Chapter 1
Dalawang katok ang narinig ni Reagan mula sa labas ng pinto.
''Come in,'' aniya sa kumakatok.
''Sir, narito na po ang last na aplikante,'' sabi ng kaniyang secretary na si Joy.
''Papasukin mo,'' seryosong utos ni Reagan habang nakatingin sa kaniyang laptop.
Lumingon si Joy sa kinaroroonan ni Crismafel. ''Pasok na, Miss Libron.''
‘’Yes! Tiyak na matatanggap ako sa kompanyang ito!’’ natutuwang bulong ni Crismafel sa kaniyang sarili.
Pumasok na siya sa loob ng opisina ni Reagan at nang makita siya ni Reagan ay napaawang ang labi ng binata sa kagandahan niyang taglay. Laglag ang mga panga ni Reagan na nakatingin sa maladyosang aplikante. Pakiramdam niya ay angel ito na bumaba mula sa langit. Natulala pa siya habang tinitigan ang mukha ng dalaga.
‘’Ang swerte ko talaga at ipinanganak akong maganda,’’ bulong ni Crismafel sa sarili at hinawi ang kaniyang buhok at lumapit kay Reagan.
''Good morning, Sir. 'Yong laway niyo po tumutulo na,'' seryosong bati ni Crismafel kay Reagan. Nahimasmasan si Reagan nang tumawa ang secretary niya na si Joy.
''Joy?'' seryosong tawag ni Reagan sa kaniyang secretary dahil napahiya siya.
''Sir?'' sagot ni Joy sa kaniya.
''Get out!'' taboy ni Reagan. Agad namang tumalikod si Joy at lumabas ng office habang natatawa.
Naiwan silang dalawa ni Crismafel sa loob ng kaniyang office.
''Have a seat, Crismafel, right?'' tanong ni Reagan sa dalaga habang nakatingin ito sa resume ni Crismafel.
‘’Sa kanan niya ako gustong paupuin? Right ang sabi niya so ibig sabihin sa kanan ako umupo,’’ bulong ni Crismafel habang naguguluhan sa sinabi ni Reagan. Para makasigurado ay tinanong niya ang binata.
''Dito po ba ako sa kanan uupo, Sir?'' inosenting tanong niya kay Reagan, dahil ang alam niya na right na tinutukoy ni Reagan ay kanan.
''I mean, Crismafel ang pangalan mo, tama ba?'' nakangiting tanong ni Reagan sa dalaga na naupo sa kanang bahagi ng upuan sa harap ng table ni Reagan.
“Mali ba ang pangalan ko? Bakit magtatanong pa siya? Hala! Baka mali ang spelling na nailagay ko?’’ tanong ni Crismafel sa isipan niya.
Para makasiguro ay kinuha niya ang resume kay Reagan. “Excuse me, Sir. Patingin po.’’
Napaawang na naman ang labi ni Reagan nang tumingin siya kay Crismafel at hawak-hawak na ang resume nito at binabasa ito ni Crismafel habang nakakunot ang noo.
Tumingin siya kay Reagan at ibinalik niya ang kaniyang resume.
“Tama po naman ang pangalan ko, Sir. Crismafel Libron! Mukha bang mali ang pangalan ko?’’ taas noo niyang tanong kay Reagan.
Tumawa ng bahagya si Reagan dahil ang akala niya ay nakikipagbiruan ang magandang dalaga na nasa kaniyang harapan ngayon.
''Palabiro ka pala, Miss Libron. Tama naman ang pangalan mo.’’
''Nakakatawa po ba ang pangalan ko, Sir? Saka mukha ba akong nagbibiro?'' seryoso namang tanong ni Crismafel kay Reagan. Gano'n na talaga si Crismafel, kung ano ang sasabihin niya ay akala niya tama.
''Ahhmm... I think mag-proceed na tayo sa interview ko sa'yo. Ahmm… wala ka pang experience na trabaho kahit isa? Nag-graduate ka sa Adamian University bilang Bussines Management?'' dahan-dahang tanong ni Reagan sa kaniya habang nakatingin sa resume niya.
“Anong walang experience? Sa paghuhugas pa lang ng pinggan at pagsasaing ay malaking experience na iyon ng trabaho. Lalo na ang pagwawalis sa umaga at pagligpit ng higaan ko. Ano ang akala niya sa akin walang alam na trabaho?’’ bulong ni Crismafel sa kaniyang sarili.
''Marami akong experience na trabaho, Sir. Pero kung ang tinutukoy po ninyo ay sa pag-apply ko ng trabaho well, pang sampo na siguro kayong naaplayan ko. Kaso ang pangwalong kompanya hindi ako tinanggap dahil sa pagiging honest ko. Ang isa ay 3 hours lang ako dahil na highblood ang boss ko. Dapat nga tanggapin nila ako dahil honest ako at isa iyon sa katangian ng empleyado na dapat ay hinahanap nila. Pero ayos lang dahil hindi ko naman sila kawalan at ako kawalan nila,'' walang prenong sabi ni Crismafel kay Reagan.
Natutuwa si Reagan sa kadaldalan ng magandang dalaga sa harapan niya.
''Aha, tama ka. Dapat isang honest ang kailangan na maging ugali ng isang empleyado. Well, marunong ka ba humarap sa computer? Saka marunong ka bang tumingin ng mga documento at maglista ng mahahalagang bagay na iniutos sa'yo ng magiging boss mo?'' seryosong tanong sa kaniya ni Reagan.
‘’Sos, ako pa ba? Haharap lang sa computer hindi ko pa magawa? Saka tumingin lang ng mga document sisiw lang sa akin iyan,’’ sagot ng isipan niya sa tanong ni Reagan.
''Naka-graduate po ba ako ng college Sir, kung hindi ako marunong humarap sa computer at magsulat?'' balik tanong ni Crismafel kay Reagan.
Tumango-tango na lamang si Reagan sa sinabi ng dalaga at bahagya pa rin siyang nakatulala sa kagandahan ng bagong aplikante.
‘’Mukhang matalino naman yata siya at sa ganda niyang iyan siguradong magugustuhan siya ni Reagan,’’ bulong ni Reagan sa kaniyang isipan.
''May boyfriend ka na ba?'' tanong niya sa dalaga kahit na wala naman iyon sa interview.
‘’Sasabihhin ko ba na may boyfriend ako? Baka mamaya bawal ang may boyfriend dito, kaya sorry Jordan dahil itatanggi muna kita.”
''Wala Sir! Hek!'' pagsisinungaling niya kay Reagan. Iniisip niya kasi na baka kapag sinabi niya na may boyfriend siya ay baka hindi siya nito tatanggapin. ''Kapag po ba may boyfriend Sir, hindi puwede magtrabaho rito?'' Gusto niya lang makasigurado, kaya tinanong niya si Reagan.
''Ahmm... Hindi naman sa gano'n, depende,'' sagot ni Reagan.
''Kung gano’n po, wala po akong boyfriend ngayon dito sa Lauerta,'' sagot niya dahil ang totoo ay nasa Italy ang boyfriend niyang si Jordan.
‘’Maganda pakinggan iyan na wala ka pang boyfriend. Ano po ba ang gusto mo sa isang lalaki?’’ tanong ni Reagan at nagpa-cute pa siya sa dalaga.
‘’Matangkad po. Mahaba at malaki saka syempre mabango at gwapo,’’ nakangiting sagot ni Crismafel na iniisip ay si Jordan.
Napalunok ng laway si Reagan sa sinabi ni Crismafel na mahaba at malaki. ‘’A-ano ‘yong mahaba at malaki, Miss Libron?’’
‘’Syempre, Sir ‘yong mahaba ang pasensya at malaki ang utak. Para nang sa ganoon ay mabilis namin maunawaan ang isa’t isa. Ano po ba ang iniisip ninyo, Sir?’’
‘’Ha? Ah, wala! Mahaba ang pasensya ko, Miss Libron. Saka malaki rin ang ulo ko sa baba. Ah, I mean malaki ang utak ko,’’ nakangiting sabi ni Reagan.
‘’s**t! Nakakalibog ang babaeng ‘to,’’ wika ni Reagan sa kaniyang isipan.
‘’Nakita na po ba ninyo ang utak ninyo, Sir? Sinukat niyo po pa kung gaano kalaki?’’ seryosong tanong ni Crismafel sa binata.
Napakamot tuloy ng ulo si Reagan at ngumiti na lang kay Crismafel dahil hindi niya nga alam kung malaki ba talaga ang utak niya o hindi.
''Okay, change topic, Miss Libron. Dahil matino naman ang sagot mo sa interview ko tanggap ka na at bukas ay mag-uumpisa ka na pumasok sa trabaho. Si Joy na ang bahala magturo sa’yo ng mga dapat mong gawin,'' walang pag-alinlangan na sabi ni Reagan kay Crismafel. Kailangan niya na rin talaga makahanap ng bagong secretary ni Leon dahil bukas ay may bidding sila sa Toyoshi Car Company na mula pa sa Japan. Kailangan makuha nila ang bidding na ito dahil pang-ilang bidding na nila ngunit hindi pa rin sila nakakakuha ng deal.
Mukhang nabingi pa si Crismafel sa kaniyang narinig. ''Tanggap na ako, Sir? Hindi kayo nagbibiro? Ibig ba sabihin magsisimula na ako bukas ng trabaho?'' hindi makapaniwalang tanong ni Crisma kay Reagan.
''Aha! Kasasabi ko lang na tanggap ka na at magsisimula ka na bukas. Saka hindi ako nakikipagbiruan sa’yo,'' natatawang sabi ni Reagan sa dalaga.
''Yes! Sa wakas may trabaho na ako! Woh! Tiyak na magpapalitson si Tito nito sa akin at magluluto ng spaghetti si Gina! Thank you talaga, Sir. Ang bait niyo po sana huwag muna kayo kunin ni Lord!'' tuwa niyang sabi kay Reagan.
Natatawa na lamang si Reagan sa sinab ni Crismafel. Bago umuwi si Crismafel ay tinuran muna siya ni Joy sa dapat niyang gawin at magiging trabaho niya bilang secretary ni Leon.
''Dito ang table mo. Dito ka sa labas ng silid ng opisina ni Sir Leon, para kapag tinawag ka niya ay maririnig mo siya,'' sabi ni Joy sa kaniya.
''Hindi si Sir Regan 'yong magiging boss ko? Isang lion ang magiging boss ko tama po ba?'' tanong niya kay Joy at kunyari ay takot sa isang Lion.
''Oo, isang Leon na bumubuga ng apoy ang magiging boss mo. Kaya, huwag kang patanga-tanga kapag nandito siya office kung ayaw mo matanggal kaagad sa trabaho. Saka kapag naghingi si Sir Leon ng kape ayaw niya ng matamis,'' sabi pa ni Joy at dinala siya sa pantry.
‘’Ayaw niya ng matamis? Ano ang gusto niya maasim o maalat? Ang weird naman ng lion na ‘yon.’’
''Ah, tao pala siya akala ko hayop, Leon pala hindi lion,'' wika ni Crisma nang ma-realize na pangalan pala ng tao ang tinutukoy ni Joy. Ganiyan talaga siya mahina mag-pick up. ''Kung ayaw niya ng matamis na kape, ano ang gusto niya maalat na kape?''
Natawa na lang si Joy sa tanong na iyon ni Crismafel. Akala niya nakikipagbiruan ang dalaga sa kaniya, kaya hindi niya na sinagot ang huling tanong nito.
Matapos na ituro ni Joy kay Crismafel ang mga dapat niyang gawin ay umuwi siya na puno ng kagalakan ang puso. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nakasimangot siyang humarap sa Tito Oscar niya at kay Tita Tessy niya.
''Hmmm.. Hindi ka nakapasa ano?'' pangungutyang tanong ng Tito Oscar niya at pinisil pa nito ang kaniyang pisngi.
''Hay nako, Crisma. Mabuti pa tulungan mo na lang ako sa paggawa ng cake dahil marami ang um-order sa akin online,'' sabi ng kaniyang Tita Tessy.
Humarap siya sa kaniyang Tito Oscar habang nagbabasa na ito ng dyaryo. ''Tito, 'di ba, sabi mo kahapon magpapalitson ka kapag natanggap ako sa trabaho?'' aniya at kumindat-kindat pa sa kaniyang Tito.
Inilapag ni Mang Oscar ang dyaryo na hawak niya sa lamesita at matamang tumingin kay Crismafel.
''Crisma, kahit ora mismo mag-'' natigil ang sabihin ng kaniyang Tito nang magsalita siya.
''Crismafel po, Tito. Crismafel, hmmp!'' nangigil niyang koreksyon ng pangalan niya sa kaniyang Tito.
''Oh, Crismafel na kung Crismafel. Kahit ngayon magpapalitson ako kung natanggap ka!'' seryoso namang sabi ng kaniyang Tito sa kaniya.
''Well, pagpalitson ka na Tito, dahil natanggap ako bilang Secretary sa Carson Company!'' nagsisigaw niyang sabi at natutuwang tumalon-talon.
Agad naman sinilip siya sa mukha ng kaniyang Tita Tessy dahil nakatalikod siya sa tiyahin niya na hindi makapaniwala sa sanasabi niya.
`''Wee? Hahaha... Huwag ka nga mangarap ng gising Crismafel, dahil Carson Electronics iyon kaya paano ka tanggapin bilang Secretary eh sinalo mo lahat ng katangahan? Tapos mahina pa ang pick up mo?'' walang prenong sabi ng kaniyang tiyahin ngunit sanay na siya sa mga ito. Tinaasan niya ng kilay ang kaniyang Tita sa sinabi nito sa kaniya.
''Tita, huwag niyo akong maliitin dahil kahit tanga ako at mahina ang kukuti pero isa na akong empleyado sa Carson Electrtonic. At bukas magsisimula na ako!'' aniya sa tiyahin at napapatalon pa siyang niyakap ang tiyahin niya dahil sa tuwa.
''H-Hindi ka nagbibiro, Crismafel?'' utal-utal na tanong ng kaniyang tiyuhin na hindi pa rin makapiniwala na makapasok siya sa trabaho.
''Mukha ba akong nagbibiro, Tito? Kaya, ihanda mo na ang litson mo!'' malawak na ngiti na hamon ni Crismafel sa tiyuhin niya.
Natuwa naman ang kaniyang Tito dahil alam nila na hindi marunong magsinungaling si Crismafel. Napayakap pa ito sa pamngkin at dali-daling lumabas sa bahay nila at sumigaw sa mga kapit bahay.
''Mga kapit bahay may trabaho na ang pamangkin ko, yoho!'' sigaw ni Mang Oscar sa mga kapit bahay.
Nagsilabasan naman ang mga tsismosang asawa ng mga kainuman niya. Proud na pround siyang ibinalita sa mga ito na sa Carson Electronics magta-trabaho ang pamangkin niya. Kaya, naman agad na bumili ito ng buong litson bilang paghahanda sa tagumpay ng kaniyang pamangkin.
Lahat ng kapit bahay ay imbitado. Nagulat pa si Gina nang dumating ito galing sa school na may handaan na nagaganap sa kanilang bahay.
''Anong mayroon? Wala namang kaarawan para maghanda ng ganito?'' tanong agad ni Gina sa tatlo at pabagsak na naupo sa sofa.
''Gina, natanggap ako sa Carson Electronics. Kaya, nagpalitson si Tito dahil sa wakas ay may trabaho na ako,'' tuwang balita ni Crismafel sa pinsan niya.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na hindi makapaniwala. ''Di nga?''
''Oo, nga! Bukas na ako magsisimula,'' tuwa niyang sabi at niyakap si Gina.
Hinagod-hagod naman ni Gina ang likuran ni Crismafel. ''Owww... Good luck, and congratulation, pinsan. I'm so proud of you. Pero siguraduhin mo lang na tumagal ka ng isang araw, ha? Dahil naalala ko na ang una at huli mong trabaho ay 3 hours ka lang tumagal sa amo mo dahil sinisante ka kaagad,'' saka kumalas ito kay Crismafel.
''Gina, Iba ‘to. Sigurado ako na magtatagal ako rito,'' determindao niyang sabi kay Gina.
''Okay, sinabi mo, eh!'' sang-ayon na lang ni Gina sa kaniya.
''Hmm... Bilhan mo ako ng damit na susuutin ko tuwing lunis hanggang linggo,'' lambing ni Criismafel sa kaniyang pinsan at pakindat-kindat pa ito. Wala pa kasi siyang pera, kaya kay Gina muna siya umaasa sa pambili ng pang-opisina niyang damit.
Kibit-balikat na lang si Gina na tumango sa kaniya. At natutuwa rin ito dahil sa wakas ay magkakaroon na ulit ng trabaho si Crismafel.
''Okay, ako ang mamili ng mga susuutin mo dahil baka mamaya magsuot ka na naman ng litaw ang dibdib,'' sabi sa kaniya ni Gina ast tinapik siya sa balikat. ‘’Sana tumagal ka sa trabaho nang baka sakali magkaroon kang common sense,’’ bulong pa ni Gina sa sarili.
Daig pa na may birthday sa handaan na inihanda kay Crismafel ng kaniyang tiyuhin. Proud na proud siya na nakipag-kuwentuhan sa kaniyang mga kapit bahay na tsismosa. Ang iba ay napapaismid pa dahil baka nag-iimbinto lang ito ng kuwento.
‘’Paano ka ba natanggap, Crismafel?’’ tanong ng kapit bahay nilang si Aling Marisol.
‘’Aling Marisol, sa talino kong ito hindi nila ako tatanggapin? Saka sisiw lang sa akin ang interview ng kompanya,’’ nakangiti niyang sagot sa kapit bahay nila na si Aling Marisol.
Napaismid lang ang ali sa sinabi niya.
‘’Pero pustah tayo hindi ka magtatagal sa kompanya na iyan dahil diyan galing ang anak ko na si Maricel. Strikto at masungit ang may ari ng Carson. Matalino na ang anak ko na iyon at top 1 pa sa paaralan, pero inayawan niya ang Carson dahil sa ugali ng boss niya,’’ saad ni Aling Marisol kay Crismafel.
“Depende po iyan sa pakikisama sa boss mo, Aling Marisol. Kaya sigurado ako na tatagal ako sa kompanya at balang araw ako na ang magmamay-ari ng kompanya na pagta-trabahuhan ko,’’ determinado niyang sabi.
Malakas ang confident ni crismafel sa kaniyang sarili kahit sinasabi ng iba na tanga siya at walang commonsense
Matapos ang handaan ay pumasok siya sa kaniyang silid at tiningnan ang kaniyang f*******:. Wala siyang ibang friend roon kundi si Gina lang. Hinanap niya ang pangalan ng nobyo sa f*******: na si Jordan De Len. Marami ang kapangalan nito kaya isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. Hanggang sa nakita nito ang f*******: account ng nobyo at nasa Italy ngayon.
Sinubukan niya itong e-chat.
Crismafel Libron: Babe, may f*******: na ako tinuruan ako ni Gina. Sabi niya puwede raw tayo dito mag-usap.
sent
Inilapag niya ang kaniyang cellphone sa kama at nagtungo sa banyo upang mag-shower at mag-toothbrush. Pagkatapos ay nagpalit siya nang damit at muling bumalik sa kama. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone na tumutunog. Nakita niya ang pangalan ng kaniyang nobyo na tumatawag sa video call. Malawak ang ngiti niya na sinagot ang tawag ni Jordan.
"Hello, Babe! Wow, ang galing naman ng ganitong app nakikita kita. Ang guwapo mo, Babe,'' bungad kaagad niya sa kaniyang nobyo na malawak ang ngiti nito sa kaniya.
''Mabuti at nagkaroon ka ng f*******:, Babe. Hindi na ako mahihirapan na tumawag sa'yo. Kumusta ka na? Lalo kang gumaganda, ah!'' Papuri sa kaniya ni Jordan.
''Ganito lang talaga siguro babe dahil natanggap ako bilang secretary ng lion sa Carson Electronics. Makakaipon na ako nito babe ng pera para pumunta riyan sa Italy. Magkikita ulit tayo,'' kinikilig niyang sabi sa kaniyang boyfriend.
Hindi naman agad naniwala si Jordan sa kaniya dahil alam rin nito ang katangahan niya. Maganda at sexy lang si Crismafel. Ngunit pagdating sa utak o common sense ay parang 1% lang ang mayroon ito.
Tinawanan siya ni Jordan dahil napakaimposible ng sinasabi niya. ''Hahaha... Babe, paano ka naman tatanggapin sa ganiyan kagandang kompanya? Kung maliit nga na kompaniya ay hindi ka natanggap d diyan pa kaya sa Carson Electronics?''
Sumimangot siya sa kaniyang boyfriend dahil bakit ganito ang tingin ng mga ito sa kaniya? Para kasi sa kaniya ay matalino siya at honest. Iyon talaga ang pinapanindigan niya sa kaniyang buhay.
''Babe, wala ka bang tiwala sa akin? Ang pagiging isang honest ay siya ang magiging daan para matanngap ako sa trabaho. At isa iyon sa hinahanap ng Carson Electronics,'' pagmamalaki niyang sabi kay Jordan.
''Aa! Well, congratualation, Babe. Sana tumagal ka sa trabaho mo. I miss you, kailangan ko ng pumasok sa trabaho, Babe. Tawag na lang ako mamaya sa'yo,'' paalam ni Jordan sa kaniya.
Nalungkot si Crismafel dahil saglit niya lang nakausap ang nobyo ngunit alam niya naman na may trabaho ang boyfriend niya.
''Sige, Babe. Maaga rin ako matulog dahil maaga ang pasok ko bukas. Kailangan mauna ako sa boss ko. I love you, Babe.’’ aniya at hinintay niya pa ang pag-i love you sa kaniya ng nobyo subalit pinatay na ni Jordan ang kaniyang cellphone. Napasimangot na lamang si Crismafel at napagdesisyonan niya na lang na matulog dahil maaga pa siya magigising at excited na siya sa trabaho niya bukas.