Chapter 3
Nagtungo si Crismafel sa pantry at tinimplahan ng kape ang kaniyang amo na mainit ang ulo.
''Maganda siguro malamig na kape ang itimpla ko kay Sir dahil mukhang mainit ang ulo niya. Para naman malamigan ng kaunti ang utak niya. Kaso hindi naman mapupunta sa ulo niya ang kape na iinumin niya kundi mapupunta sa kaniyang tiyan. Hmmpph! Bahala na! Dapat tinanong ko siya kung hot o cold. Pero cold na lang para atleast malamigan ang immune system niya,'' bulong ni Crismafel sa kaninyang sarili habang nilalagyan ng yelo ang tinimpla niyang kape para sa kaniyang boss.
Bahagya pa siyang napahinto sa pagpaikot ng kutsarita sa tasa ni Leon at nag-isip. ''Hmmm! Ayaw niya ng matamis sabi ni Joy kahapon, kaya maalat siguro ang gusto niya. Ibang klase rin ang lion na ito. Ngayon lang ako nakakita ng lion na umiinom ng maalat na kape,'' bulong niya pa at kumuha ng iodize salt at nilagay sa kape ni Leon.
Nang matapos niya ng haluin ang malamig at maalat na kape para sa kaniyang lion na boss ay dinala niya na ito sa office ni Leon. Ang binata naman ay abala sa paglalagda ng mga papeles.
''Here is your coffee, Sir. Enjoy to drink,'' ani Crismafel at inilapag sa gilid ng laptop ni Leon ang tasa na may lamang kape.
Hindi naman siya pinansin ng binata, kaya bumalik na ulit siya sa kaniyang upuan at nangalumbaba sa mesa niya habang nakatingin kay Leon.
''Ang gwapo sana ni Boss, kaso masungit,'' bulong niya sa kaniyang sarili. Titig na titig siya sa kaniyang amo habang abala ito sa paglalagda.
''Ang sarap siguro maging CEO,'' patuloy niyang sabi sa kaniyang sarili.
Umangat ng ulo si Leon at kinuha ang kape at ininum. Napabuga ito ng pumasok iyon sa bunganga niya.
''What the-'' kunot-noo niyang ibinagsak ang kape na malamig at maalat sa lamesa.
Bigla na lang umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo galing sa kaniyang talampakan at namumula siya sa galit sa kaniyang bagong secretary. Pinindot niya ang button na konektado sa labas at sumigaw sa pangalan ni Reagan.
''Reagan! Come to my office, now!'' Hindi siya tumitingin kay Crismafel dahil baka mabigwasan niya ito.
Nagulat ang lahat na naroon sa labas ng opisina sa sigaw ni Leon kay Regan. Si Crismafel naman ay napataas ng kilay nang marinig niya ang amo niya na daig pa ang nagmi-menupause na babae. Dali-daling nagpunta si Reagan sa loob ng office ni Leon.
''Ano ang problema? Makasigaw ka parang katapusan na ng mundo,'' tanong ni Reagan kay Leon na namumula sa galit.
''Saan mo nakuha ang secretary na iyan? Ang sabi ko hanapan mo ako ng secretary na hindi tanga at may utak!'' galit na tanong ni Leon kay Regan.
''Maganda siya, bro,'' sagot naman ni Reagan kay Leon. Lalong pumaigting ang kaniyang panga sa sinabi ni Reagan.
''Sabi ko may utak wala akong pakialam sa ganda niya. Sesantihin mo 'yan kung ayaw mo malugi tayo sa negosyo natin,'' galit na utos ni Leon kay Reagan.
''Ano ba ang ginawa sa'yo ng tao at galit na galit ka sa kaniya?'' tanong naman ni Reagan kay Leon.
''Tingnan mo itong tinimplang kape sa akin! Malamig na at maalat pa. Gusto yata akong patayin ng babaeng iyan!'' reklamo ni Leon kay Regan. ''Akala ko ba pinaturuan mo 'yan kay Joy kahapon?''
Napakamot na lamang si Reagan sa kaniyang batok at tinikman ang tinimplang kape ni Crismafel para kay Leon. Napabuga rin siya at napangiwi sa lasa ng kape ni Crismafel na ginawa.
''Aa! Bagong menu yata 'to, bro. Pero hindi mo puwede sesantihin ang bago mong secretary dahil isang oras na lang may meeting ka na kay Mr. Sakuraki at hindi puwede na wala kang secretary,'' paalala ni Reagan sa kaniya.
Pinakalma ni Leon ang kaniyang sarili. Nasira na ang araw niya at hindi puwede na mainit ang ulo niya mamaya sa bidding.
''Tawagin mo ang babaeng iyan!'' nagtitimpi niyang utos kay Reagan. Ayaw niyang mag-alburuto na parang bulkan na ano mang oras ay puwedeng sumabog.
''Okay, relax lang muna,'' nakangising sabi sa kaniya ni Reagan. Lumabas si Reagan at tinawag si Crismafel.
''Cris, tawag ka ng boss mo,'' nakangiting sabi ni Reagan kay Crismafel.
Nakasimangot na humarap si Crismafel kay Reagan habang nakaupo ng kampante sa kaniyang upuan.
''Sir Reagan, nakakagulat ang lion, ano? Roarrr!'' sabi ni Crismafel at ginaya ang atungal ng lion.
Natatawa na lang si Reagan sa kaniya. Tumayo si Crismafel at hinawi pa ang kaniyang buhok. Nilagpasan niya si Reagan at nagtungo sa kinaroroonan ni Leon.
Masama ang tingin nito sa kaniya ngunit sa isip ni Crismafel ay ganoon lang siguro ang boss niya dahil sa pangalan pa lang ay lion na lion na ang dating.
'"Tawag niyo raw po ako, Sir?'' kampanteng tanong ni Crismafel kay Leon na parang walang pakialam sa mga titig nito sa kaniya na kulang na lang ay lapain siya nito.
''Inumin mo ang kape na 'yan!'' galit na utos ni Leon sa kaniya sabay turo sa kape.
''Ay, sorry, Sir. Hindi ako nagkakape, gatas at milo lang ako, no sugar at no salt,'' tanggi naman ni Crismafel sa kaniyang boss na nakaismid.
Si Reagan naman ay pigil ang tawa sa likuran ni Crismafel. Lalo pang uminit ang ulo ni Leon sa sagot sa kaniya ng kaniyang secretary.
Ginalaw-galaw na lamang ni Leon ang kaniyang ulo at napatayo. Nameywang siyang nakaharap kay Crismafel.
''Inumin mo 'yan!'' tiim bagang pang utos ni Leon sa dalaga.
''Kape po ninyo iyan, Sir. Bakit niyo naman sa akin ipainom? Hindi ko type ang panglasa mo, Sir Leon. Ang wierd niyo sa kape,'' seryosong tanggi ni Crismafel sa kaniyang boss na namumula pa rin ang mukha sa galit.
Napatawa ng pagak si Leon at kinagat ang kaniyang labi sa galit. ''Wierd? Nilagyan mo ng asin ang kape ko at malamig pa! Tapos sabihin mong weird?''
''Malamig po ang tinimpla ko sa inyo dahil mukhang mainit ang ulo niyo kanina. So, nilagyan ko ng yelo para lumamig ang utak ninyo. Kaso, mukhang lalo yatang uminit ang ulo niniyo, Sir. Saka ayaw niyo po ng matamis, kaya naisipan ko na baka maalat ang gusto ninyo,'' sagot ni Crismafel.
Si Reagan naman ay hindi na mapigilan ang tawa, kaya napahalakhak na ito. Sinamaan naman siya ni Leon ng tingin, kaya sumeryoso si Reagan at sumenyas na lalabas na. Pagdating sa labas ay doon pinakawalan ni Reagan ang tawa niya sa dalawa.
Habang si Leon naman ay napatingala sa kisame ng opisina niya dahil sumasakit ang ulo niya sa bago niyang secretary.
''Saan ba napunta ang utak mo, ha? Saan ka nakakita ng asin na nilalagay sa kape, huh?'' nagtitimping tanong ni Leon kay Crismafel.
Napapakunot ng noo si Crismafel sa tanong ni Leon sa kaniya at napahaba ng nguso habang ginagalaw-galaw niya ito.
''Kanina ko lang nakita, Sir na nilalagay ang asin sa kape. Akala ko kasi 'yon ang gusto ninyo. Hindi niyo naman kasi sinabi na kape at tubig lang ang ilagay ko. Saka about sa utak ko, Sir, wala naman ibang pinupuntahan yan kundi nakadikit lang sa ulo ko. May nakita ka na bang naglalakad na utak? 'Di ba, wala?''
Napapapikit na lamang si Leon sa sinsasabi ng dalaga.
''Auuff!'' napabuga ng hangin si Leon sa iri.
''Maghanda ka at may bidding tayo sa Toyoshi Car Company,'' mahinahong dagdag ni Leon. Kailangan niyang huminahon muna dahil baka lalo lang uminit ang ulo niya sa babaeng kaharap.
''Nakahanda na po ako, Sir,'' nakangiting sagot ni Crismafel ditto.
''Lumabas ka na sa office ko at hintayin mo ako sa labas,'' utos sa kaniya ni Leon.
"'Okay, Sir!" tugon ni Crismafel at tumalikod na.
Inayos ni Leon ang mga papeles at inilagay sa kaniyang bag ng laptop saka lumabas. Si Crismafel naman ay nag-abang na sa labas.
"Lets go!" wika ni Leon sa kaniya nang madaanan siya. Sumunod naman si Crismafel sa likuran ng kaniyang boss.
Sumulyap muna si Leon sa office ni Reagan at kumindat naman ang kaibigan sa kaniya na may may halong pang-aasar na may kasamang ngiti. Napapailing na lamang si Leon rito. Hindi niya naman ikinakaila na maganda si Crismafel ngunit mukhang mas tanga pa yata ito sa nauna niyang secretary.
Bumababa silang dalawa mula sa 10th floor. Pagdating sa labas ng building ay binuksan na ni Leon ang kaniyang kotse.
"Crismafel, mag-commute ka na lang," utos ni Leon sa kaniya.
Nadismaya ang dalaga dahil akala niya ay isasabay na siya sa sasakyan ni Leon.
"Bigyan niyo po ako ng pamasahe, Sir, dahil magta-taxi na lang ako," sabi niya sa binata.
"Ha! 'Di bale na lang! Sumakay ka na at baka kung saan ka pa mapadpad," utos ni Leon at baka gabihin pa ito bago makarating sa pupuntahan nila. Dali-dali namang sumakay ang dalaga sa kotse niya.
"Yes!" pigil na sigaw ni Crismafel dahil makakalibre siya ng pamasahe. Binuksan niya ang likurang bahagi ng sasakyan ng boss at naupo sa backdseat.
"What are you doing, ha? Don't make me your driver!” naiinis na sabi sa kaniya ni Leon.
Nakunot ang noo ni Crismafel sa sinabi ni Leon. Kaya, napakamot pa siya sa kaniyang ulo.
"Eh, alangan naman na ako ang mag-drive, Sir? Hindi kaya ako marunong mag-drive," sagot ni Crismafel na hindi alam ang ibig sabihin ni Leon.
"Bulshit! You are stupid! You move to the front!" hindi na makapagpigilang sigaw ni Leon sa kaniya.
"A! Kailangan mo talagang sumigaw, Sir? Nandito lang ako sa likuran mo, oh! Roarr!" taas kilay na sabi ni Crismafel sa kaniyang boss at bumababa ng kotse. Lumipat siya sa harap at pairap na sumulyap kay Leon.
"Fasten your seat belt!” sigaw ulit ni Leon sa kaniya.
"Stupid," pabulong na sabi ni Leon, ngunit narinig naman iyon ni Crismafel.
Sanay siyang masabihang tanga ngunit hindi niya pinapansin iyon dahil siya lamang ang nakakakilala sa sarili niya. Ngunit bakit nasasaktan siya na sabihan siya ni Leon ng stupid? Patay-malisya na lang niya iyon at hindi pinansin. Nakatanaw siya sa labas nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kaniyang shoulder bag at tiningnan kung sino. Nang makita niya ang pangalan ni Jordan ay lumawak kaniyang ngiti at agad itong sinagot.
"Hello, Babe!" aniya sa kabilang linya.
"Tssst! Mabuti, may pumapatol pa sa kaniya at nagta-tiyaga sa katangahan niya," bulong naman ni Leon habang nagda-drive sa kahabaan ng kalsada.
"Babe, kumusta ka na? Kumusta na ang bago mong trabaho?" tanong ni Jordan kay Crismafel.
"Ayos lang, Babe. May pupuntahan kaming meeting ng boss ko. Ikaw kumusta na? Kailan ka ba uuwi, Babe?" tanong niya sa kabilang linya habang may mga taingang nakikinig sa kaniya at naiirita.
"Matagal-tagal pa, Babe. Sige, Babe. Maglalaba muna ako ng mga marurumi kong damit," paalam sa kaniya ni Jordan.
"Sige, Babe. I love you," nakangiti niyang sabi kay Jordan. Naghintay pa si Crismafel na mag-i love you ito pabalik ngunit binabaan na siya nito ng cellphone. Hindi na lang siya nagpahalata na nadismaya siya, bagkos ay ngumiti siya at tumingin kay Leon.
"Sir may girlfriend na kayo?"
"Don't ask me about my personal life!'' supladong sabi sa kaniya ni Leon.
''Hmmppp! Bipolar!'' bulong na lamang ni Crismafel sa sarili at itinuon ang tingin sa labas.
''Malamang walang papatol sa 'yo, Sir dahil para kang robot na lion,'' wala sa sarili niyang sabi kay Leon. Sinamaan naman siya ni Leon ng tingin.
''How did I become a robot?'' tanong ni Leon sa kaniya.
''Hmmm! Dahil para kayong walang pakiramdam, Sir? Para kayong robot na lion. Kasi parang takot sa inyo ang mga empleyedo ninyo? Paano kasi kung makasigaw ka parang galit na lion,'' walang preno pang sabi ni Crismafel kay Leon. Prangka siya magsalita at kapag may gusto siyang sasabihin ay sasabihin niya talaga iyon.
''Ilang taon na kayo ng boyfriend mo?'' tanong sa kaniya ni Leon.
''Five years, Sir. Kapag umuwi 'yon tiyak na magpo-propose na sa akin ng kasal 'yon,'' pagmamalaki niyang sabi kay Leon. Napakunot na lamang ng noo si Leon sa kaniya.
''Hmmm! Mabuti napagtiyagaan ka ng boyfriend mo sa kadaldalan mo,'' pang-uuyam na sabi sa kaniya ni Leon.
''Mahal ako ng boyfreind ko, Sir, at mahal na mahal ko rin siya. Kaya, kapag ako ang ikinasal iimbitahan kita para naman magkaroon ka ng insperasyon mukha kasing walang papatol sa ugali mo,'' seryosong sabi ni Crismafel sa kaniyang amo.
Napapailing na lamang si Leon sa kadaldalan ng kaniyang bagong secretary at hindi niya na lang ito pinansin dahil baka maitulak niya pa ito sa palabas ng kaniyang kotse.