siya sa tinutuluyan ng Tiyahin at kinausap ito tungkol sa usaping pang puso. Baka sakaling may maibigay na advice ang kanyang iyahin kahit pa wala itong love life.
NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim nang makabalik si Julie sa bahay nina Wade.
Madilim ang anyong sinalubong ni Wade si Julie.
"Julie? Why you didn't answer your damn phone? Where the hell are you this past few hours? Why are you late? Are you okay?" sunod-sunod na tanong ni Wade sa dalaga na halos mag-iigting na ang mga likid niya para lang ipakita kung gaano siya nag-aalala.
Oo, labis siyang nag-alala. Kung hindi man nito matanggap ang nararamdaman niya ngayon. Siya na lang siguro ang iiwas. Hindi lang niya kayang iwasan siya ng babaeng ilang araw na pala niyang hindi malimutan. The girl who made him realized he's not unfortunate at all than he was before.
"I'm fine. Sorry if I didn't answer my phone. I'm run out of battery and I—"
Marami pa yata itong nais sabihin bilang paliwanag nang hindi na napigilan pa ni Wade ang yakapin siya. She really fits on his arms and he loved every edge of this stubborn woman.
Ito na mismo ang kumalas ng yakap sa kanya na kalaunan ay pinakawalan din niya.
"Julie.. I'm sorry for my behavior. I promise, I won't go closer to you again. I let your privacy on, just don't do this thing again."
Dumating naman si Laura na sinalubong siya ng pangaral. "Goodness! Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinag-alala. Lalo na iyang si Wade. Kanina pa hindi mapakali. You're in big trouble if you didn't go home. I was glad you're safe. Next time, huwag kang magpagabi sa daan. Wade might not well manage to call the cops because of missing you."
"Laura!" banta ni Wade nang ayaw ng huminto ng matanda kasasalita. Napapahiya siya ngunit gusto niyang binibida siya ni Laura.
Bigyan kaya niya ito ng additional vacation leave sa susunod? Pampadulas.
"Let's have dinner first," pukaw niya sa mga ito.
Iniayos na ni Laura ang hapag. Himalang nais ng makisalo ni Wade simula nang tuluyang gumaling ang paa ng binata.
Tumulong na rin ang dalaga sa paghahanda na pinagmasdan lang ni Wade. The sight of her make him at eased. Hindi lang ang pag-aalaga nito ang nagpagaling sa kanya kundi ito mismo.
Kung puwede nga lang tumawad ng bakasyon para sa kanilang dalawa, matagal na sana niyang sinubukan. Marami pa siyang bagay na kinakatakot lalo na pagdating kay Julie. Ito ang tipo ng babaeng hindi niya mahulaan ang laman ng isipan at hindi rin kayang diktahan ang puso.
Pagkatapos ng gabing iyon ay tuluyan ng natulog si Julie sa sarili nitong kwarto. Mas mabuti ng ganoon ang lagay nila kaysa tuluyang layuan siya ng dalaga. At hindi pa niya kanyang ipagtapat ang totoo sa kalagayan niya. Alam na ng mga magulang niya at ni Laura. Natatakot siya sa maaaring mangyari. Siguradong babalik na ito sa Pilipinas at hindi na makikita pa.
Ang ilang oras ngang nawala ito ay labis na niyang na-mimiss, ngayon pa kaya na nag-aalala pa siya. Hindi nga lang niya alam kung hanggang kailan ang pagpapanggap na ito.
Isang gabi na lang pala ay kaarawan na niya kaya abala na ang mayordomang si Laura habang ang ibang katulong ay nasa bahay ng mga Parkson, ang mga magulang niya, kung saan gaganapin ang kaarawan niya.
Gusto ng mga magulang niya ang magarbong celebration and he kept refusing.
Nasa loob si Wade ng alcohol section, liquor and other alcoholic beverages at mag-isang umiinom. Mataas ang tolerance niya sa alak kaya hindi na mapapansin kung makailan man siya.
Gusto sana niyang isama si Julie, ngunit tumanggi ang dalaga. Sa huli ay siya ang naiwang mag-isa. Ano pa ang silbi ng selebrasyon kung wala naman doon ang taong pasasalamatan at halos pinagkakautangan na niya?
"Why are you alone here, Wade?" Si Laura na sinundan yata siya.
"There's nothing to celebrate."
"Bakit hindi mo pa sabihin kay Julie ang lahat?"
"I'm scared. She might go back from her own life and.." napahinto siya sa susunod pang sasabihin. Dahil alam niyang ang minamahal pa rin nito ang laman ng isipan.
"And what?"
"And she can't moved on from her past." Naalala niya ang litratong nakita niya sa silid ng dalaga. Para siyang may ibang kapatid, sa laki ng pagkakahawig nila. "I'm afraid that I remind her from her previous boyfriend."
Lumapit sa kanya si Laura at umupo sa tabi ng bar counter. "Julie is a good person. Everything may learned. Kailangan mo lang siyang tulungan."
"Or else, I need to let her go. If this is going to hurt her more, she's not ought to deserves that."
"I know. So, inaamin mo nang may pagtingan ka sa kanya?"
Tumungga muna si Wade mula sa baso bago sinagot ang tanong ni Laura. "I started to like her without knowing when. And I didn't even know what she'd been done, making me feel this way."
Tinapik siya ni Laura sa balikat. "Because she treated you fairly just like an ordinary person without any issues."
"Pretty good." Ngumiti siya ng bahagya.
"Drink in moderation. You still have a party to make. Baka dumating siya."
"If I tell her my feelings, what changes doesn't make?"
"It might change her mind and her heart, dear."
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Laura, hindi na niya nagawang ubusin pa ang natirang kalahating bote ng wine. Hindi na binalik ni Wade sa wine cellar ang wine, hinayaan lang niya iyon sa bar counter. May magliligpit namang katulong kapag napansing hindi maayos ang koleksyong ng mga alak ng kayang ama.
Gulo pa rin ang isipan ni Wade. He didn't know if he'll tell everything or letting Julie observes his changes.
Nagdatingan na ang mga bisita at ang hindi niya inaasahang bibisita sa kanya —si Cathy.
"Congratulations on your full recovery. I'm glad you can see now."
Humalik pa ito sa pisngi niya nang makita siya. Salubong ang matang tiningnan lang niya si Cathy at hindi ginantihan ang ginawa nito. Hindi pa rin siya nakalilimot sa nangyari at ginawa nito. It doesn't mean he'll forgive her that easy. Everything takes time.
Lumampas ang tingin ni Wade at hindi niya inaasahang pupunta ito. Her dread looks makes him uneasy. He's guilty into something.
"Did I miss something?"
"Julie, Let me explain.."