Chapter 3

2117 Words
"Ayiiieee!" Tili ni Nessa habang hinahampas-hampas ako sa braso. Kilig na kilig ang gaga nang ikwento ko sa kanya ang nangyari no'ng pageant night. Mabuti na lang at malayo 'tong bench na inuupuan namin. Dahil kung hindi baka pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. "So, how's the feeling? Masarap ba?" tanong pa niya at ngayon naman ay sinusundot-sundot ang tagiliran ko. Nataasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niyang iyon. "Nagkaroon ka ba talaga ng boyfriend?" tanong ko pa. "Bakit napunta sa akin? Ikaw ang nakaranas ng first kiss dito, ah!" Pinandilatan pa ako ng mga mata. "Gaga! Bunganga mo naman!" natatawang saway ko. "Mga tanungan mo kasi parang 'di ka pa nahalikan, eh!" asar kong sabi. "Shunga! Natural naranasan ko na! Kaya nga ikaw naman ang tinatanong ko kung masarap ba or should I say nasarapan ka ba?" tumatawang sabi niya pa sa 'kin. Napatirik ang mata ko. Mga tanong talaga nito, eh! Mamaya may makarinig sa amin kung ano pang isipin sa masarap at nasarapang sinasabi nitong Nessa na 'to! "Ano na, bes?!" Nagniningning pa ang mga matang tumingin sa akin. "Para kang tanga! Alam mo 'yon!" natatawang sagot ko dahil sa itsura niya. "Ano nga kasi?! Masarap ba o ano?" Pangungulit pa rin niya sa akin. "Hindi ko alam kasi dampi lang naman 'yon!" napipilitan kong sagot. "Kahit na! Ikaw ano na-feel mo?" Pangungulit pa talaga niya kahit iritang-irita na 'ko. "Kinilig ako! Okay na!" sansala ko. "Kinilig ako ng bonggang-bongga kasi crush ko ang first kiss ko! Ano okay na bang sagot 'yon?" "Hindi ka na virgin, bes!" At humagalpak ito ng tawa. Hindi ko alam kung matatawa o mangingiwi ako sa kaibigan kong 'to! Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bunganga! First kiss pinaguusapan namin. Tapos nauwi na kami sa hindi na pagiging virgin! "Ano'ng tingin mo sa 'kin 'di na virgin gano'n?" iritang tanong ko. "Lips mo 'di na virgin," sagot niyang tinuturo pa ang labi ko. "Ewan ko sa 'yo! Puro ka kalokohan d'yan!" Napairap tuloy ako. "Pero seryoso na." At umayos na ito nang upo. "May nasagap kasi akong chismis last time about d'yan sa ultimate crush mo. Minsan kasi napadaan ako sa building ng senior high. Narinig kong may nag-confess daw d'yan kay Gin. Pero tinake down daw n'ya," kwento ni Nessa. "Tapos?" curious na tanong ko dahil excited na rin sa mga maririnig pa. "Ayon umiyak daw 'yong girl. Tapos tinanong daw no'ng ibang friends kung may girlfriend na s'ya. And ang sagot ng lolo mo! Hindi pa raw n'ya girlfriend kasi bata pa!" patili pa ang pagkakasabi niya sa huli sabay yugyog sa akin ng bongga! Kumabog ang puso ko! Kasi bata pa.... Kasi bata pa.... Gosh! Ako ba 'yon?! "Baka ikaw 'yon, bes!" At ayon na naman si Nessa sa pagyugyog sa akin. Para akong lumulutang ng mga sandaling iyon. Naalala ko pa no'ng gabing nagkaroon ng after party ang pageant. Isinayaw n'ya ako that night at kabang-kaba ako. "Sorry nga pala kanina ha!" pagso-sorry niya habang nagsasayaw kami. "Okay lang," sagot ko sa maliit na boses. Okay lang dahil gusto ko naman iyon. Masaya talaga ako dahil siya ang first kiss ko. Titig na titig siya sa akin no'ng gabing 'yon. Habang ako ilang na ilang at ang init ng mukha ko dahil sa kilig. Iyong parang anytime soon hihimatayin ako. "Earth to, Mikay!" Pukaw ni Nessa sa akin gamit ang dalawang kamay na winawagayway pa sa harap ko. "Ay, sus! Kaloka ka! Daydream, bes?" pang aasar pa niya. Sa totoo lang ay maraming nagkakagusto kay Gin. Isa na ako roon nagtataka lang naman ako kay Ate Mae kasi parang bulag ito at hindi nagagwapuhan sa bestfriend niya. Well... pabor naman sa akin dahil pagnagkataon anong laban ko? Bestfriends sila! Pero pinanghahawakan ko talaga ang kinuwento ni Nessa ngayon lang. Aasa ako at maghihintay na ligawan ni Gin at kapag nangyari 'yon hindi na 'ko aarte pa! Oo na agad ang isasagot ko. Simula ng pageant night ay naging mas popular ako maging sa senior high at ibang schools. Marami ring nagpaparamdam pero ayaw ko silang i-entertain. Isa sa mga reasons ko, bata pa ako at ang isa sa pinaka main reason ko. Kung hindi si Gin 'wag na lang. Hindi nila mapapantayan o mahihigitan si Gin sa puso ko. Mahal ko si Gin at hindi na yata magbabago 'yon kahit kailan. Dumaan ang pasko at new year. Ngayon love month na. Umaga pa lang ay may pa-flowers na agad si Gin sa amin nina ate at mama. Sa school ay dagsa rin ang bigay ng flowers, chocolates and love letters sa akin. "Ikaw na sikat!" taas kilay na ani Nessa sa akin. "Tulungan na nga kita! Kawawa ka naman hulas na beauty mo, oh!" sabay kuha ng ilang bitbit ko. "Tutulong lang manlalait pa! Hayaan mo sa 'yo ang kalahati ng chocolates ko!" saad ko. "Iyan tayo eh! Tara na nagugutom na ako!" At nauna na sa loob ng cafeteria. Nakita agad ni Nessa ang grupo nila ate kaya dumiretso agad s'ya doon. Inilapag sa bakanteng side ng table ang bag at mga bulaklak na kinuha sa akin at pumila na sa counter. Nang makalapit ako ay tiningnan pa ako ni Ate Mae mula ulo hanggang paa. "Iyong totoo? Miss campus ka ba talaga? Naghuhulas ka, 'te!" pang aasar ni Ate Mae sa akin. "Ito'ng towel punasan mo nga 'yang sarili mo. Pag napawisan 'yang likod mo uubuhin ka na naman n'yan!" wika pa niya sabay lapag ng towel sa mesa at muling tumutok sa pagbabasa. Hindi ko alam kung paano ko pupunasan ang sarili ko dahil marami akong hawak. Tiningnan ko si Nessa at matagal pa s'ya doon sa pila. Busy na rin kasi si Ate Mae sa pagbabasa sa notes n'ya at mukhang may quiz pa sila. "Let me." Nanlaki ang mata ko nang damputin ni Gin ang towel at punasan ang noo at leeg ko. Para akong na kuryente ng sumayad ang daliri ni Gin sa noo ko nang ayusin niya ang nagulo kong buhok. Pinatalikod n'ya ako at inilagay n'ya ang towel sa likod ko matapos punasan. Nakita kong nakangisi si Kuya Hector habang nakatingin sa amin. Pilit lang tinatakpan gamit ang pag inom sa bottled softdrinks n'ya. Si Kuya Apollo naman ay naiiling habang hindi maiwasan ang ngiti na ginawang dahilan ang pagtutok sa pagkain. Wala namang pakialam sina Ate Say at Ate Mae na parehong busy sa binabasa. "Thanks," pasasalamat ko. Naupo na lang ako dahil kinikilig ako at nanginginig ang mga tuhod ko. Iba talaga ang epekto ni Gin sa akin. Nag iinit ang pisngi ko at feeling ko ang pula-pula ko ng mga sandaling iyon. Naroon pa rin ang mga ngisi ng dalawa nang sulyapan ko sila. Samantalang parang wala lang naman kay Gin ang ginawa n'ya kani-kanina lang. "Kita ko 'yon!" bulong ni Nessa sa akin nang makalapit. "Ano?" nangingiting bulong ko rin sa kanya pabalik. "Ano?" Pang gagaya n'ya pa at tumirik ang mata. "Sinasabi ko sa 'yo kapag na-fall ka 'di kita sasaluhin!" "Eh, 'di 'wag! Nand'yan naman si Gin para saluhin ako!" Authomatic namang napalingon si Gin sa gawi namin. Bahagya pang kumunot ang noo nito dahil nahuli niya kaming sumulyap sa kanya habang nag uusap nang pabulong. "Hi! Gin. Kumusta?" bati ni Nessa na may pekeng ngiti pa. "Okay lang," tipid na sagot niya. "Good! Ang gwapo mo today." Kiri talaga ang kaibigan ko! Aagawan pa 'ata ako kay Gin. Sa bilis ng oras ay hindi ko namalayang graduation day na. Malapit na ang mahal na araw kaya maaga ang graduation ng mga senior high. At natapat pa sa birthday ni Ate Mae. Habang nagtatawag ng graduate sa stage ay dumating ang mommy ni Gin. Kataka-takang wala ang daddy niya. Samantalang malapit lang ang farm at bahay nila dito sa school. Isa sa espesyal na araw 'yon pero wala ang daddy niya. Matapos ang graduation ay nag-picture taking muna ang batch nila ate. Lumapit ang mommy ni Gin sa kanya at niyakap siya. Hinila pa siya sa isang gilid saka doon nag usap saglit. Bumalik ulit si Gin sa grupo nila ate at lumapit naman ang mommy niya sa amin. Bumeso pa ito kay mama at kinamayan si papa. Ngumiti ito sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ilang saglit pa ay umalis din ito dahil may importante pang gagawin at ibinilin lang si Gin sa mga magulang ko. Tumuloy ang mga kaibigan at kaklase ni Ate Mae sa bahay para sa debut niya. Nag imbita na rin ako ng ilang kaklase at kaibigan, syempre nandoon si Nessa. Mawawala ba naman s'ya Busy ang lahat habang lumalalim ang gabi. Nag iinuman na rin sa grupo nila ate. Allowed na kasi silang uminom dahil nasa hustong gulang na raw sabi ni papa pero hanggang ten lang sila p'wede. "Sa loob na tayo, Nessa. Kain tayo ng dessert." aya ko kay Nessa dahil hindi naman kami umiinom. Nagpunta kami sa kusina para doon na kumain at tumambay. Bubuksan na sana ni Nessa ang ref nang makarinig kami nang nag uusap sa likod ng bahay namin. Hinila ko ang braso ni Nessa dahil lalapit na ito sa pinto. Ngunit hinawi n'ya lang ang kamay ko at inilagay ang hintuturo sa bibig n'ya, sign na 'wag akong maingay. "Ngayon na ba talaga, tol?" Boses iyon ni Kuya Apollo. "Ready na ako. Saka nag paalam naman na ako kina Tita Helen at Tito Marcos sa gagawin ko," si Gin. Nagkatinginan pa kami ni Nessa sa narinig naming usapan nila. "Talagang may basbas na ng magulang, ha!" Narinig ko pang natawa ng bahagya si Kuya Apollo. "Sabagay mukhang gusto ka naman n'ya kaya 'di ka na mahihirapan kapag nag-confess ka mamaya." Mabilis akong hinila ni Nessa paalis doon at dinala ako sa kwarto namin. Impit siyang tumili dahil baka pagalitan kami ni mama kapag nag-ingay kami roon. "Kailangan mag-make up ka!" At hinila niya ako paupo sa harap ng tukador. "Bakit pa?" tanong ko, ako man kinakabahan. "Hindi naman kailangan 'yon." "Ano ka ba? Syempre! Para maganda ka mamaya kapag nag-confess na s'ya sa 'yo! Lagyan natin ng konting liptint yang labi mo para 'di ka halatang namumutla," Mas excited pa siya kaysa sa akin. Hinayaan ko lang si Nessa sa ginagawa niya sa 'kin. Maging ako ay lutang din kasi dahil sa mga advance kong iniisip na p'wedeng mangyari mamaya. Magtatapat na siya ngayon sa akin. Ang tagal kong hinintay 'to! At hindi ko alam kong matatae o maiihi ba ako dahil sa pinaghalong excitement at kilig. Matapos ang make up session namin ni Nessa ay bumalik kami sa labas. Tumabi kami kina Ate Mae at nakita kong hindi mapakali si Gin. Mukhang kinakabahan din ito. Ang puso ko naman ay gusto nang lumabas sa dibdib ko dahil sa kaba sa mga susunod na mangyayari. Naghiyawan ang lahat maging si Nessa dahil nakita ng mga itong inabot ni Kuya Apollo ang bouquet ng bulaklak kay Gin. Hinampas-hampas pa ako ng gaga'ng Nessa dahil kilig na kilig samantalang ang lapad-lapad na nang ngiti ko at siguradong pulang-pula na ngayon ang mukha ko. Palapit na nang palapit si Gin sa pwesto namin. Magkatabi kami ni Ate Mae. Katabi naman niya si Ate Say na hindi rin maitago ang kilig at niyuyugyog pa si ate. Unti-unting tumigil ang t***k ng puso ko nang huminto sa harap namin si Gin. Handa na akong tanggapin ang bulaklak na ibibigay niya ng unti-unting magunaw ang mundo ko! Parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ko. Nakita kong tumayo si Ate Mae at nakangiting sinalubong si Gin at kinuha ang inaabot nitong bulaklak sabay yakap. Nawala ang ngiti ko nang tumingin kay Nessa, nakatingin din pala siya sa akin. Nakita ko ang unti-unting pagkapawi ng ngiti ni Nessa sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata ng bestfriend ko ang magkahalong lungkot at awa. Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ko at anytime ay babagsak na iyon. "Ay! Sorry! Sorry!" tarantang sabi ni Nessa nang mabuhusan ako ng tubig. Basang-basa ang damit ko dahil sa ginawa niya. Lalo tuloy akong nainis. At wala man lang nakapansin sa nangyari sa akin dahil lahat sila nakatutok kay Ate Mae at Gin na magkayakap pa rin. Lalong nadurog ang puso ko nang halikan ni Gin ang ate ko. Para akong kakapusin ng hininga. Parang may mga libo-libong karayom na biglaang tinutusok-tusok ang puso ko dahil ramdam na ramdam ko ngayon ang sakit. "Tara na magpalit ka muna," yaya ni Nessa sakin sabay hila patayo Hindi kasi ako makatayo dahil sa nanginginig kong tuhod. Kaya hinila na niya ako nang biglaan paalis doon. Thanks to Nessa! Dahil nang pagtalikod ko sa kanila ay isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD