Chapter Three
Matapos ang matagal na pagtatalo at pakikipagtagisan ng tigas ng ulo kay Viggo ay heto kami ngayon.
Naglalakad sa loob ng isang kilalang mall at papunta sa bilihan ng undergarments.
Ilang mura ang kumawala sa isipan ko dahil sa nangyayari. Kahit sinabi niyang hindi na kailangan makipag-argumento tungkol dito ay hindi ako tumigil basta-basta. I did my best to stop this from happening pero here I am. With him. At a mall!
Nasa mall kami para bumili ng bra ko! How brother-like can he get!
Eto pa ang isa, he is holding my wrist like I’m a child! Para akong isang bata na anytime maaaring mawala kaya kailangang hawakan!
Hindi naman siguro ako magmumukhang kapatid nito dahil matangkad naman ako, at gaya nga ng sinasabi niya, my body starts to change so curves are already visible.
Kaso, bukod sa hindi na nga ako nag-aayos ng sarili ay nakasuot pa ako ng pe uniform! Mukha akong batang paslit sa tabi nito!
“Viggo! You’re being unreasonable!” reklamo ko sa kanya habang mangot na mangot
“Do you want to start again?” banta nito sakin. I surrendered immediately. Wala nga akong nagawa kanina para mapigilan siya, what changes now?
A loud sigh escaped my lips, mixed with frustration. Hindi nakakatuwa pero wala din akong magawa para matigil itong kalokohang napapag-isip nito. Alam kong ginagawa niya ito for the greater good pero hindi ako kumportable!
Nakarating kami sa isang sikat na shop ng branded undergarments. Damn. Gaanong hiya pa kaya ang gusto nitong maramdaman ko? Lalaki pa talaga ang bibili ng bra ko! Anak ng kabayo naman oh!
“Welcome, Sir! Miss.” Bati ng attendant sa amin pagkapasok ng shop.
Tila nagniningning ang mata nito habang nakatingin kay Viggo at nang bumaling sa akin ay ngumiti ito ng matamis na tila isa akong batang kapatid ng gusto nito.
Hindi pa rin maipinta ang mukha ko dahil sa nangyayari. Tila nahihiya ako na naiinis na natatae dahil sa kaba!
For the first time in my life, bibilhan ako ng bra ng isang lalaki! Take note: Hindi ko pa kaano-ano. He is just the son of my mom’s bestfriend!
My mom used to buy me things whenever she was not busy. But Mom became busy with the business and like me, my mom also forgot that I was growing up and my boobs were getting bigger. Damn it. Now that this happened, I started wishing for a sister!
At talagang si Viggo pa ang nakapansin ng changes ko!
“We’re looking for right size of bra’s. Her size.” pasupladong sabi ni Viggo sa sales lady. Nakita kong bahagyang nawala ang ngiti ng babae pero nang mapansin na nakatingin ako ay ngumiti uli ito.
Tumingin ako sa malayo at nagmura ng ilang ulit sa isipan. Tila nilalamon ako ng lupa habang sinasabi iyon ni Viggo!
“Okay, Sir. This way.” The girl leads the way to the bra section. Kumuha ito ng measuring tape at kinuha ang sukat ng dibdib ko. Tinignan ko si Viggo at nakatingin lang ito sa mga na naka-display na bra sa harap nito.
I started wondering… Tila sanay na sanay siya kung mamili ng mga gamit ng babae tulad nito ah?
Ilang mga items ang pinakita ng attendant kay Viggo at ene-endorse pa ito dito. Nagtagal kami ng halos kalahating oras doon dahil sa maimtim na pakikinig ni Viggo sa pagse-salestalk ng saleslady.
Pinanuod ko ang itsura niya habang pinagmamasdan ang mga bra sa harap nito. He seems to be so used of the situation. Na tila sanay na ito mamili ng gamit ng babae. Bra’s to be exact.
Siguro ay binibilhan nito ng underwears ang mga nagiging babae nito. Laro ng isipan ko.
I suddenly felt lonely. Sad.
Oh, bakit ka naman magkakaganyan, Selira?
With the thought of him with his girls?
Well, I heard he was a womanizer, but I never saw him with anyone. He doesn’t introduce any girl to us yet. Jacob also told me that his brother never take-home girls into their house.
He got a condominium, though. Maybe that is where he bangs his girls?
Bangs! Lol. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Hindi lang ata boobs ko ang nagmamature ah.
Nakita kong napahawak si Viggo sa kanyang mata na parang masakit ang ulo sa pag-iisip kung ano ang bibilhin nito bago binalik uli ang tingin sa saleslady.
“We’ll buy that and that one, one each of the color it has. Then use this for payment.” Ani nito na tinuro ang item na natipuhan at iniabot ang card nito.
Wow, siya ba ang magsusuot? Siya na ang pumili ah!
“I can pay.” agap ko pero itinaas lang nito ang kamay sa akin habang hindi man lang ako tinitignan.
Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha nito. Oh, kitams, nahihiya din naman ito bumili ng bra e!
“Okay, sir. This will take a minute.”
“Do you do deliver?” tumango ang babae sa tanong ni Viggo. “Good. Deliver it to this address.” Pagkasabi niyon ay isinulat nito ang address ng bahay namin sa isang papel na nakahanda sa may counter.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami sa store na iyon. I want to go home so bad! Ayoko na itong makasama dahil parang wala akong mukhang maihaharap dito.
“Let’s eat first.” Sabi ni Viggo.
Bumaba agad ang balikat ko. Galit ba sakin ang mundo? Lahat na lang ng naiisip ko ay agad na binabara ng tadhana ah.
“Ayoko kumain, Viggo. Hindi ba at natanong mo na ako kanina?”
Napapadyak pa ako ng isa habang naglalakad. Bakit ba masyado itong gala ngayon? Wala ba itong ibang gagawin? Ang alam ko busy ito sa school at negosyo nila, ah? Bakit parang ang dami nitong libreng oras at nagawa pa akong bilhan ng bra? Nagyayaya pang kumain!
“We’ll eat, Selira.” Matigas lang na sabi nito. Tila kinukumbinsi talaga akong kumain kahit na hindi naman ako kumportable na kasama ito kumain. I really hate how he treats me like a kid!
Kahit nga may family bonding ang mga pamilya naming ay hindi ko ito masyadong pinapansin. I don’t know but I’m uncomfortable around him so much.
“Aren’t you busy? Wala ka bang ibang gagawin? Umuwi na lang tayo. Ihatid mo na lang ako. Late ka na rin sa mga appointments mo dahil sa pagbili ng bra ko.”
“What—Damn.” Nagtaka ako sa reaskyon nito. Parang nagulat ito sa sinabi ko. “I have free time. Gutom na ako at wala din akong gagawin kaya kakain tayo. Now pick where you want to eat.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi ganito ang lalaking ito!
In the end, nagdrive thru na lang kami dahil hindi magkasundo kung saan kami kakain.
Nakauwi kami sa bahay bandang alas-syete ng gabi. Walang naghahanap sakin, maybe my parents are not home yet. Kapag kasi nasa bahay ang mga ito at pumatak ang alas-sais na wala pa ako ay natawag ang mga ito sa akin.
Oo nga pala, umalis si Mommy.
“Salamat sa hatid at kain saka sa bra.” Sabi ko at agad nag-init ang pisngi ko nang bangitin ko ang bra. I heard him chuckle. A very short and low chuckle.
“You’re welcome.” Ini-neutral nito ang gear at tumingin sa akin. Tila iniintay na makababa ako sa kotse. Agad nagpanic ang utak ko nang magtama ang mga mata namin.
Mabilis na tinanggal ko ang mga mata sa tingin niya. “Uh—sanay na sanay ka sa pagbili ng undergarments. Binibilhan mo siguro ang mga babae mo, ano?” panghuhuli ko.
Hindi kasi mawala sa isip ko ang isiping iyon. Kapag may tanong ako sa isip ay hindi talaga ako pwedeng matulog na walang sagot na nakukuha, hindi ako makakatulog.
“What?” napalingon ako dito nang medyo tumaas ang boses nito. “Hindi ako bumibili ng bra para sa mga babae.” A slight irritation crossed his face. Agad na parang gusto kong magback-out pero pinigil ko ang sarili ko.
“So may mga babae ka nga?”
“None, Selira.” His tone sounds final.
“Weh? Ni hindi ka nga nahihiya na bumili ng bra para sakin. Sanay na sanay ka.” Hindi na ako magtataka kung bakit naiirita ang mukha nito. Ang kulit ko kasi.
“That was my first time buying those stuff for a woman.” Maikling sabi nito. Tila ba sa sinabing iyon ay nasagot na ang tanong ko. So, I’m that woman, huh? Buti at hindi niya ako ini-address bilang ‘girl’?
But I’m a pushy. I want to push it. I want to know more.
I want to be sure kung wala ngang babae si Viggo at kung hindi niya nga ba yon ginawa sa ibang babae. Ang pagbili ng bra.
I don’t know but I want to. I think I’ll have my peace when I find out the truth.
“Hindi, e. Sanay na sanay ka. Okay lang mag-share sakin na may mga babae ka, Viggo. Halata naman e. Sanay na sanay ka nga bumili ng bra. Kung first time mo iyon, dapat nahihiya ka—”
“Selira.” The kind of voice he produced made me stop talking. “That was my first time and that’s because it’s for you. I don’t have girls or girlfriends. Ginawa ko iyon para sayo. Para hindi mo na maulit pang hawakan ang—whatever you did on the car earlier. Baka sa susunod ay hindi ako ang kasama mo at maulit mo iyon. I won’t like that.”
I kept my silence.
Oh, wala daw siyang babae. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.Bakit ba iniisip ko pa at mukhang big deal pa sa akin kung may babae siya o wala? O kung sanay syang bumili ng bra kaninoman?
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan e.
“Why do you keep telling me what you don’t like about me?” nakanguso kong sabi. He was about to speak but I did not let him.
Hindi ko na inantay ang sasabihin niya. Lumabas na ako ng kotse niya sabay sara ng pinto. Kasabay ng pagsara ko ng pinto ay pagtakbo ko papasok ng gate, hindi ko na nilingon ito muli.
Naiinis ako. Ayokong marinig ang isasagot niya sa akin. Maybe he just don’t like me and he’s just concern for me since our families were close.
Nawi-weirduhan ako sa sarili ko. Bakit ko naman iisipin kung bakit ayaw niya sa akin? Do I want to please him?
Pero hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Lalo na sa kung paano bumilis ang t***k ng puso ko ngayon. Weird. Ngayon ko lang ito naramdaman. May sakit kaya ako?
A week past at hindi ko pa uli nakikita si Viggo o kahit si Jacob. Balita ko ay nag-o-ojt itong si Viggo sa kumpanya nila dahil graduating na ito ng kolehiyo at kakaayos lang ng thesis nito. Si Jacob naman ay naging busy na rin sa school kaya hindi ko ito mahagilap.
I suddenly felt the urge to see Viggo again. I don’t know why. But I also don’t want to see him. Ewan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
The last time we were together, dumating din ang package ng bra na binili niya and it’s a dozen of bra with different colors, and it fits me perfectly.
Suot ko ang isa sa mga iyon ngayon. Well, the quantity he ordered is enough for everyday use. For a whole month! I also dispose my baby bra’s, as Viggo likes to call it. Ibinigay ko na lang iyon kay Manang na may anak ding babae.
“Lira?” a soft knock on my room stopped me from thinking. Si Mommy iyon. “I’ll go in.” sabi nito bago tuluyang pumasok.
Umayos ako ng pagkakaupo at pinanuod si Mommy na naglakad palapit sa akin. Nakangiti ito at napakaaliwalas ng mukha. My mom is so ladylike. Unlike me.
“Bakit, Mom?” tanong ko nang makaupo ito sa kama malapit sakin. Should I share my thoughts with my mom? Or maybe I should not? Baka kung ano ang isipin nito.
“We’ll be having dinner with Madel and her family. Prepare yourself, okay?” sabi nito at pagkuway ngumiti bago ako halikan sa noo.
Tumango lang ako kahit na-excite ako sa balita ni Mommy! Pagkalabas na pagkalabas nito ng pinto ay patalon akong naglakad papunta sa walk-in closet ko. What should I wear later!?
I don’t remember myself dressing up just for the Dela Vega’s but now, and from looking at myself in the mirror, I know that I may be the talk of the night.
Nakasuot kasi ako ng mid-thigh striped skirt na kulay green at black. Ang pang itaas ko naman ay isang fitted white long-sleeves. I also combed my hair which does not need pampering dahil tuwid at malambot na talaga ito.
Ibang-iba ang nakikita ko sa salamin. Hindi ako. Parang hindi ako. Kung noon, okay na sa akin ang nakashorts na above the knee at maluwag na t-shirt, ngayon ay masasabi kong mas bagay pala sa akin ang magmukhang dalaga.
Kinuha ko ang isang branded lipstick na binili sa akin ni Mom last time. Nude pink ang shade nito at mukhang natural lang na labi kapag sinuot.
Hindi ko na inayos ang aking kilay dahil perfect naman ang shape at shade nito kahit hindi na lagyan ng eyebrow products.
Sinuot ko lang ang cute kong tsinelas na pambahay at umikot uli ng isa pa sa salamin.
Okay na to. Sabi ko sa sarili ko.
“Liraaaa.” Isang nakangiting Jacob ang pumasok sa loob ng kwarto ko at nanlaki ang mata ng nakita ako. I smiled wide at him. “Wow!” sabi nito. “I really thought tomboy ka.” Sabi nito na ikinasimangot ko. Agad namang tumawa ito.
“Jacob.” Si Viggo iyon. Nakasunod pala ito kay Jacob.
Of course, si Viggo iyon dahil sa kanya lang lumalakas ng ganito ang t***k ng puso ko. Without me knowing why. Hay nako, nafu-frustrate na naman ako!
“Kuya! Look at Lira! She’s so pretty, right? Akala ko tomboy siya…” Jacob continued talking but I lost focus on his every word when Viggo looked at me. I saw how his eyes searched me whole before he stuck his eyes on mine.
Kakaibang kislap at emosyon ang nakita ko sa mga mata niya na agad nagpapula ng pisngi ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin dito.
“…maybe I should court Lira.”
Ang birong iyon ni Jacob ang nakakuha ng atensyon ni Viggo. Nilingon nito ang kapatid na ngising-ngisi habang nakatingin sa akin.
I don’t know but I felt I need to talk or else, Viggo would say something that Jacob would not like. Am I assuming? Bakit naman hindi magugustuhan ni Viggo ang birong iyon ni Jacob?
Well, lately, he doesn’t like a lot of things.
“Ulo mo, Jacob—”
“Be successful first before thinking of doing that.” Matigas na sabi ni Viggo na agad nagpatahimik sa akin. His jaw clenched at mukhang naasar ito.
Jacob also felt tense because of his brother’s voice. Well, always. But right now, Viggo was a bit different.
Kakaiba ang mukha nito. Mas nakakatakot. Mas seryoso. Mas pinal ang mga salita nito at mas intense ang titig na ginagawa nito ngayon kay Jacob.
And one thing crossed my mind, and I do not know if I’m just being presumptuous.
Does Viggo Dela Vega likes me?