Chapter 4
Nakarating sina Leon at Crismafel sa kompanya ng Toyoshi Car. Pagpasok pa lamang nila ay nagtinginan na ang mga nakakasalubong nila kay Crismafel. Lalo na ang mga kalalakihan.
"Manahimik ka sa conference room mamaya at huwag kang sumabat sa usapan, naiintindihan mo?" bilin ni Leon sa dalaga. Umakyat sila sa second floor dahil naroon ang conference room.
"Paano kung may itatanong sa akin, Sir? Hindi ako sasagot?" seryosong tanong ni Crismafel kay Leon.
"Kung maaari lang itikom mo 'yang bibig mo," pinanlikahan ni Leon ng kanyang mga mata ang dalaga.
"Okay, sabi mo, eh!" sang-ayon ng dalaga at tumahimik na.
Pumasok sila sa conference room at marami-rami na ang mga kompanya na kalaban nila sa bidding. Naupo sila sa number-eight na upuan. Wala pa si Mr. Zakuraki at halos lahat ng mga kalalakihan ay nakatingin kay Crismafel.
"Hi, Mr. Carson? Ang ganda ng secretary mo, ah! Baka puwede mahiram," pang-uuyam na bulong ng isang lalaki kay Leon.
Nagtitimpi si Leon dahil ayaw niya mapaaway nang wala sa oras. Si Mr. Nathaniel Gonzaga lang naman ang mortal niyang kalaban simula noong college siya. Naging ka-klase niya ito at karibal sa mga babae na may gusto sa kaniya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Leon at bumulong kay Mr. Gonzaga.
"Wag kang bastos! Kung ako sa'yo ihanda mo ang sarili mo dahil marami ang kompetensiya mo."
Ngumisi naman si Nathaniel sa kaniya na nakakaasar.
"I'm sure, ako ang mananalo rito. Paano ba naman ang mahal ng presyo mo, kaya pati sa Korea ako ang nanalo sa bidding," pang-iinsultong sabi ni Nathaniel kay Leon.
Si Nathaniel ang nanalo ng bidding sa Korea dahil mababa lang ang presyo nito at maganda rin ang mga produkto nitong mga pyesa.
"Huwag kang pakampante, Mr. Gonzaga, dahil baka bigla kang bumagsak. Alalahanin mo hindi lahat ng oras ay sasang-ayon sa’yo ang panahon," nakangising bulong ni Leon kay Nathaniel.
Nanigas ang panga ni Nathaniel sa sinabi ni Leon at pinipigilan nito ang sarili na hindi makagawa ng eskandalo. Habang si Crismafel naman ay kunot ang noo na nakatingin sa dalawa.
‘’Sino kaya ang bakla sa kanila? Kulang na lang magpalitan sila ng mukha. Hala! Baka bakla si Sir Leon? Sabi pa naman nila kapag pogi daw bakla? Kaya siguro lagi niya akong pinag-iinitan dahil may matris ako kaysa kaniya?’’ malisyosang saad ni Crismafel sa kaniyang sarili.
Nahuli naman ni Leon na seryosong nakatingin sa kanila ni Nathniel si Crismafel, kaya pinandilatan niya ito ng mata. Ngunit nakipagdilatan din ang dalaga ng mata sa kaniya. Sinipa niya ito ng marahan sa paa sa ilalim ng mesa para umayos ito. Ngunit hindi yata na-gets ng dalaga ang ibig niyang sabihin at inapakan ng dalaga ang kaniyang paa. Muntik na siyang mapasigaw sa sakit. Pero pinigil niya iyon dahil nasa tabi niya si Nathaniel.
“Good luck, Mr Carson. Kung ako sa’yo umuwi na kayo ng secretary mo,’’ mapang-asar na sabi ni Nathaniel sa kaniya. Tinapik siya nito sa balikat at dumaretsong nagtungo sa table number nine.
Mainit talaga ang dugo ni Nathaniel kay Leon dahil ito ang sinagot ni Stefi; ang girlfriend ni Leon. Sabay nilang niligawan si Stefi ngunit si Leon ang sinagot nito.
Hindi na ni Leon pinansin ang sinabi ni Nathaniel bagkos nakatuon ang atensyon niya kay Crismafel.
“Gusto mo yatang umuwi ng maaga?’’ bulong niyang sabi kay Crisamfel.
‘’Tanghali na po, Sir. Kung gusto niyo po akong pauwiin ng maaga e ‘di sana hindi mo na ako sinama rito,’’ nakangusong sagot ng dalaga sa kaniya.
Nagtitimpi na lang si Leon sa kabagalan ng utak ng bago niyang secretary.
‘’Grrrr! Gusto yata akong ma-high blood ng babaeng ‘to. Sarap itapon sa labas. Pasalamat lang siya at nandito kami sa conference room.’’ Ngitngit na lang ni Leon sa kaniyang sarili.
Gumalaw na lang ang panga ni Leon sa sobrang inis sa dalaga. Tinaasan pa siya nito ng kilay at umayos lang ito nang dumating si Mr. Zakuraki at ang secretary nito.
"Good morning, everyone?" nakangiting bati ni Mr. Sakuraki sa lahat at naupo ito sa VIP table na malapit kina Leon at Crismafel.
"Simula na tayo," sabi ni Mr. Zakuraki.
Nagsimula ang explanation ang nakaupo sa number 1 at kung magkano ang price nito. Hanggang sunod-sunod na ang pagpapakilala ng mga pyesa at mga presyo nito. Ngunit sa halip na makinig si Mr. Sakuraki ay natuon ang atensyon nito sa magandang dalaga na malapit sa kaniya. Matanda na siya at sobrang nagagandahan siya kay Crismafel. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae. Napansin naman iyon ni Crismafel, kaya nakipagtitigan siya sa matandang hapon.
"May dumi kaya ako sa mukha? Bakit titig na titig sa akin ang hapon na ‘to?’’ tanong ni Crrismafel sa kaniyag sarili.
Kinindatan siya ng matanda, kaya napangiwi siya. Para siyang kinikilabutan sa pagkindat ng matandang hapon sa kaniya. Nang ngitian siya ulit ng hapon ay ginantihan niya na lang ng matamis na ngiti. Ang secretary na lang ni Mr. Sakuraki ang nakikinig sa mga presyo ng mga kompanya.
Nang si Leon na ang nagsalita at nagbanggit ng presyo ay bumulong si Mr. Sakuraki sa kaniyang secretary.
“Gusto ko sa Carson Company, ha?’’
Tumango-tango lang ang secretary ng hapon. Ang price na bigay ni Leon ay sobrang taas. Abot iyon ng 69 milyon. Ang price ng iba ay abot ng 57 to 50 milyon lamang. Kay Nataniel ay 40 milyon ang presyo nito. Nang matapos ipakilala ni Leon ang produkto niya at sabihin ang presyo ay binulungan siya ni Crismafel.
"Sir, ang mahal naman ng price mo! Kahit ako hindi kukuha niyan.’’
Inirapan pa ng dalaga si Leon. Gusto niya na talaga itong tirisin dahil sa pakikialam nito.
"Manahimik ka puwede? Alam ko ang ginagawa ko," asik niya kay Crismafel.
"Mr. Sakuraki, babaan ko pa ang presyo 39 milyon last price," pabidang sabi ni Nathaniel sa hapon.
‘’Gusto ko ang maayos na produkto. Hindi baling mahal basta matibay at hindi ako mapapahiya,’’ sagot ni Mr. Zakuraki kay Nathaniel.
"Sir, hindi niyo po ba babaan ang presyo ninyo?" mahinang tanong ni Crismafel kay Leon.
"Kapag binabaan ko sa presyong ganiyan malulugi ako. 'Di hamak na mas maganda naman ang mga pyesa ng Carson kaysa iba," sagot ni Leon sa kaniyang secretary. Sadyang swapang lang talaga ang Nathaniel na ito kaya kahit malugi ay wala siyang pakialam.
"Wala na baba sa 38 milyon? Dahil e-close ko na ang deal," sabi ni Mr. Sakuraki na panay ang tingin kay Crismafel.
Ngunit bigla na lang tumayo si Crismafel at walang ano-ano nagsalita ito.
"Sir, 20 milyon deal or no deal?" sabay pa cute niya sa matanda.
"Deal!" walang gatol na sabi ng hapon.
Halos lahat ay napakamot ng ulo hindi na sila puwede bumaba sa 20 milyon dahil malulugi sila. Habang si Leon ay natulala na lamang sa ginawa ni Crismafel. Kung wala lang mga tao ay nasigawan niya na ito at napagalitan ng husto. Nang naupo si Crismafel ay binulungan ito ni Leon.
"Anong ginawa mo, huh? Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Leon kay Crismafel.
"Syempre, Sir. Naintindihan ko nga ang ginagawa ng iba, ang ginagawa ko pa kaya? Haler!" bulong din sabi ni Crismafel sa kaniya.
Nagtatagisan ang mga bagang ni Leon sa ginawa ni Crismafel dahil lugi sila kapag ganoon ang presyo.
"Okay, The Carson Company is the winner of the bidding. The meeting is over!" Pagtatapos ni Mr. Sakuraki sa meeting na iyon.
Laylay ang balikat ng iba na lumabas sa silid ng conference room ngunit mas lalong laglag ang balikat ni Leon sa ginawa ng kaniyang secretary. Hindi niya na pwede mabawi iyon, maliban na lang kung pumayag ang hapon. Ngunit ayaw niya rin na malagay sa kahihiyan ang kompanya niya.
"Good luck and congratulation! Puwede ka makipag-join sa akin kapag nalugi ka, hahahaha!" mapang-uyam na sabi ni Nathaniel kay Leon at tinapik nito ang balikat ng karibal sa negosyo saka lumabas.
Tumayo si Mr. Sakuraki at nakipag-congratulate kay Leon. "Congratulations! Your secretary is nice. Follow me to my office."
Tinapik pa ni Mr. Sakuraki ang balikat ni Leon at lumabas na ito kasama ang secretary niya ngunit kumindat muna ito kay Crismafel bago tuluyang lumabas.
Naiwan si Crismafel at Leon sa loob ng conference room. Ang lawak ng ngiti ni Crismafel dahil para sa kaniya ay malaking tagumpay iyon. Magsasalita sana siya at batiin si Leon ngunit masama siya nitong tinitigan na parang kainin siyang buhay.
''Anong ginawa mo, ha? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na huwag kang magsalita, pero nakipag-deal ka without my permision?'' bulyaw sa kaniya ni Leon. Napasimangot siya at kumunot ang noo dahil hindi niya alam kung bakit galit si Leon.
''Dahil matatalo kayo sa bidding kapag hindi ninyo binabaan ang presyo ninyo, Sir,'' sagot niya kay Leon.
''Hala, hindi ba siya nag-iisip? Ang mahal ng price niya tapos gusto rin naman niya makuha ang proyektong ito tapos magagalit siya na binigay ko ng 20 milyon? Pasalamat nga siya dahil nakipag-deal kaagad si Mr. Zakuraki. E’ di tapos ang meeting,'' bulong ni Crismafel sa kaniyang sarili.
''Wala ka bang utak, ha? O baka nasa talampakan mo ang utak mo! Hindi ka nag-iisip na lugi tayo sa binigay mong presyo. Paganahin mo 'yang utak mo at ikaw ang humarap kay Mr. Sakuraki at bawiin mo ang deal sa kaniya!'' galit na utos ni Leon sa dalaga.
Nagsalubong ang mga kilay ni Crismafel sa sinabi ng kaniyang amo. Pinanliitan niya ito ng mata at namaywang. Sinamaan niya rin ng tingin si Leon.
''Ako walang utak? Sir, walang taong nabubuhay na walang utak at wala kang makikitang utak sa talampakan ng tao. Saka kung wala akong isip e ‘di sana hindi ko naisipan na babaan ang presyo niyo na subrang mahal. Mahal pa ang presyo mo sa pagmamahal sa akin ng nobyo ko! Saka laging gumagana ang utak ko, noh! Sa tingin mo ba mabubuhay ako kapag wala akong utak? Haler, CEO ka pa naman Sir, dapat alam mo ‘yan!'' pang-uuyam niyang sabi kay Leon at humalukipkip ng kaniyang braso.
Lalo nangit-ngit si Leon sa inis sa kaniyang secretary. Napapakuyom siya ng kaniyang kamao at pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili. Mapapalayas niya talaga ito at wala siyang panahon sa ganitong uri ng tao na mahirap makaintindi.
''Pasalamat ka at narito tayo sa Toyoshi! Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo, kaya huwag kang magpakita sa akin!'' galit na sabi ni Leon kay Crismafel na tinaasan lang siya ng kilay. Pigil na pigil sa sarili si Leon na hindi niya mapingot ang dalaga dahil sa kabobohan nito, kaya naman ay lumabas na siya at walang lingon-lingon na iniwan si Crismafel.
Nagtungo siya sa office ni Mr. Sakuraki at gusto niyang bawiin ang bidding. Hindi niya maibigay ang ganoong presyo sa hapones na iyon. Nang makapasok siya sa office ay maganda ang ngiti sa kaniya ng hapon.
''Congratulation, Mr. Carson. I like your secretary, where is she?'' tanong ni Mr. Sakuraki sa kaniya. ''Sit down.”
''She is in outside, Mr Zakuraki,'' sagot niya sa hapones.
Naupo siya at bawiin sana ang deal nang magsalita ulit ang hapon.
''Alam ko lugi ka sa iyong binigay na presyo. Kaya, ibibigay ko sa'yo kung ano ang regular price mo. Ganda iyong product kasing ganda secretary mo. Paayos ko na kontrata sa secretary ko para malagdaan natin. Gusto ko 5 years contract. Bigay ko 69 milyon para hindi ka lugi. Pasalamat ka secreatry mo dahil kaniya ikaw panalo sa bidding. Suwerte sa 'yo secretary mo kaya huwag mo siya alis sa tabi mo. Siya bigay swerte sa 'yo.''
Halos hindi makapaniwala si Leon sa sinabi ni Mr. Sakuraki na ibigay nito ang regular price niya. Hindi niya alam kung mapalundag ba siya sa tuwa o mayakap si Mr. Sakuraki. Akala niya na ay mabibigo siyang uuwi at malulugi sa negosyo niya ngunit heto at magandang balita ang narinig niya kay Mr. Sakuraki.
''Wow! Thank you so much, Mr. Sakuraki. I did not expect that you give me a higher price,'' pasasalamat ni Leon sa matandang hapon at nakipag-shake hand siya rito.
''Wala ano man. Masaya ako sa bago nating project. Ikaw supply sa akin pyesa, Ikaw pasalamat secretary mo dahil ako may pakiramdam na siya suwerte negosyo,'' nakangiting pahayag ng hapon kay Leon.
Sobrang natuwa si Leon dahil limang taon siyang magsu-supply ng pyesa sa Toyoshi Cars Company. Ang laki ng pera na papasok sa kompanya niya kapag nagkagano'n. Inihanda ng secreaty ni Mr. Sakuraki ang kontrata at parehong naglagda ang dalawag panig. Matapos na malagdaan ni Leon ang kontrata ay nagpaalam na siyang umalis kay Mr. Sakuraki.
Habang si Crismafel naman ay malungkot na nag-abang sa labas ng building sa kaniyang amo. Panay ang bulong nito sa sarili.
''Hmmppp! Ilang oras pa lang ako sa trabaho mukhang matatanggal na yata ako. Wala naman mali doon sa ginawa ko, pero bakit galit na galit ang lion sa akin? Lugi pa ba siya doon sa 20 milyon? Hmmmpp! Uwi na nga lang ako. Hanap na lang ulit ako ng ibang trabaho dahil tiyak na masigawan ako ng lion na iyon,'' aniya at pumara ng taxi.
Nagpahatid siya sa puntod ng kaniyang ina at ama. Gusto niya doon siya maabutan ng hapon dahil baka mapapagalitan siya ng kaniyang Tito Oscar kapag nalaman nito na hindi pa siya naabutan ng isang araw ay natanggal na siya sa kaniyang trabaho. Nahihiya din naman siya sa kaniyang tiyahin at tiyuhin na nagpalaki sa kaniya. Lalo na at nagpalitson pa ng baboy ang Tiyo Oscar niya kahapon dahil natanggap siya sa Carson Electronic.
Pagdating niya sa puntod ng kaniyang mga magulang ay nahiga siya sa taas ng nitso ng mga ito.
''Ma, Pa, mukhang mawawalan na kaagad ako ng trabaho. Ano kaya ang magandang trabaho para sa akin? Halos lahat naaplayan ko na. Tapos sa masungit na boss pa ako napunta! Daig pa ang isang lion. Siya na nga ang tinulungan ko na makuha ang proyekto na iyon siya pa ang galit. Ang hirap talaga intindihin ang mga tao ngayon. Tapos sabihan pa niya akong walang utak? Ang bobo talaga ng Leon na 'yon. Paano kaya naging CEO 'yon?'' naiinis niyang sabi sa nitso ng kaniyang mga magulang.
Ilang oras siyang nanatili sa libingan, nang maisipan niyang e-message si Jordan para hindi siya malungkot. Ayaw niyang nalulungkot siya at umiiyak. Simula noong namatay ang kaniyang mga magulang ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi dapat siya masasaktan at iiyak sa kaniyang paglaki.
Ilang taon din siyang hindi nakapagsalita noong namatay ang kaniyang mga magulang. Siyam na taon pa lamang siya noong binawian ng buhay ang mga ito. Kasama siya nang maaksidente ang bus na sinasakyan nila ng kaniyang ama at ina. Ilan lamang ang nabuhay noon at isa na siya sa mapalad na nabuhay sa aksidenteng naganap. Ang Tiyo Oscar niya at Tita Tessie ang nag-alaga sa kaniya at nagpagamot sa kaniya noong inilibing ang kaniyang mga magulang.