Chapter 2

1703 Words
My year being a freshmen was good. Dahil nga miss friendship ang bff kong si Nessa ay dumami na rin ang naging friends ko. Dahil matangkad at maganda daw ako. Ako ang naging muse sa classroom namin. At ako ang lalaban sa miss campus ng taon ding iyon. "Vote for Mikay po!" Ilan lang iyan sa maririnig mo sa school. Malapit na rin kasi ang pageant night at puspusan na rin ang pamimigay namin ng mga flyers. Nakatulong rin ang grupo ni Ate Mae sa pagiging popular nila sa school. Marami ang bumoto sa akin online at ako ang nangunguna do'n. "Ang ganda mo, bes!" tili ni Nessa nang makita ako. Ngayong gabi na kasi ang pageant night. At talagang kinakabahan ako. Pero talo ito ng kilig ko ngayon dahil escort ko si Gin. Nasa sala silang lahat nang bumaba ako. Kumpleto silang lahat at suportado nila ako dahil rason ni mama minsan lang daw ito. Matagal na rin kasing inaawitan si ate dati pa. Pero ayaw niya dahil nahihiya daw siya. Ako na lang daw dahil makapal naman ang mukha ko! Sa kotse ako ni Gin sumakay kasama si Nessa at Ate Mae. Sa jeep naman sina mama kasama ang ibang relatives namin. "Ang ganda mo talaga, bes!" Papuri pa rin sa akin ni Nessa. Magkatabi kami sa backseat at si ate katabi si Gin sa harap. "Hay naku! Nessa. Tama na nga 'yang kakapuri mo kay Mikay. Mamaya na-blackout 'yan sa Q and A 'gang ganda na lang 'yan!" pang aasar ni ate. "You don't trust her, Mae?" tanong ni Gin. "Kaya ni Mikay 'yan. Hindi ba, Mikay?" Sumulyap pa si Gin sa rear view mirror sabay kindat sa akin. My god! Kindat pa lang 'yon pero makalaglag panty na! "O-oo naman," sagot ko, nag-stummer pa akong konti. "Tingnan mo nga! Wala pa pero nabubulol na agad," si ate pa. " Tapos, baka mamaya english ang tanong. Patay na!" Nagtawanan naman sila habang ako simangot na simangot na. Kontrabida talaga 'tong kapatid ko kahit kailan. Gusto kong sabunutan si ate sa mga pinagsasabi nito. Supporters ko ba talaga 'to? Inalalayan ako pababa ni Gin ng kotse. At naroon na naman ang kilig ko nang magkadikit ang palad naming dalawa. "Relax, don't be too nervous. Basta enjoy mo lang," sabi nitong pinalalakas pa ang loob ko. "Ang lamig ng kamay mo!" natatawa pang sabi nito habang papasok kami ng gymnasium. Kakahiya! Pasmado yata kamay ko! "Kinakabahan kasi ako eh!" pag amin ko. "Don't be, okay. Marami kaming sumusuporta sa 'yo. Look at you. You're beautiful so be proud," nakangiting saad pa niya. Ano raw?! Parang biglang bumaba ang mga anghel sa lupa dahil pinuri niya akong maganda. Marami kaming candidates last week. Grade seven to ten ang kasali. Each grade and section are required to have a representatives. Sa botohan ay kasama naman ang senior high. Ngayon ay sampu na lang kami. Binase kasi ang pagpili sa online votes. At ngayong pageant night na, panibagong votes ulit at kasama 'yon sa magiging score ng mga judges at tatanghaling campus queen. "Good evening, ladies and gentlemen! Please give our candidates a round of applause! Please all welcome. Our miss campuses for tonight!" Masiglang anunsyo ng emcee naming si Sir Jayson. Panglima ako sa mga candidates at ngayon nga ay rumarampa kami suot ang aming unang long gown. "Go! Mikay!" "I love you, Mikaela!" "Mikay, for the win!" Kinakabahan man ako ay nawawala iyon dahil sa sigawan ng mga tao. Kitang-kita ko rin ang pamilya kong tuwang-tuwa habang hawak ang banner ko. At malaki ang ngiti habang nakikita akong rumarampa. Nang matapos ang long gown ay isinunod naman ang sports attire. Dahil volleyball ang sports ko ay iyon ang ginamit ko. Madali akong nakapag palit dahil naroon sila Ate Mae, Ate Say at Nessa. "And now, for her volleyball sports attire is candidate number five." Sigawan ang bumungad sa akin paglabas ko ng stage. Sumisigaw at kanya-kanyang sipulan ang mga ito habang rumarampa ako at isisigaw ang pangalan ko. "Mikaela Jane San Jose," ani Sir Jayson pa. Pumunta ako sa kaliwa at nag-pose na parang mag sa-spike ng bola. Sa kanan naman ay nag-pose akong parang ihahagis ito. Nang nasa gitna na ay inipit ko na iyon sa baywang ko gamit ang kanang braso ko. Napangiti ako sa camera at nag-thumbs up pa ang photographer namin. Sa talent portion ay may sumayaw, kumanta, nag-poetry at um-acting pa. Gusto ni ate na acting ang gawin kong talent, ayaw ko kasi para akong tanga! Pangarap ng puso'y ikaw... Noon pa ma'y ikaw lamang... Ngiti mong kay ganda. Maamo mong mukha. Puso ko'y natutunaw kapag tumitig ka na. Ikaw lamang sinta... Ikaw lamang ang pangarap ko... walang iba... Pagtatapos ko sa kanta habang naggi-gitara. Feel na feel ko ang kanta dahil para kay Gin iyon at talagang napapikit pa ako. Nang magmulat ay kita ko pang nagsisigawan ang mga tao. Standing ovation kasama ang pamilya ko. Nang bumalik ako sa backstage ay tuwang-tuwang niyakap ako ng tatlo. Pumihit ako patalikod sa kanila dahil hindi ako makahinga at parang gusto ko pang himatayin dahil sa bisig naman ako ni Gin bumagsak nang yakapin niya rin ako. "And now, we announced our top five finalists for tonight." Announced ni Sir Jayson, matapos ang talent portion. "If you hear your names kindly go in front together with your escort," patuloy pa nito. Kanya-kanyang sigawan ng bet na number ang mga tao at nabibingi ako dahil sa kaba at excitement. "Mikay, for the win!" Napangiti pa ako dahil sa kulit ng mga kaklase at friends ko. "Candidate number ten!" tawag ni Sir Jayson. Sumunod ay si number three, eight at two. Kabadong-kabado na ako dahil isa na lang ay hindi pa tinatawag ang pangalan ko. Gusto kong maiyak dahil feeling ko hindi na matatawag ang pangalan ko. Tinitingnan ko rin ang mga supporters ko at maging sila ay tahimik na rin dahil sa tensyon. "And last but not the least, is candidate number..." Dumagdag lalo sa kaba ko nang tumunog ang drums nang malakas at pabitin pa si Sir Jayson sa pagtawag. "Candidate number five! Mikaela Jane San Jose!" Nabingi ako sa sigawan ng mga tao nang banggitin ang pangalan ko. Dahil maging ako ay gulat sinundo pa ako ni Gin sa kinatatayuan ko para lang dalhin ako sa gitna. "Okay! Okay! Masyadong wild ang ating crowd. Kaya naman, let's continue in our question and answer portion." Isa-isang bumunot ng tanong at pangalan ang ilang judges. At ang unang tinawag ay si number ten. Maganda ang naging sagot nito sa tanong na... Ano ang pipiliin niya pamilya o pag ibig ba? Si number three naman ay... Kung magiging presidente, ano'ng pagbabago ang babaguhin niya sa bansa? Si number eight naman ay... Kung magiging isang beauty queen? At si number two, what if maging magulang na someday paano niya palalakihinng mabuti ang kanyang anak? "And now let's call on our candidate number five." Sigawan muli sa crowd nang pumunta ako sa gitna. Ngumiti na lang ako dahil talagang kabang-kaba na. "Hi, Mikay," bati ni Sir Jayson. "Hi, po," sagot ko. "Mukhang ikaw ang crowds favorite ngayong-" Naputol pa ito dahil sa sigawan ng mga tao. "At infairness ang tatag mo dahil ikaw lang ang freshmen na umabot dito sa finals!" "Thank you, po," iyon lang naisagot ko talaga. "Let's start this. And your question is coming from Miss Grachell Lopez." Si Grachell Lopez ay anak ng Governor namin at dati ring campus queen ng school. "Are you nervous, Mikay?" nakangiting tanong nito sa akin. "Slight, po," tugon ko. "Here is your question." At binuksan ang papel sa harap nito. "Ang sabi nila, ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan? Bilang kabataan ano ang maibibigay mo sa ating bayan?" Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang microphone sa kamay ni Sir Jayson. Pero hindi ko pinahalata at poise pa rin akong ngumiti at sumagot. "Bilang kabataan, ang tanging maibibigay ko lang po ay ang maging isang mabuting anak sa aking magulang at maging isang huwarang estudyante sa nakararami. At isa po sa advocacy ko kapag ako po ay pinalad ngayong gabi. Gusto ko pong tulungang matutong bumasa at sumulat ang mga batang nasa lansangan at tulungan po ang ibang kabataan na gustong mag-aral pero walang kakayahan." Napapalakpak ang ilang judges sa sagot ko at ayon na naman ang sigawan ng mga supporters ko. Matapos ang question and answer portion ay announcement na ng mga tatanghaling campus queen. Miss friendship is candidate number three. Miss photogenic is number two at online favorites ako. "Now, our second princess is candidate number ten! Carla Perez!" Nag palakpakan ang mga supporters nito. Napatingin ako sa gilid ko at katabi ko si number eight. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Dinig ko ay campus queen na ito noong grade eight at natalo last year. "Ang tatawagin kong pangalan ay ang ating magiging campus queen ngayong gabi. Please come forward candidate number eight and candidate number five." Pumunta na kami ni number eight sa gitna at kita ko ang excitement ng mga tao. "Ang unang tatawagin ko ay ang ating magiging campus queen at ang maiiwan ay siyang magiging first princess natin," pahayag pa ni Sir. "With an average score of ninety-eight point four percent! Our campus queen for tonight is candidate number...." Ayon na naman ang tunog ng drums na nag padagdag lalo sa kaba ko. "Our campus queen is... Candidate number... Five! Mikaela Jane San Jose!" Dumagundong ang sigawan sa loob ng gymnasium nang tawagin ang pangalan ko. "Candidate number eight, Riza Flores is our first princess." Umakyat na ang ilang judges at nilagyan kami ng sash at bouquet ng flowers. Matapos ang picture taking ay umakyat naman ang pamilya at mga kaibigan ko para batiin ako. Yakap dito, yakap doon at talagang nag uumapaw ang saya ng lahat dahil sa pagkapanalo ko. Muling dumagsa ang mga tao sa stage at pati ako ay naipit na rin sa gitna. Nakita ko si Gin sa tabi ko at bahagyang hinaharang ang mga tao para hindi ako masaktan. Humarap siya sa akin at magsasalita na sana nang matulak siya sa akin. Nanlaki pareho ang mata namin nang 'di sinasadyang magdampi ang mga labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD