Chapter 12 ''Crisma! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami nag-aalala sa'yo ng Tita mo at ni Gina. Ilang beses ka namin tinawagan pero hindi mo sinasagot. At sino itong lalaking ito, ha?'' bungad ng Tito Oscar ni Crismafel sabay turo nito kay Leon. Kaba-baba lang nila sa sasakyan ni Leon dahil hinatid siya nito. Inabangan na siya ng kaniyang Tito sa kalsada. Sobrang nag-alala kasi ang mga ito sa kaniya. ''Magandang gabi, po,'' bati ni Leon kay Mang Oscar. ''Walang maganda sa gabi ko ngayon! At sino ka, ha? Bakit mo kasama ang pamangkin ko?'' masungit na tanong ni Mang Oscar kay Leon. Sasagot sana si Leon ngunit agad naman nagsalita si Crismafel. ''Tito, huminahon nga po kayo. Siya po ang boss ko nagabihan po ako ng uwi dahil nag-overtime ako at hinatid na ako ni Sir Leon.'' ''Aha,'' m