Episode 6

2093 Words
Chapter 6 Pagdating ni Crismafel sa building ng Carson ay umakyat na siya sa 10th floor ngunit bago siya sa pumasok sa office ni Leon ay inabangan muna siya ni Reagan sa labas ng opisina nito. ''Crismafel, Congratulations,'' nakangiting bati ni Reagan sa kaniya. Nagtataka naman ang dalaga dahil bakit nag-congrats ito sa kaniya. Sa isip niya ay siguro sa pagbalik niya rito sa office. ''Congrats para saan, Sir?'' tanong niya kay Reagan. ''Congrtas, dahil nanalo kayo ni Leon sa bidding. At five years ang kompanya na magsu-supply ng pyesa sa Toyoshi,'' natutuwang sabi ni Reagan sa kaniya. ''Ahh! 'Yon ba? Akala ko ayaw ng boss kong lion na maging supplier sa Toyoshi Car dahil lugi raw siya. Lugi pa ba siya sa 20 milyones na iyon?'' tanong ni Crismafel kay Raegan na natutuwang nakikinig sa kaniya. ''Ibinigay ng Toyoshi na 69 milyon ang presyo, kaya malaki ang kikitain ng kompanya, at dahil sa’yo kaya tayo nanalo sa bidding. Kaya, part ka ng proyektong ito,'' tuwang sabi ni Reagan sa kaniya. Nakita naman sila ni Leon na nag-uusap, kaya suminyas siya sa pamamagitan ng ulo niya na pumasok na si Crismafel sa opisina niya. ''Tawag na po ako ng robot na lion, roar!'' saad ni Crismafel at ginaya pa ang tunog ng lion. Natatawa na lamang si Reagan kay Crismafel sa pagaya nito ng tunog ng lion. Tumalikod na ang dalaga at nagtungo sa opisina ni Leon. Napapailing na lang na natatawa si Reagan na pumasok sa kaniyang opisina. Habang si Crismafel naman ay parang wala lang na pumasok sa loob ng office ni Leon. Si Leon naman ay abala sa pag-type sa kaniyang laptop. Napahinto ito nang pumasok si Crismafel sa kaniyang offiice. ''Welcome back. Saan ka galing?'' seryosong tanong ni Leon sa kaniya. ''Sa tiyan ng Mama ko po. Pero galing din ako sa Papa ko at nabuhay lang ako sa sinapupunan ng Mama ko dahil ang bilis kong lumangoy, kaya nakarating ako sa finish line,” mataray na sagot ni Crismafel kay Leon. Nakataas pa ang kilay nito. Hindi alam ni Leon kung nakikipagbiruan ba ito sa kaniya o sadyang pinapainit nito ang ulo niya. ''Crismafel, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Saan ka pumunta noong umalis ka sa Toyoshi Building, huh?'' muling tanong ni Leon sa dalaga. "Ayusin mo kasi ang tanong mo, Sir. Pumunta po ako sa puntod ng Mama at Papa ko. Tinulog ko roon ang gutom ko at sama ng loob sa’yo,'' walang alinlangan nitong sagot kay Leon. Tiningnan naman siya ni Leon ng mabuti. ''At bakit hindi ka kumain? Pumunta ka roon sa pantry at may fried chicken akong binili at kanin. Kainin mo iyon para matanggal ang sama ng loob mo sa akin at gutom mo. Pagkatapos bumalik ka rito dahil may pag-uusapan tayo.'' ''Kahit kainin ko ang pagkain na binili mo hindi ko pa rin sigurado kung mawawala ang sama ng loob ko sa inyo. Pero sigurado po ba kayo na tataasan niyo po ang sahod ko?'' paninigurado niya kay Leon sa kaniyang sahod. Napabuntong-hininga ng malalim si Leon at tumango na lamang. ''You can eat first before we talk about that,'' utos ni Leon sa kaniya. ''Okay, Sir. Payag po ako sa 8 persent na dagdag sa sahod ko,'' aniya at tumalikod na. Sinundan siya ng tingin ni Leon na nagtataka at napapailing na lang sa kaniya. Pagdating ni Crismafel sa pantry ay naabutan niya naman si Joy na kumakain ng meryenda. Late na ang meryenda nito dahil marami itong inasikaso. ''Hi,'' bati ni Crismafel kay Joy at binuksan ang lagayan ng fried chicken, ''Hello! Kumusta ang araw mo dito sa Carson?'' ngiting tanong ni Joy sa kaniya. ''Aurgg! Daig ko pa ang makipaghabalon sa isang lion. Akala ko nga masisante na ako,'' sabi niya kay Joy. ''Mabuti nga at umabot ka ng isang araw. Eh, 'yong iba nga na secretary niya isang oras o limang oras lang ang itinatagal,'' daldal sa kaniya ni Joy. ''Mabuti ka pa at mabait ang boss mo. Palit na lang tayo ng boss,'' seryoso namang sabi ni Crismafel kay Joy at sinimulan niya ng kumain. ''Nako, 'di bale na lang. Tutubuan ako ng nerbyos diyan sa lion mong boss,'' walang alinlangan na saad ni Joy habang kumakain ng tinapay. ''Paano kaya naging CEO 'yan? Atin-atin lang 'to, ha? May sasabihin ako sa'yo,'' mahinang sabi ni Crismafel kay Joy. ''O, sige. Ano yon?'' excited naman na tanong ni Joy kay Crismafel habang kumakain silang dalawa. ''Alam mo ang bobo niya. Hamakin mo, ha? Sinabihan akong walang utak. Wala yata siyang subject na science. Hindi niya ba alam na hindi mabubuhay ang tao kapag walang utak?'' seryoso niyang sabi kay Joy. Natatawa naman si Joy sa sinabi niya dahil napakaseryoso pa ni Crismafel na sinabi iyon sa kaniya. ''Nakakatuwa ka talaga, Crismafel. Oo nga naman! Paano mabubuhay ang tao kung walang utak?'' Lalo pang lumakas ang loob ni Crismafel nang sabihin iyon ni Joy dahil para sa kaniya ay tama siya. ''Oh, 'di ba? Tapos tatanungin niya ako kung nasa talampakan ko ba ang utak ko? Sige, nga tingnan mo ang talampakan ko kung may utak diyan? Eh, lahat naman nasa loob ng ulo nakalagay ang utak." Humagalpak ng tawa si Joy at tinakpan nito ang kaniyang bunganga ng kamay niya dahil abot sa labas ang tawanan nila ni Crismafel. ''Huwag mo na lang pansinin si Sir Leon. Ganiyan talaga 'yan siya masungit at mukhang lion, pero maasahan mo 'yan sa oras ng kagipitan. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang pinakaayaw ni Sir Leon, ha? Para aware ka,'' sabi ni Joy sa kaniya. ''Sige, ano ba ang ayaw no'n?'' ''Una, ayaw niyang ma-late ka sa trabaho. Pangalawa, ayaw niya nakikipagtsismisan ka sa office. Pangatlo ayaw niya na makalat, kaya kailangan bago siya dumating inayos mo na ang table niya at nakapangpunas ka na ng mesa niya at nasalansan mo na ang mga papeles na lalagdaan niya. Higit sa lahat ang pinakaayaw ni Sir ay 'yong tanga. Isa pa pala ayaw niya ng kape na matamis. Kailangan walang asukal at kape lang.'' Napahinto ng subo si Crismafel sa huling sinabi ni Joy. ''At ayaw niya rin ng maalat na kape.” ''Korek!'' wala sa sariling sang-ayon ni Joy sa sinabi ni Crismafel. ''Teka, wala naman kape na maalat.'' ''Mayroon, 'yong kape ni boss na tinimpla ko kaninang umaga. Kaso hindi niya pala 'yon gusto. Sabi mo kasi kahapon ayaw ng ng matamis. Kaya, naisip ko na baka gusto niya maalat. Hindi ka naman sumagot sa tanong ko kung gusto niya ng maalat, kaya akala ko gusto niya ng coffee with salt.'' ''Ay tanga,'' bulong ni Joy sa sarili nang marinig ang sinabi ni Crismafel. Uminom na lamang siya ng tubig at tinapik ang balikat ni Crismafel. ''Wala kang makitang kape na maalat. Sige mauna na ako sa'yo bilisan mo kumain at baka masermonan ka ng lion, roarr!'' sabi ni Joy at lumabas na ito sa pantry. Binilisan naman ni Crismafel ang pagkain. Nang matapos siya ay pumasok siya sa office ni Leon. Abala ang binata sa pakikipag-usap sa kabilang linya, kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. ''Sige, Love. See you tomorrow. Gusto mo bang sunduin kita bukas?'' tanong ni Leon sa kausap sa kabilang linya. Nakatalikod ito at nakatingin sa magandang karagatan sa labas. Napataas ng kilay si Crismafel sa naririnig mula kay Leon. ''Okay, love. I miss you. Nasa bahay ko ang pasalubong ko sa'yo. Ingat. I love you, too,'' tugon Leon at pinatay na ang cellphone saka humarap ito sa kaniyang table. Bahagya pa itong nagulat nang makita si Crismafel na nakatayo sa tapat ng table niya. ''Tapos ka na ba kumain?'' tanong ni Leon sa kaniya. ''Tatayo ba ako sa harap niyo ngayon, Sir, kung hindi pa ako tapos kumain?'' balik tanong ni Crismafel sa kaniyang boss. Ginalaw-galaw ni Leon ang kaniyang panga dahil hindi niya maintindihan ang secretary niyang ito kung pilosopo ba ito o nanadya na inisin siya. Pero pinakalma niya lang ang kaniyang sarili. Aminado siya na mainitin ang ulo niya at madali siyang magalit lalo na kapag hindi nakukuha ng kausap niya ang ibig niyang sabihin. ''Maupo ka na nga, Crismafel!'' utos ni Leon sa kaniya. Naupo naman siya na nakasimangot. ''Pirmahan mo itong kontrata para legal ang pagta-trabaho mo rito sa Carson. Pero may mga kondisyon dito, basahin mo para malaman mo kung, ano?'' sabay abot ni Leon ng isang papel kay Crismafel. Kinuha naman iyon ni Crismafel sa kamay ni Leon at binasa. Nakalagay roon ang salary niya kaya napaawang ang kaniyang labi nang makita ang malaking halaga na nakasulat roon kung magkano ang sahod niya. Nakalagay rin doon na hindi siya puwede umalis bilang isang secretary kapag hindi siya pinapaalis ng may-ari ng kompanya. May nakasulat din kung ano oras ang pasok niya at uwian niya. May nakasulat na rules and regulation sa kompanya. Isa na roon ay bawal ma-late at kakaltasan ang sahod sa kung ilang minuto siyang na-late. Kompleto din sa binipisyo, kaya walang problema sa kaniya. ''Okay, Sir. Lalagda na ako sa kontrata,'' sang-ayon Crismafel kay Leon. ''Any question?'' tanong ni Leon sa kaniya. ''Yes, Sir!'' Tumaas ng dalawang kilay si Leon na ibig sabihin kung ano ang tanong ni Crismafel. ''Bakit walang nakalagay rito kung kailan ma-expire ang kontrata? O ilang years akong magta-trabaho sa 'yo bilang secretary?'' ''Di ba, nakalagay naman diyan na hindi ka puwede umalis sa kompanya hanggat hindi kita pinapaalis?'' sagot ni Leon sa kaniya. ''Unfair naman yata iyon, Sir. Paano kung bukas sasabihin ninyo na tanggal na ako e ‘di wala akong magagawa kundi sundin kayo?'' reklamo niya kay Leon. ''Exactly,'' sagot ni Leon. ''Baguhin mo ang kontrata, Sir. Ilagay mo riyan 3 years akong magta-trabaho bilang secreatry mo. Then after 3 years kung gusto niyo pa ako maging secretary puwede natin e-renew ang kontrata,'' sabi naman ni Crismafel kay Leon. ''Mautak rin pala ang babaeng 'to,'' bulong ni Leon sa kaniyang sarili. ''3 years? Ang tagal naman yata na may makakasama akong walang utak dito sa office. Pero kung suwerte ang dala niya sa negosyo ko puwede ko na mapagtiyagaan muna ang katangahan niya.’’ ''Okay, ilalagay ko rito na 3 years kang magta-trabaho bilang secretary ko. Pero kapag pumalpak ka sa trabaho mo siguro naman may karapatan akong tanggalin ka,'' seryosong sabi ni Leon. ''Sige, pero kapag mag-propose sa akin ang boyfriend ko puwede na akong umalis sa trabaho,'' sang-ayon ni Crismafel. ''Wala akong pakialam sa inyo ng boyfriend mo, at kung kailan siya mag-propose sa 'yo. Ang importante sundin mo ang nasa kontrata,'' masungit na turan ni Leon sa kaniya. Kibit-balikat na lamang ang sinagot ni Crismafel sa kaniyang amo. BInago ni Leon ang kontrata at nilagay niya na 3 years magta-trabaho si Crismafel sa kaniya bilang secretary. Pagkatapos ay pareho silang naglagda sa kontrata. ''Siya nga pala, thank you dahil nakuha natin ang Toyoshi Cars. 69 milyon ang bigay ni Mr. Sakuraki sa atin dahil alam niya na malulugi tayo sa 20 milyon na binigay mo na presyo,'' seryosong sabi ni Leon kay Crismafel. “Gano'n po ba? Walang ano man po, Sir Leon. Pasensiya na po kung nakialam ako sa bidding ninyo kanina. Hayaan niyo po hindi na mauulit." Hingi niya ng paumanhin sa kaniyang boss. ''Forget about it. Lets move into another bidding next week. So, be ready and you need to control to yourself. Ayaw ko na sumasabat ka sa oras ng bidding. Kapag nasa bidding tayo, just look and listen. Don't talk while we are in bidding, okay? Ayaw ko na ulitin mo 'yong ginawa mo kanina sa bidding,'' paalala sa kaniya ni Leon. Tumango-tango na lamang si Crismafel. ''Hindi na po mauulit, Sir. Nagawa ko lang naman 'yon dahil akala ko gustong-gusto mo makuha ang project na 'yon. Hindi ko naman akalain na malulugi ka pala.’’ ''I said forget about that. Siya nga pala, may bidding ako kaninang hapon kaso natalo ako. Pero ayos lang may next time pa naman.'' Nanghihinayang naman si Crismafel sa bidding na hindi nakuha ng kaniyang boss. "Ayos lang, Sir. Let’s try and try until we die. Ehh... este untill we success pala.'' ''Makakauwi ka na. Make sure na hindi ka mala-late bukas. Next day i-celebrate nating lahat ang pagkapanalo natin sa Toyoshi Car,’’ mahinahon na balita sa kaniya ni Leon. ''Sige, Sir. Hayaan niyo po at maaga pa ako bukas. Good bye, Sir,'' aniya at tumaikod na. Masaya siyang bumaba sa building dahil akala niya ay tuluyan na siyang mawalan ng trabaho. Mabuti na lang at pinabalik siya ng amo niyang lion dahil kung hindi ay baka wala siyang mukhang iharap sa kaniyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD