Chapter 11 Abalang kumakain sina Leon, Stefi, at Mildred habang masayang nagku-kuwentuhan. ''Kailan niyo ba balak magpakasal?'' tanong ni Mildred sa dalawa. ''Ma, pareho pa kaming abala ni Stefi. Hinahayaan ko lang muna siya na mag-enjoy sa pagiging modelo niya dahil kapag ikinasal kami ay hindi na siya puwede mag-model,'' ngiting tugon ni Leon sa kaniyang ina at tumingin pa ito kay Stife. ''Eh, paano iyan? Sino na ang magmo-model ng mga damit na design ko?'' malambing na tanong ni Mildred sa anak. Habang si Stefi ay nakangiti lang na nakikinig sa mag-ina. ''Maraming magandang model, Ma. Kaya, habang hindi pa kami kasal ni Stefi ay okay lang na mag-model muna siya sa mga design mo,’’ sagot ni Leon sa kaniyang ina. “Babe, Pwede naman ako mag-model kahit kasal na tayo, eh! Saka parang