PROLOGUE
WIFE CORPORATION 04 - MADONNA
FIREDRAGON0315
PROLOGUE
“Ma'am, may meeting raw po kayo kay Mr. Marquis?" tanong ng assistant niya.
“Yes, I know nai-tawag na ito sa akin ni Verizon. Don't worry he mentioned na rin naman sa akin if saang place gagawin ang dinner meeting." she smiles habang sumasagot sa assistant niya.
“Ahh okay, Ma'am." sagot nito umalis na rin siya. Yung assistant niya na lumabas na sa kanyang office. She sighed.
Kinakabahan pa rin siya sa tuwing ganito. Kumakabog ang dibdib niya sa lakas ng kaba. Sa tuwing kakailanganin niya humarap sa mga tao na tulad ni Mr. Marquis. Hindi niya mapigilan ang matakot.
Buti nalang andiyan si Venison at ang ilan pa sa mga kaibigan ni Ricardo na tumutulong sa kanya upang magawa ng maayos ang kanyang misyon.
Kung hindi siguro. Baka pumalpak na siya sa ilang buwan na niya nagtatrabaho kay Ricardo as his wife. Baka ikinamatay na rin niya kung hindi siya naturuan at na-trained mabuti ng mga kaibigan ni Ricardo. Bago siya isinalang ng mga ito sa kanyang gagawing misyon.
“Hi, Mr. Marquis!" mahinhin na pagkakabati n'ya. Ikinalingon naman ng matandang negosyante. Ngumiti agad ito ng makita siya. Nginitian niya rin ito.
Kararating niya lang sa place na binanggit sa kanya ni Verizon. Inilibot niya muna ang mata niya sa buong paligid.
Kailangan niya maging mapanuri at mag-ingat gaya ng itinuro sa kanya bago siya magtungo sa place upang harapin si Mr. Marquis. Dahil hindi pa nila natutukoy kung sino ba ang mga tao na hinahanap nila.
“Good evening, Mrs. Carson." nakangiti na pagsalubong sa kanya. Tumayo ito at nilapitan siya. Inabot nito ang palad niya at hinawakan. Iniangat papunta sa mga labi at hinalikan.
Nasanay na rin siya sa mga ganun. Kaya hindi na rin siya nailang. Dahil hindi lang naman si Mr. Marquis ang gumagawa non sa kanya sa tuwing makipag-usap at makipagkita ng ganito.
Madalas ay biglaan pa nga. Pero mababakas pa rin ang kaba niya sa kanya. Dahil sa hindi mawala sa tuwing hindi mapanatag ang dibdib niya sa takot na maaaring mangyari sa kanya.
Hindi niya pa alam ang magiging results ng panganib ng kanyang misyon. Sa bawat tao na kailangan niya kaharapin. At kausapin.
Alam niyang pain lang siya para mahuli ang mga tao na hinahanting nila. Pero, dahil sa ito ang misyon na ibinigay sa kanya ng taong kumuha sa kanya. Wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Lalo na't malaking pera ang bonus na makukuha niya once na matapos ito at matukoy nila, mahuli ang mga taong isa-isa niyang hinahanap ngayon.
“Maupo ka!" anito na utos pahayag sa kanya habang hawak pa rin ang kamay niya at inalalayan siya sa kanyang paglalakad papunta sa mesa at sa upuan na bakante sa kaharap ng upuan na kinauupuan nito kangina.
“Sige na, maupo ka na." muli nitong sabi ng makarating na sila sa mesa at sa bakanteng upuan at paupuin na siya.
“Salamat!" malamig niyang tugon. Hindi siya maaari na magtaray o kumilos na hindi naaayon sa kanilang plano. Maingat siyang naupo at hindi ipinahalata ang kanyang pag-aaral at pagmamasid sa paligid.
Kailangan pa rin niya mag-ingat dahil sa hindi niya alam kung ano ang kakaharapin niya sa mga taong gaya ni Mr. Marquis.
Lihim niyang inilibot ang kanyang mga mata kung mayroon bang nanunuod sa kanila. O, kung may malapit na mga tao na kasama si Mr. Marquis maliban dito.
Napalunok siya, dahil sa mga tinginan nito sa kanya.
Mukha pa naman ito mahilig sa babae at gandang-ganda sa kanya. Kaya isa sa mga dahilan kung bakit hindi maalis ang kaba niya. Dahil sa itsura nito.
Kinakabahan talaga siya lalo na sa mga malalagkit nitong tingin na tila animoy lalamunin siya at kakainin.
Matatapos na ang tatlong buwan ay hindi pa rin nagigising si Ricardo. Naiinip na rin siya sa ilang buwan niya na pagtatrabaho at pagharap sa ilang mga taong palagay niya ay mga tao na kanilang hinahanap sa misyon na iniatas sa kanya ng lalaking tulog pa rin at hindi nagigising mula sa pagka-coma.
After heart transplant operation, ni Ricardo. Until now ay hindi pa rin ito nagmumulat ng kanyang mga mata.
Magigising ka pa ba? she sighed habang tanong niya sa nakahiga at walang malay na si Ricardo.
She was wonders kung bakit ayaw pa rin nito magising ganun ang sabi sa kanya ay hindi aabutin ng isang linggo maaari na rin ito magising. Except if magkaroon ng problem sa operation. Ang sabi nung araw bago isagawa ang operation ni Ricardo.
But now, Ricardo sleeps. He was in a coma.
Hey, gumising ka na nga! Grabe naman pagka sleeping beauty mo. Talagang inabot ng ilang buwan? Baka gusto mo naman gumising at matatapos na ang contract natin as your wife. aniya na sabi habang she breathes heavily.
Titig na titig siya sa mukha ni Ricardo.
Hoy, Ricardo. Babayaran mo pa ako. Kaya gumising ka na o baka naman… Pwede rin naman. Wag na lang. Matulog ka na lang habang buhay. Napapangiti na sabi niya, pabiro habang iniisip ang isang kalokohan.
She thinks na kung hindi magising si Ricardo. At dahil nasa contract nila at napag-usapan na siya ang hahawak at mamamahala ng lahat ng assets nito.
Maaari na kung hindi magising si Ricardo. Sa kanya na mapunta lahat ng yaman ng lalaking boss niya at pinagpapanggapan niyang asawa. She smiles habang naglalaro sa utak niya ang kabalbalan niyang naisip.
Natural, dahil sa mata ng lahat at sa pinirmahan nila.
Siya ang asawa nito.
Maipakita lang nila ang patunay na kasal talaga si Ricardo at siya… ang tunay na asawa.
They signed a marriage license kasabay habang pinaprocess ang marriage certificate nila. Before sumalang si Ricardo sa kayang heart transplant.
To make sure na mapapangalagaan pa rin nito lahat ng kanyang pinaghirapan maipundar na gusto kunin sa kanya ng mga taong hindi pa niya matukoy.
Kaya ngayon. Si Madonna ang lahat gumagalaw at siyang namamahala at nag-iingat sa yaman ni Ricardo upang maprotektahan sa mga taong nais kumuha nuon. Habang ito ay natutulog pa rin sa masarap niyang pagkakatulog.
Bahala ka nga! Kung ayaw mo gumising. Inis niya sabay tumayo sa upuan. Lumabas na ng kwarto si Madonna at tumungo sa kwarto niya.