Episode 8

2067 Words
Chapter 8 KINABUKASAN "Good morning, Sir Reagan. Ang aga niyo, ah!" bati ni Crismafel kay Reagan nang dumaan siya sa office ni Reagan habang nakikipag-usap ito sa secretary nitong si Joy. "Good morning, Crismafel. You are so beautiful," buong paghangang sabi ni Reagan sa kaniya. Ang ganda niya tingnan sa kulay pula niyang dress na litaw ang cleavage ng kaniyang dibdib, at ang haba nito ay taas ng tuhod niya na may slit sa kanang bahagi ng kaniyang hita. "Matagal ko ng alam na maganda ako, Sir. Roar!” Natatawa si Regan nang mag-inarte ito na parang lion. "Hindi pa dumating ang boss mo. Kaya, punas-punasan mo na ang office niya," saad ni Regan sa kaniya. Tumango-tango lamang si Crismafel at kumaway siya kay Joy. Ngumiti naman ito sa kaniya at kumaway din. Inilapag lamang ni Crismafel ang kaniyang bag sa kaniyang upuan at pumasok sa office ni Leon. Tulad ng ginawa niya kahapon ay naupo siya sa upuan ni Leon at pinaikot-ikot. ''Wow! Ang sarap talaga ng upuan ni Sir. Tapos ang ganda talaga ng view ng dagat. Ang sarap maging CEO,'' nakangiti niyang sabi at pinaikot pa ang inuupuan. Ngunit ilang sandali lang ay huminto siya at tumayo. Kumuha siya ng pamunas sa alikabok at pinunasan ang mesa ni Leon at ang mga naka-display roon. Pinakimbot-kimbot niya pa ang kaniyang puwet at sumayaw na kumakanta sa kanta ni Kitty Perry na Roar. I got the eye of the tiger, a fighter Dancing through the fire Kanta niya sabay kimbot niya ng kaniyang puwit. 'Cause I am a champion, and you're gonna hear me roar Louder, louder than a Leon Sabay palit niya ng pangalan ng amo niyang si Leon sa halip na lion ay ginawa niyang Leon. 'Cause I am a champion, and you're gonna hear me roar Sabay pa niya kumpas ng kaniyang kamay na parang lion. Lalo niya pang nilakasan ang kaniyang boses sa pagkanta at sinabayan niya pa ng pagkimbot ng kaniyang puwit. Maya pa ay dumating si Leon at napapakunot-noo ito nang makita ang ginagawa ng bago niyang secretary. Oh-oh-oh-oh-oh You're gonna hear me roar, Leon, roar... Napatigil siya sa kaniyang pagkanta nang lumingon siya at nabungaran ang madilim na titig sa kaniya ni Leon. ''Roar, roar, roar,'' aniya na napapangiwi. Lalong kumunot ang noo ni Leon sa kaniyang secretary. Hindi niya alam kung iniinsulto ba siya nito o iniinis. ''What are you doing?'' nakataas ang kilay na tanong ni Leon sa kaniya. Hindi naman alam ni Crismafel kung sasagot siya o tatakbo sa labas ng office. Inaalala niya na baka matagal na nakatingin sa kaniya si Leon at baka nakita nito ang pagkimbot-kimbot ng kaniyang puwit. ''Ahhh... Ehhh... Nagpupunas ng alikabok Sir, habang kumukanta at sumasayaw,'' nahihiyang sagot ni Crismafel sa kaniyang boss. ''Iniinsulto mo ba ako sa kanta mong iyan, Crismafel?'' seryosong tanong ni Leon sa kaniya. ''Hala, hindi po, Sir, ah! Saka kanta po talaga iyan ni Kitty Perry. Kahit e-search niyo pa po, Sir. Kanina pa po ba kayo; Sir?'' patay malisya niyang tanong kay Leon. Sa halip na sagutin siya ni Leon ay naupo ito. ''Templahan mo ako ng kape. Baka kung ano na namang kape ang itempla mo sa akin, ha?'' ''Okay, Sir. I got it already. Coffee with out sugar and without salt, roar!'' tugon ni Crismafel sabay tiklop niya ng kaniyang kamay na parang kamay ng lion at lumabas na sa office ng kaniyang boss. Napabuntong hininga na lang si Leon sa kaniyang secretary. Kung hindi lang siya naniniwala kay Mr. Sakuraki na masuwerte si Crismafel sa kaniyang negosyo ay hindi niya ito pababalikin sa kaniyang opisina. Hindi naman siya naniniwala sa gano'n ngunit hindi naman masama kung subukan niyang manatili ang bagong secretary sa kompanya niya. Isa pa baka nga masuwerte ito dahil nakuha nila ang Toyoshi Cars. Ngunit ang INV Cars ay hindi niya nakuha dahil wala ang secretary niya noong nag-bidding siya sa INV kahapon. Habang nagbubukas siya ng kaniyang laptop ay laking gulat niya nang may pumasok sa kaniyang opisina. Napatayo siya at malawak ang ngiti na sinalubong ang babaeng pumasok sa kaniyang opisina. ''Babe!'' tuwang tawag ni Leon sa kaniyang girlfriend na si Stefi. Malawak ang ngiti ng dalaga sa kaniya at sinalubong nito ang yakap ni Leon. ''I miss you, Babe,'' sabi ni Stefi nang kumalas silang dalawa sa pagkayakap. Ang ganda nito sa suot niyang backless at naka-mini skirt na hanggang kalahati ng kaniyang mga hita. ''Akala ko mamaya ka pa darating. Gusto sana kita sunduin sa airport,'' wika ni Leon kay Stife. ''Gusto kasi kitang surpresahin, Babe,'' nakangiting sabi ni Stefi kay Leon. Hinalikan niya ito sa labi at tinugunan naman iyon ni Leon. Saktong pumasok naman si Crismafel sa opisina ni Leon na may dalang kape. Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya na may kahalikan ang kaniyang boss na payat na babae. ''Hala, bakit dito sila naghahalikan, eh, opisina ito?'' bulong niya sa kaniyang sarili. Ngunit sa halip na ilapag niya ang kape ay nakatitig lamang siya sa dalawa na naghahalikan. 'May asawa na pala si Sir Leon? Hala, ano kaya ang pakiramdam na hahalikan ka sa labi? Yak! Nagpapalitan sila ng laway?' nagtataka niyang tanong sa kaniyang sarili. Palibhasa kasi ay kahit minsan hindi pa siya nahalikan ni Jordan sa labi. Sa noo lamang siya nito hinahalikan dahil ayaw niya magpahalik sa kaniyang labi dahil para lang daw iyon sa mag-asawa. Palagi niya isinasaisp ang payo sa kaniya ni Gina na kapag may boyfriend siya ay huwag siyang magpapahalik sa labi at huwag magpapahipo ng kaniyang katawan dahil kapag nakuha na ng lalaki ang kailangan nito sa kaniya ay iiwanan at sasaktan siya nito. Kaya, ayaw niyang mangyari iyon sa kaniya na iwanan siya ni Jordan kapag naibigay niya ang kaniyang sarili sa nobyo. Ilang saglit pa ay naghiwalay din ang labi ng dalawa. Nakita naman ni Leon si Crismafel, kaya tumikhim ito. ''Ehem! Sa susunod kumatok ka bago ka pumasok,'' seryosong sabi ni Leon kay Crismafel. Lumingon naman si Stefi sa kausap ni Leon at napaawang pa ang labi nito nang makita si Crismafel. ''Bukas naman po ang pinto, Sir. Saka alam ko naman na narito ka sa loob ng office mo, kaya bakit pa ako kakatok? Malay ko ba na pagbalik ko nakikipagpalitan na kayo ng laway sa kaniya?'' ani Crismafel at sabay turo kay Stefi na parang nandidiri. ''Sino siya, Babe?'' nagtatakang tanong ni Stefi kay Leon na tinaasan ng kilay si Crismafel. ''My new secretary, Babe,'' wika ni Leon at umikot sa kaniyang mesa at naupo. Naupo rin si Stefi sa harap ni Leon. Habang si Crismafel naman ay taas baba ang tingin sa kaniya ni Stefi. Humakbang si Crismafel patungo sa mesa ni Leon at inilapag ang tasa na may kape sa mesa nito ''Ito na po ang kape niyo, Sir, na matabang,'' sabi pa ni Crismafel sa amo. Ngunit hindi naman siya pinansin ni Leon. ''May iutos pa po ba kayo sa akin, Sir?'' tanong pa ni Crismafel kay Leon. ''Wala na, makakalabas ka na sa office ko,'' seryosong sagot sa kaniya ni Leon. Samantalang si Stefi naman ay hindi maiwasan na hindi pagselosan si Crismafel dahil sa angkin nitong ganda. ''Excuse me, pakitemplahan mo ako ng juice,'' utos ni Stefi kay Crismafel na nakataas ang kilay. ''What flavor of juice, Madam?'' nakangiting tanong ni Crismafel kay Stefi. Nainis si Stefi sa tawag ni Crismafel sa kaniya na Madam. ''Dont call me, Madam. Just call me Miss Stefi Lewis,'' pangungorek sa kaniya ni Stefi. ''Okay, Miss Stefi Lewis. What flavor of juice do you want?'' tanong ni Crisamfel sa dalaga na mukhang maarte sa paningin niya. ''Lemon Juice,'' sagot ni Stefi. ''Fresh or powder?'' tanong ulit ni Crismafel. ''May fresh lemon ba rito?'' seryosong tanong ni Stefi sa kaniya. ''Powder lang ang available sa pantry, Miss Stefi Lewit, este, Lewis,'' sagot niyang nakangiti kay Stefi. ''So, wala naman pa lang fresh lemon, bakit ka pa nagtatanong?'' naiiritang tanong sa kaniya ni Stefi. ''Malay ko at magpapabili kayo ng fresh lemon juice or baka may baon kayong lemon,'' seryoso namang sagot ni Crismafel kay Stefi. Napangiti ng mapakla si Stefi sa sagot sa kaniya ng bagong secretary ni Leon. Mukhang maaga pa nitong sirain ang kaniyang araw. Kaya, bago pa mahalata ni Stefi ang katangahan ni Crismafel ay nagsalita na si Leon. ''Babe, 'wag ka na magpatimpla ng juice. Doon na lang tayo sa tapat ng building at may bagong bukas diyan na coffee shop. May juice rin sila roon.'' Tumayo si Leon para tumayo na rin ang nobya dahil baka mamaya ay mapunta sa kung ano ang usapan ng dalawang babae. Lalo na at hindi pa alam ni Stefi ang kahinaan ng utak ni Crismafel. Tumayo na rin si Stefi at humawak sa braso ni Leon at tinaasan nito ng kilay ang bagong secretary ng nobyo. Kunot-noo naman na napatingin si Crismafel sa nobya ni Leon dahil kung makatitig sa kaniya ang babae ay kulang na lang sabunutan siya nito. ''Crismafel, ibalik mo sa pantry ang coffee. Sa labas na lang kami magkakape. Saka paki-photocopy nitong mga papelis,'' utos ni Leon kay Crismafel at itinuro ang ipapa-photocopy nito. ''Sige, Sir. enjoy,'' aniya na nakangiti na may kasamang pang-aasar. Bago pa uminit ang ulo ni Leon sa kaniyang secretary ay minabuti na lamang niyang umalis na sa kaniyang office kasama si Stefi. 'Roar! Mukhang tigre na hindi nakakain ng limang buwan ang asawa ni Sir Leon. Ang payat at labas na ang mga buto-buto,' wika ni Crismafel sa kaniyang sarili nang lumabas na ang dalawa. Kinuha niya ang tasa ng kape ni Leon na hindi pa nagalaw at dinala sa pantry. ''Sayang naman 'tong kape. Ibigay ko kaya ito kay Sir Reagan. Sayang at hindi ako nagkakape,'' aniya sa sarili at nilagyan ng kaunting asukal ang kape na para sana kay Leon. Dinala niya sa opisina ni Reagan ang kape. Nang makita siya ni Regan sa labas ay kumaway ito sa kaniya at sininyasan siyang pumasok. Pinihit niya ang pinto at malawak na ngiti naman ang iginawad sa kaniya ni Reagan. ''Good Morning, Miss Beautiful. Ano 'yang dala mo?'' tanong ni Regan sa kaniya. ''Kape, Sir,'' aniya at inilapag sa mesa ni Reagan ang dala niyang kape. ''Oh, thank you. Tamang-tama at magpapadala sana ako ng kape kay Joy.’’ ''Para sana iyan kay Sir Leon. Kaso nawalan na yata siya ng gana dahil nakipagpalitan siya ng laway doon sa babae na parang tigre na hindi nakakain ng limang buwan.'' Tumawa ng malakas si Reagan sa sinabi niya. ''Sinong babae?'' tanong ni Regan sa kaniya. Subalit alam na ni Ragan na si Stefi ang tinutukoy nito. ''Hindi ko alam ang pangalan, Sir. Basta pagbalik ko sa opisina ni Sir Leon, may tigre na siyang kasama at ang payat. May asawa na pala si Sir Leon? Akala ko walang papatol sa kaniya,'' patuloy niya pang daldal kay Reagan na namumula na sa katatawa. ''Si Stefi 'yon, Ang girlfriend ni Leon na isang modelo,'' wika ni Reagan. ''Hala, girlfriend niya 'yon, SIr? Eh, bakit naghahalikan sila sa labi?'' nagtataka niyang tanong kay Reagan. ''Natural lang iyon sa magnobyo at nobya. Lalo na at ilang linggo rin na hindi nagkita ang dalawa,” sagot ni Regan sa kaniya at ininom ang kape na dala niya. ''’Di ba, para lang sa mag-asawa makipagbungguan ng labi sa isa't isa? Si Jordan nga sa noo niya lang ako hinahalikan dahil ayaw ko magpahalik sa labi. Kapag kasal na kami saka siya makakahalik sa akin sa labi,'' daldal niya kay Reagan at napapasimangot pa siya. ''Sinong Jordan?'' tanong ni Regan sa kaniya. ''Boyfriend ko po, Sir,’’ pagmamalaki niyang turan sa binata. ''Akala ko ba wala kang boyfriend?'' Naalala naman ni Crismafel na sinabi niyang wala siyang boyfriend nang tinanong siya noon ni Reagan kung may boyfriend siya o wala. ''Sabi ko, Sir, wala akong boyfriend dito sa Lauerta dahil nasa Italy po ang boyfriend ko.'' Tumango-tango na lang si Reagan sa paliwanag niya. ''Ahh… Gano'n ba? Ilang taon na kayo?'' ''Limang taon Sir. Kayo po Sir, may girlfriend na kayo?'' walang alinlangan niyang tanong kay Reagan. ''Akala ko magkakaroon na sana kaso may boyfriend na pala. Pero, okay lang dahil hindi pa naman sila kasal,'' pahangin na sabi ni Reagan kay Crismafel. Ang totoo ang dalaga ang tinutukoy niya dahil sa una niya pa lang tingin kay Crismafel ay mukhang crush niya na ito. Pero mukhang hindi naman yata siya type ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD