bc

Too Much Love Will Kill You

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.8K
READ
family
self-improved
drama
bxg
childhood crush
first love
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Ang pag-ibig na pilit ay mapait. Hindi masaya at hindi rin maganda ang magiging resulta. Ang pag-ibig ay kahalintulad rin ng isang prutas, na kapag hinog sa pilit ay hindi matamis at hindi masarap.

Ganyan ang pag-ibig ni Mikay para kay Gin. Bata pa lamang si Mikay ay pangarap na niya si Gin. Si Gin naman na pangarap ay ang kanyang nakatatandang kapatid.

Sa huli ay isinuko rin ni Mikay ang kanyang nararamdaman para dito. Hindi na kasi niya kaya ang hirap, hindi na kasi niya kaya ang sakit. Alam niyang wala na siyang laban kaya susuko na lang niya ang kanyang nasimulan.

At kung kailan naman na may nagmamahal at nagpapasaya na kay Mikay ay doon naman mari-realized ni Gin na ang nararamdaman pala niyang pagmamahal noon pa sa dalaga ay hindi lang pala bilang isang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babaeng kanyang iibigin.

Paano pa niya babawiin ang babaeng itinitibok ng kanyang puso kung malapit na itong ikasal sa iba?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Ako si Mikay, twelve years old. Sa batang edad ko hindi daw angkop ang hubog ng katawan ko. Parang dalaga na raw kasi ang katawan ko. Mas matangkad pa ako kay Mama at Ate Mae ko. Ngayong araw ang graduation ko bilang grade six. At excited na 'ko maging junior high. Sabi ng mga schoolmates ko maraming mga poging boys sa high school. Pero hindi naman 'yun ang dahilan kung bakit ako na i-excite. Sa papasukan ko kasi doon nag-aaral si Ate Mae at bestfriend niyang si Gin. Si Gin, s'ya lang naman ang long long long time crush ko! Ayan ha! three times na LONG 'yan kasi ganoon ko s'ya ka gusto! "Mikaela Jane San Jose, graduate." Umakyat na ako sa stage nang tawagin ng emcee ang pangalan ko. Nakipag kamay ako sa principal namin matapos iabot sa akin ang brown envelope na may laman ng diploma ko. Sunod naman ay ang mga bisita, at bago bumaba ay nag-bow pa ako sa gitna ng stage gaya nang pina-practice namin ng halos ilang linggo. Pagkababa ko ay nakaabang na si Mama sa ibaba ng stage at pinicturan ako. Matapos ng graduation ko ay umuwi na rin kami sa bahay. Nagluto lang ng pansit at dessert si Mama. "Ma, punta lang po ako ng school Nag-text na 'yong kaklase ko may mga teachers na daw do'n," paalam ni Ate Mae. "Alas dos na ah!" taas kilay na sagot ni Mama. Pati ako napahinto sa pagsubo ng dessert nang marinig ko ulit ang striktang boses ni Mama. "Magpapa pirma nga kami ng clearance. Saka pupunta naman si Gin do'n, sa kanya nalang ako sasabay mamaya," katwiran ni Ate. "Bukas kasi baka wala na naman mga teachers do'n sa umaga." Reklamo pa niya. "Siguraduhin mo lang na maaga kang umuwi. Dahil talagang malalagot ka sa akin!" Banta pa ni Mama kay Ate. Si Mama kapag sinabi ginagawa talaga niyan. Masama rin 'yang magalit. Si Papa nga kapag may ginawang mali outside de kulambo eh! "Thank you, ma!" At humalik pa ito sa pisngi ni mama. "Mikay, nasa kwarto mga gifts namin sa 'yo," baling ni Ate sa'kin. "Si Gin ba may regalo?" excited na tanong ko. "Meron! Ako pa nga namili no'n!" nakangising sagot n'ya. Dahil umalis na si ate tinapos ko agad ang pagkain at hinugasan. "Sa taas lang po ako, ma. Titingnan ko lang regalo ni Gin," paalam ko. "Ilang beses ko bang sasabihing kuya ang itawag mo dahil hindi naman kayo magka-edad at anak siya ng amo ng Papa mo," pangaral ni mama. Napahinto ako sa paghakbang at palihim na napa irap sa hangin. Crush ko siya, Ma! Duh! "Opo!" Saka ako nag tatakbo sa kwarto. Dahil hindi naman kami mayaman, at hindi rin kalakihan ang bahay. Hati kami sa iisang kwarto ni Ate Mae. Si Herlyn ay kasama nila Mama sa kwarto dahil bata pa ito. Si Gin naman nag-iisang anak at ang pamilya nila ang may-ari ng poultry farm dito sa lugar namin. Dahil matagal ng trabahador si Papa ay lagi si Ate Mae dati doon at naging kalaro si Gin hanggang naging mag-bestfriend sila. Lagi rin sa bahay si Gin, lalo na kapag wala parents niya. Dito naliligo, kumakain at natutulog. Kulang na lang dito siya tumira. Pagpasok ng kwarto ay nakita ko agad ang mga regalo sa higaan ko. Excited akong umupo at kinuha ang regalo ni Papa. Natutuwa ako kasi cellphone 'yon. Nang grumaduate rin si Ate no'ng grade six cellphone din gift ni papa. Hindi naman mamahalin pero okay na atleast meron choosy pa ba ko? Hindi naman kami mayaman. Sunod naman ay gift ni Mama. Case ng phone at earphones naman. Sinunod ko ang kay Ate dahil gusto ko huli ang kay Gin para interesting. T-shirt ang bigay n'ya 'yong nakita namin sa tiangge noong nakaraan. At sa huli inabot ko ang paper bag na regalo ni Gin. Maganda pa ang lalagyan at ng buksan ko... "Panty?!" sigaw ko. Oo!... Panty, at isang dosena pa! "Hindi pa nga kami mag-asawa alam na niya agad ang size ng panty ko?" Charing! Pero nakakahiya talaga! Malamang si Ate nag-suggest nito. At hindi ako titigilan sa pang-aasar no'n hanggang 'di ako umiiyak sa inis. Ngayong araw ako ang nakatoka sa paglilinis sa bakuran namin. Tapos na akong mag walis at mag dilig ng halaman. Inaayos ko na lang ang mga paso ng halaman ni Mama pasalansan sa gilid ng dumating si Gin. "Morning, Mikay!" "Ay! p**e!" Muntik ko nang mabitawan ang paso sa gulat ko. "Morning," bati ko na lang rin. Ang gwapo niya talaga kahit kailan. Sa totoo lang, hawig niya si Derrick Monasterio at ngayon para siyang artista sakay ng bike n'ya. "Gin!" tawag ni Ate galing sa bintana. Lakas talaga nang pandinig ng kapatid ko "Pasok ka na sa loob." Pagtaboy ko kay Gin. Nakakahiya kasi dahil baka maamoy niya ang pawis ko. Bagong paligo pa naman siya. Agad ko nang tinapos ang ginagawa at mabilis na akong naligo. Paakyat na ako sa kwarto ng madaanan ko sila sa sala naglalaro sa mga cellphones nila. "s**t! Hayop namatay ako!" Reklamo nila ng matalo sila sa game. "Bobo kasi mga kakampi natin eh!" Si ate'ng nagkakanda-haba ang nguso dahil talo sa laro. Nagtuloy na 'ko sa taas dahil hindi naman ako maka-relate sa game ng COD. Nakakahilo kasi ang larong 'yon. COC fan ako at may ganoon ding laro si Gin kaya compatible talaga kami. "Mikay, kakain na!" sigaw ni Ate galing sa hagdan. Umikot pa muna ako sa salamin at nag polbo saka lipgloss. Napangiti pa ako dahil maganda na 'ko. Nasa lamesa na sila at ako na lang inaantay para makakain. "Tagal mo naman!" Reklamo ni Ate sa akin. "Papaganda pa kasi s'ya, Ate Mae," sumbong ng bunso namin. Pinandilatan ko si Herlyn. Kahit kailan madaldal talaga 'tong batang to! "Kapag 'yan umiyak lagot ka kay mama mamaya pag uwi." Banta ni Ate. Ipinagpatuloy ko na lang pag-aasikaso sa pagkain ko. "Ang saya-saya n'yo talagang tingnan." nakangiting sabi ni Gin. Nagkatinginan kami ni Ate Mae. Parang bang iisang bombilya ang utak namin na biglang umilaw. May mali yata sa sinabi nitong masaya. Tumayo si Ate at sinalat ang leeg at noo ni Gin. "Bakit ba?" Natatawa na umiwas si Gin. "Sabi mo kasi masaya? Saan ang masaya sa bangayan, aber?!" mataray na sabi ni Ate Mae. Ala mama rin 'tong si Ate minsan. "Masaya kasi kayo kahit nag-aasaran. Mas gusto ko ang ganito kasi nga 'di ba. Alone ako sa bahay wala naman akong kapatid," sagot niya. Ah...'Yon naman pala eh! Batuhin ko ng kutsara 'tong si Ate eh! May valid reason naman pala ang ultimate crush ko. Tahimik na kaming kumaing apat. Kami lang sa bahay dahil sumama si Mama sa farm dahil harvest ngayon ng mga itlog. Habang kumakain ay 'di ako mapakali dahil parang may umaagos na ihi sa private part ko. "Ako nagluto kaya ikaw naman maghugas ng pinggan," wika ni Ate, habang inaalisan ng tirang pagkain ang mga pinagkainan. "Ano ba ang nangyayari sa iyo at para kang sira d'yan?" takang tanong ni Ate sa 'kin. Inilagay niya ang mga plato sa lababo at lumabas sa likod bahay para ibigay sa aso naming si Oreo ang tirang pagkain. Pumasok siya ulit ng kusina at nakita na naman akong 'di mapakali. "May bulate ka ba sa pwet?" Napangiwi na lang ako sa kanya. Kadiri talaga 'to si Ate. "Herlyn, punta ka na sa sala kay Gin at manood ka ng tv," utos ko, dahil maglalaro na naman ito ng sabon kapag naiwan dito. Inakay na siya ni Ate Mae palabas. Habang naghuhugas ay ayon na naman ang feeling na parang may lumalabas na ihi sa private part ko. Pagpihit ko ay nakita ko sa likod ko si Gin. "May kailangan ka ba?" tanong ko. "Ano kasi..." Namumula ito at nakayuko habang kamot ang likod ng tenga. "Ano?" tanong ko sa maliit na boses. Bigla akong kinabahan. Ito na ba 'yon? Aamin na ba siya sa akin na gusto niya ako? Kinikilig ako at gusto ko nang tumili. I'm not ready sa confession n'ya, at seriously sa kusina pa talaga? "May... dugo ka." Napawi ang ngiti ko sa narinig. Ang kilig ko ay unti-unting naging kaba. Unti-unti akong lumiyad patalikod at kita nga sa puting shorts ko ang dugo. Napapikit ako at pulang-pula dahil sa hiya. "Ano'ng meron?" taas kilay na tanong ni Ate. Pumasok ito sa kusina at kumuha ng dessert sa ref. "May dugo s'ya," sabi ni Gin sa mahinang boses. Nanlalaki ang mga matang tumingin si Ate Mae sa akin. Unti-unti akong naglakad ng patalikod while ate looking playfully at me. Aasarin talaga ako nito. Nang nasa hagdan na ako saka ako nagtatakbo paakyat ng kwarto. Samantalang si ate tawang-tawa at dinig na dinig ko kahit nakasarado na ang pintuan ng kwarto. "Isuot mo 'yong regalong panty ni Gin, ha!" sigaw niya mula sa ibaba. "May napkin ako sa durabox ko! Gamitin mo muna!" dagdag sigaw pa nito. Hiyang-hiya talaga ako. At nadagdagan pa 'yon dahil sa walang prenong bunganga ni ate. Nakakahiya talaga at parang ayaw ko na tuloy bumaba. Unang sign 'yon ng pagiging dalaga ko at si Gin pa mismo ang nakakita no'n.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
71.9K
bc

Love Donor

read
87.5K
bc

Just A Taste (SPG)

read
909.2K
bc

Stubborn Love

read
100.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
59.8K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook