Chapter 2
''Tita! Tito! Papasok na po ako sa kauna-unahang trabaho ko sa Carson Electronics!'' sigaw ni Crismafel sa kaniyang tiyuhin at tiyahin habang nagmamadaling tumatakbo sa hagdan pababa ng kanilang bahay.
''Good luck, Crismfel! Proud Tito here!'' sagot naman ng kaniyang tito na nagkakape sa sala kasama ang kaniyang tita.
Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang sapatos na may three inches ang taas. Binili iyon ng kaniyang pinsan na si Gina para sa kaniya dahil nakapasa siya sa Carson Electronics.
''Sana tumagal ka sa trabaho mong 'yan, Crismafel. Good luck na lang!'' nag-aalangang sabi sa kaniya ni Tita Tessy niya.
''Si Tita parang walang tiwala sa akin. Hindi lang ako, Tita, maganda at sexy kundi matalino pa!'' proud niyang sabi sa kaniyang tita na bigla na lang inubo sa sinabi niya.
''Ahehehe! Sige, Iha. Kaya love na love kita, eh!'' pambobola pa ng kaniyang tiyahin.
‘Mabuti at malakas ang loob ng pamangkin mo pero kung sa katalinuhan matagal na nabura 'yan sa utak niya,’ bulong naman ng kaniyang Tita Tessy sa asawa nitong si Tito niya Oscar.
Siniko naman ni Mang Oscar ang asawa dahil baka marinig ni Crismafel ang bulong nito. Ngunit kahit gano'n pa man ang kanilang pamangkin ay mahal na mahal naman nila ito.
Nang matapos magsuot ng sapatos si Crismafel ay dali-dali siyang nagtungo sa pintuan. Tumayo naman ang kaniyang tiyuhin.
''Crismafel, ihahatid na kita sa sakayan. Gusto ko rin iparating sa mga kapit-bahay na magsisimula ka na magtrabaho,'' nakangiting sabi sa kaniya ng kaniyang tiyuhin.
''No, problem, Tito. You are the best Tito. I Love you, Tito Oscar!'' proud naman niyang tugon sa kaniyang Tito. Natatawa na lamang sa kaniya ito at naglakad na sila papuntang sakayan.
''Mga kapit-bahay! Papasok na ang pamangkin ko sa trabaho!'' sigaw ni Tito Oscar niya. Nagsilabasan naman ang mga aling Maretis na kanilang kapit-bahay.
''Oy! Totoo na ba iyan, Oscar? Eh, maganda lang naman ang pamangkin ninyo pero wala namang talino,'' panlalait pa ng isang kapit-bahay nila kay Crismafel. Napaangat ng kilay si Crismafel sa sinabi ng kapit-bahay nila.
‘’Aba, matapos kumain ng litson kahapon makapanglait akala niya matalino siya? Hmmmppp… Inggit lang siya sa akin, kaya relax, Crismafel,’’ bulong na lang ni Crismafel sa kaniyang sarili.
''Oo, Bioleta! Magta-trabaho na si Crismafel sa Carson Electronics!'' pagyayabang naman ng kaniyang Tito Oscar. Sanay na si Crismafel na sabihan ng mga kapit-bahay na tanga, bobo, at maliit ang utak. Pero, deadma lang siya dahil para sa kaniya hindi siya nabubuhay para sa mga ito. Para sa kaniya ay siya lang ang nakakakilala ng lubos sa kaniyang sarili.
''Aling Bruhilda! Mas bobo po kayo sa akin! Dahil sa halip na maghanap-buhay kayo ay ang buhay ng ibang tao ang iniintindi ninyo!'' hirit na sigaw ni Crismafel kay Aling Bioleta na number one na tsismosa sa kanilang lugar. Napaismid na lamang ito sa kaniyang sinabi habang tatawa-tawa lang ang kaniyang tiyuhin.
''Good luck, Crismafel!'' sigaw naman ni Aling Lita sa kaniya na kapit-bahay din nila.
Tumaas lang siya ng kamay na hudyat ng pasasalamat. Pagdating nila sa kalsada ng kaniyang tiyuhin ay naabutan naman sila ni Gina na galing sa palingke. Bumaba ito ng tricycle at taas baba ang tingin nito sa kaniya.
''Crismafel, ang ganda mo tingnan sa suot mong 'yan; hapit na hapit ang damit mo sa'yong katawan na hanggang tuhod ang taas. Pero, pinsan naman! Mamaya baka molistyahin ka ng boss mo sa sobrang sexy ng suot mo!'' namomoroblemang saway ni Gina.
Sumimangot siya at tumaas ang kilay saka tiningnan ang suot. ''Dito ako komportable, Gina. Saka ganito naman lagi ang suot ko, ah! Ikaw naman, pinsan, naninibago ka pa sa suot kong ito.’’
''Hayaan mo na si Crismafel, anak. Komportable siya sa suot niya. Ang ganda-ganda talaga ng pamangkin ko. Oh, ayan na ang taxi,'' wika ni Mang Oscar kay Gina. May dumaang taxi kaya pinara ito ni Mang Oscar. Paghinto nito ay dali-dali naman sumakay si Crismafel.
"Isumbong mo sa akin kapag minanyak ka ng boss mo, ha?'' pahabol pang sabi ng kaniyang Tito Oscar bago tumakbo ang sasakyan.
Napabuntong-hininga na lamang si Gina sa kaniyang ama at pinsan. Habang si Mang Oscar naman ay tuwnag-tuwa dahil sa wakas ay magkakaroon na ng trabaho ang kaniyang nag-iisang pamangkin.
Pagdating ni Crismafel sa Carson Electronics, pagpasok niya pa lang ay naglilingunan na sa kaniya ang mga nagta-trabaho roon. Lahat napapahanga sa kagandahan niya. Wala siyang lingon-lingon at dumuretso sa opisina ni Reagan. Nang makita siya ni Reagan na paparating ay nagpapantasiya naman ito sa kaniya at napaawang pa ang labi.
’’s**t! Ayan na ang diyosa ng kagandahan. Kapag siguro naging kasintahan ko ito hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho” bulong ni Reagan sa kaniyang sarili.
"Good morning, Sir Reagan," nakangiting bati ni Crismafel sa kaniya.
"G-good morning, Miss Libron," ngising bati pabalik ni Regan kay Crismafel.
''Nariyan na ba ang boss ko?'' tanong ni Crismafel kay Reagan.
''Wala pa, kaya safe ka dahil nauna ka sa kaniya. Kaya, bago ka pa niya maabutan dito ay pumunta ka na sa puwesto mo,'' utos sa kaniya ni Reagan na nakangiti.
''Okay, Sir. Leon, is my boss, ‘di ba?'' pabulong niyang tanong kay Reagan.
''Yes! Kaya, mag-ingat ka sa Leon mong boss! Roarr!'' sabi pa ni Regan at umatungal na parang lion.
Natawa naman si Crismafel at ginaya rin si Reagan. ''Roarr!''
Nagtungo na siya sa kaniyang puwesto sa labas ng opisina ni Leon. Salamin ang pader na nakapalibot sa opisina nito, kaya nakikita nila ang isa’t isa maliban na lang kapag ibinaba ni Leon ang blind curtain sa loob. Pagdating sa pwesto ni Crismafel ay inilapag niya ang kaniyang bag sa upuan. Pagkatapos ay tumingin siya sa silid ni Leon.
“Hmmm! Siguro ang lamig sa loob ng opisina ni Sir Leon. Ang sarap siguro maupo sa kaniyang upuan. Bakit kaya hindi ko subukan para malaman ko?'' bulong niya sa kaniyang sarili at may kapilyahang naisip.
Pumasok si Crismafel sa loob ng opisina ni Leon. Napaawang ang kaniyang labi dahil sa paghanga sa opisina ng kaniyang boss. Malamig ang aircon doon at mabango. Isa-isa niyang hinawakan ang mga bagay na naroon sa silid ng kaniyang boss habang nakangiti. Nagtungo siya sa upuan ni Leon at sinubukang maupo.
''Wow! Ang ganda naman ng upuan ng Lion malambot tapos umiikot-ikot din katulad ng upuan ko. Pero mas maganda 'tong sa kaniya dahil malambot at masarap isandal ang likuran ko dito sa upuan niya,'' aniya at pinaikot-ikot ang upuan.
Natutuwa siya dahil ganito pala ang feeling na makaupo sa upuan ng isang CEO ng kompanya. Huminto siya sa pagpaikot ng upuan at nakangiting tumingin sa table nameplate ni Leon.
''Leon D. Carson, CEO. Siguro maganda kapag ang pangalan ko ang nakalagay rito,'' pantasiya niya na nakangiti habang nakakiming hinawakan ang table nameplate ng kaniyang boss.
''Maganda siguro tingnan kapag ang nakasulat dito ay Crismafel Tuazon Libron, CEO!'' aniya at muling pinaikot-ikot ang upuan. Maya-maya pa ay inihinto niya ang upuan at tumingin sa pader na salamin. Napapaawang ang kaniyang mga labi habang tinitingnan ang magandang view. Tanaw ang magandang view ng dagat ng Lauerta at ang mailan-ilang building sa lugar na iyon.
''Wow, ang sarap naman ng puwesto ng Lion. Samantalang sa akin mga papel at table lang ng mga kasamahan ko ang makikita ko. Ano kaya kung makipagpalit ako ng puwesto? Papayag kaya siya?'' tanong niya sa kaniyang sarili.
Nangalumbaba siya habang nakatanaw sa tahimik na karagatan. Nakangiti siya at kung ano-ano na naman ang mga iniisip. Nagulat siya nang marinig niya ang pagbagsak ng isang bagay sa table. Kaya lumingon siya at taas kilay na tiningnan ang table na may nakapatong ng laptop at may kamay na nakapatong doon. Dahan-dahan siyang umangat ng kaniyang tingin sa may ari ng kamay na nakapatong sa laptop at nakita niya ang isang gwapong lalaki ngunit nagbabaga naman ang mga mata nito sa kaniya.
“Adik siguro 'to, makatitig parang kakainin akong buhay,” bulong niya sa kaniyang sarili.
''Hi, Sir! Hinahanap niyo po ba ang lion dito sa opisina? Pasensiya na po, Sir, dahil wala pa siya,'' wika ni Crismafel sa lalaki at tiningnan niya ang kaniyang relo.
''Tingnan mo, oh! Ilang minuto na siyang late. Kapag may kailangan kayo sa kaniya sabihin niyo lang sa akin dahil ako ang secretary niya,'' daldal niya pa sa kaharap niya na hindi alam kung sino. Pero, lalo naman nagsalubong ang kilay ng kaniyang kaharap habang ang isa nitong kamay ay nakapameywang. Gumagalaw na ang gilid ng labi nito na parang napipikon sa kaniya.
“Kung hindi ako magkamali ito ang secretary na kinuha siguro ni Reagan para sa akin. Maganda sana pero parang tanga. Hindi niya ba kilala na ako ang boss niya?” bulong ni Leon sa kaniyang sarili.
''What are you doing?'' galit na tanong ni Leon sa kaniya.
Umismid siya sa tanong ng lalaki. “Ang bobo naman nito alam niya naman na nakaupo ako rito,” bulong ni Crismafel sa kaniyang sarili bago sumagot sa lalaki.
''Nakaupo, Sir. Kausap ka,'' nakangiti niyang plastik sa kaharap.
Lalo naman kumulo ang dugo ni Leon, kaya napapangiti siya ng pagak. ''Ha! Alam ko na nakaupo ka, pero anong ginagawa mo rito sa opisina ko?''
''Alam mo naman pala na nakaupo ako rito bakit ka pa nagtatanong? Nakaupo nga ako ‘di ba? At kausap ka! Tapos ngayon magtatanong ka kung ano ang ginagawa ko sa opisina m-'' naputol ang sasabihin ni Crismafel nang bigla niya na-realize ang sinabi ng lalaki na opisina niya ito. Bigla siya nataranta nang maisip na ito ang boss niya. Dahan-dahan siyang tumayo habang ngumingisi ng pilit. Hindi niya tuloy alam ang gagawin niya. Pinandilatan siya ni Leon ng mata at binabasa ang kilos niya.
Nagsinyas siya ng peace sign kay Leon. '
'Sir Leon, ikaw po ba 'yan? Hehehe! U-upo po kayo, Sir,'' alanganin niyang sabi at dahan-dahan umalis sa puwesto ni Leon.
Hindi na naman napigilan ni Leon ang kaniyang temper kaya nasigawan niya ang bagong secretary.
''Get out!''
Halos ikatalon ng dibdib ni Crismafel ang biglang pagsigaw ni Leon sa kaniya sa sobrang gulat. Kaya, napagtanto niya na ito na nga ang lion niyang amo.
''Nakakagulat naman kayo, Sir. Hindi po ninyo kailangang sumigaw dahil hindi naman po ako bingi at magkaharap lang tayo, kaya naririnig kita,'' nakangiting sabi ni Crismafel. Iniisip niya na baka napagkamalan lang siyang bingi ng kaning boss.
Tumawa ng pagak si Leon sa sinabi niya. Gusto na niya itong sipain palabas, ngunit pinipigilan na lang nito ang kaniyang sarili. ''Miss, lumabas ka na ng opisina ko at sabihin mo sa akin kung sino ang nagpahintulot sa'yo na pumasok dito sa private place ko, hmm?''
''Ayan, Sir! Dapat kapag magkaharap tayo walang sigawan dahil hindi naman tayo mga bingi. Sigawan niyo na lang po ako kapag nandoon na ako sa puwesto ko. Ako lang po ang kusang pumasok sa opisina niyo, Sir. Na curious kasi ako kung malamig ba rito sa opisina mo o hindi. Ang ganda pala ng upuan mo Sir. Saka ang ganda naman ng puwesto niyo rito puwede palit tayo, Sir?'' tuloy-tuloy niyang daldal sa binata.
“My God, habaan mo pa ang pasensya ko sa babaeng ito,” bulong ni Leon na pilit huwag mapasigaw ulit.
''Lumabas ka na bago pa kita ipatanggal,'' nagtitimping pagtataboy sa kaniya ni Leon.
Napangiwi naman si Crismafel sa sinabi ni Leon.
''Sige, Sir. Roarrrr!'' aniya at suminyas pa siya ng kaniyang kamay na parang Lion. Tumalikod na siya at lumabas sa opisina ni Leon at nagtungo sa kaniyang puwesto.
Habang si Leon naman ay napabuga ng hangin sa iri na nakasunod ang mga mata kay Crismafel.
“Saan kaya siya napulot ni Reagan? Tanga ba ang babaeng iyon o sadyang pilosopo lang?'' wala sa isip na tanong ni Leon sa kaniyang sarili. Napapailing na lamang siya at binuksan ang mga papelis na binigay sa kaniya ni Reagan.
May bidding pa siya mamayang alas dies sa Toyoshi Car. Kailangan ni Leon makuha ang project na iyon upang maibalik ang mga nagastos niya papunta ibang bansa para lang dumalo sa isang bidding roon na hindi naman niya nakuha. Ilang beses siyang natalo sa bidding nitong mga nakaraan. Paghindi pa niya makuha ang Toyoshi Car ay baka magsara na ang kompanya na kaniyang pinaghirapan.
Tinawag niya ang kaniyang bagong secretary sa pamamagitan ng pagpindot ng intercom na nakakonekta sa cubicle nito.''Dalhan mo ako ng kape.''
''Mainit po ba, Sir o malamig?'' tanong pa ni Crismafel sa kaniya.
''Maint,'' sagot naman niya na wala sa sarili dahil abala siya sa pagpirma ng mga papelis.
''Black coffee, Sir, or coffee with cream?''
''Black coffee,'' sagot naman niya.
''Nescafe brand or coffee barako?''
Nabagsak ng malakas ni Leon ang hawak niyang ballpen sa mesa at hinilot-hilot ang sintido. Tiningnan niya ng masakit ang magandang secretary sa labas ng kaniyang opisina, malawak ang pagkangiti sa kaniya habang nakatingin sa kinaroroonan niya.
'Saan ba napulot ni Regan ang babaeng 'to?' tanong muli ni Leon sa kaniyang sarili.
''Timplahan mo ba ako o marami ka pang itatanong?'' galit niyang tanong sa kaniyang secretary.
''Sabi niyo po, Sir, gusto niyo ng kape. Kaya, naninigurado lang po ako,'' sagot ni Crimafel sa kaniya at tumayo na ito upang pumunta sa pantry.
Napapailing na lamang si Leon at hinabaan muna ang pasensya dahil kailangan niya ang secreatry mamaya sa pagharap sa Toyoshi Car.