CHAPTER 2

1769 Words
“Aalis na po, ako. Mauna na po ako sa inyo. Pasensya na po, kailangan ko po kasi ang pumasok sa trabaho. Maiwan ko na po kayo dito." bigla niyang naisip na magpaalam na sa mga kapitbahay nila at sa Papa niya na busy pa sa pakikipagkwentuhan sa mga kumare at kumpare niya. Naisip niya na may pasok pa nga pala siya ngayon. May natanggap din siyang email mula sa corporation na mayroon siyang bagong ta-trabahuhin. May natanggap siyang trabaho. Ayon sa corporation ay kailangan ng serbisyo niya ng isang negosyante. Isang mayaman na negosyante ang nakakuha at nagbook sa kanya. Kaya kailangan niyang puntahan… ayy mali pala. Iintayin pa pala niya ang tawag nito dahil sa wala naman nakalagay na address sa ibinigay na mail sa kanya. Kahit phone number ay wala. Bigla tuloy siya nagtaka. Napaka misteryoso naman ng bago niyang kliyente. Kahit pangalan nito, napaka misteryoso. Sa tingin niya ay hindi ito tunay niyang pangalan. And nakalagay sa note. Nabasa niya lang sa baba ng email. “Wait for your client. Until he called." ikinatawa niya, misteryoso nga. Gaano kaya siya kayaman? Bakit kahit pangalan nito ayaw sabihin o phone number wala? she whispered. “Napaka aga naman ng pasok mo? Saan ka ba pumapasok? Nagtatrabaho ngayon?" “Ako po ba? Wag niyo na po itanong. Baka puntahan niyo pa ako… Nakakahiya." aniya pabiro kay Aling Alice. “Ikaw na bata ka! Palabiro ka talaga." aniya na sagot nito. Tugon sa kanya ng nakatawa din. “Kaya nga, pilosopo pa itong si Madonna, kaya kung minsan ayaw ko magtanong sa kanya. Paano, imbes na sagutin ka! Pilosopo na sasagot sayo at babarahin ka pa incase na ikatuwa niya yung tanong sa kanya." natatawa na kwento ni Aling Ising habang umiinom ng tubig. “Yaan niyo na, kasi itong si Madonna. Bakit ba kasi palagi niyo nalang siya tinatanong? Kinukulit niyo pa. Hayaan niyo na itong bata na kung saan siya nagpupunta, tanungin nyo pa saan nagtatrabaho. Mano na hayaan niyo nalang mahalaga ay nagagawa niyang matulungan ang pamilya niya at nagagawa rin na niya na pag-aralin, ang mga Kuya niya. Saan pa kayo makakita ng batang gaya niya na very responsible sa pamilya?" singit ni Mang Jude sa dalawang kapitbahay nila na siyang tatawa-tawa nalang din matapos na magsalita ni Mang Jude. “Salamat po, Mang Jude. Kayo talaga taga pagtanggol ko sa kanila. Lagi nalang po kasi nila ako inaaway. Nakita niyo po, ohh! Mga itsura nila… Pinagtatawanan pa po ako ooh!" aniya na pabebe niyang sabi. Natawa naman siya ng balingan ulit ang dalawa at sitahin. “Ikaw talagang bata ka! Umalis ka na nga! Pasaway ka talaga!" pabiro na pahayag ni Aling Alice sa kanya. Na tawa na lang din si Madonna. “Joke lang po! Kayo naman talaga! Napaka mga pikon." aniya na kinatawa niya na napahagikhik sa tuwa sa nakasimangot niyang kapitbahay. “Sige na po, aalis na po ako. Wag na po magalit, joke lang po talaga!" nakanguso at nakangisi na sabi niya pahayag sa dalawang kapitbahay. Lumakad siya at lumapit sa mga ito at niyakap niya. “Kita niyo na, malambing pa itong si Madonna. Ano pa hahanapin nyo?" anito na bulalas ni Mang Jude. “Oo na, sige na at baka malate ka pa sa work na bata ka!" bulalas na pahayag ni Aling Ising nang magawa siyang ipagtabuyan paalis na. “Salamat po, Aling Ising. Love you po." malambing niyang sabi. “Bakit si Aling Ising lang? Paano naman kami?" aniya ni Aling Rose. Nakatingin pala ito at nakaturo kay Aling Alice. “Love you din po." aniya na sabi at nag flying kiss pa si Madonna. Tawanan silang lahat. Lahat ng mga kapitbahay nila na nandoon pa rin sa labas ng bahay nila. “Pa, alis na po ako. Yung gamot niyo po, inumin niyo at wag niyo kalimutan." pahayag niya na nagpapaalala sa kanyang ama. “Oo, 'di ko po malilimutan. Eh, kahit wala ka dito. Marami na Madonna ang makulit na naiiwan." nguso sa mga nagtatawanan na kapitbahay. “Dapat lang po!" pabalik niyang tugon sa Ama. “Sige po, aalis na ako." Humalik na siya at saka dinampot ang gamit n'ya. Papasok muna siya sa part-time job niya habang naghihintay ng tawag mula sa bagong kliyente niya. Ayy, saka siya napatingin sa orasan niya. Saka lang din niya naalala. Mayroon pa pala siya trabaho sa last client niya. Huling araw na siya ngayon dito at ngayon din niya, makukuha ang panghuling bayad nito sa kanya at maging ang bonus nito sa kanya na ibibigay ng client niya sa mahusay na service ni Madonna. Ang sakit pa naman masampal! Aniya na kinatawa habang napahawak sa kabilang pisngi ng masampal iyon ng ex-wife nung client niya. She acting as her new wife para lang pagselosin ang dating asawa nito na bigla nalang iniwan siya at pinagpalit sa iba. Ang nais ng kliyente niya ay ipakita sa dating asawa na mas worth it siya sa bagong lalaki na pinagpalit sa kanya. Hay, masakit kaya ang maiwan ng walang dahilan. she whispered habang naglalakad patungo sa labasan. Pero mas masakit talaga yung sampal sa akin ng asawa niya. Ang sakit kaya, lumalagapak at bumakat sa pisngi ko. Magkabila pa naman. natatawa niyang pahayag habang bumubulong at naglalakad. Okay lang sa work niya. Sa pa-patapos niya pa lang na kliyente. Magaan lang ang work niya dito. At lalong hindi ito mahigpit o masyado na maraming hinihingi. Unlike sa other clients niya na nauna dito. Although halos lahat ng mga naunang client niya sa Wife Corporation. Malaki magbigay ng tip. At ito ang nagustuhan niya kung bakit nawiwili siya sa pagkuha ng mga kliyente sa corporation. Hindi naman kasi mahirap ang trabaho. Nagpapanggap lang naman siyang asawa ng mayayamang negosyante na madalas na kumukuha sa kanya. Buti na lang talaga at may ganda siya. Kundi ay siguro baka walang kahit isa ang magbook at kumuha sa kanya. Mabenta ang ganda niya kumpara sa taong nag-aya sa kanya na pasukin ang trabaho sa wife corporation. Nung una ay nagdalawang isip pa siya. Although, parang ayaw niya. Naisip niya nung una na baka hindi niya kayanin ang kanyang magiging trabaho. Lalo na at kailangan niya ang magpanggap na asawa ng mga kliyente na makukuha niya. At sa loob pa ng tatlong buwan. Ang saklap! Nagulat talaga siya sa rules ng mabasa n'ya. Maliban doon ay may mga ibang rules pa ang corporation. Nasa contract naman iyon. Nakalagay. Mababasa. Malapit na siya sa may sakayan. She expects na sa huli niyang misyon. Ang pagpapanggap niya na asawa ng kliyente niya ay may possibility na magkaroon ng magandang results. Napangisi na naman si Madonna habang inaalala ang nauna na kliyente niya dito. Hindi rin masyado matrabaho ang ibinigay nito sa kanya. At matapos ang kontrata niya dito. Malaki ring halaga ang nakuha niya maliban sa bayad nito sa kanya naman serbisyo sa loob ng tatlong buwan. Kaya nga nakakaipon pa siya maliban sa nabayaran nya ng full tuition fee ang dalawa niyang kapatid. At nabilihan niya ng mga gamot for maintenance ang kanyang Papa. Dahil sa mga pera na nakuha niya at kinikita sa pagtatrabaho sa corporation. Malaki na rin ang naipon niya at plano niya pasukin ang isang negosyo once na kumita pa siya ng malaki sa kanyang racket. Hindi biro kasi ang kailangan niyang puhunan. Kaya kailangan niya ang kumayod ng mabuti. To make sure na may mai-pang umpisa siya sa business niya. “Papasok ka na ba? Madonna, saan punta mo?" tanong ni Alfredo. Kapitbahay din niya pero may ilang bahay ang layo sa bahay nila. “Oo eh!" tugon niya. “Ganun ba! Halika, sumabay ka na." pang aalok nito sa kanya. Bumabyahe kasi ito nang tricycle. “Naku, salamat." aniya na naging masaya at napangiti ng sobrang lapad. Wala pa rin kasi ang dumadaan na jeep. Meron man ay punuan. Kailangan niya makarating sa kabilang kanto at duon umiikot ang mga jeep kung saan… Once dumating sa kanila at mapa-daan matapos umikot. Puno na agad ng pasahero. Kaya, malabo na makasakay siya agad. Lalo pa naman na ganito na nagmamadali siya upang pumasok sa part-time job niya. Mamayang gabi pa naman ang work niya sa kliyente niya. Buti nga at hindi niya kailangan ang magstay sa bahay nito upang gampanan ang kanyang trabaho. Malaya pa siya makakapasok sa ibang mga part-time job niya. Kaya naman mas nakakaipon pa siya. Hindi pa nga lang ganun kasapat upang mapunan ang kailangan niyang pera. Kaya hindi siya tumitigil sa paghahanap buhay. “Sakay ka na!* alok muli nito. “Dito ka na sa likod. Medyo masikip sa loob at may pasahero." anito na sabi. Napansin nga niya ang dalawang pasahero nito sa loob ng tricycle na ibini-biyahe ni Alfredo. “Salamat talaga! Naku, kangina pa nga ako nag-aabang. Naku, lagi punuan ang lahat ng dumadaan." pahayag niya na sabi dito. “Wala yon, ano. Ikaw pa, malakas ka sa akin eh!" pahayag nito na nagbiro. Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa kanyang pupuntahan. Sa sakayan, sa terminal na siya inihatid ni Alfredo. “Salamat! Mas na-pabilis ang biyahe ko." pahayag niya ulit. Ikiningiti. “Wala yon." sagot nito sa kanya habang inayos lang ang pagkakaparada, nang kanyang tricycle. Saka siya bumaba. “Sige, mauna na ako." pahayag niya na sabi at bumaba na sa pagkakasampa niya sa likod ni Alfredo. Dinahan-dahan na nga niya ang pagbaba sa likod ng tricycle, nang mapakapit siya bigla kay Alfredo. “Sorry, hindi ko sinasadya." aniya nahiya siya bigla. Nagulat din kasi siya nang biglang dumausdos ang paa niya sa tapakan. Hindi tuloy sinasadya ang biglang pagkadikit niya sa binata at halos mapayakap na siya sa sobrang pagkabigla. “Okay lang! Dahan-dahan lang kasi, hindi ka pa naman siguro malate sa work mo. Kaya wag kang magmadali masyado." anito na pahayag ni Alfredo habang inalalayan siya sa kamay upang makababa. “Salamat ulit!" sambit niya at nagpaalam na siya muli saka tumalikod. Nagbayad lang siya sa lalaking nakaupo. Yung collector ng mga bayad ng mga pasahero. Nag abot niya dito ng sampung piso at sinuklian naman din siya nito. Saka siya lumakad papunta sa jeep na nakapila upang umalis na. Nang makarating na siya sa may pasukan. Dahan-dahan niyang iniangat ang binti niya, isang paa upang makasampa sa Jeep. Mahirap nga naman ang madulas ulit siya gaya ng nangyari sa kanya kangina. Mas nakakahiya kung maulit sa kanya ngayon. Halos lahat ng pasahero ay mga napalingon sa kanyang pagsampa sa jeep. She sighed. Nakasampa at nakasakay na rin siya sa wakas at ilang minuto ay umalis na rin ang jeep na kina-sasakyan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD