Episode 9

2325 Words
Chapter 9 “Kumusta ang bidding mo sa Korea, Babe?’’ malambing na tanong ni Stefi kay Leon. Nasa coffee shop na sila. Umiinom ng kape si Leon at milktea naman ang kay Stefi. ‘’Natalo ako, Babe. Pero okay lang dahil nanalo naman ako sa bidding sa Toyoshi Cars. How about you? Kumusta ang pagmo-model mo?’’ tanong ni Leon sa nobya. “Heto at marami pa akong schedule, Babe. Mukhang bago na naman ang secretary mo, saka maganda siya,’’ nakasimangot na turan ni Stefi kay Leon. Ngumiti si Leon sa nobya habang umiinom siya ng mainit na kape. "Babe, don’t tell me pinagseselosan mo ang secretary kong iyon?’’ ‘’Yes, Babe. Sobrang ganda niya kasi! Paano kung magkagusto ka sa kaniya?’’ problemadong saad ni Stefi sa kaniya. ‘’Babe, ganda lang ang mayroon sa secretary kung iyon. Kaya, kung ganda lang ang pag-uusapan maganda ka rin naman at mas ‘di hamak na iba ka sa babaeng iyon. Bukod sa maganda ka, matalino at maabilidad sa buhay. Kaya huwag kang magselos sa babaeng iyon,’’ pang-aalo niya kay Stefi. Kahit may kaunti pa ring pangamba si Stefi ay gumaan din ang pakiramdam niya kahit paano sa sinabi ni Leon. Saka may tiwala naman siya kay Leon at pareho silang nagmamahalan. Isang oras ang lumipas ay natapos na sila sa pag-uusap sa coffee shop na iyon. Kung tutuusin kulang ang isang oras nila ni Stefi na magkasama. Ngunit pareho silang busy at kaunti lang ang oras na magkasama sila. May mahalaga naman kasing shooting si Stefi mamayang gabi. Gusto din ni Leon na bigyan ng party ang mga empleyado dahil sa napanalunan nilang bidding kahapon. Pagbalik ni Leon sa kaniyang opisina dumaan muna siya sa opisina ni Reagan, ngunit nasa labas pa lang siya ng opisina ni Reagan ay nakita na niya na kausap nito ang kaniyang secretary. Nagsalubong ang kilay niya at pumasok sa loob ng office ni Regan. Naabutan niyang masayang nagtatawanan ang dalawa. ''Crismafel, what are you doing here?'' mataas na boses niyang tanong kay Crismafel. Nagulat ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Leon kaya napalingon ito. ''Sir, nagku-kwentuhan lang po kami ni Sir Reagan,'' kampanteng sagot ng dalaga sa kaniya. ''Oras ng trabaho nakikipagkwentuhan ka?'' galit na bulyaw niya kay Crismafel. ''Sir, hindi mo naman kailangan na sumigaw dahil nasa harapan niyo lang po ako, oh! Bakit hindi niyo po gayahin si Sir Reagan na mahinahon at palangiti. Kayo daig niyo pa ang bulkan na hindi nagsasabi na sasabog na pala.'' Lalong nag-alburuto si Leon sa sinabi ng bago niyang secretary. Sa lahat ng tao rito sa opisina parang itong babae lang na ito ang hindi nanginginig sa takot sa kaniya. At may lakas pa ng loob ito na insultuhin siya. Ngunit sa halip na pansinin niya ang sinabi ni Crismafel ay si Reagan ang pinagbuntunan niya. ''Reagan, sa susunod pumili ka ng matinong secretary ko, ha? Ayaw ko ng tanga, bobo, at walang utak na kagaya niyan!'' hindi na napigilan ni Leon ang sarili kaya hindi na siya nakapagtimpi pa. ''Walang utak! Sumunod ka sa akin sa opisina!'' galit pang utos ni Leon kay Crismafel at lumabas ito sa office ni Reagan. Napaawang ang labi ni Crismafel sa tawag sa kaniya ng kaniyang boss. At kahit si Reagan ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Leon. Sabagay sanay naman siya sa kaibigan niyang iyon. Pero hindi naman ganoon kalala kung tawagin nito ang mga dati nitong secretary. Napaawang na lang din ang labi ni Reagan na tumingin kay Crismafel. ''Ako, walang utak? Narinig mo 'yong sinabi ng lion na iyon, Sir Reagan?'' hindi makapaniwalang tanong ni Crismafel kay Reagan. ''Huwag mo na lang pansinin dahil gano'n talaga si Leon. Walang araw na wala siyang mapapagalitan na empleyado dito sa office,'' wika ni Regan at naawa siya kay Crismafel. ''Siya pa lang talaga ang tumawag sa akin na walang utak. Siya 'yong bobo at tanga dahil hindi niya alam na hindi tayo mabubuhay kapag wala tayong utak, hmmmph!'' irap na sabi ni Crismafel kay Reagan at tumayo na ito at nagtungo sa opisina ni Leon. Ngayon lang siya nag-react na sabihan siya ng gano'n. Okay lang sa kaniya na sabihan siya ng tanga at mahina ang kukuti ng ibang tao. Pero, bakit kapag ang boss niyang si Leon ang magsabi no'n ay pakiramdam niya apektado siya. In short, nasasaktan siya. Pumasok siya sa opisina ni Leon at masakit na tingin naman ang sinalubong ni Leon sa kaniya. ''Nasaan na ang pinapa-photocopy ko sa 'yo?'' galit na tanong ni Leon sa kaniya. ''Wala ka namang binilin, Sir, ah!'' sagot niya kay Leon na nakasimangot. ''Punyeta! Sinabi ko sa'yo bago ako lumabas ng office na i-photocopy mo ito!'' sabay taas ni Leon ng makapal na mga papeles at ibinagsak niya ng malakas sa kaniyang lamesa. Nagulat si Crismafel sa ginawa ng kaniyang boss. Hindi siya nakaimik at nakatingin lang sa mga papeles at pinapakinggan lang ang sermon sa kaniya ni Leon. ''Pangalawang araw mo pa lang dito sa trabaho mo, pero hindi mo na magawa ng maayos ang iniutos ko! Paano kung tumagal ka pa rito, ha? Ang tanga mo! Hindi mo iniisip na mahalaga ang bawat oras! Sana bago mo landiin si Reagan, ginawa mo sana ang pinapagawa ko sa'yo! Simple lang naman ang iniiutos ko sa'yo hindi mo pa iniintindi at ginawa!'' galit pang sabi ni Leon sa kaniya. Sa tuwing sinasabihan siya nitong tanga ay pakiramdam niya may isang karayom na tumutusok sa puso niya. Ngunit ayaw niya magpaapekto sa sinasabi sa kaniya ng kaniyang boss. Siya si Crismafel, matatag at hindi umiiyak. Hindi nasasaktan kahit ano pa ang sabihin sa kaniya ng ibang tao. Ganiyan ang tingin niya sa kaniyang sarili. ''Sir, excuse me, ho. Bago niyo po ako sabihan na lumalandi kay Sir Reagan, tanungin niyo po muna ang sarili niyo kung sino sa ating dalawa ang malandi? Atleast ako, nakikipagkuwentuhan lang kay Sir. Eh, ikaw? Nakikipagpalitan pa ng laway sa girlfriend mong mukhang tigre na mukhang hindi pinakain ng limang buwan. Mukhang gutom na gutom sa labi mo at kulang na lang lunukin ka!'' walang prenong sabi ni Crismafel kay Leon. Hindi makapaniwala si Leon sa sinabi ni Crismafel sa kaniya. Napapakuyom siya ng kaniyang mga kamao. ''Don't say that again if you dont want to be fired!'' galit na banta niya kay Crismafel. "Hindi ako takot na tanggalin ninyo sa trabaho. Baka po nakalimutan ninyo, Sir. May pinirmahan tayong kontrata kahapon. Kaya, sa ayaw at gusto ninyo, tatlong taon niyo pa po ako makakasama," lakas loob na sagot ni Crisamafel sa kaniya. Kinuha ni Crismafel ang mga papeles at taas noo siyang tiningnan at inirapan. Nagtatagisan ang mga ngipin ni Leon at sumasakit ang batok niya sa secretary niyang ito. Tinaasan pa siya ng kilay bago ito lumabas sa kaniyang opisina bitbit ang mga papelis na ipapa-photocopy nito. Mabuti na lang talaga at lumabas na ito dahil kung hindi ay baka ano pa ang magawa niya rito. Hindi niya na ito basta-basta mapaalis dahil may kontrata itong nilagdaan kahapon. Napahilot si Leon sa kaniyang sentido at humarap na lamang siya sa dagat na tanaw mula sa kaniyang puwesto. Kailangan niyang habaan ang pasensiya niya sa bago niyang secretary. Bukas ay may bidding siya sa Inzu Cars. Kailangan makuha niya ito para dumoble pa ang kita niya. Dito niya mapapatunayan kung suwerte nga ba ang bago niyang secretary sa kaniya. Kung matalo siya bukas sa bidding ay e-terminate niya ang kontrata at paalisin si Crismafel sa opisina at mag-hire siya ng bagong secretary. Ngunit kapag nanalo siya ay pagtiisan niya na lamang ang katangahan ng secretary niya. Habang si Crismafel naman ay nakasimangot habang nagpo-photocopy ng mga papeles na siyang dahilan kung bakit siya pinagalitan ng amo niyang lion. "Pinagalitan ka ni Sir Leon?" tanong sa kaniya ni Joy na magpo-photocopy din ng mga papeles. "Sinabihan akong nakikipaglandian kay Sir Reagan. Eh, nagku-kuwentuhan lang naman kami. Dahil kasi rito sa mga papeles na hindi ko na napa-photocopy eh halos murahin niya na ako. Pero, siya kaya ang malandi dahil nakita ko na naghahalikan sila ng nobya niyang mukhang tigre," sumbong niya kay Joy. "Masanay ka na kay Sir. Saka 'yong girlfriend niya ang sungit no'n at palautos, kaya mag-ingat ka roon dahil ilang secretary na ni Sir Leon ang nasabunutan no'n dahil napakaselosa," sabi naman ni Joy sa kaniya. "Ay, talaga? Kaya, pala makatingin sa akin kulang na lang kagatin ako. Maganda sana siya pero ang payat. Parang stick na wala man lang kalaman-laman ang dibdib," aniya kay Joy at bahagya pa nitong tiningnan ang kaniyang dibdib. Nakahinga siya ng malalim nang ma-realize niyang pinagpala siya sa dibdib dahil malulusog ang dalawa niyang bundok. Napatingin naman si Joy sa sarili niyang dibdib at tumingin din kay Crismafel. "Mabuti pa ang dibdib mo malusog, samantalang sa akin naging patag yata," dismayadong wika ni Joy sa kaniya. "Okay lang naman ang dibdib mo kasing laki ng bayabas. Eh, 'yong kay Sir na nobya parang dibdib na tinubuan lang ng utong." Napahagalpak ng tawa si Joy sa sinabi ni Crismafel. Totoo namn talaga ang sinabi niya dahil maliit lang ang dibdib ni Stefi. Nagsilingunan naman ang ibang empleyado sa kanila dahil malakas ang tawa ni Joy. "Psst... hinaan mo ang tawa mo," saway ni Ctismafel kay Joy. Tinakpan naman ni Joy ang kaniyang labi. "Nakakatawa ka kasi. Bilisan mo na nga riyan dahil nakatingin na sa atin ang lion nating boss,’’ wika ni Joy at bumalik na ito sa kaniyang puwesto habang bago pa sila masermonan ni Leon. Habang si Crismafel naman ay hinihintay ang ibang papeles na lumabas sa machine. Nang matapos niyang ipa-photocopy ang lahat ay dala-dala niya na ang mga ito patungo sa office ni Leon. Inilapag niya ang papeles sa mesa nito. "Ito na po ang pinapa-photocopy niyo," aniya na nakasimangot. Ngunit hindi naman siya pinansin ni Leon at abala na ito sa pagta-type sa laptop nito. Minabuti na lang ni Leon na invisible sa paningin niya ang secretary kaysa ma high blood siya rito. Tatalikod na sana si Crismafel nang tawagin siya ni Leon. "Walang utak, sabihan mo ang lahat na may meeting ngayon." Napapatirik na lang ng mata si Crismafel sa tawag sa kaniya ni Leon. Lumabas siya ng office at nagtungo sa puwesto niya. Hindi niya sinunod ang utos ni Leon. Kaya, nang makita ni Leon na prente itong naupo ay pinindot niya ang intercom. "Crismafel, come to my office, now!" nagtitimpi sa galit na tawag ni Leon sa kaniya. Agad naman tumayo ang dalaga at bumalik sa opisina ni Leon. Hindi siya umiimik at huminto lang siya sa harap ni Leon na nakasimangot. "Ano ang iniutos ko sa'yo, ha?" tanong ni Leon kay Crismafel na pigil ang boses na hindi tumaas. "Ipa-photocopy po ang papeles. At tapos ko ng gawin, ayan na po sa mesa ninyo," sagot ni Crismafel habang nakasimangot. Bahagyang pumikit si Leon dahil hindi naman iyon ang iniutos niya kay Crismafel. '''Di ba, sinabi ko sa 'yo na sabihin mo sa lahat na may meeting tayo? Nanadya ka ba talaga, ha?" napipikon na sabi ni Leon kay Crismafel. "Hindi ako ang sinabihan mo niyan, Sir!" sagot naman nin Crismafel. "At sino sa palagay mo ang sinabihan ko, ha?" galit na tanong ni Leon sa kaniya. "Malay ko sa'yo, Sir? Ang narinig ko lang may tinawag kang walang utak. Alangan naman na ako 'yon? Eh, may utak naman ako, halear?" seryoso namang sagot ni Crismafel sa kaniyang boss na namumula na sa galit. "Tanga! Ikaw ang walang utak na 'yon! Hala, sabihan mo ang mga empleyado dito sa unit 35 na may meeting sa conference room! Ayan, maliwanag na ang sinabi ko, baka hindi mo pa maintindihan!" galit na bulyaw sa kaniya ni Leon. Habang sa labas naman ng office ni Leon ay nagbubulung-bulungan ang mga empleyado. "Hala, mukha yatang dito si Sir matigok sa bago niyang secretary," sabi ni Mafel na isang supervisor sa kompanya ni Leon. "Umagang-umaga high blood ang lion, roar!" sabi naman ni Thelma. "Pero, hindi man lang natakot ang bagong secretary niya sa kaniya," sabi naman nang isa. "Psstt’.. atupagin niyo ang trabaho ninyo kung ayaw ninyong mabulyawan ng lion," saway naman ni Joy sa kanila. Nagsipag-focus naman sila sa computer dahil baka nga naman mabulyawan sila ni Leon. Habang si Crismafel naman ay hindi natitinag sa pagbubulyaw sa kaniya ng kaniyang boss. "Sa tingin mo kaya, Sir Leon, tatayo ako rito sa harap mo kung wala akong utak? CEO ka pa naman pero ang bobo mo pagdating sa part of the head inside and outside," walang prenong sabi ni Crismafel kay Leon. Napaawang na lamang ang labi ni Leon at natawa ng pagak. "Ha! Punyeta, saan bang lumapalop ng mundo galing ang walang utak na babaeng ito?" bulong na lamang niya sa kaniyang sarili. Ngayon lang siya nagkaroon ng empleyado na sumasagot sa kaniya. Samantala ang iba halos maihi na sa takot sa kaniya kapag nagalit siya. Pero ang isang ito lang ang sobrang nakapanginig ng kaniyang laman. "Get out of my office and tell them that we have an urgent meeting or else gusto mo matapos ang trabaho mo rito?" banta ni Leon kay Crismafel. Nagtitimpi na lamang siya dahil baka tumaas ang blood presure niya dito sa tanga niyang secretary. "Okay, Sir. Just relax, ikaw din baka umakyat lahat ng dugo mo sa ulo at bigla na lang sasabog ang ulo mo," pang-iinis pang sabi ni Crismafel kay Leon. Pairap siyang tumalikod kay Leon at lumabas ng opisina nito. Pakiramdam niya ay natatablan na yata siya sa tawag sa kaniya ni Leon na tanga, bobo at walang utak. Ayos lang naman sa kaniya na tawagin siyang tanga, bobo, mahina ang utak pero wala naman siyang pakialam at manhid na siya sa salitang iyon. Ngunit bakit kapag si Leon ang nagsasabi no'n ay parang kinukurot ang puso niya. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yong masaktan siya at iiyak siya dahil para sa kaniya isa siyang matapang na babae at hindi dapat umiiyak at nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD