WIFE CORPORATION 04 - MADONNA
FIREDRAGON0315
CHAPTER 1
“Madonna, gumaganda ka!"
“Oo, true. Aba't habang lumalaki siya tunay na gumaganda si Madonna." pahayag na sabi din ng isa sa mga kapitbahay nila. Gandang-ganda ang mga ito sa kanya sa tuwing nakikita siya.
Nasa labas sila ng kanilang bahay. Habang nakikipag kwentuhan ang kanyang ama sa mga kapitbahay na sabay-sabay din kasalo nila sa kanilang umagahan.
Sa tuwing umaga ay kanya-kanyang naglalabas ng mga kani-kanilang silya ang ilan sa mga malalapit nilang kapitbahay.
“Naku, itong bata na 'toh! Kung may anak lang ako. Si Madonna ang irereto ko na mapapangasawa ng anak kong lalaki. Kaya nga lang ay hindi ako sinuwerte na magkaanak. Sayang talaga. Malabo na maging manugang ko itong si Madonna." ikina-hinayang na sabi nito habang dumadaldal, at magkaharap sila na mga kumakain sa labas ng bahay.
“Kaya nga eh! Ako man… Kung may anak ako na lalaki. Tiyak na si Madonna agad ang po-pormahan, maghahanap pa ba siya ng iba. Dito lang sa lugar natin may kaganda ng babae. Si Madonna. Kung bakit nga lang ay hanggang ngayon ata wala pa rin nagkakamali sa kanya." aniya na kinalupaypay ng balikat habang napabuntong hininga.
“Si Mareng Rose, sayang yung anak niya. Tapos na di 'ba ng Civil Engineering? Bagay sana dito, kay Madonna. Kaya nga lang ay mukhang may pinopormahan nang iba." ikinahinayang din nitong pahayag habang nag-iisip.
“Si Jude?" sambit na nagulat ng maisip ang pamangkin nito.
“Anong meron kay Jude?"
“Bakit 'di natin ilapit dito kay Madonna?" aniya suggestion nito.
“Baka sakali na mga mag-kagustuhan sila. Anong malay natin. Baka pwedeng sila iparehas sa isa't-isa." wika ng nakangiti nito pahayag sa iba pang kapitbahay.
“Nagpapatawa ka ba?" sagot na itunuran ng katabi nito. Umapela sa wikang suggestion ng katabi niya. Si Aling Ising.
“Bakit naman ganyan ang reaksyon mo?" nagtataka nitong tanong.
“Alam naman nating lahat dito sa lugar natin na ang pamangkin mong... si Jude. Medyo tabingi." bulalas nitong pahayag. Ikina-buntong hininga nito, at ikinataas nito ng kilay. Maging nang kausap niya.
“Hindi kita maintindihan." she breathes heavily habang nagsalita muli ang kangina na nagsasalita na kumontra sa suggestion niya.
“Si Jude, hindi mo ba alam na bakla? He's gay at lalaki ang gusto."
“Huh? Wala akong alam." tugon na sabi nito.
“Wala?" Umiling ito.
“Jusko, antagal na nagladlad ang batang yon. Wala ka pa ring alam?" tanong na curious.
“Wala nga!"
“Tama na nga iyan." panunuway ni Aling Alice na kararating lang din. May dala itong mahihimagas habang kagagaling lang sa loob ng bahay nila.
“Wow, mukhang masarap." ani ni Madonna.
“Oo naman!" nakangiti na wika nito.
Ikinalunok nilang lahat ng isa-isa na ibinaba at inilapag sa lamesa ni Aling Alice ang dala-dala.
Natigilan na din ang mga kapitbahay ni Madonna sa mga pagtatalo sa kung sino ang gusto nila mga ilapit sa kanya at ireto.
She was twenty turning twenty one. At tama naman ang lahat ng pamumuna at sinasabi ng kanilang mga kapitbahay.
Maganda siya at nababagay sa lalaking gwapo. Ngunit ang ipinag-tataka rin niya ay wala kahit isa sa kanilang mga kapitbahay o taga sa lugar nila ang mga nagtangka na manligaw sa kanya.
Maganda naman siya kung bakit talaga hindi siya ligawin sa kanilang lugar.
“Ime, itong anak mo. Maganda siguro kung papasok mo sa pagmomodelo. Maliban sa maganda ang mukha. Napakaganda pa ng hubog ng kanyang katawan. Hubog lang ohhh, jusko kagandang bata ire." aniya na diniin pa ang pagsasalita habang sinasabi sa kanyang ama ang mga napapansin nito. She smiles at her kay Aling Ising.
“Naku, wag mo nang tudyuin si Ime, at baka ayaw niya rin at masyado siyang protective sa kanyang anak. Alam naman natin na nag-iisang babae niyang anak si Madonna. At ayaw na ayaw niya na may bumabastos kay Madonna."
“Saka pangit din pumasok sa ganuong trabaho. Baka mamaya mabastos lang siya ng ilan sa mga makakasalamuha niya sa ganung profession. Wag mo nang pansinin itong si Ising." pahabol na pahayag na sabi ni Aling Alice.
“Gusto ko rin po sana subukan. Kaya lang mukhang baka hindi rin ako palarin sa ganung profession. But…" tila nag-iisip siya.
May offer na rin kasi sa kanya ang isang agency. Buhat sa isang taga modeling agency na nakilala niya minsan sa isa mga racket niya.
Inalok siya ng trabaho bilang isang modelo. But until now ay pinag-iisipan pa rin niya kung papasukin ito.
Mahirap magkaroon ng sagabal na ibang trabaho sa kanyang racket. Lalo kung may bagong ibinigay sa kanyang trabaho ang company. Kaya mas pinag-iisipan niyang mabuti bago niya tanggapin ang offer.
“Tanggapin mo na!" ang tudyo ni Aling Ising.
“Malaki ata ang kita sa ganon? Tama ba ako?" Tumango siya. Mataas kasi ang offer sa kanya.
“Sige po at pag-iisipan ko muna." tugon niya at mga nag iingay na muli ang mga ito. Siya naman nag-iisip. Pinag-iisipan ang sinabi na yon ni Aling Ising.
Madonna Ilustre ang pangalan niya. Iisa lang siyang babaeng anak at may dalawa pa siyang kapatid na lalaki. At ang kanyang Ina naman ay sumakabilang buhay.
Este, sumakabilang bahay.
Ang sabi nga sa kanila at sa mga naririnig nilang bulong-bulong mula sa mga nakakaalam. Ang kanila raw ina ay kinaluyod nang masisid sa masarap at malinamnam na sabay. Kaya umalis.
Wala raw kasi lasa ang sa kanyang ama. Kulang sa timpla. Kaya nang makahanap ng may alat ng bahagya ang kanyang Ina, duon na rin ito sumama. At iniwan sila. Masakit pero tanggap na nila Madonna at nang kanyang dalawang kuya at ganun na rin ang kanilang ama.
Hopefully ang lagi na kanyang ipi-nagdadasal ni Madonna. Lagi niya kasi nahuhuli kung minsan ay kadalasan. Umiiyak pa rin ang kanyang Papa. Lalo na kung binabangungot ito at naaalala ang kanyang Mama.
Mahal na mahal kasi ng kanyang Papa ang kanyang Mama na iniwan sila at nagawang... pinagpalit sila sa iba.
Ang saklap. But worth it naman para sa kanila. Hindi naman nila kailangan ang kanilang Mama. Dahil sa ugaling meron ito.
Maliban kasi sa taxi driver lang ang kanyang ama. At duon lang ito kumukuha ng pang araw-araw nila na gastusin. Wala na itong ibang pinagkakakitaan. Kaya ang kanyang Ina. Nang makakilala ng foreigner agad itong sumama at iniwanan sila. Napaka walang kwenta.
Oops, hindi porke maganda si Madonna ay anak na siya sa iba ng kanyang Ina. Papa pa rin niya ang kanyang ama. Sure naman siya dahil sa lahat ng mga katangian na meron siya ay nakuha niya sa kanyang ama. Maliban lang sa itsura. Joke lang. natatawa siya.
Pangit kasi ang kanyang ama. Oops, biro lang din. Hindi naman kapangitan. Matangos kaya ang ilong nito at cute ang labi na parang sa mga labi ni Madonna na mapula-pula. Kissable lips. Ika nga! At sobrang bait din at lambing ng kanyang ama. Para lang si Madonna.
But, there's more. Maliban sa mga katangian na maganda sa kanya. May isang bagay na naiiba kay Madonna. Secret lang muna. Bawal kasi sabihin ang tungkol sa mga racket niya kung bakit nagawa niyang mapagtapos ang kanyang sarili sa kanyang pag-aaral.
Isama pa ang kanyang mga Kuya na ngayon ay mga nagbalik na sa kani-kanilang pag-aaral at siya ang sumusuporta.
Matapos na ma-suportahan din siya ng mga Kuya niya sa kanyang pag-aaral. Nang magawa ng mga ito na magsihinto sa kanilang mga pag-aaral at magsipag trabaho upang siya muna ang mauna makapagtapos sa kanilang tatlo.
Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang dalawang kapatid. Kaya ang nais niya ay siya naman ang bumawi sa mga ito. Kaya't sinisikap niyang masuportahan ang mga pag-aaral ng kanyang dalawang Kuya.
Pero, inaalala pa rin niya ang kanyang ama.
Hindi mawala sa isip niya ang pag-iisip at pag-aalala sa kanyang Papa.
May pagka morena kasi at may kagandahan ang kanyang Ina. Kaya nga mabilis ito nagustuhan ng isang foreigner na ipinakilala dito ng isa sa mga kaibigan ng kanyang Mama.
“Madonna, ganda! Tikman mo." ang alok na sabi ni Aling Alice na kanyang ikinalingon ng marinig ito. Naputol din ang kanyang iniisip dahil sa pagsasalita nito.
“Buti nalang talaga itong si Ime, maganda maglahi." pabiro na sabi ni Mang Jude.
Isa din sa mga kapitbahay nila. Kumpare ng kanyang papa. Malapit na kaibigan na siyang isa din sa mga taong hindi iniwan ang kanyang ama nung mga panahon na iniwan sila ng kanyang Mama.
“Paano ba naman kasi, maganda din naman si…" nang hindi na nito na 'ituloy ang sasabihin.
“Patawad!" aniya na sabi at manipis na ngumiti. Nalungkot din kasi ito sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Lalo ng sumama pa ito sa ibang lalaki at makita kung gaano nasaktan habang dinadala ng kanyang papa ang sakit ng sugat na iniwan ng kanyang Mama.
Bata pa si Madonna nuon ng mga panahon na yon ng iwan sila at halos hindi na rin niya matandaan ang mukha ng kanyang Ina. Except kila Kuya niya. Tanda pa ng mga ito at makikilala pa nila incase na bumalik man ito sa kanila.
Minsan iniisip niya. Siguro ay maganda lang ang naging formula ng mga dugo ng kanyang ama at ina. Kumbaga ang combinations ng breed ng kanyang mga magulang ng magsama ay naging compatible. Kaya maganda ang kinalabasan. Kaya naman maganda at kaakit-akit si Madonna.
Kaya nga lang ay except sa pagsasama ng kanyang magulang. Pangit kasi ang nangyari.
Nasira ang pagsasama ng kanyang magulang start nang may dumating na unos sa kanilang pamilya. Nagkasakit kasi ang kanyang ama kaya't hindi na kinaya pa nito ang makapag hanapbuhay.
Simula nuon ay ang kanyang Ina na ang siyang nagtatrabaho para sa kanila at sa mga pambili ng mga gamot ng kanyang ama. Lahat ang Ina niya ang trumatrabaho para matustusan at matugunan ang pangangailangan nila at maging ang pangangailangan ng kanyang ama para sa maintenance nito.
Hindi kinaya ng kanyang Mama. Ang sabi ng nakakaalam. Napagod ito sa kanyang mga responsibility sa kanilang magkakapatid at sa kanyang ama. Kaya umalis ito at iniwan sila.