Prologue
Prologue
''Tita, aalis na ako. Baka ma-late na naman ako sa interview!''
Pagmamadaling isinuot ni Crismafel ang kaniyang sandals at patakbong bumaba sa hagdan ng kanilang bahay.
''Good luck, Crisma!'' mabantot na sigaw sa kaniya ng Tita Tessie niya sa kaniyang pangalan. Ayaw niyang tinatawag lang siyang Crisma dahil nababantutan din siya kapag iyon lang ang itawag sa kaniya.
''Crismafel, Tita! Crismafel!'' sigaw niya sa Tita niya habang nagmamadaling binuksan ang pintuan ng kanilang bahay. ''Hayzz! Tita talaga nakakasira ng araw!'' bulong niya at kumaripas ng takbo sa kalsada.
''Crisma! Mag-aaply ka na naman ng trabaho?''' sigaw naman ng kaniyang tiyuhin na umaga pa lang ay nasa tagayan na at nakikipag-inuman sa mga kapit bahay nila na mga lasinggiro rin.
''Crismafel, Tito! Crismafel po ang pangalan ko!'' gigil niyang sigaw sa Tito Oscar niya na kapatid ng kaniyang ama na asawa ng kaniyang Tita Tessie
Nagtawan naman ang mga kainoman ng kaniyang Tito sa pagtatama niya ng kaniyang pangalan sa kaniyang tiyuhin.
''Good luck! Pang-ilang apply mo na ba 'yan? Mukhang naubos mo na yata ang lahat ng kompanya rito sa Lauerta? Kapag natanggap ka magpapa-letchon talaga ako, Crismafel!'' sigaw pa sa kaniya ng kaniyang tiyuhin na nagpalaki sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga kasamahan nito.
''Salamat Tito! Aalis na po ako!'' paalam niya rito sabay para ng taxi na dumaan.
Sobrang excited na siya sa interview ng isang company na kaniyang pinag-aaplyan. Kung hindi siya nagkamali ay pang sampong apply na niya ito sa trabaho dahil lagi na lang siyang palpak sa interview.
Pagdating sa kompanya na kaniyang pinag-aplayan ay pagbaba niya pa lang sa taxi lumilingon na sa kaniya ang mga kalalakihan. Sa sobrang ganda ba naman niya at sexy ng katawan ay mapapalingon talaga sila. Daig niya pa nga ang isang celebrity kung ganda lang ang pag-uusapan.
Pagpasok sa opisina ay napapatingin naman ang mga empleyadong lalaki pati na rin ang mga kababaehan dahil sa mala-diyosa niyang ganda.
Pati ang mga kasamahan niyang aplikante ay parang nakakita ng angel na bumaba mula sa langit dahil sa ganda niyang tinatangi. Napaawang ang mga labi ng mga ito nang pumasok siya. Sakto pagdating niya ay tinawag ang pangalan niya.
''Crismafel Libron, you are next,'' sabi ng secretary ng may-ari ng kompanya.
Taas noo siyang tumayo sa kaniyang upuan at hinawi pa niya ang kaniyang buhok bago pumasok sa loob ng opisina ng may-ari ng kompanya.
Bahagya pang napaawang ang mga labi ng matandang lalaki na sa tantya niya ay nasa 50 taong gulang na.
Iniwayway ni Crismafel ang kaniyang kamay sa harap ng matanda dahil nakatulala na ito at naglalaway na.
''Sir, 'yong laway niyo po tumutulo na,'' inosente niyang sabi sa matanda na si Mr. Baltazar.
Biglang natauhan ang matanda sa sinabi niya.
''Have a sit!'' utos ng matanda at tiningnan ang resume niya.
''Nagtapos ka sa Adamian University at 26 years old ka na?'' tanong sa kaniya ng matanda at taas baba ang tingin nito sa kaniya. ''Bakit hindi ka pa umuupo? Sabi ko maupo ka.''
''Saan po ba ako uupo, Sir? Dito po ba sa kaliwa o kanan?''
Dalawa kasi ang upuan roon sa harap ng matanda. Napapakamot na lamang ngulo ang matanda sa kaniya.
''Ahmm.. kahit saan mo gustong umupo,'' malumanay na tanong ng matanda sa kaniya.
''Ah, okay po, Sir. Dito ko po gusto maupo sa sofa,'' sagot ni Crismafel at naupo sa mahabang sofa.
''Woh! Ang lamig ng aircon niyo, Sir. Puwede po bang pakihinaan? Wala kasi akong jacket na dala!'' walang hiya niyang utos sa matanda.
''Auff'' Napabuga ng hangin ngunit tumayo rin ang matanda at hininaan ang aircon saka muling naupo sa kaniyang upuan.
''Ahmm... Crsimafel, puwede dito ka na lang sa kanan umupo para hindi tayo magsigawan?'' marahang sabi ng matanda sa kaniya.
''Okay, Sir. No problem,'' sagot ni Crismafel. Tumayo siya at naupo sa kanan na upuan sa harap ng matanda.
Tumingin ulit sa kaniya ang matanda at binasa ang resume niya.
''Sa Adamian university ka nagtapos tama?'' seryosong tanong ng matanda sa kaniya.
''Tama, Sir. Mali po ba ang pagkasulat diyan?'' inosente niyang tanong sa matanda.
''Ahh.. Hindi naman,'' sagot ng matanda na nakakunot na ang noo dahil hindi niya alam kung namimilusupo ba siya o hindi.
''Pero, may bagsak po akong tatlong subject at ang ang dalawa ay pasang-awa pa. Binayaran 'yon ni Tita para lang maka-graduate ako,'' pagmamalaking sabi pa niya sa matanda. Napatawa na lang ng pagak ang matanda.
''Ahahaha... Well, kapag nakapasa ka at maging bahagi ng kompanya ano ang gagawin mo para mapaunlad pa ang kompanya?''
''Kapag nakapasa po ako sa interview, Sir at maging part ng kompanya ay magsisipag ako sa pagta-trabaho para sa huli ako na ang bagong may-ari ng kompanya!'' determinado niyang sagot sa matanda.
Napakamot na lang ng ulo ang matanda sa sagot niya.
''Iha, hindi ka pa natatanggap pero tanggal ka na agad sa trabaho,'' sabi pa ng matanda sa kaniya.
''Ha? Paano po nangyari 'yon, Sir? Hindi niyo pa nga po ako tinatanggap, tatanggalin niyo agad ako? Tanggapin niyo kaya muna ako, Sir, bago niyo po ako tanggalin,'' seryoso niyang sabi sa matanda kaya patawa-tawa na lang ang matanda sa katangahan niya.
''Hayayay, maganda sana tanga naman,'' bulong ng matanda sa kaniyang sarili. ''Ahmm.. Sorry Iha, maghanap ka na lang ng ibang trabaho sa ibang kompanya. Kailangan namin dito ay matalino.''
Tumaas ang kilay ni Crismafel sa sinabi ni Mr. Baltazar sa kaniya at tiningnan niya ito ng tiger look. ''Parang sinabi mo na hindi ako matalino, gano'n ba ang ibig mo sabihin?''
''Gano'n na nga, Iha. Kaya, puwede ka na lumabas at maghanap ng tarabaho,'' malumanay na sabi sa kaniya ni Mr. Baltazar.
Tumayo siya at itinutok niya ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang mata at itinapat kay Mr. Balatazar.
''Kapag ako nakahanap ng trabaho! Who you ka sa akin! Panot!'' asik niya pa sa matanda at walang lingon-lingon na lumabas sa opisina.
Napapailing na lamang sa kaniya ang matanda dahil maganda at sexy nga siya pero wala naman itong common sense.
Sumakay ulit si Crismafel sa taxi upang umuwi na.
''Ano kaya ang nasabi ko sa panot na iyon at bakit hindi niya ako tinanggap? Eh, totoo naman ang sinabi ko na gusto ko pagdating ng araw ay ako na ang may-ari ng kompanya. Ano sila sinesuwerte na ako ang magta-trabaho ng husto tapos hindi mapapa sa akin ang kompanya? Hmmmpp.. Bahala nga sila kawalan nila ako at hindi ko sila kawalan,'' bulong niya pa sa kaniyang sarili.
Pagdating sa bahay nila ay pabagsak siyang naupo sa sofa.
''Kamusta ang Interview mo, Crismafel? Natanggap ka ba?'' tanong ng kaniyang Tita Tessie at binigyan siya nito ng tubig.
Uminom muna siya bago sinagot ang kaniyang Tita habang nakasimangot siya.
''Hmmpp...Hindi Tita. Maarte kasi ang panot na nag-interview sa akin. Hayss.. Tatanong-tanong sila sa akin tapos hindi naman nila ako tatanggapin?'' nakasimangot niyang sumbong sa kaniyang Tita.
Hindi na nagtaka sa kaniya ang kaniyang Tita kung bakit hindi siya nakapasa sa interview. Sanay na ang mga ito na wala talagang tatanggap sa kaniya na kompanya.
''Ano na naman ang inaplayan mong trabaho, Crismafel?'' tanong ng kaniyang pinsan na si Gina. Katatapos lang ito maligo dahil papasok ito sa paaralan na pinagta-trabahuhan niya bilang isang guro sa elementarya.
''President of the company,'' sagot niya na seryoso sa kaniyang pinsan.
''Hahaha...Saan ka ba kumuha ng lakas ng loob at iyon agad ang inapalyan mo?'' tanong ng kaniyang pinsan habang napapailing sa kaniya.
''Bakit saan ba puwede kumuha ng lakas ng loob? E 'di sa sarili ko. 'Di bali, magkakatrabaho rin ako at magkaroon ng malaking sahod,'' seryoso niyang sabi sa kaniyang pinsan.
''Hay nako, Crismafel. Mabuti pa samahan mo ako sa school at tulungan maglinis ng classroom para sa lunes ay malinis na ang silid paaralan ko pagpasok ng mga estudyante,'' yaya na lang sa kaniya ng kaniyang pinsan na si Gina.
Napatingin pa siya sa Tita Tessie niya na kumukukot ng buto ng sunflower. Napataas pa ang kilay niya ng tumingin siya sa kaniyang Tita nang umakyat si Gina.
''Papalinisin na naman ako no'n ng classroom,'' rekalmo niya sa kaniyang Tiyahin.
''Sumama ka na bago ka pa makita ng Tito mo. Dahil mamaya aasarin ka na naman kapag nalaman niya na hindi ka natanggap sa trabaho.''
Sinunod niya na lamang ang sabi ng kaniyang Tiyahin. Kahit gano'n si Crismafel na mahina makaunawa ng mga bagay na sinasabi sa kaniya ay mahal naman siya ng mga ito. Simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay kinupkop na lamang siya ng kaniyang Tito Oscar at Tita Tessie. Kaya, sabay silang lumaki ni Gina na kaniyang pinsan at naging matalik na kaibigan.
Samantala sa Carson Electronic ay abala si Regan sa paghahanda ng mga papelis na lalagdaan ni Leon ang kaniyang matalik na kaibigan na may-ari ng Carson Electrionics. Siya ang assistant manager ng kompanya. Habang isa-isang tiningnan ni Regan ang papel ay tumawag naman sa kaniya si Leon. Nasa ibang bansa ito dahil sa bidding na gusto nitong makuha. Ngunit bigo itong uuwi sa Lauerta dahil hindi niya nakuha ang bidding sa isang kompanya sa Korea.
''Kamusta ang pag...''' Hindi na natapos ni Regan magtanong kay Leon sa kabilang linya dahil nagsalita ito.
''Hanapan mo ako ng bagong secretary dahil ang tanga ng secretary ko!'' galit nitong sigaw kay Regan.
''Dude! Pang-anim mo na iyan na secretary. Ano buwan-buwan ka na lang magpapalit ng bagong secretary?'' kunot-noo na tanong ni Regan kay Leon sa kabilang linya.
''Hanapan mo ako! Kailangan matalino at hindi tanga! Gusto ko sa pag-uwi ko sa sunod na araw ay may bago na akong secretary!''
Napapailing na lamang si Regan sa kaniyang kaibigan. Kapag makapagpalit ito ng tauhan ay gano'n-gano'n na lang. Natutuwa ang mga empleyado kapag wala ang Leon nilang amo dahil kapag nasa opisina ito walang araw na wala siyang mapapagalitan na mga empleyado.
''Okay, okay, hanapan kita,'' sabi ni Regan at tinawag ang secretary nito. ''Joy!''
''Good, sige na at may meeting pa ako,'' wika ni Leon at pinatayan na nito ng cellphone si Regan.
Nagmamadali naman lumapit ang secretary ni Regan sa kaniya.
''Bakit po, Sir?''
''Maghanda ka ng mga aplikante bukas para sa interview. 'Yong mga resume na nagpasa mga nakaraan na hindi pa na-interview tawagan mo,'' utos ni Regan sa kaniyang Secretary na si Joy.
''Sige, Boss. Ako ang bahala,'' sabi nito at nagtungo na sa puwesto niya.
Samantala si Crismafel naman ay abala sa paglilinis ng classroom ng kaniyang pinsan.
''Gina, mabuti at hindi sumasakit ang ulo mo sa pagiging teacher?'' tanong ni Crisma sa kaniyang pinsan.
''Syempre, dahil iyon ang gusto kong trabaho. Gusto kong turuan ang mga bata,'' sagot sa kaniya ni Gina habang nagche-check ng papel ng kaniyang mga estudyante.
''Gina, ano kaya kung mag-apply na lang din ako ng teacher? Baka sakaling matanggap pa ako. Ikaw, kasi isang beses lang nag-apply sa trabaho tanggap na kaagad,'' aniya.
Napahinto si Gina sa kaniyang ginagawa at bumulong sa sarili.
''Hayss...Umaandar na naman ang katangahan ng pinsan ko.''
''May sinasabi ka ba, Gina?'' tanong ni Crismafel sa pinsan nang marinig niya ang pabulong na salita ni Gina.
''Hmmmm.. Sabi ko mag-aral ka muna ng teacher bago ka mag-aply na maging teacher.''
Tumango-tango naman ang dalaga. ''Kapag mag-aral ako ng teacher makakaubos ako ng apat na taon. Eh, kung sa apat na taon e-apply ko na lang ng trabaho baka makakapasok na ako sa trabaho at makakaipon na ako para makapunta sa Italy!''
Napapataas na lamang ng dalawang kilay ang kaniyang pinsan sa sinabi niya at nagpatuloy sa pag-check ng papel.
''Ano na naman ang gagawin mo sa Italy?'' tanong ni Gina sa kaniya. ''Magkakalat ka lang ng katangahan roon,'' bulong pa ni Gina sa kaniyang sarili.
''Pangarap ko kaya makapunta ng Italy. Magbabakasyon ako roon ng isang buwan tapos maglilibot ako roon kasama si Jordan. Tapos kapag ikinasal kami sa Italy kami mag-honeymoon,'' kinikilig niyang sabi kay Gina habang pinapangarap na magkasama sila ni Jordan sa Italy.
''Hay nako, Crisma! Nanaginip ka na naman ng gising. Hindi ka nga magawang tawagan ng boygriend mo sa loob ng 172 hours,'' irap na sabi sa kaniya ni Gina. Nagta-trabaho ang boyfriend ni Crismafel sa Italy bilang isang kusinero.
''Syempre, nagtitipid 'yon dahil mahal ang tawag dito, " puno ng kainonsentihan na pangtatanggol niya sa nobyo kay Gina.
''Day, may f*******: na at puwede kayo mag-usap roon para magkaroon kayo ng communication,'' sabi pa ni Gina sa kaniya.
Bahagya pa siyang nag-isip at salubong ang mga kilay na nagtanong kay Gina. ''Anong pacebook?''
''Hay naku, Lord! Habaan mo pa ang pasensya ko sa babaeng ito,'' nagtitimping bulong ni Gina sa kaniyang sarili.
''Gaga! f*******: not pacebook!'' pagtatama ni Gina sa kaniya.
''What ever,'' pairap niyang sagot kay Gina.
Kinuha ni Gina ang kaniyang cellphone at ipinakita kay Crismafel. ''Ayan ang f*******: mag-download ka sa cellphone mo at gumawa ng account.''
''Ahh.. 'yan pala 'yon? Sige, sige, gagawa ako. Tapos ano ang gagawin ko riyan?'' tanong niya sa kaniyang pinsan na naiireta na sa katangahan niya.
Tinurauan na lamang siya ni Gina at mabilis niya naman iyon natutunan. Ngunit 'yon nga lang ay may mga curiosity pa siyang nararamdaman. Habang nilalagyan niya ng profile picture ang account niya ay may numero namang lumitaw sa screen ng cellphone niya. Hindi iyon pamilyar sa kaniya kaya nag-iisip pa siya kung sino.
''Sagutin mo na 'yang tawag sa 'yo mamaya importante 'yan,'' utos sa kaniya ni Gina.
''Okay,'' aniya at nilagay sa tainga ang cellphone. ''Hello?''
''This is Joy of Carson Electronic. Can I speak to Miss Crismafel Libron?'' malamig sa tainga na tanong sa kaniya sa kabilang linya.
''Speaking. What can I do for you?''
''Hello, Miss Libron. Mayroon po kayong interview bukas sa office ni Mr. Regan Tyler at 9:00 am tungkol sa inaaplayan mong trabaho bilang secetary.''
Hindi makapaniwala si Crisma sa narinig sa kabilang linya kaya napatakip pa siya sa kaniya ng mga labi.
''Woh! Talaga po? Sige, sige, po. Maaga pa po ako riyan sa office ninyo bukas,''aniya. Walang mapagsidlan ang tuwa na kaniyang nararamdaman.
''Sige, see you tommorow and goodluck,'' saka pinatay na nito ang cellphone.
Patalon-talon pa sa tuwa si Crisma dahil akala niya ay hindi na siya tatawagan ng Carson Electronics dahil ito ang pinakamagandang kompanya sa lugar nila sa Lauerta.
Halos lahat kasi ng kompanya sa lugar nila ay pinasahan niya ng resume. Kung alin ang wanted o available na trabaho na hinahanap ay inaaplayan niya. Wala siyang pinapalampas na mga professional na trabaho. Kaya, hindi siya natatanggap dahil ang iba ay hindi naman angkop sa pinag-aralan niya bilang isang business manager na pilit niyang tinapos. Iyon kasi ang pangarap ng kaniyang mga magulang noong bata pa siya. May kaunti kasi silang negosyo noon at gusto niya ay mapalago iyon paglaki niya. Ngunit maagang nawala ang kaniyang mga magulang noong siyam na taong gulang pa lamang siya.
''Gina, alam mo ba kung sino ang tumawag sa akin?'' tuwang-tuwa niyang tanong kay Gina at inagaw nito ang ballpen ni Gina upang mag-focus ang atensiyon nito sa kaniya.
Napasalong baba na lamang si Gina at tumingin sa kaniya ng walang kagana-gana. ''Hmmm... Marahil isa sa mga na aplayan mo ng trabaho.''
''Korek!'' sigaw niyang sabi sa pinsan kaya medyo nagulat pa si Gina.
''Alam mo ba kung aling kompanya ang tumawag sa akin? Walang iba kundi ang Carson Electronic!'' kinikilig niya pang sabi sa pinsan at patalon-talon pa siya.
''Hmmm... Carson Electronics kamo? Hindi ka nga natatanggap sa simpleng company iyong company pa kaya na 'yon?'''' pang-uuyam na sabi sa kaniya ni Gina.
''Malay mo at matanggap ako?'' pakindat-kindat niya pang sagot kay Gina.
''Well, dahil sa lakas ng loob mo ipaghahanda kita ng espaghetti kapag nakapasa ka sa interview mo,'' hamon sa kaniya ni Gina
''Okay, sinabi mo 'yan, ha? Saka kapag nakapasa ako. Ikaw muna ang sponsor ng mga damit ko,'' aniya kay Gina at bahagya pang nag-isip na nakakibot ang labi. ''Hmmm... Sino kaya ang naghahanap ng secretary sa Carson Electronics?''
''Malamang isa sa may-ari ng Carson Electronics,'' taas kilay na sagot sa kaniya ni Gina.
Kinabukasan ay maagang nagising si Crismafel dahil sa paghahanda niya sa interview sa Carson Electronics. Nag-suot siya ng pincel skirt na hanggang taas ng kaniyang tuhod at may slit pa sa gilid ng hita niya. Kaunting make up lang ang ipinahid niya sa kaniyang mukha at lumitaw na kaagad ang ganda niya. Nakawave ang buhok niya na abot hanggang kalahati ng kaniyang likod.
Ang ganda niya tingnan. Perpekto na sana siya tingnan ngunit ang utak na lang ang kulang sa kaniya.
Minsan bukod sa tanga siya ay clumpsy pa. Dalidali siyang bumaba at ayaw niya ma-late sa interview. May kalahati pa siyang oras para makarating sa Carson Electronic.
''Tita, Gina! Aalis na ako!'' sigaw niya sa dalawa at nagmamadaling lumabas ng bahay.
''Good luck!'' sagot naman ng kaniyang Tita Tessie. Habang si Gina naman ay pailing-iling na uminom ng coffee.
''Ma, kailan ba 'yan mapagod si Crismafel mag-apply ng trabaho?'' tanong ni Gina sa kaniyang ina.
''Anak, hayaan mo lang siya. Atleast malilibang siya kapag makapagtrabaho na siya.''
''Ma, ilang beses na niya 'yang interview, pero ni isa walang tumanggap sa kaniya." tugon ni Gina sabay paikot ng kaniyang mata.
''Hay nako, anak! Intindihin mo na lang ang pinsan mo. Alam mo naman na mula nang magising siya mtatapos ang aksidente ay kinuha niya yata lahat ng katangahan sa lahat ng mga tanga.''
Kibit balikat na lang si Gina sa sinabi ng kaniyang Ina. Maya pa ay pumasok ang ama ni Gina na si Mang Oscar na galing sa labas.
''Saan na naman pupunta ang pinsan mong iyon, Gina?'' tanong ng ama ni Gina sa kaniya at nagtimpla ng kape.
''Saan pa nga ba kundi sa bagong interview niya. Good luck na lang sa kaniya kung makapasa siya sa Carson Electronics. Eh, strikto yata ang kompanya na 'yan,'' ani Gina at naghigop ng kape.
''Magpapa-lechon talaga ako kapag 'yan si Crisma nakapasa sa interview niya,'' determinado namang sabi ni Mang Oscar.
''Wag mo maliitin ang pamangkin mo Papa at baka mapasubo ka,'' sabi naman ni Aling Tessie sa asawa.
''Hay, nako! Basta magpapa-lechon ako at maghahanda at imbistahan lahat ng kapit bahay kapag natanggap sa trabaho ang batang iyan,'' seryoso pang sabi ni Mang Oscar.
Napapailing na lamang si Gina at inubos ang kape. Hinahayaan lang nila si Crismafel sa gusto nitong gawin sa buhay at sinusuportahan lang nila ito sa pag-aaply ng trabaho kahit wala namang kompanya na gustong tumanggap sa kaniya.
Habang sa biyahe naman si Crismafel ay dumadalangin ito na sana ay matanggap siya bilang secretary. Walang siyang pakialam kung panot ang kaniyang maging amo basta kapag hindi siya nito pinasa sa interview ay magmamakaawa na lamang siya. Pang-ilan niya na itong apply na trabaho ngunit palagi na lang hindi sumasang-ayon sa kaniya ang mga naaplayan niya.
Pagbaba niya sa taxi ay napapalingon na naman sa kaniya ang makakasalubong niya, babae man o lalaki.
Pagpasok niya sa loob ng Carson Electronics ay napapanganga pa ang mga empleyado sa kaniya na halos matulo na ang mga laway ng mga ito sa kagandahan niya. Lalo pang napanganga ang mga nasa loob ng Carson Electronics nang tanggalin niya ang kaniyang black shade.
''Wow! '' narinig niyang paghanga sa kaniya ng mga empleyado na naroon. Sanay na si Crisma na hinahangaan siya.
Sinalubong siya ng Secretary ni Regan na si Joy.
''Ikaw si Miss Libron?''
''Yes!'' sagot niya sa secretary ni Regan.
''You are 2 minutes late, pero dahil walang nagustuhan na aplikante si Sir Regan ay bigyan kita ng pagkakataon na ma-interview niya dahil ikaw ang last niyang interbyuhin,'' sabi sa kaniya ni Joy.
''Okay, no problem, come on!'' tugon ni Crismafel at suminyas pa sa pamamagitan ng kaniyang ulo na pumasok na sila sa loob ng office ni Regan.
Nauna pa nga siya kay Miss Joy na nagtungo sa pintuan ng opisina ni Regan. Ang maganda lang kay Crismafel ay mataas ang self confidence niya.