Chapter 2

3173 Words
HOW she would wish it is all a dream. Hindi naman sa hindi maaaring magustuhan ni Julie si Karlo. Iyon nga lang ay hindi talaga ang tipo ni Karlo ang type niya. She would like to love a studious person, aloof, serious, tall, dark at hindi katulad ni Karlo. Si Karlo ang kabaliktaran ng lahat ng inaasam niya sa isang lalaki. Mahilig sa barkada, makulit, puno ng kalokohan ang katawan, papasa pang Womanizer at mostly average lang ang talino. Matangkad, oo. Pero masyadong maputi at masyadong gwapo. Ayaw niya ng ganoon dahil tiyak magkakaroon siya ng maraming kaagaw sa atensyon at puso nito. She just find Karlo as nuisance, na walang alam gawin kundi ang pasakitin lang ang ulo niya. Napabuntong-hininga si Julie. Makakatulog pa kaya siya kung binabagabag siya ng imahe ni Karlo? Why suddenly Karlo's face paint in her innocent mind. Hindi na siya nag-abalang matulog nang mapansing alas tres na ng madaling araw. Nai-dryer naman ang mga damit niya at siguradong tuyo na iyon. Dahan-dahang nag-ayos si Julie at maingat na kinuha ang mga gamit. Nag-iwan lang siya ng maliit na note sa center table at binirahan na ng layas ang Apartment ng binata. Doon na sa bahay siya nagpatuloy ng tulog. Dahil tulog ang lahat, malaya siyang nakapasok at nakapagpahinga. Pahinga na mukhang walang laman ang kanyang utak. Her mind was fast in developing a mental picture about what they did in his apartment. As if a big thing occupying her mind and she can't vanish it easily. Para ngang nag-i-slow motion pa ang yugto ng halikan nila. "Ah! Ang kiri mo, Julie. Stop it." Para siyang nadidiri o kinikilig? Yeah, more on kinikilig siya at hindi nandidiri. At ang pinakanakaka-torture ay ang lasa ng halik ni Karlo, ang lambot ng labi nito sa labi niya. As if it was a meat she ever tasted in her entire life. Gad, she might going to explode soon. Nakatulong talaga ang pag-uwi niya sa bahay nila sa Ortigas, while Karlo is around Manila. At ang trabaho nila ay nasa Pasay. Dahil tanghali na siya nagising. Pasado alas dose na nang pumasok sa banyo at nakabihis na ng lumabas mula sa kwarto. "Oh, ate. Akala ko hindi ka umuwi?" Nakatingin si Threestan sa kanya na parang nakakita ng multo. "Maaga akong umuwi, alas tres y media." Maaga lang talaga siyang tumakas para hindi sila magpang-abot ni Karlo dahil sa presence na ibinigay nito sa kanya. "Ba't umuwi ka ng maaga?" Umupo ito sa tapat ng mesa. "May sakit ka? Namumula ka ah." Nag-init ang pisngi niya sa alaala kung bakit siya umuwi ng maaga. Paano pa kaya niya haharapin si Karlo sa mga susunod na araw? Binalewala niya ang sinabi ng nakababatang kapatid. Nilapitan niya ang kanyang ina na abala sa pagluluto sa kusina. Nagmano siya at humalik sa pisngi ng ina. Nakaalis na ang Papa niya na Kapitan ng barangay nila. "Akala ko pa naman at hindi ka uuwi. Kaunti lang ang sinaing ko," sabi ng kanyang ina. "Okay lang po. Kaunti na lang ang kakainin ko." Matapos kumain at mag-ayos sa hapag saka naman may kumatok sa pinto ng bahay nila. Si Julie na ang nagpatiunang magbukas ng pinto at hindi niya inaasahan ang magiging bisita. "Ikaw? Bakit ka nandito?!" bulalas na sabi niya na animo ay nakakita ng multo. It's not just an ordinary ghost that haunt her mind because of that wildest thing in his apartment. Kulang na lang ay lumabas na ang mga meteors para lang sabihing umalis ito sa kinatatayuan ng bahay nila. "Binibisita ka. Masama bang puntahan ka? Nag-alala kasi ako kung bakit nilayasan mo ako agad. Natakot ka ba sa nangya--" Hindi na pinatapos ni Julie ang kadaldalan ni Karlo. Sinugod na niya ito ng takip sa bibig. Kulang na lang ay lagyan niya ng busal ang bunganga nito para manahimik sa kadaldalan. Parang nananadya pa itong magkwento sa ginawa nila sa Apartment at ipangalandakang doon siya tumuloy. Hindi porke magkababata sila na walang pansinan noon ay mag-bestfriend na sila ngayon. Inalis ni Karlo ang kamay niya sa bibig nito. Remember, I mark you yesterday. A mark of betrothed.” Natigil siya sa sinabi nito. Betrothed? Anong ibig nitong sabihin? "Julie, sino ang bisita?" usisang tanong ng kanyang ina nang marinig ang pagbukas niya ng pintuan. "W-wala po, Ma!" sigaw niya mula sa salas. Lumabas na rin siya habang hila-hila si Karlo. Madilim ang mukhang sinalubong niya ito. "What are you doing here? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" halos sunod-sunod na tanong niya at malapit ng mataranta sa mga hinahain ni Karlo. "Matalino kasi ako, kaya alam ko," preskong sabi nito. Malamang ay hinalungkat nito ang 201 file niya at kinuha ang address niya roon. Pinagsalikop niya ang dalawang braso at tinaasan ito ng kilay. "Ano nga ang kailangan mo?" Hindi yata nito alam na hindi ito welcome sa pamamahay nila. "Dadalawin ko lang si Tita at si Threestan." "Tita? Kailan ka pa nagkaroon ng kamag-anak dito, aber?" pagtataray niya. Hindi nito sinagot ang tanong niya, dinampot lang nito ang isang basket ng prutas sa gilid ng pinto. "Ibibigay ko lang 'to then I'll go ahead." "Karlo Villaroel, kung ano man ang binabalak mo, huwag mo ng ituloy." "Kung may binabalak man ako, tiyak kong sa ikabubuti mo," paninigurado nito na hindi natinag. Mukhang siya pa ang natinag nang hayaan na niya itong makapasok. He looks like a stray cat looking for some owner ready to taking care of him. "Ma, may bwisita po," naiiritang sabi niya pagkapasok sa main door. Mabilis namang lumabas ang ina. "Hello po. Officemate po ako ni Julie. Karlo Villaroel, at your service po," magalang na pakilala pa nito. Akala mo lung sinong mabuting tao. Saksakan naman ng presko. Inirapan lang niya ang pagiging presko nito. Kung sa Mama niya ay posible itong pumasa, ewan na lang niya sa kanyang ama na dating resigned army at isa na ngayong magiting na Kapitan ng barangay. "Julie, ipagtimpla mo ng maiinom ang bisita." Ano ba naman kasi ang nainom ng preskong ito at naisipan pang dalawin siya? Kung kinuha nito ang address ng bahay nila, dinamay na rin sana nito ang number niya para naisipan na lang nitong i-text or tawagan siya. Iritang napabuntong-hininga siya. Sarap buhusan ng kumukulong kape. Kapag kay Karlo talaga, nag-iinit ang dugo niya sa inis. Simula noong makapasok ito kung saan siya nagta-trabaho ay wala na itong ginawa kundi ang mam-bully at inisin siya. Kulang na lang ay may nakasulat na salitang 'Bully' sa noo nito at may arrow na nakatutok sa kanya. How she would love to kick his a** and put him in a trash bin. He's like a trash.. littering anywhere she's looking at. Muli niya itong pinaikutan ng mata. Kating-kati na siyang madaliin ang pagtitimpla ng kape. Sarap na sarap talaga siyang instead of inumin nito ay ibuhos na lang niya sa bumbunan nito ang kapeng iyon. Baka dumulas pa kasi ang bibig ng binata. Tila gusto nga niyang lagyan na lang ng lason ang iinumin nito nang matahimik na ang mundo niya. He was good at nothing.. Except for the kiss thing. NAPASIMANGOT na lang si Julie dahil simula ng nagpunta sa bahay si Karlo, wala ng bukambibig ang Mama niya kundi ito. Kung bakit naman kasi naipasa pa nito ang sixty push-ups na hinanda ng ama sa kung sino mang nagbabalak manligaw sa kanya. Sana kasi Armalite na lang ang pinasabog sa bumbunan nito kung puwede, nang matauhan. Todo iwas siya sa binata nang mga sumunod na araw. Parang hindi ito nagbago, ganoon pa rin- mahilig mang-asar at mang-inis sa kanya. At kahit pa saan siya tumingin o pumunta palagi itong nakasunod at parang palaging may marka ng anino nito sa likuran niya. Karlo might just joking that day and never meant a kiss has a feeling and meaning. But that wasn't the case, because Karlo is just really love to annoy and mock her as if there is no tomorrow. Ang naiwang isang buwan nitong pang-iinis, pakikipagmabutihan at panggugulo nga sa tahimik niyang buhay ay nagkaroon talaga ng epekto lalo na nang ma-aasign ito sa isa nilang branch. Ghad. She actually miss him. Mukhang hindi na niya maitatanggi na unti-unti na palang nasira ang bakod na iniharang niya at nabuksan na nito ang nakakandado niyang puso. Julie doesn't even know when, it was just suddenly she change how she look at Karlo. She change her perspective about him and admit or deny it, she miss the Karlo she uses to know Nagkaroon ng kulay at kahulugan hanggang namalayan na lang niya ang sariling nahuhulog na sa binatang isinumpa niya noon. She always remembered a teen saying na walang taong masasaktan kung walang taong pa-fall. And she's at fault! Binibigyan niya ng meaning ang lahat ng ginagawa nito. She started to have Karlo in her dictionary. Hindi naman niya nakitaan ng malisya ang pagkakasabi nito noon, puno pa nga ng pag-aalala ang mukha nito at bahagyang namumula kung paanong hindi niya namalayang nagtatapat na ito ng nararamdaman para sa kanya. That USB is like a bomb threat to her heart. Nasa kanya pa rin pala iyon at hindi pa nalalamanan ng hinihingi nito. She played the censored video he mentioned months ago. Napatakip siya ng bibig nang mapanood iyon. That censored video is really censored, but not literally. Siya lang ang na-censor pati ang puso niya. "T-totoo ba talaga 'to?" Hindi makapaniwalang ilang beses niyang inulit sa sarili. Pakiramdam ni Julie ay iniwanan siya ng kanyang kaluluwa sa napanood. He was there on the video, talking silly things. Playing her innocent heart. Sitting on the sofa singing in acapella then talking afterwards like she was there. She played it again, baka sakaling maunawaan niyang muli. 'Sabi ko naman sa iyo, bawal buksan at panoorin. Since ginawa mo na ang bawal. Wala ka ng kawala sa kamay ko.' Then he sang the song and pictures of her came in the screen. 'Julie.. Alam kong naiinis ka sa'kin. Sagad hanggang buto pa nga yata. But I want you to know that I did it for you to notice me, to make you notice me. I did hundreds of silly and incredible things to you. Too late to realize I'm fallen hard. Kasalanan mo talaga 'to eh. You make me fall for you. Dahil ikaw ang tipo ng babaeng mahirap i-please and it became challenge for me na sa una ay akala ko hanggang doon lang. Kaya pala sabi nila huwag mag-iinvest ng feelings sa fling. Ito na pala ang resulta 'non. Wala eh, marupok pala ako. Ngayon ko lang na-realize how fool I am. When I first time saw you crying, I told to myself na hindi na ulit kita aasarin ng malala. Because you're too vulnerable, fragile and I can't take it that I'm that person.. That hurted you, ang nagpaiyak sa iyo, I became an asshole. I'm sorry for what I did. Can I ask you again? Can I court you for real? Can I take your pain away? Can I be your knight and shinning armor? Can I be your Prince Charming? And Can I be your boyfriend, your first and be your last? Don't worry, I'll give you the time to think about it. And I'll be a good boy for you. I like you so much, Julie Mae Balmaceda. So please.. give me a chance to prove what I can do for you that I'm not just good in words and in bed.' Then he wink after the last message. Doon lang nalinawan si Julie nang ipagtapat na ni Karlo ang totoong dahilan ng pambubully nito at pagpapapansin sa kanya. Naging manhid nga lang yata siya at hindi napansin ang papalipad-hangin ng binata. Hanggang unti-unti na palang naging pareho na ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Just to finally realizing and denying it several times. Karlo got her. She is also fallin. That was the odd thing ever happened to a human being's life. Kung kailan wala na ang isang tao, saka lang pala malalaman ang tunay na halaga nito. Julie just thought it is harder for her. Lalo pa ngayong malayo na sila sa isa't-isa. Pero kung gusto ka talaga ng isang tao, gagawa at gagawa ito ng paraan para puntahan at makita ka. Just exactly what Karlo is doing now. After her work, Karlo came to her rescue, bago pa man bumaha ng luja ang main office nila. He's there to pick something valuable to him. "Looks like I miss everything a lot. May naiwan ako rito," nakangising sabi nito. Napaangat siya ng ulo sa nagsalita. He was there standing on the other side of her table. At ang nagpaikot ng mga mata niya ay nang gumawa na naman ito ng nakakahiyang eksena. "K-Karlo, what are you doing?" "Sorry, Julie. Pero hindi na ako makapaghintay pa. Will you be may girlfriend?" Nakaluhod ang isang paa nito habang may bitbit ng mahabang box ng Toblerone. "Karlo! Ano na naman bang kalokohan 'to?" Naiinis pero tinatago ang kilig na nararamdaman niya ngayon. Of all woman.. Hindi naman siya maganda. Tamang makinis lang ang maamo niyang mukha pero hindi mala commecial model o mala artista ang dating niya. If she would stand in the middle of the crowd, no one can notice her. But maybe there is always one and last person can pick a person in the middle of the crowd, and that is him, Karlo Agustino Villaroel. Napukaw ang pag-aalala niya nang mapansin ang ilang pares ng mga mata na nakatingin at sumisigaw na sa kanila sa loob ng Employee dining area. Kung saan pinili niyang maupo at palipasin ang ilang oras para hindi siya lalabas ng rush hour. "If you would be my girlfriend, then I will be in heaven. Then I can do anything, stand on my head and say.. Hey! Hey! You were my girl!" Mukha talaga itong sira o parang siya yata ang masisiraan ng bait. Umakyat pa ito sa mesa at pakanta-kanta pa ng isa sa paborito niyang mga boy band noon 90's. "Julie Mae, sagutin mo na. Good catch naman 'yan si Karlo!" sabi ng ibang naroon. Hindi niya napansing parami na ng parami ang mga naroroong mga kapwa empleyado na nakikiusisa na rin sa ingay sa loob. "Good guy." "At hindi na babaero!" "At--" Natigil ang mga ito nang tapunan niya nang masamang tingin. Mukhang kinuntsaba pa ni Karlo ang mga officemates para sa pasabog nito. "Tumayo ka na nga diyan." Dinampot ni Julie ang usb na dapat ay matagal na sana niyang naibigay ngunit nang umalis ito ay nakalimutan na rin niya. Malala na talaga pati ang saltik hindi ng utak niya kundi ng puso niya. Mas lalo kasi siyang nahulog sa kalokohan ni Karlo nang mapanood niya ang video sa usb na ginawa nito. Binuksan niya ang isang folder na 'Censored kuno'. Nabigla siya sa napanood. At hindi kaagad mag-sync in sa utak niya ang mga iyon. Para siyang nag-hang at bumagal ang koneksyon. Video ni Karlo ang naroroon na kumakanta ng 'If you were my girl ng A1, ang sandamakmak niyang pictures na hindi niya malaman kung kailan nito kinuhanan at paano. At ang pagtatapat nito ng tunay na damdamin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mai-inlove sa pa-effort ng isang Karlo Villaroel? Two words, one video. Kinuha niya ang chocolate. "Buksan mo na." Mukhang mas atat pa ito. Ikasisira kaya iyon ng ngipin niya. This is the first time and he was the first man who court her. Ito lang naman ang malakas ang loob kumpara sa mga lalaking umaali-aligid sa kanya noon. Dahil nga mailap siya, kusang sumusuko at umiiwas na rin sila s kanya. Kaya nanatili siyang single sa mahabang panahon. Hindi niya akalaing dinadaan lang pala ni Karlo ang lahat sa pang-aasar, pagpapapansin para tuluyan itong mapalapit sa kanya at effective naman. Hindi naman pala chocolate ang laman ng karton ng Toblerone lalo na at magaan iyon. Isang white-gold pleated necklace na may dalawang dolphin na inarko para maging puso ang posing ng mga ito. "Nahirapan akong maghanap niyan, kaya tinawagan ko si Mommy na ihanap ako ng ganyang style sa Singapore," sabi nito na sobrang taas ng tingin sa sarili dahil proud na nakahanap ng ganoon. Nag-ulap ang mga mata ni Julie at kusang kumawala ang mga luhang hindi na niya naitago. "I love you, Julie Mae Ordeña Balmaceda. Uulitin ko, will you be my girlfriend?" Ano pa ba naman ang hahanapin niya kay Karlo? May matatag na trabaho, promoted na kasi ito bilang HR Supervisor sa isa nilang branch, kaya pala ito nalipat. Simula rin ng tumambay ito sa bahay nila tuwing weekend at nagpunta sa bahay para guluhin ang takbo ng utak ng mga magulang niya ay nanligaw na talaga ito at hindi niya akalaing ngayon nito lalagyan ng malaking effort ang panliligaw sa kanya. May magagawa pa ba ang malambot niyang puso? Niyakap niya ang nakaluhod na si Karlo at binulungan sa tainga. "Yes." At ang tado, kunwari ay hindi narinig para lang iparinig niya sa lahat na sinasagot na niya ang pilyo at makulit na Karlo Villaroel. Ibinulang na nga niya dahil nakakahiya, pero wala talaga itong awa. Naglulundag ito sa sobrang tuwa at mabilis siyang niyakap at ninakawan ng mabilis na halik sa labi. "Wala kaming nakita!" pang-aalaska ng mga katrabaho nila. "Sagot ko na ang dinner n'yo!" Tuwang-tuwa ang ilan sa mga katrabaho ni Julie na kasabayan niyang nag-overtime. Mukhang may pinatunguhan ang sabwatan. Nakapag-solo na sina Julie at Karlo. Those pair of his eyes shone brightly like ever before. "What are you thinking?" pukaw niya sa pananahimik nito at nakamasid lang sa buo niyang mukha. Ngumiti ito na halos ikapunit na ng labi nito. Then his hands went on her cheek and caresses her there. Naramdaman niya ang hininga nitong unti-unting lumalapit. Hindi ang lamig ng hangin ang nagpabilis ng t***k ng kanyang puso kundi ang lapit ni Karlo sa kanya na hindi pa rin siya nahihiyang. Nasa labas na sila ng Restaurant, sa parking area kung nasaan ang motor nitong naka-park. "K-Karlo--" Bago pa niya ito pigilan, napag-isa na ang labi nila. Naramdaman niyang humagod ang kabilang kamay nito, naglalakbay sa likuran niya at dahan-dahang pumapasok sa bawal na lugar. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa hubad niyang likuran nang tuluyang sumuot iyon sa blouse na suot niya. Sinamantala nito ang pagpasok ng dila sa pagsinghap niya. At kagaya sa una nitong halik sa kanya, naliliyo na naman siya, liyong parang idinuduyan siya sa hangin. That kiss is amazing and he was proven it all along. But his move is a No-No! She is still a Maria Clara woman not ready to give-in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD