Chapter 1

1800 Words
Dahil sa nangyari pinanindigan ko na talaga na 'wag lumabas ng kwarto. Kumatok si Ate Mae sa kwarto para sa meryenda pero nagtulug-tulugan ako nang buksan niya ang pinto. Ayaw kong bumaba dahil baka pag nakita ako ni Gin. Isipin niyang isinuot ko nga talaga ang panty'ng bigay niya 'gaya ng utos ni ate. Tinatabi ko 'yon para sa honeymoon namin 'no! Char! Nanghihinayang kasi ako isuot. Marami pa naman akong underwear. Sa pasukan ko na lang 'yon gagamitin para lahat bago. Dahil nga nagpanggap akong tulog ay natuluyan nga. Narinig kong may kumatok kaya nagmulat ako ng mata. Nakita ko si Gin at ngumiti sakin. "Bumangon ka d'yan, may pupuntahan tayo!" Hila niya sa akin patayo. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nagpapahila sa kanya. "Basta dalian mo!" sagot lang niya. Nagulat pa ako kasi biglang nasa burol na kami malapit sa farm nila. "Anong gaga-" naputol ang tanong ko nang makitang unti-unting lumalapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Gosh! Ito na ba ang first kiss ko? Bigla akong napadilat nang yugyugin ako nang malakas ni Herlyn. "Ate, gising ka na. Gabi na, nandiyan na si mama," wika nitong niyugyog pa rin ang balikat ko. Sa totoo lang. Gusto kong sapakin ang kapatid ko. Napapikit ako sa inis! Ayon na eh! Hahalikan na ako ni Gin eh! "Kakain na daw tayo, ate." Naiinis na ang boses nito. Mabilis itong mapikon kapag hindi siya pinapansin. Dahil nakatalikod ako sa kanya ay 'di ko pa rin siya pinapansin makaganti man lang sa pambubwisit niya sa panaginip ko. "Bahala ka nga! Isusumbong kita kay mama!" Alam kong naiiyak na siya. Binuksan na niya ang pinto kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya. Nagpunas pa ito ng luha nang makita ako sa likod niya. Saka, kapag hinayaan kong umiyak ito lagot ako kay mama dahil totoyoin na naman ito at magdamag na iiyak. Matagal rin pala ang naging tulog ko dahil madilim na sa labas. Siguradong matagal akong aantukin. Pero okay lang para makapanood ng korea novela mamaya. "Masama ba pakiramdam mo, anak?" tanong ni mama pagkakita sa akin. Nanlalata kasi akong naupo sa lamesa. Naghain na sila ni Ate Mae. Medyo masakit nga ang ulo ko. At nanlalambot ako. Dahil siguro sa menstruation ko kaya ako ganito. "Ma, dalaga na kasi iyang anak n'yo. Kaya 'yan ganyan," wika ni ate na nanunukso ang tingin sa akin. "Talaga ba?" tuwang tanong nito sa akin. Tango lang ang sinagot ko dahil tamad rin akong magsalita. "Pinagawa mo sana sa kanya 'yong pinagawa ko sa 'yo dati. Noong una ka ring nagka regla," ani mama. Si mama at si ate iisa talaga ang bunganga. Balahura! Ang sama pa dahil dinuguan ang ulam namin. "Iyong sa itlog po ba?" tanong ni Ate Mae habang inilalapag ang bowl ng ulam. "Oo, dapat itinuro mo," si mama pa. Ano ba ang pinagsasabi ng dalawang 'to?! Ano'ng connect ng itlog sa menstruation ko? "Hindi pa naman late eh! Mikay, halika ka dito," tawag ni mama. "Tuturuan kita," sabi pa niyang pinapaypay ako para lumapit sa kanya. Lumapit ako at tumayo banda sa may lababo. Siya naman ay kumuha ng itlog sa ref. "Para saan ba 'to, ma?" tanong ko habang titig na titig sa itlog. "Para 'di ka magka-pimples. Sayang naman ang kinis ng mukha mo," seryosong sabi ni mama. "Paano ba?" tanong ko. "Iinumin mo 'yan!" seryosong sabat ni ate sa usapan namin. Biglang nanlaki ang mga mata ko! Hate ko ang itlog. Bukod kasi sa kadiring texture nito sa loob kapag biniyak mo malansan pa! Nabitawan ko tuloy ang itlog sa kaba at takot. Mamamatay muna ako bago ko gawin ang utos ni mama! Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig sina Herlyn at Ate Mae na tawang-tawa. Pinaghahampas ni mama si ate ng apron na hawak niya. Salag naman nang salag si ate habang tawang-tawa sa reaksyon ko. "Gaga ka talaga! Linisin mo ngayon 'yan!" gigil na sabi ni mama dito. Muling kumuha ng itlog si mama sa ref at lumapit sa akin. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Ang puso ko gusto nang lumabas sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k no'n. "Oh!" Sabay abot sa akin ni mama ng itlog. Umiling ako agad habang takip-takip pa rin ng kamay ang bibig ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko. Napaatras na ako palayo kay mama. 'Di bale ng magka-pimples yuck! Over my dead hot and sexy body! "Gaga ka ba?! Dadagukan na kita eh! Nagpapaniwala ka d'yan sa ate mong sira ulo!" galit na sabi ni mama, habang inaabot pa rin sa akin ang itlog na hawak niya. Gusto ko nang sipain si ate dahil sa tawa ito nang tawa habang pinupunasan ang itlog sa sahig na nabasag ko. "Ngawit na ngawit na ako, Mikay, ha!" banta ni mama. "Babasagin ko talaga 'to sa mukha mo kapag 'di mo pa kinuha 'to sa kamay ko!" galit pang dagdag nito. "Eh!... Kasi naman eh!" naiiyak na sabi ko. Nagpapadiyak pa ako habang nanginginig ang kamay na inaabot ang itlog. "Gagang 'to! Isa-scrub mo lang 'yang itlog sa buong mukha mo! Hindi mo 'yan pipisain. Pagugulungin mo lang 'yan sa mukha mo na parang nagsasabon ka!" Kota na sa akin si mama kakatawag n'yang gaga, ha! At ano raw?! Halos mamatay na ako sa takot pagkatapos ganoon lang pala! "Ito kasing Mae na 'to! Kung anu-ano pinagsasabi, eh!" Sabay hampas ulit ni mama kay ate."Tawa ka pa nang tawa d'yan lintek ka!" Tawa naman nang tawa si ate. Sana mautot ka kakatawa mo! "Nakakatawa naman kasi talaga." Pagrarason pa niya. "Ikaw! Gawin mo na ang pinapagawa ko sa 'yo para makakain na tayo!" singhal ni mama sa akin. Ano ba naman 'to si mama? Nagpa paniwala sa mga pama-pamahiin. Dahil boring ang summer ko. Ginugugol ko na lang ang oras ko sa pagga-garden sa likod bahay. May mga tanim na akong gulay. Wala si Gin at out of the country. Tuwing bakasyon ay nasa New Jersey ito kasama ng mommy niya. Matulin ang bakasyon at kagabi ay dumating na si Gin. Ngayong araw ang enrollment at nasa baba na si Gin para isabay kami ni ate. Nagsuot lang ako ng leggins, white shirt na loose saka flat shoes. Nagdala na rin ako ng sling bag para sa cellphone, wallet at ballpen ko. Pagbaba ko pa lang sa unang baitang ng hagdan ay nakatanaw na agad si Gin sa akin. Feel na feel ko naman ang pagbaba sa hagdan dahil feeling ko girlfriend ako at gandang-ganda siya sa akin. Proud na proud naman ako at gusto ko pang tumili sa kilig. Napakunot ang noo ko nang makitang 'di pa bihis si ate. Naka-pajamas pa ito at sweater. 'Yong totoo? Maginaw ba? "Nandiyan ka na pala," si ate. "Hindi ako makakasama sa inyo kasi nilalagnat ako. Si Gin na muna ang bahala sayo," wika niya pa. Kinilig naman ako ng lihim dahil masosolo ko si Gin! "Pasalubong ko nga pala." nakangiting sabi nito, sabay abot ng paper bag. Nakangiting tinanggap ko iyon. "Thank you. Aakyat ko muna 'to sa kwarto," paalam ko. "Bra yan, Mikay! Para may terno na 'yong panty'ng regalo niya sa 'yo!" Natatawa pang pahabol ni ate. "Loko ka talaga!" Natatawang binato ni Gin ng throw pillow ang ate ko."Lagi mo na lang binu-bully si Mikay," dagdag pa niya. Ako naman, parang lumulutang sa langit dahil pinagtatanggol ng crush ko. Ano ka ngayon, 'te? Feeling ko talaga love na 'ko ni Gin. Ipinatong ko lang sa study table ko ang paper bag at umalis na kami ni Gin. Buong biyahe maganda ang mood ko. Masaya rin dahil kinukwentuhan ako ni Gin ng mga ginawa niya sa New Jersey. Hindi rin naman kalayuan ang school kaya nakarating din kami agad. Dinala muna ako ni Gin sa pila ng mga freshmen. Ililista pa daw kasi ang pangalan at may body check pa. Ibinigay niya rin sa 'kin ang class card ko na nasa envelope pa at dala-dala niya pala. Hindi ko iyon naalala dahil sa excitement kong sumakay kanina. "Dito ka lang muna, babalikan na lang kita mamaya. Ibibigay ko lang 'tong class card namin ni Mae," paalam niya sa akin. Ngumiti ako saka tumango. Wala bang kiss? Sinundan ko pa nang tingin si Gin habang papunta ng senior high building. Nakita ko pa siyang sinalubong ng mga kaibigan nila ni ate. "Mikay!" Nabigla ako nang yakapin ako ni Nessa. Nag-chat ako sa kanya kagabi na ngayon ako mag-e-enroll at sasabay daw siya. Bestfriends kami ni Nessa since grade four. Marami itong circle of friends pero ako lang daw ang bestfriend niya. Siya lang din ang nakakaalam na crush ko si Gin. "Kasama mo ba si Ate Mae at 'yong crush mo?" tanong nitong naging pabulong nang banggitin ang crush. "May sakit si ate kaya si Gin lang ang kasama ko," sagot ko. Impit pa siyang napatili at nahampas pa ako ng gaga sa braso. Siya ang kinikilig, eh! Parang siya ang kasama sa kotse kung kiligin. "So, how's the feeling, girl? Naihi ka ba sa kilig?" Sinundot-sundot pa ang tagiliran ko. "Gaga! Tumigil ka nga d'yan!" saway ko. Masama na kasi ang tingin sa amin ng nasa harap at likod ko. Bukod sa maingay kami ay nakasingit pa 'tong si Nessa sa pila. Pagkalista ng name ko ay chineck na ang tenga ko. Bawal daw kasi doble-doble ang butas ng tenga. Tanga lang? Natural iisa lang talaga ang butas ng tenga! Kasunod ay katawan ko, kung may tattoo ba? At pati kulay ng buhok ko. Kainis pa dahil ibinilad pa ako sa araw para ma-sure na natural daw ang kulay no'n. Pagkatapos ng body checking ay nag-take na ako ng exam. Pagkatapos ng exam ay siya namang dating ni Gin. Kasama sina Ate Lhindsay, Kuya Apollo, at Kuya Hector. "Hi, Mikay!" bati ni Ate Say sa akin. Ngumiti lang ako at kumaway sa dalawang lalaki. "Nagpapalapad ng papel, dude!" kantiyaw ni Kuya Apollo. "Ganyan dapat, Apollo. Idadaan muna sa pamilya para sure na sure ang matamis na oo" si Kuya Hector pa. "Mga sira ulo talaga kayo!" At pinag babatukan nito nang hawak na envelope ang dalawa. "Gutom ka na ba?" baling ni Gin sa akin. "Medyo lang," sagot ko. "Tara, kain muna tayo bago umuwi," aya pa niya sa akin. At ayon na naman ang puso ko. Lumulundag sa saya dahil niyaya niya akong kumain. "Iba talaga dumiskarte, amputcha!" kantiyaw muli ni Kuya Apollo. Siniko naman ito ni Ate Say na natatawa rin sa pang aasar kay Gin. Diskarte?... Sa akin ba?... Kalma self! 'Wag masyadong kiligin baka himatayin tayo dito! "Convoy tayo, dude," wika ni Kuya Hector. Tinanguan ito ni Gin at pinag buksan na ako ng pinto. "Sana all! Gentleman!" sigaw ni Kuya Apollo. Gin raised his middle finger to Kuya Apollo, saka tuluyang pumasok na sa loob ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD