Episode 5

2232 Words
Chapter 5 Nang lumabas si Leon sa opisina ni Mr. Sakuraki ay inakala niya na hinihintay siya ni Crismafel. Ngunit wala na ang dalaga roon. Kaya, dumiretso na siya sa kaniyang office at nagbakasakali na naroon si Crismafel. Naisip niya ang sinabi sa kaniya ni Mr. Sakuraki na masuwerte sa negosyo ang dalaga. Tulad ngayon na nakuha niya ang Toyoshi Car dahil sa dalaga at 69 milyon ang binigay ni Mr. Sakuraki. Pasalamat lang talaga si Crismafel at binigay ng 69 milyon ng hapon ang kontrata dahil kung hindi ay baka mapatalsik niya na kaagad ang dalaga sa kompanya niya. Pagdating niya sa kaniyang opisina ay nagtataka siya na wala roon ang dalaga. Kaya sa halip na maupo siya sa kaniyang swivel chair ay nagtungo siya sa office ni Reagan na katapat lang ng office niya at salamin rin ang pader nito. ''Kumusta ang bidding mo, Leon?'' agad na tanong sa kaniya ni Reagan. Naupo si Leon sa tapat ni Reagan at nilaro-laro ang ballpen na naroon sa ibabaw ng lamesa ni Reagan. Sa halip na sagutin niya ay tinanong niya ito tungkol kay Crismafel. ''Dumating na ba rito si Crismafel?'' Napakunot-noo si Reagan na napatingin ng matiim sa kaibigan. ''Di ba, kayo ang magkasama? Walang Crismafel ang bumalik sa opisina simula noong umalis kayo." Napabuga ng hangin sa iri si Leon. ''Tawagan mo nga,'' utos niya kay Reagan. ''Teka, hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang balita sa bidding kanina sa Toyoshi Car?'' pangungulit ni Reagan sa kaniya. Malalim siyang nagbuntong hininga bago sinagot si Reagan. ''Nanalo tayo sa bidding ngunit muntik na rin tayo malugi.'' Napapaisip naman si Reagan sa sinabi ni Leon. ''Ano ang ibig mong sabihin? Ang gulo mo naman kausap!'' ''Binigay ng walang utak kong secretary ng 20 milyon ang presyo ng bidding at nag-deal kaagad si Mr. Sakuraki. Mabuti na lang at naisipan din ni Mr. Sakuraki na sobrang lugi tayo sa presyong iyon, kaya ibinigay niya ng 69 milyon ang proyekto. Hindi ko maintindihan ang secretary na binigay mo sa akin kung matalino ba o bobo,’’ sakasalubong ang kilay na sabi ni Leon kay Reagan. Hindi makapaniwala si Reagan sa narinig kaya napatayo ito at napasigaw. ''Yes! Congrats, Bro. Sa wakas ay nakakuha din tayo ng malaking client. Pero teka, saan na si Crismafel?'' tanong ni Reagan sa kaniya. ''Kaya nga tinatanong kita kung bumalik na siya rito. Napagalitan ko siya kanina dahil sa pakikialam niya sa bidding. Pasalamat siya at binigay ni Mr. Sakuraki sa regular price, pero dahil din sa kaniya, kaya ibinigay ng hapon na iyon ang presyo natin. Nagustuhan yata niya si Crismafel at natutuwa siya sa babaeng iyon. Mukhang totoo yata ang sabi ni Mr. Sakuraki na masuwerte si Crismafel sa akin.'' Napapatawa na lamang si Reagan sa sinabi ni Leon. ''Hindi pa dumating si Crismafel dito, bro. Baka nagtampo iyon kaya umalis na hindi nagpaalam sa'yo. Ano ba ang sinabi mo sa kaniya?'' ''Sabi ko huwag na siya magpakita sa akin. Tawagan mo nga,'' utos niya kay Reagan. “Kaya naman pala, eh! Mamaya nagtampo ‘yon sa’yo,’’ turan ni Reagan at kinuha ang cellphone saka tinawagan nito ang number ni Crismafel. Nagri-ring ito ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ni Reagan. Sumisinyas naman si Leon kung sinagot na ni Crismafel ang tawag o hindi. Ngunit napapailing na lamang si Reagan. Paulit-ulit na tinawagan ni Regan si Crismafel. Ngunit hindi man lang sinasagot ng dalaga ang mga tawag niya. ''Bakit mo kasi pinagalitan ang tao?'' tanong ni Reagan kay Leon na nakabusangot na. ''Kung ayaw niyang sagutin hayaan mo na lang. May isa pa akong bidding mamayang hapon. Ikaw na lang ang isama ko. Hanapan mo na lang ako ng bagong secretary,'' utos na naman niya kay Reagan. Napakamot na lamang ng ulo si Reagan sa utos niyang iyon. ''Paano kung totoo ang sinabi ni Mr. Zakuraki na si Crismafel ang magbibigay sa'yo ng suwerte? Paano kung hindi mo makuha ang bidding mamaya sa INV Car? Maniniwala ka ba na si Crismafel ang lucky charm mo?'' ''Hmm! Nagkataon lang 'yon kanina, kaya makukuha ko ang bidding mamayang hapon sa INV Car na hindi kasama ang walang utak na secretary na iyon,'' determenadong sabi ni Leon kay Reagan. ''Okay, bahala ka. Pero sayang naman si Crismafel, Bro. Ang ganda niya pa naman,'' paghihinayang pa ni Regan kay Crismafel. Kumunot ang noo ni Leon sa sinabi ni Regan. ''Teka, kaya mo ba siya tinanggap dahil may gusto ka sa kaniya?'' ''Hindi, ah! Pero parang gano'n na nga. Grabe iba talaga ang ganda niya, bro. Siguro kung maging asawa ko si Crismafel lagi ko sigurong susundan 'yon. Hindi ko iwawala iyon sa tabi ko.'' Natatawa ng pagak si Leon sa sinabi ni Regan sa kaniya. ''Maganda lang siya, Reagan, pero wala namang utak. Ang dami na mas higit pa kay Crismafel. Maganda, sexy at higit sa lahat mataba ang utak,'' payo niya sa kaniyang kaibigan at tinapik ito sa balikat. Lumabas si Leon sa office ni Reagan at bumalik sa kaniyang opisina. Naupo siya sa swivel chair niya at pinaikot na humarap sa glass wall na tanaw ang karagatan mula sa kaniyang puwesto. Hanggang sa maya-maya ay tumunog ang kaniyang cellphone at kinuha niya iyon sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag ng kaniyang ina. ''Hello, Ma? Bakit po kayo napatawag?'' ''Anak, gusto ko sana makasabay ka mamaya sa pag-dinner. Isama mo si Stefi kapag hindi siya busy,'' lambing ng kaniyang ina na si Mildred Carson. Speaking of Stefi ay hindi pa sila nagkikita ng kaniyang girlfriend simula nang dumating siya kahapon. Busy rin kasi ito sa pagmo-model. Tinawagan niya lang ito kagabi na nariyan na siya ngunit nasa ibang lugar naman si Stefi at bukas pa ito makakauwi. ''Ma, busy si Stefi ngayon. Bukas pa siya makakabalik dito sa Lauerta,'' sagot niya sa kaniyang ina. ''Ay, oo nga pala may rampa pala siya Vikings City. Anak, ikaw na lang ang umuwi saluhan mo ako mamaya. Kagabi may inihanda ako sa'yo kaso sabi ni Albert tulog ka na raw at ayaw mo paisturbo. Tapos kanina pagkagising ko wala ka na sa bahay mo." Kinikinita ni Leon ang nakasimangot na mukha ng kaniyang Mama habang sinasabi ito. ''I'm sorry, Ma. Akala ko kasi tulog ka na kagabi pagdating ko, kaya hindi na kita inisturbo pa. Sige mamaya sabay tayo maghapunan,'' sang-ayon na lang niya sa kaniyang ina. Tuwang-tuwa naman si Mildred dahil makakasalo niya na naman ang kaniyang minamahal na anak na si Leon. Ilang linggo rin kasi nanatili si Leon sa Korea at ang kasama lamang ni Mildred sa bahay ay ang assistant niyang bakla na si Albert. Ito ang nakakasama niya kapag wala si Leon. May sariling bahay din naman si Leon sa tabi ng bahay ng kaniyang ina. Malawak ang lupa na tinitirikan ng bahay nila at may magandang hardin pa. May sariling negosyo si Mrs. Mildred Carson na clothing line. At si Stefi ang model nito na girlfriend ni Leon. Makalipas ang ilang oras ay dumalo ng bidding si Leon at Reagan sa INV Car. Ngunit bigo silang bumalik sa opisina dahil natalo sila. Pero ayos lang iyon dahil nakuha naman nila ang Toyoshi Car. ''Sabi sa'yo Leon matatalo tayo, eh! Pabalikin mo kaya si Crismafel. Sa sunod na araw may bidding din tayo sa Matrix Car. Malay mo at si Crismafel talaga ang lucky charm mo dahil kung tutuusin ay suntok sa buwan na makuha natin ang Toyoshi Car. Tapos 5 years pa ang contract na ibinigay ni Mr. Sakuraki sa’yo," sabi ni Reagan kay Leon. ''Eh, ano ang gagawin ko? Hindi nga niya sinasagot ang tawag mo, 'di ba? Isipin mo wala pa siyang isang araw sa trabaho puro kapalpakan na ang nagawa niya,'' reklamo ni Leon dito. ''Pero tingnan mo naman dahil wala pang isang araw nakapag-close deal ka sa Toyoshi Car dahil sa kaniya,'' sagot naman ni Reagan. Nag-isip si Leon sa sinabi ni Reagan at napakibot ang kaniyang labi. Nasa opisina siya ni Reagan at nakaupo sa mahabang sofa. ''Subukan mong tawagan ulit. Kapag hindi pa siya sumagot ano ang gagawin natin?'' tanong at utos ni Leon kay Reagan. ''E 'di suyuin natin kung kinakailangan. At humingi ka sa kaniya ng sorry, iyan ang gawin mo. Saka baka naman pwede tayo magpa-party sa tagumpay ng kompanya ngayong araw,'' suhestiyon ni Reagan na ang tinutukoy ang ang panalo nila sa bidding sa Toyoshi car. ''Ha! Alam mo naman na hindi ko ugali ang manuyo ng isang tao. At never akong hihingi ng sorry sa kaniya, kung ayaw niya pumasok ‘wag mong pilitin. Marami pa riyan na magaling at matalinong secretary,'' pagmamatigas pa ni Leon kay Reagan. Ngunit sa loob-loob niya kapag si Crismafel ang lucky charm niya ay sayang naman kung mawawala ito. Sinubukan ni Reagan na tawagan ulit si Crismafel. Sa wakas ay sinagot na rin ng dalaga ang tawag ni Reagan. ''Hello?'' malungkot na sagot ni Crismafel sa tawag ni Reagan. Nakaupo siya sa taas ng libingan ng kaniyang mga magulang. Nakatulog siya at nang magising ay alas kuwatro na ng hapon. Hindi pa nga siya nakapagtanghalian. ''Hi, Crismafel? B-bakit hindi ka na bumalik sa office?'' nag-aalinlangan na tanong ni Reagan sa kaniya. ''Paano ako babalik kung ang lion kong boss ay ayaw na akong makita. Ang bobo ng boss mo! Puwes, kung ayaw niya ako makita, mas lalong ayaw ko rin makita ang mukha niyang ugok!'' inis na sagot ni Crismafel kay Reagan. Narinig naman ni Leon ang sinabi ni Crismafel dahil naka-loud speak ang cellphone ni Reagan. Natatawa na tumingin si Reagan kay Leon na tiim bagang lang na nakikinig sa usapan nila ni Crismafel. ''Ano ang sasabihin ko?'' bulong ni Reagan kay Leon. ''Sabihin mo na bumalik na rito dahil hindi ko naman siya sinisisante,'' bulong naman ni Leon kay Regan. ''Crismafel, bumalik ka na rito dahil hindi ka naman sinisante ni Leon. Pagpasensyahan mo na ang lion mong boss dahil gano'n lang talaga ang lion,'' ani Reagan sa dalaga. Siniko naman ni Leon si Reagan dahil sa sinabi nito kay Crismafel. ''Abay, hintayin ko pa ba na sisantehin niya ako? Hindi lang naman siya ang may kompanya sa mundo na pwede kong aplayan! Saka ang kuripot niya dahil sa 20 milyon papagalitan niya ako at sabihan na walang utak?'' reklamo ni Crismafel kay Reagan. ''Ako na ang humihingi ng pasensiya sa sinabi ni Leon sa'yo. Isa pa kailangan talaga niya ng secretary na katulad mo, kaya bumalik ka na, please?'' pagsusumamo ni Reagan sa kaniya. Habang si Leon naman ay nilalaro-laro ang kaniyang labi habang nakikinig sa usapan ng dalawa. ''Sir Reagan, hindi po kayo ang dapat humihingi sa akin ng pasensiya dahil hindi naman po kayo ang nagkasala sa akin kundi ang robot na lion mong CEO,'' mataray na sabi ni Crismafel. Ngasikuhan naman ang dalawa dahil sa tawag ni Crismafel sa pangalan ni Leon. ''Sumusubra na kalilibak sa akin ang babaeng 'yan, ah!'' inis na bulong ni Leon kay Reagan. Sininyasan naman siya ni Reagan na tumahimik. Hindi niya akalain na tawagin siya ng dalaga na robot na lion. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong tao. ''Ahem! Kapag ba si Leon ang maghingi sa'yo ng paumanhin babalik ka na sa office?'' tanong naman ni Reagan kay Crismafel. Pinanlakihan naman siya ni Leon ng mata. ''Depende, pero ang isang robot na lion ay hindi hihingi ng paumanhin sa katulad kong maganda at matalinong tao dahil kailangan mo pang i-remote 'yan bago 'yan hihingi ng sorry,'' sabi ni Crismafel kay Regan. Natawa tuloy si Reagan sa sinabi ni Crismafel. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Leon sa narinig mula sa bagong secretary, kaya inagaw niya na ang cellphone kay Reagan. ''Sino ang robot, huh?'' tanong ni Leon na hindi na mapigilan ang sarili sa sobrang inis kay Crismafel. Hindi naman nagpatinag si Crismafel nang marinig ang boses ng kaniyang boss, at tumikhim muna siya bago niya sinagot si Leon. ''Kayo po, Sir. Para kayong robot na lion. Laging galit ang ekspresyon ng mukha tapos laging sumisigaw na akala mo bingi ang kaharap,'' pang-uuyam na sabi ni Crismafel kay Leon. Hinimas-himas muna ni Leon ang kaniyang sintedo dahil mukhang maha-high blood siya sa babaeng ito. Ngunit pinakalma niya ang kaniyang sarili at hindi niya puwede ma-offend ang dalaga dahil baka mas lalo itong hindi bumalik sa opisina. ''Dadagdagan ko ang sahod mo kapag bumalik ka rito sa office at magtrabaho sa akin bilang secretary ko. Pero kung ayaw mo-'' hindi na natapos ni Leon ang kaniyang sasabihin nang magsalita agad si Crismafel. ''Sige, Sir. Babalik na po ako. 10 minutes nariyan na ako sa office,'' ngiting sang-ayon agad ni Crismafel kay Leon nang marinig na dadagdagan nito ang sahod niya. ''Good,'' at pinatay na ni Leon ang cellphone. Napapailing na lang siya na ibinigay ang cellphone ni Reagan. “Mabilis pa sa alas kuwatro ang babaeng iyon nang marinig na taasan ko ang sahod niya. " Natatawa na lang si Reagan dahil mukhang may katapat na kay Leon. Si Crismafel naman ay dali-daling bumaba sa puntod ng kaniyang mga magulang at nagpaalam sa mga ito bago siya magpara ng taxi. “Sayang din ang dagdag na sahod ng robot kong boss. Pwede ko na pagtyagaan ang kasungitan niya basta tuparin niya ang sinabi niya na dadagdagan niya ang sahod ko. At least may trabaho pa rin ako at hindi sayang ang pinaletchon ni Tito kahapon,’’ wika ni Crismafel sa sarili niya at natatawa pa na parang nang-aasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD